watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3  (Read 28567 times)

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #60 on: May 06, 2016, 08:35:53 am »
^39 weeks and 1 day. Naiinip na ako. Last day ko na papasok sa work. Kasi napagdesisyunan ko na manganak man or hindi, start ko na maternity leave ko from may 10. Medyo nanghihinayang pa. Pero nakukulitan talaga dun sa mga officemates na nagsasabi na wag daw ako manganak sa office.

Sa totoo medyo nakakahurt yung mga nangungulit na mag maternity leave na ako. Di nila naintindihan na ginagawa ko rin naman tong patuloy na pagpasok para sa anak ko. mas late ako magstart ng ML, mas mahaba ang panahon na makakasama ko ang anak ko.

Andaming nangungulit. Even my friends na stay at home moms. Di kasi nila naintindihan dahil di naman sila kailangan bumalik sa trabaho after 60 days lang na kasama ang anak.

Pasensya na napa-rant.

Sa totoo lang,,yung mga nagsasabi na wag ako manganak sa office dahil nag aalala daw sila. Gusto ko sana sagutin na: wag ka mag alala pag nag labor ako dito sa office, di kita aabalahin. I dadrive ko sarili ko papunta hospital. Dahil sa totoo lang, supportive ang OB ko sa patuloy kong pagtatrabaho. At pinalakas nya ang loob ko na makakayanan kong pumunta sa ospital magisa kung sakaling mag labor ako. Wala naman akong balak mang abala ng ibang tao. Pero ang hirap lang nung pinipilit mo kayanin on your own tapos andami pang nega.

Anyway, excited na ako for tomorrow ulit kasi checkup ko ulit just in case di pa ako manganak and gusto ko na malaman kung dilated na ang cervix ko. Sana naman dilated na at manganak na rin ako kasi gusto ko na makita ang little rainbow baby namin.:)

Callmeraciram

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #61 on: May 06, 2016, 12:19:00 pm »
i mga Sis, After ng 3 weeks na 3cm finally lumabas na si baby, nung may 3, pero induce na ako kasi may 5 due ko, super sakit pala talaga ang induce, grabe! 9cm wala pa din hilab, dami tuloy tinurok na pampahilab, sobrang sakit pala nun compare sa natural labor talaga, suko ako CS na sana ako kasi hindi ko mailabas yun pala malaki si baby 4.1kg cord coil sa paa kaya ayaw lumabas kahit anong ire ko, 5 hours ako umiire sobrang wala ng lakas kaya CS na sana pero buti na lang nung last session na ire ko eh finally lumabas na din si Baby

Wantstobeamom

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #62 on: May 06, 2016, 02:25:41 pm »
Hi mga Sis.  Congrats sa mga nanganak na.
I'm a mom now, ang saya!
I gave birth April 12th, through c-section. Kelangan ako i induce at 38w5d kasi ang laki na ni baby at maliit ako.  She's 8.10lbs.  Naglabor ako ng 11 hrs but was stuck at 6cm and due to fetal distress I ended up CS.  It wasn't so bad than I thought after 24 hrs I was up and walking na. And now at 3 weeks post op wala ng masakit at healed na yung incision.  I know as OB adviced kahit wala ng masakit I have to take it easy kasi di ba healed sa ilalim.
That being said may trauma ako sa panganganak.  I am not sure if susundan pa namin bahala na si Lord. Ang sakit  during labor.  Tapos during CS operation gising na gising ako, at yung feeling na para kang kinakatay, umaalog yung operating table sobrang natakot ako. At nagkacomplication pa ako, for 5 days I had a postpartum heart failure.  Thank God di nauwi sa cardiomyopathy at nag normal naman ang ECG ko.  Wala naman akong sakit sa heart pre-pregnancy.  Lahat pala pwede mangyari pag nanganak.  Pray lang talaga.
I don't want to scare anyone iba iba naman reaction and tolerance natin sa mga bagay bagay basta ang masasabi ko lang when you look at your child's face after delivery kahit gano pa kahirap its all worth it. :)

Happy Mother's day to all! Kahit nasa tummy pa yung ibang baby you are already a mother.
« Last Edit: May 06, 2016, 02:47:04 pm by Wantstobeamom »

Mommychinita18

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #63 on: May 07, 2016, 08:05:09 am »
Hi sissies! I am so happy, I gave birth last May 04, 2016, 11:34am at CGH. My OB is Dra. Catherine Go-Sun. I only have good words for her.😊 Here's my labor story. (First time mom nga pala ako).

May 03, 2016
Umuwi kami ng hubby ko sa  Bulacan kasi start na ng Maternity Leave ko. From Parañaque to Bulacan dala namin ang gamit ni baby since di ako madalas umuwi kaya ang plan ko pagdating ko palang sa bahay tsaka aayusin ang hospital bag, nursery room..essentials ni baby. EDD ni baby is May 11. When we reached Bulacan, everything went well pa. Nag ayos ako ng konti ng gamit niya plus naglakad lakad dahil ang taas pa daw ng tiyan ko sabi ni lola ko.  Medyo may nararamdaman akong contraction pero saglit lang at alam kong di pa yun labor. Nag sleep na ko around 12am kasi hinintay ko makauwi si hubby sa Parañaque dahil may work siya the other day.

May 04,2016| around 2:30am

Nagising ako dahil sa pain na parang dysmenorrhea. Tolerable naman. Nagsleep ult ako nun mawala yun pain. After 30minutes, nagising na naman ako sa same pain. Tapos tinry ko magpalit ng position pero after 30minutes ayan na naman. Ang ginawa ko minonitor ko na, hanggang yun pain maging 15minutes nalang ang interval. Naghintay ako hanggang 5:30am para sabihin sa mom ko na sumasakt ang tiyan ko at kailangan namin tumawag ng midwife na kapitbahay para mag IE sakin, para lang icheck yun cervix. Mga 6am dumating yun midwife at in-IE ako, sabi niya 2cm na daw ang cervix ko kaya punta na daw kami sa hosp. Naligo na ko at kinumpleto ang hosp bag namin ni baby. At 7am hinatid na kami ng dad ko sa hosp. Sumasakit yun tiyan ko pero mataas kasi ang pain tolerance ko kaya tahimik lang ako buong byahe. Nakadating kami sa ER ng CGH ng 8:30 tapos in-admit nila ko, in-IE at upon checking nag 6-7cm na agad ako. Grabe ang bilis! Dinala nila ko sa labor room at tinusukan ng IV. First time ko yun. Tapos tinawagan nila si Dra. Go-Sun. Mga 10am yata nakita ko si doc, pinuntahan niya ko at sinabihan na kayang kaya ko daw to. I even asked her kung pano ba pag gusto ko magpa Epidural, sabi niya inform ko lang daw ang nurse at tatawag na yan ng anesthesiologist. Nilagyan din pala ng pampahilab yun dextrose ko, so mga 10:30 grabe na yun pain..parang napupupu na ewan. Sabi ko sa nurse gusto ko magpupu, sabi niya si baby daw yun, di daw un pupu. Tapos 1045am tinawag ko un nurse, sabi ko gusto ko mag epidural..sabi niya sakin "sure ka mommy?'manganganak ka na ng 11:30am! Baka di tumalab ang epid, sayang" tapos tumahimik ako at tiniis ang pain, hanggang sa sabi ko di ko na po kaya masakit talaga. Dun nila ko dinala sa Delivery Room. Grabe yun. Yun pain na gusto mo talaga ipush. Yun hawak ko sa bakal na hawakan para makatulong sa pagpush ang higpit, plus kinakagat ko yun lips ko. Groggy ako pero naririnig ko un nurse na kinakausap ako...☺️ Pagod na pagod na kasi ako magpush. Hanggang marinig ko "baby is out! Healthy baby girl" tapos nilagay nila sa tiyan ko. Nakita ko si baby girl na nakadilat at nakatingin sakin. Priceless! After nun..tulog ako. Hahaha. Nagising ako kasi mahapdi yun tahi.

Total bill namin ay 31,000php kasama na ang 1 1/2 day na accomodation sa private room sa old bldg. pati bayad kay pedia nandun na din. May bawas na yan ng philhealth plus binigyan kasi ako ni doc ng 5k disc 😇☺️ Super happy ako! Without Epidural pala yan, add 10k kung mag painless ka. 🙃

loidyloids

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #64 on: May 07, 2016, 03:10:45 pm »
@Mommychinita18: Congratulations sis!  :)

-mommy from 3Q  ;)

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #65 on: May 07, 2016, 09:38:57 pm »
To all mommies who gave birth already, nakakahiga na ba kayo flat on your back? Parang ako hirap pa rin, I still feel pregnant. Parang nasanay ako na elevated pa rin ang head and side lying.

Kakamiss din pala maging buntis. Totoo pala sabi nila, enjoy resting and sleeping while they last. :)

Congrats to all those who gave birth already! And good luck to those waiting.

mara.xv

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #66 on: May 08, 2016, 12:29:17 pm »
Congrats to all mommies na nanganak na! Happy Mother's Day din!

I'm scheduled for a CS this wednesday. Hindi kasi umaayos ng position si baby and I'm already 3cm. This is actually my second baby. Pero sa firstborn ko normal delivery naman ako. Mas nakakatense pala ang naghihintay kesa sa biglaang manganganak ka na lang! 😝

Good luck sa ating lahat na naghihintay!

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #67 on: May 09, 2016, 09:44:32 am »
Hello mga momies!! Kamusta na??

Nakaka stress ngyari saken 
april 30, 7:30pm  nag rupture na bag of water ko, after one day ko ma discharge sa hospital balik hosp nanaman.. By 8pm nasa makati med na kami.. 12 hours ako nag labor.. Grabeh sakit ng likod   ang husband ko kasama ko para mag comfort saken naiinis pa ako dahil panay hipo sa likod ko haha. Anyways. 5am ng May 1 labor day indeed!  nag 5cm na cervix ko sabi ng OB na nag IE saken at nakiki usap na ako na saksakan na ako ng epidural sabi pag 6cm na daw kasi nakaka slower day ng pag open ng cervix ang epidural At eto ang WINNER!! Mejo na late na ang anestesiologist.. Ihahanda na ako position para saksakan ng epidural pina upo ako sabi ko sa mga nurse wait lang dahil nag cocontract at ang sab ng OB wag ko iire. Sabi ko di ako umiire. Mukang lalabas na. Pinahiga ako para IE Ulit.. Then sabi lagay na ako sa table ng DR.. Na stress talaga ako. Sabi ng Anest local and ad block ang gagawin niya.. Ei alam ko kahit mag local at ad block ako wala epek masyado..  Bilis lang ng mga pangyayari  by pass 8am ramdam na ramdam ko pinaka masakit na randaman ko.. Pati pag gupit ng pwerta ko dun ako napasigaw ng sobra.. Then after tatlo push lumabas na si baby. 

The best feelng yung nadinig ko yun iyak ng baby ko. Sobra ako naiyak..35 weeks si baby weight niya 2.1 kilo grams. 18inches... Thank God hindi siya na incubator!  At di ko din pina room-in si baby nasa nursery lang siya ako pumupunta sa nursery pag papadedehin ko siya.. Sabi mg OB ko buti na lang na normal ako after ko ma surgery sa gall bladder,  may tubo ako sa tyan then nakuha ko pa manganak ng normal.. After ko ma transfer sa room. Nag inject si dra. Ng malakas na painreliver ayon naka tulog ako pag gising ko nandun na si baby pinadede na.. Super sarap ng feeling!! 5 days. Kami sa hosp. Kasi si baby need photo therapy..

Isang surgery na lang inaantay ko after 2 weeks aalisin na yun T-tube ko.. Konte tiis pa!!

Sa mga nanganak na mommies here!! Congrats satin!! And Happy Mother's Day!!  God bless satin lahat :-* :-*

« Last Edit: May 09, 2016, 09:51:13 am by littlekinselle »

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #68 on: May 09, 2016, 12:12:29 pm »
Congratulations mga mommies who gave birth already!!! :) So happy to hear your stories, aahh kinakabahan na ako. Hehe

Littlekinselle, good to know nailabas mo si baby ng safe despite everything.. How are you recovering so far? will pray for you speedy recovery, and ang strong ni baby mo kahit 35 wks lang di na kinailangan mag incubator! Nakakatuwa naman :)

Fionaapple, how are you? Did you give birth already? Wag mo na lang pansinin mga comments sa office nyo, im sure concerned lang sila sayo. :) balitaan mo kami ha.

I'm 36 weeks na. 9th month na grabe this 3rd trimester parang ang bilis! Had my BPS last weekend and although normal pa naman daw ang fluid ko, my OB said it's more on the lower limit. Sabi nya earliest na manganak ako is by 38th week. Waahh super lapit na. Kinakabahan na ako sa labor. My baby is already 6.6lbs, and most of her measurements are ahead ng 1 week. Kaya naman pala sakit na lagi ng likod ko kasi ang laki laki na ni baby. She's very active most of the time, and feel ko na nasisikipan na sya sa loob. Wala pa kong any signs of labor. Di pa ko in-IE ni OB last saturday. Pero she asked me to take na Primrose para ma-ripen ang cervix.

Tomorrow babyahe pa ako from Batangas to Manila so hopefully unti unti ng bumaba si baby. Maglalaba na din ako at maglilinis ng house. Susulitin ko na hangga't kaya pa. Hehe.

Miss Granger

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #69 on: May 10, 2016, 01:33:46 pm »
Congrats sa mga strong mommies who gave birth na! Nakakainspire basahin mga stories niyo and naiimagine ko na sarili ko pag andun na ako, paano kaya? Hehe, anyway, enjoy your LO's.

Sis empress and hush - Late rep, 3rd trimester na yung mas frequent na cramps ko lalo na sa gabi nagigising tlaga ako sa sakit. So sinabi ko din to kay OB and binigyan niya din ako ng vitamins since kulang nga daw sa calcium. Pinastop na din pala ni OB yung isang vitamins ko, yung OBSmart so iron and yung new vits nalang iniinom ko.

Going 33 weeks na, ganun pala tlaga habang lumalapit na nag iiba na feeling, mas exciting na. Gusto ko na din malaman kung gano na kalaki si baby!

i_am_zayda

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #70 on: May 11, 2016, 12:46:27 am »
Hi mga sis! just want to report na nakapanganak na din ako last May 4.
EDD was supposed to be between May 8-12 but during my routine check-up last May 3, pagka-IE sa akin ng OB ko ayun my water bag broke. Mejo natakot pa nga ako kasi nung nagpalit ako ng gown at pagtangal ng undies may color green sa undies ko (sorry TMI) but baby is okay.14 hours din ang labor ko. So ininduce nila ako at kinabukasan na nga lumabas si LO mejo natagalan pagbukas ng cervix ko eh. pero paglabas ni LO sobrang saya. hindi ko na nga namalayan yung episiotomy eh. hay nakaraos na din.. pero di pa rin tapos, puyatan blues na.
Good luck sa iba pa nating mga sis na manganganak pa lang... kaya nyo yan!

Miss Granger

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #71 on: May 11, 2016, 10:04:38 am »
Congrats Zayda, tanong ko lang pag ka IE sayo kaya na broke yung water bag mo? Kasi i have a friend din nung IE din daw siya bumuka daw cervix niya kaya nanganak na siya nun last week ng april alam ko kasi May pa siya dapat.

little - take care ha and hope everything will be okay.


Is it true na masakit yung IE or it depends sa OB? Last few weeks siya magstart before the EDD?

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #72 on: May 11, 2016, 04:58:49 pm »
Mommy simang okay naman ako, thank you sa prayers!! Nakakaya ko pa mag pa dede every 2-3hrs kay baby. Kahit may T-tube ako hehe.. Si baby mejo jaundice siya kakagaling namin sa check-up kahapon..premature kasi kaya common un mag jaundice, paaraw galore siya tuwing early morning..

Excited na ako manganak ikaw:) wag ka msyado mag papakapagod konte konte lakad lang..  ;)

i_am_zayda

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #73 on: May 11, 2016, 06:04:33 pm »
Hi Miss Granger, siguro may factor ang pag-IE sa akin.. biruin mo inikot ikot nung OB yung daliri nya sa loob ko...

I think depende sa gagawin ng OB at sa pagbukaka mo kung masakit o hindi ang IE. Sa 3 beses ako nag-IE may 1 time na di naman ako nasaktan.

krissy_629

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #74 on: May 11, 2016, 09:20:14 pm »

May 05, 2016
Thursday
39 weeks and 3 days
BOY
7:25AM
Makati Medical Center

Here's my labor story:

May 04 around noon niyaya ko husband ko manood ng just the three of us, last full show 10:30pm.
Sabi ko mag jeep ako papuntang MOA then gala na rin para matagtag. Kaso around 4pm nagbago isip ko sabi ko antay ko na lang siya from work para may kotse.

Dinner muna sa bahay then go to MOA na. May mga binili muna kame sa dept store. I remember medyo sumasakit yung upper back ko while walking.  Tapos movie na. 12:30 na natapos yung movie, close na elevator so nag hagdan kame from 2nd flr going to 4th flr parking. Hubby suggested na antay ko na lang siya sa baba pero sabi ko hagdan na lang ako para kako pagdating sa 4th floor eh mag labor nako, hehe!! So ayun ok naman nakarating kame sa kotse na wala naman masakit or any signs of labor. Pagsakay ko sa kotse medyo parang sinusuntok na yung bottom area ko, napapaangat ako sa kirot.

Pagdating sa bahay sabi ko parang napupoops ako. Nitry ko wala naman so nag shower nako. While brushing my teeth i can feel yung cramps na nag start sa lower back going to the middle of my tummy tapos parang maninigas. Pag balik ko sa kwarto sabi ko kay hubby, magshower ka na, do your business na etc kase parang malapit nako manganak. So while waiting for hubby, basa basa muna ako ng labor stories and signs. I can still feel the cramps while reading. Pagdating ni hubby, nagpa massage ako ng likod tapos sabi ko itulog ko muna. But first wiwie muna ako, tapos ayun pagtayo ko nag gush na yung water bag ko around (2:30AM) so ayun na nag ayos nako and nag make up, hehe!!

Si hubby medyo panic ng slight sabi ko chill ka lang, wala pang masakit. And 10 to 15 mins away lang kame sa MMC.

Pagdating sa MMC (3AM) park then deretso na kame sa DR. Usual routine, may naka ready nakong note mga 5 copies para sa mga usual questions. Requested for birthing room #3. Buti vacant naman at that time.

Nilagay muna ako sa triage, hook up sa fetal monitor. Wala parin masakit just the shooting pain sa bottom pero tolerable. Sinilip ako ng nurse sabi wait lang daw yung resident OB na titingin sakin. Based dun sa reading wala akong regular and strong contractions sabi ng nurse. I can still feel the water gushing. Napupuno na yung pads ko. May sumilip na doctor, kala ko titingnan nako pero nung mukang aalis na sabi ko magtatanong lang po kung sino titingin sakin, sabi nya ako. So sabi ko kc madami na yung water na nalabas sakin baka mag dry nako. So sabi niya sige IE kita. So ayun 4cm na, then clear naman yung water na nalabas sakin. Pag check niya sa monitor no contractions parin ayun pala di naka posisyon ng maayos yung belt for monitoring. So inayos na ulit then iniwan nako para itawag sa OB na may contractions na and 3 mins interval.

So antay antay chill lang kase wala pang masakit. Nung finally for admission na, around 4:40AM nilipat nako sa birthing room #3 which is bigger and nicer than BR# 1&2.

Sa CR pagpalit ko ng gown, napifeel ko na parang mapupoops ako. So higa nako sa kama then nag sabi ako sa nurse na parang napupoops ako.

Hubby was with me na rin so picture picture muna while tinatawag na yung  staff and team ni OB. On the way na si OB and Anes. Maya maya sabi ko sa resident OB doc medyo masakit na yung contractions. Nifollow up sila OB and Anes. Humingi ako ng ice chips kase dry na yung lalamunan ko.

Pag IE sakin nung resident OB 8cm na and masakit na talaga. So sabi ko paki follow up yung Anes. May nilagay den pala sakin na pain reliever na walang kwenta kase di yata tumalab.  Pagdating ni Anes ang nilagay lang sakin yung mild anesthesia (ad block)kase malapit na daw so baka no need na for epidural, kala namin talaga epidural na yung tinusok sa likod ko. Nalaman ko lang na mild yun nung nag complained ako masakit parin yung contractions. Keep on asking for epidural pero ayaw ako bigyan so they coached me lang na inhale sa ilong then exhale sa bibig. Si hubby ren todo coach sakin while holding my hand. Para nga akong baliw na kase nagmamakaawa nako na bigyan ako ng epidural. Nung finally pumayag yung anes for epidural and anjan na ren si OB ko. Parang 9cm na yata ako nun. Hindi yata full dose yung tinurok sakin kase feel na feel ko parin yung urge na mag push due to contractions.

While naka curl pala ako para sa paglagay ng epidural sa back ko sabi ko sa anes, doc pakibilisan yung paglagay kase may contractions na naman na paparating and ayaw ko na siya mafeel!!! Btw mas masakit ang contractions than paglagay ng anesthesia sa back.

Nung pumwesto na si OB ko sabi nya isang matinding push. So push ako for 20 secs/count grabe parang super haba nun and kapagod, pero mafifeel mo talaga na need mo magpush. So while pushing either hawak ko hand ng hubby ko or nung anes or nung nurse, hehe!! Pero di ko naman nigrip. Meron yung parang napapalo ko yung kama while pushing. Grip sa bed rail. Naka 5 or 6 long push yata ako mga around 20 secs/count. Meron den kase putol putol yung pag push ko. While nag subside yung contractions para akong baliw na naungol na ayaw ko na. May lumapit na nurse na medyo malaki katawan, puwesto para ipush yung tummy ko sabi ko kay Doc wag na lang po kase  masakit pa yun sa contraction and i remember kase sa 1st baby ko nagkapasa ako sa tummy. Sabi ni Doc sure ka? Sabi ko opo so ayun, nag move away na si nurse.  Btw naka face upward si baby so kaya masakit kahit may anesthesia na. Pinaikot pa sakin ni OB si baby kaya kailangan super long push kase kung hindi CS nako. Buti na lang fighter si baby kase no fetal distress naman. Nung finally umikot na si baby, sabi ni OB isang matinding push, hinanap ko muna si hubby kase sabi ko i want to hold his hand kase felt like dying na. so ayun nung nafeel ko na ayan na yung contraction sabi ko ready to push nako so i pushed all my strength and ayun baby out at 7:25AM.
Ni placed na sa tummy ko for unang yakap then crawl na sa chest ko for latching.

Paglabas ni baby parang magic na nawala lahat ng sakit. Yung placenta di ko na need ipush kase parang nagslide na lang yata.

Hubby kissed me and said he loved me. Then looked at our son and kissed him tapos picture picture while tinatahi ako ni OB.

OB said pala na di ako napupoo pero nagulat pako na hindi kase nafeel ko yung urge na parang napupoops ako. Pero alam ko i farted nung nag curl ako for epidural, hehe!! Regular naman den kase yung bowel movement ko and nung nag 37 weeks ako talagang konti na lang kain ko para just in case anytime pwede nako manganak eh di naman puno yung tummy ko.

Super worth it as in!! Sana di kayo matakot sa kwento ko, yes masakit pero sandali lang naman yun after mo mailabas si baby, ginhawa na ng pakiramdam.

Good luck mommies and have a safe deliveries!

MrsCapalungan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #75 on: May 11, 2016, 09:36:25 pm »
June 26 is my EDD. Yet I already filed leave sa work ko last May 2. Due to spotting at may lumalabas na tubig saken. Like yours mga sissy. Excited na ko manganak :) Congrats sa mga mommy na nakapanganak na :)

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #76 on: May 12, 2016, 05:12:30 am »
^wahh mommy krissy such a detailed story, nakakatuwa basahin! I'm considering walang epidural, sana kayanin ng powers ko. Good job kay baby for not being in distress! And of course, i can imagine the feeling when you finally held your baby aww. How are you recovering so far?

Miss Granger

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #77 on: May 12, 2016, 10:17:39 am »
krissy - nakakatouch kwento mo, naiimagine kong andun ako sa lagay mo. Hehe. You're so brave din kasi kinaya mo lahat ng pain habang wala pa epidural.

Lately, naninigas tummy ko. Kayo ba?


Zayda - Mukang masakit nga, hala buti nalang okay kayo ni baby. Ganun ba tlaga yun?

theEmpress

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #78 on: May 12, 2016, 12:18:19 pm »
^^ miss granger, parehas tayo 33 weeks. scared and excited na ako pero feeling ko malayo layo pa rin sa 37 weeks. san ka manganganak sis? MMC ako.

MrsCapalungan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 3
« Reply #79 on: May 12, 2016, 12:36:22 pm »
krissy - nakakatouch kwento mo, naiimagine kong andun ako sa lagay mo. Hehe. You're so brave din kasi kinaya mo lahat ng pain habang wala pa epidural.

Lately, naninigas tummy ko. Kayo ba?


Zayda - Mukang masakit nga, hala buti nalang okay kayo ni baby. Ganun ba tlaga yun?


33 weeks here din po. Mag 34 na this sunday :) Madalas tumigas tummy ko. Aside dun. May pagsakit minsan ng back :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close