^Sis shinies maitanong ko lang, no offense meant ah, married ka narin ba and do you have kids?
what you mentioned kasi parang narinig ko rin yan from my single friends when they try to give opinions regarding marital matters. i understand where they're coming from kasi siyempre wala pa sila experience magpamilya so they're commenting on what they know and how they were raised.
Kasal din ako at nung nagkaproblema kami ng asawa ko, saka ko natutunan tignan ang ibang angulo, kahit na mali. Siguro kung hindi eh magiging kagaya ako ng karamihan na stressed lang sa pinaggagawa ng asawa ni TS.
Kung gusto ayusin ang sitwasyon, kailangan maintindihan bakit may mga pagkakamali. Bakit niya ginawa yun? Di lang yung kung gaano kasama ng epekto ng pagkakamali ang titignan. Nagawa na eh, ano pa ba ibang pwedeng tahakin na landas kundi subukan ayusin?
Di masama makakuha ng opinyon ng mga di kasal na kaibigan, pwedeng makita nila yung mga bagay na di makita dahil clouded na ng inis, galit, sakit etc.
Keep the communication open, sis. As much as possible, i-console mo si hubby and try to boost his confidence on both the business and his efforts in finding another job. Just let him feel that you trust his decisions but you cannot give up your job now that you're financially unstable. You have to talk personally and weigh the pros and cons of the things that you both did and the steps you're going to do.
Kahit apprehensive ako nung una, ipinaramdam kong full support ako. Ipinaramdam ko din sis na yung failure niya will be our failure at babangon kami uling dalawa kung sakaling hindi nagsucceed yung plans niya.
Syempre mas complicated yung situation mo kasi you are both a wife and a mother. Pero sana mas iparamdam mo na hindi ka man physically present, kasama ka sa mga decisions niya. Like when he started with the business, magresearch ka kung anong puwedeng strategies to boost your sales or to make it more known to the area. Yung tipong alam niya na may tiwala ka sa kanya. About sa job hunting, positive trait naman yun kasi di siya sumusuko. Puwedeng you suggest him that a part of both your salaries will be alloted to hire a more experienced baker. Kasi sobrang ganda ng negosyo dito sa pinas sis. In 3 years time, nakapagpagawa kami ng bahay namin. I hope you'll be more open minded to giving the business a chance. Ipakita mo na sa inyong dalawa yun, na kasama ka niya sa battle at mas involved ka in making it successful.
Eto o magandang ehemplo
Di naman kailangan lagi lang oo ng oo eh para masabi na sumusuporta ang asawa lalo na kung talagang tagilid yung desisyon ng isa. Pwede naman mapagusapan ng maigi at ipakita na maging magkakampi kayo para maghanap ng solusyon sa mga problema niyo.
Kung nega agad at kung makikita ng asawa na iba na ang tingin sa kanya, paanong di magkakaron ng problema sa relasyon?
Actually it is not hubby's past mistakes. It is his OWN future decisions na maling mali na, pinipilit parin nya, imposing it on TS without any consideration sa magiging situation ng asawa at anak nya.
Ito nga yung sad part eh. Nakapag Tapos naman si hubby, how many times do you have to explain, or do you really need to explain this In the first place na di kayo mabubuhay sa 500/week income?
Hindi ba common sense?
I don't think si TS sumuko. Si TS pa ang walang ginagawa? Eh di ba nga sya naman kasi ang nag decide at Hindi naman sya humingi ng opinion ni TS, so how can TS do something she haven't agreed with?
Iyan nga eh, how can you trust someone who cannot even understand that 500/week income cannot feed the 3 of them.
Exactly. That's why TS is holding on to her job. Because that's the best way she knows how to support the family, including hubby. Para di sila lahat pupulutin sa kangkungan.
And yet, the only way TS knows how to save their family is by keeping the job, Tapos pinapa resign pa sya ni hubby.
Iyan naman ang pinag uusapan, how they can move forward. Pero ayaw makinig ni hubby. And just insists on his way na high risk.
Matinding selflessness ni misis to compensate for the matinding selfishness ni mister? This is not marriage. And it is not about fairness, it is about loving the other person and looking at everyone's well being. Si hubby ang pride at sarili lang iniisip.
Depende san mo titignan aling ang nakaraan at alin ang kinabukasan. Sinabi na na may superiority complex si mister. Tingin ko kaya matigas ulo niyan at pinipilit ang gusto niya para maibalik sa kanya ang control na nawala sa buhay niya.
Aba siyempre mali yun pero kung lalo mo itutulak sa isang taong may superiority complex yung mga pagkakamali niya, paanong hindi lalo ipaglalaban niya gusto niya?
Pag hindi gumagana ang isang taktika eh siyempre subukan ang iba di ba. Kaya nga sana may psychologist dito para magsabi kung paano gawin yung KUNWARI dagdagan ni misis ego ni mister pero ang totoo eh turuan si mister mabalik sa "tamang landas".
Uulitin ko, lahat tayo magkasundo na yung 500 ay hindi makakabuhay. Pero ang punto ko ay yung reaksyon sa 500 at paano kausapin si mister sa kakulangan ng 500.
Gaya ng sabi ni sis, imbis na nakatutok sa kakulangan ng pera, tumulong maghanap ng paraan para makakuha ng pera. Ginawa ito ni TS sa pagsabi na kailangan o maghahanap siya ng trabaho na may mas malaking sweldo. Bakit hindi gumana? Mukhang naoffend si mister.
Wala tayong magagawa kung ang mundo eh pinapalaki ang mga lalaki na ma-ego. Alam naman nila (kadalasan) na sila ang family provider kaya kung bigla eh di na sila ganun dahil sa pagkakamali nila, normal lang na masaktan ego nila. Kung si misis ay lalo pang sasaktan ang ego ni mister, normal lang na lalayo loob nila.
Kaya uulitin ko, kung may superiority complex nga si mister, hindi gagana yang mga pagiging nega at pagkwenta pa ng ano lang makuha mo sa 500.
Pagsuko sa marriage tinutukoy ko diyan. Ayaw na ni mister kasi ganun siyang klaseng tao, susuko pag nahihirapan. Di natin alam bakit ganun siya (psychologist ulit please). At dahil stressed na stressed na si misis, suko na din siya.
Parehong suko = hiwalay na lang
Ganun pa din tingin ko sa pagpaparesign ni mister kay misis. Pinipilit niya talagang makuha control kahit wala na sa lugar. Wala akong maisip na ibang paraan paano makuha ni mister ang control ng ibang paraan pero baka ito ang sagot para mahimasmasan siya at makaisip ng tama.
Kaya nga sinabing matinding selflessness talaga. Si misis pa yung kailangan magbigay para mabalik sa tamang landas si mister. Di ba kaya better half ang tawag dun? Magcompensate ang isa para sa kakulangan ng isa. Eh kung puro reklamo sa kakulangan at pagkakamali at mga magiging pagkakamali pa ni mister, parang ganito na lang > ay nagkamali ng pinakasalan, maghiwalay na lang di pala ok itong taong ito na maging asawa
Sana magawa mo payo mong yan pag ikaw na ang nasa sitwasyon.
Oo salamat!
My hubby resigned from his work too. Almost 2 months na sya di nagwowork at nagsstart na rin ng business (electrical and industrial supplies). At first, hesitant din ako na ako lang ang magwowork. Pero nakita ko kung gaano sya kadesidido. Ayoko sya madiscourage dahil lang sa pagka nega ko. Saka alam kong kaya nya dahil kahit ako nagagalingan sa kanya. So far, kakatapos lang nya magprocess ng dti, permits, bir. Magastos. Labas nang labas ang pera kahit di pa kumikita. Pero sinusuportahan ko lang sya. Never ako kumontra sa kahit anong paraan. Hehe. Para by the time na di masyado maging okay ang business, (na wag naman sana), issuggest ko na baka dapat magwork na sya ulit tutal nagtake na rin kami ng risk ng ilang months.. Pero kilala ko naman hubby ko, baka kami pa nga sumuko na kulang kapital pag nakakuha sya ng malaking project.
Kaya nung nakita ko itong thread.. hmmm.. siguro nga sinuportahan ni TS si hubby nya pero hindi 100%. Di mali yun at hindi maiiwasan na mag alala para sa future.
Sa husband naman.. sana napag isipan kung ano ang gagawing business. Wala ba ibang option? Kasi medyo mahirap isustain ang food business. Bukod sa equipment na kailangan iinvest, yung mismong product nag eexpire. Gumastos ka na sa gamit at ingredients, napagod ka na pagluto, magiging waste pa yung matitira. Tapos maliit pa ang kita. Baka pwede nyo pag usapan na okay ka pa rin magbusiness sya pero baka may iba pa syang napupusuan na mas magiging okay.
Agree din ako na hindi practical lumipat dun tapos ang layo ng work mo. Syempre may anak ka na tuturuan mo pa sa homework, ipagpprepare ng pagkain. Di rin okay na lumipat ka ng work dun sa province kasi sayang naman benefits mo kung magsstart ka ulit.
Kayo lang talaga mag asawa ang makakapag weigh ng situation nyo. Tingin ko naffrustrate lang talaga sya pero di nya rin alam kung anong best gawin. Ikaw na lang din siguro maglatag sa kanya ng sitwasyon nyo at kung anong options with pros and cons. Saka kayo magdecide as a couple kung ano mas makakabuti sa inyo 
Eto pa o mas positive. Oo naiisip na baka malugi kasi ganun naman talaga mga negosyo. Pero kaibahan eh hindi gugustuhin na maturuan ng leksyon si mister pag malugi.
Normal naman talaga magkaalinlangan dahil may anak na kailangan buhayin. Kaso ang dating kay mister puro nega lang sa lahat lahat ng mga pagkakamali niya. Eh superiority complex pa, patay na..
Pareho silang naffrustrate na.. Parehong may pinaglalaban. Lahat naman tayo nagkakasundo kung sino yung mali. Pero punto ko dito, wala talagang mangyayari sa kanila kung parehong ganyan. Opposing forces kumbaga sa magnet. Maayos lang yan kung may magbibigay at mas malaking tsansa na hindi si mister yun. Sana maalala niya yung pagmamahal niya sa pamilya niya at mahimasmasan na siya.
Siguro maghiwalay na lang sila kasi parang ang dami ng nasabi sa asawa ni TS. Do you really want to be with a stubborn, spoiled brat, selfish man?
What if you husband has the same views as Shinies? I am not taking her side ha. Naisip ko lang what is your husband is speaking to you right now using Shinies words? What would that make you feel? Nagfefeeling shrink lang ako dito. =)
Mismo! Hiwalayan na nga lang.
Pero nalulungkot talaga ako dito. Si mister, pinili yan eh, minahal at pinakasalan. Tapos ngayon na meron siyang mga pagkakamali, niyurakan na

Di naman kailangan magkampihan dito pero sinusubukan ko talagang intindihin ano ba nangyayari kay mister. Karamihan kasi eh puro lait lang ano ba maitutulong nun para magkaayus sila.
Pero tama ka, kung ganyan din tingin ni TS kay mister, ituloy na lang hiwalayan. Ala nang respeto wag na basahin mga ibang payo dito.
^Honestly i don't want to be with that kind of man kaya nga nagkahiwalay kami ng ex ko kasi hindi ko ma-feel na partner kami dahil sa ganyang attitude. Magdedesisyon siya ng gusto niya lang, paano naman yung gusto ko? I'm willing to compromise and meet halfway kasi ganun ang partnership but he has this attitude na ako lang ang dapat makisama at sumunod sa kanya pumalpak man o hindi ang gusto niya. He won't even take advise nor suggestion kasi tingin niya mas superior siya. He has this Basta bahala na attitude. Tapos pagpumalpak ako pagbubuntunan ng init ng ulo at ako pa ang dapat mag-adjust.
About your 2nd question, nasagot ko na per bullet sa replies ko kay sis Shinies (peace tayo sis ha hehe).
Sa totoo lang I like hubby's idea na magsama sila coz I know may pinagdadaanan din siya since naiisip niya hindi pa gaanong pumipick-up ang business nila, baka nalulungkot siya. But the world will never stop just because may pinagdadaanan si hubby. Kailangan maging bukas ang isip niya para maka-forward sila. He has to realize that their business is still struggling, it is NOT YET the best time for TS to resign since they have mouths to feed. Kailangan magpakatatag siya bilang head of the family and he has to make the right decision and be practical this time. Siguro pagpumick-up na ang business niya at nabawi na ang savings nila pwede ng magresign si TS. May tamang panahon para sa lahat.
Oo wala naman isyu dito, diskusyon lang. Lahat ng sinasabi ko ay baka makatulong makita yung kabilang panig. Pero kung ayaw eh di tuloy na lang hiwalayan.
Ex husband mo ito o ex BF? BF kasi madali lang, asawa hindi lalo na kung may anak.
Kaya nga yung mga di gusto na ugali dapat kinikilatis bago magpakasal. Malas nga lang kung nalaman mo lang nung kasal na kayo.. Pero dahil sa mga sinumpaan, kailangan pa din ibigay ang lahat. Pag nasabi mong nagawa mo na lahat lahat at di pa rin nagigi, eh saka hiwalayan na talaga.
Mahirap pero kailangan.
Ang compromise lang talaga diyan eh yung weekends na magkakasama sila na buong pamilya. Tapos sa panahon na yun eh magiipon yung magasawa ng lakas para harapin yung mga problema sa linggo. Baka nangyayari eh nagaaway lang din sila kaya ayun.. wala na.