I just want to share a family problem and ask for advices as well...
Just a brief bg:
- Mom and dad are married for 33 yrs
- 5 kaming magkakapatid. Yung isa (33y/o) may asawa na hiwalay na ng bahay saamin. Yung 2 naman (31 y/o and 24 y/o) nasa ibang bansa na for work. Naiwan dito sa house kami ng kapatid kong bunso. Im 20 and she's 10.
So here it goes...
Yung bunso namin came to my room 3 nights ago. Umiiyak siya. Sabi nya may nalaman sya. Nakita nya daw ang viber ng mom ko (same room pa sila eh). May ka viber na guy and nag eexchange ng i love yous. 'Asawa ko' pa raw ang tawagan. At first akala ko joke lang. Mahilig rin kasi maki pag chat mom ko sa friends nya. Sabi ng bunso, hindi daw talaga. she even got my phone and took a picture of the viber conversation of my mom and the guy. So ako naman super shocked talaga. Kasi akala ko, sobrang unlikely na gawin nya. Nakakadismaya.
Sinabi ko to sa ate ko kasi she goes to our house naman every now and then to visit us kasama anak nya. Turns out, alam nya na pala matagal na. Nakita nya din daw sa viber. Hindi lang sinabi samin para wag masira perception namin sa mom namin. Kilala nya din yung guy. Super tagal na as in. Kinder palang daw yung ate ko nung nag start ang affair. Fellow parent din yung guy kaya nagkakilala pati yung mom ko. Yung anak nung guy, kaklase ng ate ko hanggang grade 4 bago nag migrate yung guy sa U.S. So sabi ko, ano ba dapat gawin? I confront ba yung guy? Mom ko? Ano uunahin???

Sabi nya, tell our brothers. Yung dalawang nasa ibang bansa to get their opinions as well. So I did.
Galit na galit sila.

Lalo na yung kuya kong 31 na. Sabi nya, puro ka plastikan lang pala ang mga nangyari. Tuwing mag aaway kasi mom and dad namin, lagi kaming kampi kay mom kasi dinidiin nya palagi yung mga mali ng dad ko, may babae, mahirap pakisamahan, kung
[textspeak!] ano. Hindi kami close sa dad namin masyado so kumakampi kami sa kanya. Pero this time, sorang awang awa ako sa dad ko. Wala syang kaalam alam. Kaya pala ganun nalang ang hatred ng mom ko sakanya.
True enough, hindi nya kami pinabayaan. Nakatapos naman kami lahat sa magagandang school. May kaya naman kami. Wala ko masasabi kasi good mother siya saamin. Pero naiisip ko lang, personally, never magiging justifiable kahit kelan ang third party. Cheating! Adultery! Nakaka bwisit!!! Ang unfair nya saamin. Kinausap siya nung kuya ko. Galit na galit talaga. Plano pa naman nya umuwi ng Pilipinas sa May. Sabi nya sakin baka hindi nya daw pansinin si mommy.
Kinausap ko mom ko about dyan. Sabi nya naman, hindi daw siya masisisi. 20 y/o lang daw sya nung kinasal kay dad. 24 daw sya na inlove dun. Bata pa daw sya nun. Until now hindi na daw talaga naalis. Diba wtf? At sabi nya wala naman daw masama kasi hindi naman daw sila nagkikita and alam nya naman na hindi pwede maging sila. Masaya na daw sya sa simpleng viber. Ang akin lang, hindi simple yun. Asawa ko ang tawagan. Mas nag iiloveyou pa sya dun kesa sa dad ko. Ang unfair lang.
Gusto ko syang iwasan. Gusto ko rin sabihin sa dad ko pero hindi pwede kasi baka magpatayan na sila. Kaming dalawa lang ng bunso ang naiwan sa bahay. Hindi ko ata kakayanin. Gusto kong maawa sa kanya pero mali kasi talaga. Ano bang gagawin ko? Paano matatapos to? Parang wala din balak tumigil mom ko kasi masaya daw siya dun. Galit na lahat ng kapatid ko sakanya.
Please help me. Sorry if super haba. Tnry ko lang ma idetail ang impt points para hindi bias.
Thank you everyone.
