Author Topic: Hubby left his job  (Read 20061 times)

janachen

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #60 on: July 20, 2016, 09:03:42 am »
^^ Agreed.

Kailangan natin timbangin yung pinagdadaanan ni TS. Iba na kasi ang mga lalaki ngayun. Padalus dalos kung magdesisyon.

Unang una talaga dapat sinecure ni hubby yung pangfinancial nila. Pinagdaanan ko yung situation na sumuporta ako sa partner ko, nagresign sa work at nagpatayo ng biz tapos nganga sa bandang huli.

Nafrustrate tapos kahit anung apply sa work hindi na matanggap ayun bumarkada. Bandang huli naghiwalay kami.

Anyway, ang laking issue talaga sa relasyon yung pera. Ramdam kita TS.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #61 on: July 20, 2016, 03:57:48 pm »
For a P500 pesos per week na kita at 3 kami kakain? Nope, I won't be a cheerleader baka hambalusin ko pa siya!  ;D

Seryoso ah, totoo ang asawa dapat una sa priority tapos ang anak ay second. Pangalawa man ang anak, still a priority. P2,000 a month na kita, may pambili ka pa ba ng groceries niyan at pambayad ng kuryente manlang?

Yung 6 hours of travel everyday? wow! 2 hours nalang parang bumiyahe ka narin papuntang baguio araw araw. No it's not feasible. Malaking kalokohan.

Pride kasi ng husband, kailangan ibaba. Yung abot hanggang sahig. Kailangan din kasi ipaunawa sakanila na ang buhay hindi rin umiikot sakanila lang. Nag asawa sila so dapat kasama mo rin ang asawang sa pagdedesisyon. Hindi aaktong batang spoiled brat pag di napagbigyan ngangawa.
« Last Edit: July 20, 2016, 04:01:21 pm by lovemeagain30 »

shinies

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #62 on: July 20, 2016, 05:27:16 pm »
Nagresign na tapos tinayo na yung negosyo. Sa todong suporta, wala na nagging at away, tulong na lang o moral/emotional support. Yan ang sinasabi kong posible na kulang kaya ganyan si mister.

Oo, nakakainis na nagdesisyon mag-isa at walang plan B, C, D, etc. Pero kung simula noon hanggang ngayon, yung pagkakamali ni mister ang pinanghahawakan, paanong hindi magkakalayo ng loob ang mag-asawa? Imbis na magtulungan, imbis na pawiin ang pagod at stress ng pagmamahal, sa mga nagawang mali lang nakatingin pareho.

Parang naging contest lang na sino ang mas stressed? Ginusto ni mister kaya ngayon eh magdusa siya dahil matigas ulo niya? Bakit gugustuhin matuto ng leksyon yung taong mahal mo para lang masabi na tama ka?



Yung sa 500, approach/outlook ang punto diyan. Pwede naman ipaintindi na kulang at pagusapan paano makakaraos nang hindi mababa ang tingin sa pagsisikap na ginagawa ni mister.



Pareho silang nagpakasal kaya kung maghihiwalay, pareho din sila susuko sa isa't isa.
Di ba sabi ni mister wala daw ginagawa si misis kaya gusto makipaghiwalay? Dahil sa inis sa ugali ni mister eh hayaan na lang maghiwalay na sila?
Pareho puro stress at inis na lang sa isa't isa kaya pareho sumusuko na.



Eto na nga mismo sinabi ko na parang contest na ang nangyayari kasi nga puro stress lang sila pareho at normal naman mastress sa sitwasyon >>> Sana wag na lang magkwentahan ng sakripisyo kundi isipin nila ang brighter side.



Walang pagkakaiba ang noon sa ngayon ukol sa pangangailangan na ang asawa mo ay katuwang mo sa buhay > for richer or for poorer

Hindi dekada ang nakalipas diyan sa kwento ko. Kailan lang yun binatawan ng nanay ko trabaho niya para magkasama sila ng tatay ko magpursige sa ibang bansa. Lahat kami nagtiis nun at nagtipid sa lahat ng bagay.
Nagsimula din sila sa wala kaya siguro walang alinlangan nanay ko magtiis hanggang ngayon. Malaki tiwala niya sa kakayanan ng tatay ko at kitang kita ito sa LAHAT ng mga pinagdaanan nila.
Siyempre ang nanay ko gusto din naman ng matiwasay na buhay pero sa panahong mababa ang estado ng buhay, ni minsan di ko nakita na mababa ang tingin niya sa tatay ko at ni minsan di sila nagaway sa pera.

Si misis ay di naman dapat nagaantay lang na magbunga paghihirap ni mister. Kailangan talaga pareho may gagawin.

Siguro ang talagang kaibahan ng noon sa ngayon eh yung sa internet ngayon >> WE WERE BORN IN A TIME WHEN IF SOMETHING WAS BROKEN, WE WOULD FIX IT, NOT THROW IT AWAY.





Wala akong nakikitang magandang bunga sa paninisi sa paguugali at panglalait sa mga pagkakamali ni mister kung gusto pa masalba relasyon. Ok pa kung titignan yung nakaraan para magisip ng paraan paano makamove forward o kaya paano imanage kung ganito ang partner mo. (sana may psychologist na sumagot dito)

Tingin ko kaya pa ito ayusin pero kailangan din ng matinding selflessness kay misis. Kakalimutan ang pride. Kakalimutan na tama si misis. Kakalimutan yung galit, stress, lahat ng nega na nararamdaman..
Unfair? Oo sobra! Pipiliin na lang siguro ano ang bibitawan, sariling pride o marriage. Ayaw na gumalaw ni mister eh di si misis na lang..

Madali sabihin, mahirap gawin pero di ba ganito naman talaga ang buhay? Ang pwede mo lang gawin eh ibigay ang lahat kahit ubos na ubos ka na, ito lang ang paraan.


Ngayon eh kung di kaya magbigayan at kung sa tingin wala nang maibibigay pa, ituloy na nga lang ang hiwalayan na yan.

Girltalker2

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #63 on: July 20, 2016, 07:14:34 pm »
Iba na kasi ang mga lalaki ngayun. Padalus dalos kung magdesisyon.


Bakit nga ang daming cases na ganito? Para silang nasa make believe world. Puro imagination at panaginip. Never studied, analysed the situation. Parang nagkulang ng turnilyo yung utak? Feeling ko my teen kids can even make better decisions than these morons.


Unang una talaga dapat sinecure ni hubby yung pangfinancial nila.


I super agree with you sis. Napagdaanan ko na mawalan ng work na ako lang ang tanging breadwinner ng 2 kong anak. Kahit pa alam ko I can ask money from my siblings or parents, Hindi ko hahayaan na wala akong income forever or ibuhos lahat ng natitirang savings sa negosyo. Because I know, sa akin Lang nakaasa mga anak ko, at ayoko maging pabigat kaming 3.

Kaya para sakin, who in the right mind, head of the family pa, will resign AND demand the wife to resign din otherwise maghiwalay nalang sila? Selfish and never thought of his kid's welfare. Hindi iyan ang matatawag mong matinong padre de pamilya. Sablay naman kasi ang diskarte nya every step of the way. At sya pa ang may apog ngayon makipag hiwalay, after all the stress and anxiety he has subject his wife because of his wanton decisions.


lovemeagain30

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #64 on: July 20, 2016, 07:21:33 pm »
^Sis shinies maitanong ko lang, no offense meant ah, married ka narin ba and do you have kids?

what you mentioned kasi parang narinig ko rin yan from my single friends when they try to give opinions regarding marital matters. i understand where they're coming from kasi siyempre wala pa sila experience magpamilya so they're commenting on what they know and how they were raised.
« Last Edit: July 20, 2016, 07:23:52 pm by lovemeagain30 »

Periwinkle25

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #65 on: July 20, 2016, 07:29:38 pm »
Keep the communication open, sis. As much as possible, i-console mo si hubby and try to boost his confidence on both the business and his efforts in finding another job. Just let him feel that you trust his decisions but you cannot give up your job now that you're financially unstable. You have to talk personally and weigh the pros and cons of the things that you both did and the steps you're going to do.

Kami din dati ni hubby, pinagresign niya ako(I was an OFW) kasi ok yung income niya dito then after 2mos, he had to resign dahil sa stress. Imagine my emotional distraught lalo pa at nagpapaaral ako ng kapatid that time at yung savings namin was just 100k.  He asked me to help him put up a business just to meet our basic needs at pikit mata naming isinugal yung whole savings then nag-pawn ako ng alahas for my brother's tuition fee. Thanks heavens, nabawi namin in 3months. Kahit apprehensive ako nung una, ipinaramdam kong full support ako. Ipinaramdam ko din sis na yung failure niya will be our failure at babangon kami uling dalawa kung sakaling hindi nagsucceed yung plans niya.

Syempre mas complicated yung situation mo kasi you are both a wife and  a mother. Pero sana mas iparamdam mo na hindi ka man physically present, kasama ka sa  mga decisions niya. Like when he started with the business, magresearch ka kung anong puwedeng strategies to boost your sales or to make it more known to the area.  Yung tipong  alam niya na may tiwala ka sa kanya. About sa job hunting, positive trait naman yun kasi di siya sumusuko. Puwedeng you suggest him that a part of both your salaries will be alloted to hire a more experienced baker. Kasi sobrang ganda ng negosyo dito sa pinas sis. In 3 years time, nakapagpagawa kami ng bahay namin. I hope you'll be more open minded to giving the business a chance. Ipakita mo na sa inyong dalawa yun, na kasama ka niya sa battle at mas involved ka in making it successful.

Girltalker2

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #66 on: July 20, 2016, 08:02:56 pm »

Oo, nakakainis na nagdesisyon mag-isa at walang plan B, C, D, etc. Pero kung simula noon hanggang ngayon, yung pagkakamali ni mister ang pinanghahawakan, paanong hindi magkakalayo ng loob ang mag-asawa?

Actually it is not hubby's past mistakes. It is his OWN future decisions na maling mali na, pinipilit parin nya, imposing it on TS without any consideration sa magiging situation ng asawa at anak nya.





Yung sa 500, approach/outlook ang punto diyan. Pwede naman ipaintindi na kulang at pagusapan paano makakaraos nang hindi mababa ang tingin sa pagsisikap na ginagawa ni mister.


Ito nga yung sad part eh. Nakapag Tapos naman si hubby, how many times do you have to explain, or do you really need to explain this In the first place na di kayo mabubuhay sa 500/week income?

Hindi ba common sense?





Pareho silang nagpakasal kaya kung maghihiwalay, pareho din sila susuko sa isa't isa.
Di ba sabi ni mister wala daw ginagawa si misis kaya gusto makipaghiwalay? Dahil sa inis sa ugali ni mister eh hayaan na lang maghiwalay na sila?
Pareho puro stress at inis na lang sa isa't isa kaya pareho sumusuko na.


I don't think si TS sumuko. Si TS pa ang walang ginagawa? Eh di ba nga sya naman kasi ang nag decide at Hindi naman sya humingi ng opinion ni TS, so how can TS do something she haven't agreed with?




Malaki tiwala niya sa kakayanan ng tatay ko at kitang kita ito sa LAHAT ng mga pinagdaanan nila.


Iyan nga eh, how can you trust someone who cannot even understand that 500/week income cannot feed the 3 of them.




Si misis ay di naman dapat nagaantay lang na magbunga paghihirap ni mister. Kailangan talaga pareho may gagawin.

Exactly. That's why TS is holding on to her job. Because that's the best way she knows how to support the family, including hubby. Para di sila lahat pupulutin sa kangkungan.
And yet, the only way TS knows how to save their family is by keeping the job, Tapos pinapa resign pa sya ni hubby.




Wala akong nakikitang magandang bunga sa paninisi sa paguugali at panglalait sa mga pagkakamali ni mister kung gusto pa masalba relasyon. Ok pa kung titignan yung nakaraan para magisip ng paraan paano makamove forward o kaya paano imanage kung ganito ang partner mo. (sana may psychologist na sumagot dito)


Iyan naman ang pinag uusapan, how they can move forward. Pero ayaw makinig ni hubby. And just insists on his way na high risk.



Tingin ko kaya pa ito ayusin pero kailangan din ng matinding selflessness kay misis. Kakalimutan ang pride. Kakalimutan na tama si misis. Kakalimutan yung galit, stress, lahat ng nega na nararamdaman..
Unfair? Oo sobra! Pipiliin na lang siguro ano ang bibitawan, sariling pride o marriage. Ayaw na gumalaw ni mister eh di si misis na lang..


Matinding selflessness ni misis to compensate for the matinding selfishness ni mister? This is not marriage. And it is not about fairness, it is about loving the other person and looking at everyone's well being. Si hubby ang pride at sarili lang iniisip.
« Last Edit: July 20, 2016, 08:05:09 pm by Girltalker2 »

Shadow Angel

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #67 on: July 20, 2016, 08:16:27 pm »
@shinies ano raw magtiis sa travel time napaka impractical naman yan. Alam mo ba mas nakakapagod magbiyahe kahit sariling sasakyan kesa mag work. Bukod sa doble pa gastos sa pamasahe ang mahal ng pamasahe ngayon. Hindi ko sinasabi wag magsacrfice for marriage pero depende yan. Saka matutuwa ka ba na 500 lang kita per week kulang na kulang yan. Tandaan may anak sila hindi lang sila 2. Wag mo icompare noon at ngayon. Iba na panahon ngayon. Sana magawa mo payo mong yan pag ikaw na ang nasa sitwasyon.

stylus

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #68 on: July 20, 2016, 09:41:52 pm »
My hubby resigned from his work too. Almost 2 months na sya di nagwowork at nagsstart na rin ng business (electrical and industrial supplies). At first, hesitant din ako na ako lang ang magwowork. Pero nakita ko kung gaano sya kadesidido. Ayoko sya madiscourage dahil lang sa pagka nega ko. Saka alam kong kaya nya dahil kahit ako nagagalingan sa kanya. So far, kakatapos lang nya magprocess ng dti, permits, bir. Magastos. Labas nang labas ang pera kahit di pa kumikita. Pero sinusuportahan ko lang sya. Never ako kumontra sa kahit anong paraan. Hehe. Para by the time na di masyado maging okay ang business, (na wag naman sana), issuggest ko na baka dapat magwork na sya ulit tutal nagtake na rin kami ng risk ng ilang months.. Pero kilala ko naman hubby ko, baka kami pa nga sumuko na kulang kapital pag nakakuha sya ng malaking project.

Kaya nung nakita ko itong thread.. hmmm.. siguro nga sinuportahan ni TS si hubby nya pero hindi 100%. Di mali yun at hindi maiiwasan na mag alala para sa future.

Sa husband naman.. sana napag isipan kung ano ang gagawing business. Wala ba ibang option? Kasi medyo mahirap isustain ang food business. Bukod sa equipment na kailangan iinvest, yung mismong product nag eexpire. Gumastos ka na sa gamit at ingredients, napagod ka na pagluto, magiging waste pa yung matitira. Tapos maliit pa ang kita. Baka pwede nyo pag usapan na okay ka pa rin magbusiness sya pero baka may iba pa syang napupusuan na mas magiging okay.

Agree din ako na hindi practical lumipat dun tapos ang layo ng work mo. Syempre may anak ka na tuturuan mo pa sa homework, ipagpprepare ng pagkain. Di rin okay na lumipat ka ng work dun sa province kasi sayang naman benefits mo kung magsstart ka ulit.

Kayo lang talaga mag asawa ang makakapag weigh ng situation nyo. Tingin ko naffrustrate lang talaga sya pero di nya rin alam kung anong best gawin. Ikaw na lang din siguro maglatag sa kanya ng sitwasyon nyo at kung anong options with pros and cons. Saka kayo magdecide as a couple kung ano mas makakabuti sa inyo :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #69 on: July 21, 2016, 02:19:11 am »
Sa todong suporta, wala na nagging at away, tulong na lang o moral/emotional support.

I don't think the wife is nagging or inaaway ang husband because if that's the case gugustuhin ba ni husband na magresign si TS para magkasama sila sa province. You wouldn't want to be with someone who will just nag at you and aawayin ka lang.

Imbis na magtulungan, imbis na pawiin ang pagod at stress ng pagmamahal, sa mga nagawang mali lang nakatingin pareho.

I don't think TS is looking lang at the bad side of hubby, kinwento lang naman niya kung ano ang nangyari at ang gusto ni TS ay malaman kung this time ba dapat sumunod siya sa gusto ng asawa niya na magresign sa work? Kung reasonable pa din ba ang pinagagawa ni hubby sa kanya? Kung selfish ba siyang wife kung di niya susundin ang gusto ng husband niya?

Ginusto ni mister kaya ngayon eh magdusa siya dahil matigas ulo niya? Bakit gugustuhin matuto ng leksyon yung taong mahal mo para lang masabi na tama ka?

Because experience is the best teacher. Sana natuto siya di ba? Pero mukhang hindi pa rin.

Yung sa 500, approach/outlook ang punto diyan. Pwede naman ipaintindi na kulang at pagusapan paano makakaraos nang hindi mababa ang tingin sa pagsisikap na ginagawa ni mister.

Tulad ng sinabi ni Sis Girltalker2, anong kailangan iexplain diyan. Maliwanag pa sa sikat ng araw na kulang yan for a family of 3. Tama ang sis natin na ang 2k pambayad lang ng kuryente.

Di ba sabi ni mister wala daw ginagawa si misis kaya gusto makipaghiwalay? Dahil sa inis sa ugali ni mister eh hayaan na lang maghiwalay na sila?

Ano bang gusto niyang gawin ni TS, ang magresign? Ang tanong, may concrete backup plan ba siya? May savings and emergency fund ba sila? Wala hindi ba. Hindi pwedeng sabihin at laging maniwala sa salitang "ako bahala" kasi sa bandang huli pare-parehas silang kawawa kung hindi nila pag-iisipan mabuti lahat. Sa bawat desisyon agad isipin ang pros and cons, kung may cons dapat isipan ng solusyon di pa man nangyayari.

Walang pagkakaiba ang noon sa ngayon ukol sa pangangailangan na ang asawa mo ay katuwang mo sa buhay > for richer or for poorer

Di ko alam sis kung paano pagkakaintindi mo sa context ng "for richer or poorer" kasi sa nakikita ko naman dinadamayan naman ni TS hubby niya kaya nga ayaw niya magresign kasi ang work ni TS ang magsasalba sa kanila. Magkatuwang nga sila hindi ba. Hindi naman dahil sinabi na "for richer or poorer" kailangan pagnaghihirap ang hubby mo dapat maghirap din ang wife, hindi ba pwede na gumawa si misis ng paraan para guminhawa sila pareho at hindi yung damayan lang sa paghihirap si mister para pareho lang silang naghihirap.


Hindi dekada ang nakalipas diyan sa kwento ko. Kailan lang yun binatawan ng nanay ko trabaho niya para magkasama sila ng tatay ko magpursige sa ibang bansa.

I think this made a big difference sa kwento ninyo ni TS. Her hubby is just earning 500/week but your dad earns more since he works abroad and may natatanggap siya na regular salary. Go ask your mom is she will leave her job kung 2k a month lang ang take home pay ng dad mo.

Si misis ay di naman dapat nagaantay lang na magbunga paghihirap ni mister. Kailangan talaga pareho may gagawin.

Yes, may ginagawa si TS. Nagwowork siya.

Siguro ang talagang kaibahan ng noon sa ngayon eh yung sa internet ngayon >> WE WERE BORN IN A TIME WHEN IF SOMETHING WAS BROKEN, WE WOULD FIX IT, NOT THROW IT AWAY.

Hubby, the spoiled brat, stubborn and ma-ego/pride guy siya naman ang may gusto to throw everything away. Its his fault in the first place kung bakit nasa ganyan silang sitwasyon magsisihan man sila o hindi. The best thing to do is accept defeat FOR NOW, struggling siya. Kailangan niya ng tulong, tumutulong naman si TS by shouldering their expenses. Natatapakan ba ang ego niya since ang misis niya ang may regular income sa ngayon kaya gusto niya na magresign. I think the hubby should explain well bakit gusto niya magresign si TS (ang iniisip ko kasi dahil sa retirement pay na makukuha ni misis),valid ba reason niya? Pero looking at their financial status base sa kwento ni TS, I don't think this is the right to leave her job.

Wala akong nakikitang magandang bunga sa paninisi sa paguugali at panglalait sa mga pagkakamali ni mister kung gusto pa masalba relasyon. Ok pa kung titignan yung nakaraan para magisip ng paraan paano makamove forward o kaya paano imanage kung ganito ang partner mo. (sana may psychologist na sumagot dito)

Constructive criticisms ang tawag diyan sis kung openminded siya. Kung openminded siya babaguhin niya yang ugali niya or atleast babawasan niya para magkasundo sila. Now kung closedminded siya panglalait nga ang tawag diyan at magmatigas siya na ganyan talaga ugali niya at pakisamahan ninyo siya kasi hinding-hindi siya magbabago.

Tingin ko kaya pa ito ayusin pero kailangan din ng matinding selflessness kay misis. Kakalimutan ang pride. Kakalimutan na tama si misis. Kakalimutan yung galit, stress, lahat ng nega na nararamdaman..
Unfair? Oo sobra! Pipiliin na lang siguro ano ang bibitawan, sariling pride o marriage. Ayaw na gumalaw ni mister eh di si misis na lang..

Looking at their present situation, sino ba ang selfless at sino ba ang selfish? Si misis na nga ang gumagalaw di ba pero si mister pa ang may ganang makipaghiwalay. How ironic?!

Madali sabihin, mahirap gawin pero di ba ganito naman talaga ang buhay? Ang pwede mo lang gawin eh ibigay ang lahat kahit ubos na ubos ka na, ito lang ang paraan.

Looking at it cooperation lang naman ni mister ang kulang e and pakibaba na din ng pride niya.

sarsingkit

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #70 on: July 21, 2016, 05:18:43 am »
Siguro maghiwalay na lang sila kasi parang ang dami ng nasabi sa asawa ni TS. Do you really want to be with a stubborn, spoiled brat, selfish man?

What if you husband has the same views as Shinies? I am not taking her side ha. Naisip ko lang what is your husband is speaking to you right now using Shinies words? What would that make you feel? Nagfefeeling shrink lang ako dito. =)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #71 on: July 21, 2016, 06:32:19 am »
^Honestly i don't want to be with that kind of man kaya nga nagkahiwalay kami ng ex ko kasi hindi ko ma-feel na partner kami dahil sa ganyang attitude. Magdedesisyon siya ng gusto niya lang, paano naman yung gusto ko? I'm willing to compromise and meet halfway kasi ganun ang partnership but he has this attitude na ako lang ang dapat makisama at sumunod sa kanya pumalpak man o hindi ang gusto niya. He won't even take advise nor suggestion kasi tingin niya mas superior siya. He has this Basta bahala na attitude. Tapos pagpumalpak ako pagbubuntunan ng init ng ulo at ako pa ang dapat mag-adjust.

About your 2nd question, nasagot ko na per bullet sa replies ko kay sis Shinies (peace tayo sis ha hehe).

Sa totoo lang I like hubby's idea na magsama sila coz I know may pinagdadaanan din siya since naiisip niya hindi pa gaanong pumipick-up ang business nila, baka nalulungkot siya. But the world will never stop just because may pinagdadaanan si hubby. Kailangan maging bukas ang isip niya para maka-forward sila. He has to realize that their business is still struggling, it is NOT YET the best time for TS to resign since they have mouths to feed. Kailangan magpakatatag siya bilang head of the family and he has to make the right decision and be practical this time. Siguro pagpumick-up na ang business niya at nabawi na ang savings nila pwede ng magresign si TS. May tamang panahon para sa lahat.

shinies

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #72 on: July 21, 2016, 11:55:33 am »
^Sis shinies maitanong ko lang, no offense meant ah, married ka narin ba and do you have kids?

what you mentioned kasi parang narinig ko rin yan from my single friends when they try to give opinions regarding marital matters. i understand where they're coming from kasi siyempre wala pa sila experience magpamilya so they're commenting on what they know and how they were raised.

Kasal din ako at nung nagkaproblema kami ng asawa ko, saka ko natutunan tignan ang ibang angulo, kahit na mali. Siguro kung hindi eh magiging kagaya ako ng karamihan na stressed lang sa pinaggagawa ng asawa ni TS.

Kung gusto ayusin ang sitwasyon, kailangan maintindihan bakit may mga pagkakamali. Bakit niya ginawa yun? Di lang yung kung gaano kasama ng epekto ng pagkakamali ang titignan. Nagawa na eh, ano pa ba ibang pwedeng tahakin na landas kundi subukan ayusin?

Di masama makakuha ng opinyon ng mga di kasal na kaibigan, pwedeng makita nila yung mga bagay na di makita dahil clouded na ng inis, galit, sakit etc.

Keep the communication open, sis. As much as possible, i-console mo si hubby and try to boost his confidence on both the business and his efforts in finding another job. Just let him feel that you trust his decisions but you cannot give up your job now that you're financially unstable. You have to talk personally and weigh the pros and cons of the things that you both did and the steps you're going to do.

Kahit apprehensive ako nung una, ipinaramdam kong full support ako. Ipinaramdam ko din sis na yung failure niya will be our failure at babangon kami uling dalawa kung sakaling hindi nagsucceed yung plans niya.

Syempre mas complicated yung situation mo kasi you are both a wife and  a mother. Pero sana mas iparamdam mo na hindi ka man physically present, kasama ka sa  mga decisions niya. Like when he started with the business, magresearch ka kung anong puwedeng strategies to boost your sales or to make it more known to the area.  Yung tipong  alam niya na may tiwala ka sa kanya. About sa job hunting, positive trait naman yun kasi di siya sumusuko. Puwedeng you suggest him that a part of both your salaries will be alloted to hire a more experienced baker. Kasi sobrang ganda ng negosyo dito sa pinas sis. In 3 years time, nakapagpagawa kami ng bahay namin. I hope you'll be more open minded to giving the business a chance. Ipakita mo na sa inyong dalawa yun, na kasama ka niya sa battle at mas involved ka in making it successful.

Eto o magandang ehemplo

Di naman kailangan lagi lang oo ng oo eh para masabi na sumusuporta ang asawa lalo na kung talagang tagilid yung desisyon ng isa. Pwede naman mapagusapan ng maigi at ipakita na maging magkakampi kayo para maghanap ng solusyon sa mga problema niyo.

Kung nega agad at kung makikita ng asawa na iba na ang tingin sa kanya, paanong di magkakaron ng problema sa relasyon?

Actually it is not hubby's past mistakes. It is his OWN future decisions na maling mali na, pinipilit parin nya, imposing it on TS without any consideration sa magiging situation ng asawa at anak nya.

Ito nga yung sad part eh. Nakapag Tapos naman si hubby, how many times do you have to explain, or do you really need to explain this In the first place na di kayo mabubuhay sa 500/week income?

Hindi ba common sense?

I don't think si TS sumuko. Si TS pa ang walang ginagawa? Eh di ba nga sya naman kasi ang nag decide at Hindi naman sya humingi ng opinion ni TS, so how can TS do something she haven't agreed with?

Iyan nga eh, how can you trust someone who cannot even understand that 500/week income cannot feed the 3 of them.

Exactly. That's why TS is holding on to her job. Because that's the best way she knows how to support the family, including hubby. Para di sila lahat pupulutin sa kangkungan.
And yet, the only way TS knows how to save their family is by keeping the job, Tapos pinapa resign pa sya ni hubby.

Iyan naman ang pinag uusapan, how they can move forward. Pero ayaw makinig ni hubby. And just insists on his way na high risk.

Matinding selflessness ni misis to compensate for the matinding selfishness ni mister? This is not marriage. And it is not about fairness, it is about loving the other person and looking at everyone's well being. Si hubby ang pride at sarili lang iniisip.

Depende san mo titignan aling ang nakaraan at alin ang kinabukasan. Sinabi na na may superiority complex si mister. Tingin ko kaya matigas ulo niyan at pinipilit ang gusto niya para maibalik sa kanya ang control na nawala sa buhay niya.
Aba siyempre mali yun pero kung lalo mo itutulak sa isang taong may superiority complex yung mga pagkakamali niya, paanong hindi lalo ipaglalaban niya gusto niya?
Pag hindi gumagana ang isang taktika eh siyempre subukan ang iba di ba. Kaya nga sana may psychologist dito para magsabi kung paano gawin yung KUNWARI dagdagan ni misis ego ni mister pero ang totoo eh turuan si mister mabalik sa "tamang landas".

Uulitin ko, lahat tayo magkasundo na yung 500 ay hindi makakabuhay. Pero ang punto ko ay yung reaksyon sa 500 at paano kausapin si mister sa kakulangan ng 500.
Gaya ng sabi ni sis, imbis na nakatutok sa kakulangan ng pera, tumulong maghanap ng paraan para makakuha ng pera. Ginawa ito ni TS sa pagsabi na kailangan o maghahanap siya ng trabaho na may mas malaking sweldo. Bakit hindi gumana? Mukhang naoffend si mister.
Wala tayong magagawa kung ang mundo eh pinapalaki ang mga lalaki na ma-ego. Alam naman nila (kadalasan) na sila ang family provider kaya kung bigla eh di na sila ganun dahil sa pagkakamali nila, normal lang na masaktan ego nila. Kung si misis ay lalo pang sasaktan ang ego ni mister, normal lang na lalayo loob nila.
Kaya uulitin ko, kung may superiority complex nga si mister, hindi gagana yang mga pagiging nega at pagkwenta pa ng ano lang makuha mo sa 500.

Pagsuko sa marriage tinutukoy ko diyan. Ayaw na ni mister kasi ganun siyang klaseng tao, susuko pag nahihirapan. Di natin alam bakit ganun siya (psychologist ulit please). At dahil stressed na stressed na si misis, suko na din siya.
Parehong suko = hiwalay na lang

Ganun pa din tingin ko sa pagpaparesign ni mister kay misis. Pinipilit niya talagang makuha control kahit wala na sa lugar. Wala akong maisip na ibang paraan paano makuha ni mister ang control ng ibang paraan pero baka ito ang sagot para mahimasmasan siya at makaisip ng tama.

Kaya nga sinabing matinding selflessness talaga. Si misis pa yung kailangan magbigay para mabalik sa tamang landas si mister. Di ba kaya better half ang tawag dun? Magcompensate ang isa para sa kakulangan ng isa. Eh kung puro reklamo sa kakulangan at pagkakamali at mga magiging pagkakamali pa ni mister, parang ganito na lang > ay nagkamali ng pinakasalan, maghiwalay na lang di pala ok itong taong ito na maging asawa

Sana magawa mo payo mong yan pag ikaw na ang nasa sitwasyon.

Oo salamat!

My hubby resigned from his work too. Almost 2 months na sya di nagwowork at nagsstart na rin ng business (electrical and industrial supplies). At first, hesitant din ako na ako lang ang magwowork. Pero nakita ko kung gaano sya kadesidido. Ayoko sya madiscourage dahil lang sa pagka nega ko. Saka alam kong kaya nya dahil kahit ako nagagalingan sa kanya. So far, kakatapos lang nya magprocess ng dti, permits, bir. Magastos. Labas nang labas ang pera kahit di pa kumikita. Pero sinusuportahan ko lang sya. Never ako kumontra sa kahit anong paraan. Hehe. Para by the time na di masyado maging okay ang business, (na wag naman sana), issuggest ko na baka dapat magwork na sya ulit tutal nagtake na rin kami ng risk ng ilang months.. Pero kilala ko naman hubby ko, baka kami pa nga sumuko na kulang kapital pag nakakuha sya ng malaking project.

Kaya nung nakita ko itong thread.. hmmm.. siguro nga sinuportahan ni TS si hubby nya pero hindi 100%. Di mali yun at hindi maiiwasan na mag alala para sa future.

Sa husband naman.. sana napag isipan kung ano ang gagawing business. Wala ba ibang option? Kasi medyo mahirap isustain ang food business. Bukod sa equipment na kailangan iinvest, yung mismong product nag eexpire. Gumastos ka na sa gamit at ingredients, napagod ka na pagluto, magiging waste pa yung matitira. Tapos maliit pa ang kita. Baka pwede nyo pag usapan na okay ka pa rin magbusiness sya pero baka may iba pa syang napupusuan na mas magiging okay.

Agree din ako na hindi practical lumipat dun tapos ang layo ng work mo. Syempre may anak ka na tuturuan mo pa sa homework, ipagpprepare ng pagkain. Di rin okay na lumipat ka ng work dun sa province kasi sayang naman benefits mo kung magsstart ka ulit.

Kayo lang talaga mag asawa ang makakapag weigh ng situation nyo. Tingin ko naffrustrate lang talaga sya pero di nya rin alam kung anong best gawin. Ikaw na lang din siguro maglatag sa kanya ng sitwasyon nyo at kung anong options with pros and cons. Saka kayo magdecide as a couple kung ano mas makakabuti sa inyo :)

Eto pa o mas positive. Oo naiisip na baka malugi kasi ganun naman talaga mga negosyo. Pero kaibahan eh hindi gugustuhin na maturuan ng leksyon si mister pag malugi.

Normal naman talaga magkaalinlangan dahil may anak na kailangan buhayin. Kaso ang dating kay mister puro nega lang sa lahat lahat ng mga pagkakamali niya. Eh superiority complex pa, patay na..

Pareho silang naffrustrate na.. Parehong may pinaglalaban. Lahat naman tayo nagkakasundo kung sino yung mali. Pero punto ko dito, wala talagang mangyayari sa kanila kung parehong ganyan. Opposing forces kumbaga sa magnet. Maayos lang yan kung may magbibigay at mas malaking tsansa na hindi si mister yun. Sana maalala niya yung pagmamahal niya sa pamilya niya at mahimasmasan na siya.

Siguro maghiwalay na lang sila kasi parang ang dami ng nasabi sa asawa ni TS. Do you really want to be with a stubborn, spoiled brat, selfish man?

What if you husband has the same views as Shinies? I am not taking her side ha. Naisip ko lang what is your husband is speaking to you right now using Shinies words? What would that make you feel? Nagfefeeling shrink lang ako dito. =)

Mismo! Hiwalayan na nga lang.

Pero nalulungkot talaga ako dito. Si mister, pinili yan eh, minahal at pinakasalan. Tapos ngayon na meron siyang mga pagkakamali, niyurakan na :'(

Di naman kailangan magkampihan dito pero sinusubukan ko talagang intindihin ano ba nangyayari kay mister. Karamihan kasi eh puro lait lang ano ba maitutulong nun para magkaayus sila.

Pero tama ka, kung ganyan din tingin ni TS kay mister, ituloy na lang hiwalayan. Ala nang respeto wag na basahin mga ibang payo dito.

^Honestly i don't want to be with that kind of man kaya nga nagkahiwalay kami ng ex ko kasi hindi ko ma-feel na partner kami dahil sa ganyang attitude. Magdedesisyon siya ng gusto niya lang, paano naman yung gusto ko? I'm willing to compromise and meet halfway kasi ganun ang partnership but he has this attitude na ako lang ang dapat makisama at sumunod sa kanya pumalpak man o hindi ang gusto niya. He won't even take advise nor suggestion kasi tingin niya mas superior siya. He has this Basta bahala na attitude. Tapos pagpumalpak ako pagbubuntunan ng init ng ulo at ako pa ang dapat mag-adjust.

About your 2nd question, nasagot ko na per bullet sa replies ko kay sis Shinies (peace tayo sis ha hehe).

Sa totoo lang I like hubby's idea na magsama sila coz I know may pinagdadaanan din siya since naiisip niya hindi pa gaanong pumipick-up ang business nila, baka nalulungkot siya. But the world will never stop just because may pinagdadaanan si hubby. Kailangan maging bukas ang isip niya para maka-forward sila. He has to realize that their business is still struggling, it is NOT YET the best time for TS to resign since they have mouths to feed. Kailangan magpakatatag siya bilang head of the family and he has to make the right decision and be practical this time. Siguro pagpumick-up na ang business niya at nabawi na ang savings nila pwede ng magresign si TS. May tamang panahon para sa lahat.

Oo wala naman isyu dito, diskusyon lang. Lahat ng sinasabi ko ay baka makatulong makita yung kabilang panig. Pero kung ayaw eh di tuloy na lang hiwalayan.

Ex husband mo ito o ex BF? BF kasi madali lang, asawa hindi lalo na kung may anak.
Kaya nga yung mga di gusto na ugali dapat kinikilatis bago magpakasal. Malas nga lang kung nalaman mo lang nung kasal na kayo.. Pero dahil sa mga sinumpaan, kailangan pa din ibigay ang lahat. Pag nasabi mong nagawa mo na lahat lahat at di pa rin nagigi, eh saka hiwalayan na talaga.
Mahirap pero kailangan.

Ang compromise lang talaga diyan eh yung weekends na magkakasama sila na buong pamilya. Tapos sa panahon na yun eh magiipon yung magasawa ng lakas para harapin yung mga problema sa linggo. Baka nangyayari eh nagaaway lang din sila kaya ayun.. wala na.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #73 on: July 21, 2016, 12:51:57 pm »
Hihi Fifi,

I'm sorry to hear na nagkakagulo ang marriage niyo ngayon.

I noticed that you and your husband were back in your previous situation: Your husband was stressed and burned out with his office work, with no one to comfort him and alleviate what he was struggling with, he  got compulsive to resign and start a business.

I asked you before how both of you handled his past struggle, but with your answer (parang deleted dito as I couldn't see it) I got the impression that you two didn't really talk about it. Ngayon, with the new business, he is re-experiencing what he was experiencing in his previous job. Now again my question is, how are both of you handling the stress and enormity of his struggle? It will surely affect your marriage. Is there comforting and sympathizing or encouraging happening? With what I was reading parang gulo ang nangyayari.

If you can't support him physically by resigning from your work, how about emotionally and spiritually?

Una pa lang na hindi niyo pinag-usapan ng masinsinan at stress at pag-kaburn out nya sa office work, para saken is a weakness na in your marriage. Now it's happening again. I would guess, na kung na-acknowledge and na-comfort ang struggle niya noon pa lang, he wouldn't be so compulsive, or he would listen to you at least.

Like other sisses here who went through similar situation as yours, my husband and I also went through that. And we turned out fine, more than fine in fact. So I don't know yung quality ng pagsasamahan ninyo, ng friendship niyo, ng communication niyo. Hindi naman infidelity ang problema niyo, o abusive husband, so I really don't know. I would guess na it's more of on your relationship dynamics na.

With regards to the business, he just started this year, so hindi pa yan kikitang pangkabuhayan agad. How about more patience, more prayers, more support, more teamwork? Drained na kayo ng husband mo emotionally, mentally, physically and even financially. Pero since ikaw yung mas nakakaalam, ikaw na lang muna siguro yung mag-offer ng sympathy, pang-unawa, at even appreciation sa hard work na ginagawa nya. Hindi naman kailangan mauwi sa hiwalayan.
« Last Edit: July 21, 2016, 12:53:41 pm by glamorosa_09 »

avitot

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #74 on: July 21, 2016, 01:55:01 pm »
Hi Sis Fifi!

sorry to hear na may issue ang marriage niyo ng hubby mo ngayon.

Dumaan din kami sa ganitong stage ng hubby ko. He's very hard working and earns good halos lahat ng bills namin (house, car,tuition, etc) sa salary niya nakadepende. I work too but earns not as much pero sapat lang. Dumating sa point na halos pag nagtatanong ako about work puros stress at gulo naririnig ko sa kanya  and it came to a point when he said he was too stressed with work and wanted to stop for a while and venture sa different company kasi hindi niya na kaya yung environment niya.  We both work and even if he earns more than I do, I supported him 100% nagdoubt din ako pero I trusted him kasi alam ko na before siya nagdesisyon ng ganon ay pinagisipan niya na din yon kahit pa I wasn't ready in all aspect.

Surely matagal ng nagdodrop ng mga signs yung hubby mo sa nangayayare sa office niya pai ang bakery business plans before pa siya nagresign at nagdecide magbusiness.  hindi naman siya manghihingi ng ganon from you if kaya pa niya itake yung level of stress from the environment he is working.

In our case, Wala din  kami masyadong savings during that time, I had to shoulder everything from what I have onhand and salary. more than 4 mos halos hanggang nakakuha ng ibang work si hubby where he works now and luckily mas financially rewarding, and healthy environment for him too! Lage siya nagpapasalamat saken kasi supportive daw ako and kita ko naman that he was doing what he can for us nung times na wala siyang work. Kelangan lang natin to believe in their capabilities and push them.

From what you said, seems like he is making a way naman to work on his own. Ganon naman ata ang business diba grind before glory.  Feeling ko sis mas naiistress siya lalo sa nangyayare ngayon kasi kahit sinasabi mo na you support him e hindi niya nararamdaman yun from the start kaya wala nagboboost ng confidence niya to work harder sa new ventured business niyo. And sa sinabi mo na you want him to learn on his own para bang inaantay mo lang na magkamali siya instead na isupport mo siya at see the positivity of what will happen. seems like hindi ka rin masyadong open about your emotions to your hubby. feeling ko naman if both of you will talk as in no BS at talk talaga ng magasawa, feeling ko magkakaunawaan kayo eh. kahit pa anong klase ugali meron ang partner natin kahit pa alam mo sa sarili mo na hindi siya makikinig sayo sabihin mo parin atleast open ka sa kanya. kasi they will realize it on their own naman basta alam nila yung saloobin natin e.

Another thing, mag asawa kayo kaya don't factor in na na disappoint ang family mo or his dahil sa mga decisions niya or niyo. feeling ko nakakadagdag din to sa baggage mo e kaya ka ganyan towards him eh.   


Let go of your doubts and Let God! 

Sana everything will work for you both soon!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #75 on: July 21, 2016, 03:19:18 pm »

Ex husband mo ito o ex BF? BF kasi madali lang, asawa hindi lalo na kung may anak.
Kaya nga yung mga di gusto na ugali dapat kinikilatis bago magpakasal. Malas nga lang kung nalaman mo lang nung kasal na kayo.. Pero dahil sa mga sinumpaan, kailangan pa din ibigay ang lahat. Pag nasabi mong nagawa mo na lahat lahat at di pa rin nagigi, eh saka hiwalayan na talaga.
Mahirap pero kailangan.

Ang compromise lang talaga diyan eh yung weekends na  sila na buong pamilya. Tapos sa panahon na yun eh magiipon yung magasawa ng lakas para harapin yung mga problema sa linggo. Baka nangyayari eh nagaaway lang din sila kaya ayun.. wala na.

He is my son's Dad and we are not married, technically bf ko pa lang siya noon. But I did not give up easily, aside from the fact na mahal ko siya noon, ayaw ko na may pagsisihan ako. I gave a good fight kaya walang pagsisi nung naghiwalay kami. I tried everything kausapin siya ng masinsinan, ng pasigaw or confrontational, binabytalk ko pa nga at inuto-uto. I used postive scripting, inilatag ko ang pros and cons pero waley. Pagmatigas ang ulo, matigas talaga. Mighty and proud pa din kahit mali na at walang pinapatunguhan decisions niya. I don't want to see my loved one suffering but sometimes sila ang nagseselfdestruct and all you could do is to walk away lalo na kung sinubukan mo na siyang sagipin, kasi nawawala na ang respeto mo dahil sa pinaggagawa niya.

Ang akin lang naman sis sana give and take bilang magpartner or mag-asawa. "O hindi nagwork ang plano mo sa ngayon pwede ba na ako naman ang masunod this time? Hindi mo gusto ang plan ko pwede ba tayo magmeethalfway sa gusto mo at gusto ko?" (of course in a nice tone ito ha). Hindi kasi pwede na gusto lang niya or ayaw niya, gusto natin marinig ang dahilan kasi future ng pamilya natin nakasalalay dun. Hindi lang naman siguro ako ang babae na gusto laging may backup plan bago magtake ng risk. t**** at matiisin ang babae pagnagmahal,  tayo pa ba? Nagpapabugbog pa nga yung iba sa atin sa bf or asawa ano ba naman itong issue lang sa struggling business. Ang need lang naman para maresolved ito e yung simpleng cooperation na hayaan muna si misis sa trabaho niya ngayon kasi lalong babagsak ang business pagparehas sila na dun iaasa ang kabuhayan nila.

Siguro to TS magpalamig muna kayo. Avoid making decisions habang mataas pa ang emotions.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #76 on: July 21, 2016, 05:10:29 pm »
Nabasa ko ang quote ngayon lang and bigla ko naalala ang topic na eto sa GT kaya post ko.  ::)

"Sometimes the people you'd take a bullet for, are the ones behind the tigger." - Taylor Swift



 

Girltalker2

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #77 on: July 21, 2016, 06:37:23 pm »
^Honestly i don't want to be with that kind of man

Same tayo ng pov. Maubos talaga pasensya ko.

My ex hubby naman may babae that's why we separated ways. But never nya ako sinubject sa ganyang stress. Gusto din nun lagi mag business. Naka 20+ ventures (ni Isa walang nag materialise, costing him and konti sakin millions). But he never resigned nor even asked me to resign, ever.

Ako pa nga ang stressed minsan sa work (having a bad boss etc) and I want to resign. He was the one who encouraged me not to. kasi he values financially stability as a key aspect in raising a family. This is very basic para sa sinumang ikakasal, kinasal, nag aasawa. Bakit Hindi iyan nakikita ng isang padre de pamilya?
« Last Edit: July 21, 2016, 06:40:10 pm by Girltalker2 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #78 on: July 21, 2016, 07:08:11 pm »
he values financially stability as a key aspect in raising a family

Ito ang iisipin ng matinong padre de pamilya kasi love alone will not keep you alive. Hindi naman sa pagmumukhang pera but it is about being practical. Kakalam ang sikmura ninyong mag-asawa, matitiis ninyo. Pero kakalam ang sikmura ng mga anak ninyo, matitiis ninyo ba?

Girltalker2

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #79 on: July 21, 2016, 07:35:35 pm »

^ sorry typo... financial stability

Tsaka iba kapag naghirap kayo mag asawa nang hindi nyo kagagawan, like calamity. Kesa sa making illogical decisions na alam nyo maghihirap kayo if ginawa nyo at walang kasiguraduhan if makakaahon kayo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close