Author Topic: Hubby left his job  (Read 20150 times)

simang

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #40 on: July 15, 2016, 02:30:39 pm »
I'd say support your husband still, sa ganyang panahon that's all he needs. Kelangan lang nya maboost ang ego nya ulit and to feel like he's the head of the family. Wala namang business ang successful agad right away. Businessmen know that, and ang reason kung bakit sila nagiging successful eventually? Consistency. Kung magfail, try ulit. Kung focused ang husband mo with his business, he will try and try. Businesses, big or small, can take time to flourish. Hindi dahil hindi sya kumikita ngayon eh failure na sya.

Have you asked your husband kung anong plan nya sa anak ninyo? Sa schooling nya? If you stop working at samahan sya sa business nya, what about your kid? Anong plano? I'm sure iniisip din nya yan. Maybe for now compromise muna. Maybe you can find a job na malapit sa kanya, or maybe a home based one. Or kung may extra savings or emergency fund kayo, baka pwedeng gamitin muna for the meantime para sa kid, until maging stable si husband.

But then again, ikaw ang mas nakakakilala sa husband mo. You know better how to deal with him. Ang sa akin lang, while you may feel na he doesn't care about you and your kid, maybe he feels naman na you don't care about him also. While you may feel na nagdecide sya on his own to push through sa business, baka pakiramdam din nya eh magdecide ka din on your own to not quit the job.

fifi_girl

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #41 on: July 15, 2016, 05:51:03 pm »

I have not yet asked him about his exact plans in case mag-resign ako. In case i decide to resign kase, may makukuha akong equity from our company. If i remember it right, parang nabanggit nya na i-negosyo din yung equity na makukuha ko. TBH, konti na lang savings naman. I barely make ends meet dahil sa gastos sa school and other expenses. He felt na i don't care about him and his plans, when in fact i decided to be practical. Maraming beses ko na sinabi sa kanya that i need to work. Minsan nababanggit ko din (unintentionally) that i need to find a job with higher pay.

Sis nung nagwowork pa si hubby, yung parents mo at kayo sama sama?

Kaya ko natanong kasi baka gusto nyang magsolo na kayo.

Yes, we stay at my parent's house. Open ako na magsolo kami, but with the current situation, malabo yata. Hindi ko kakayanin yung gastos.

From the start pa lang ng decision nya nag solo na sya I mean kapag mag asawa ang wife hindi lang naman taga support yan sana pareho kayo agree that time kaso un na nga sumige pa rin sya. He is being a selfish na hindi nya sina alang alang man lang muna anak nyo for sure inisip nya kaso ano na sa isip nya that time para irisk ang ganyan situation for your kid.

I tried to persuade him from doing this, ayaw papigil. So i just said to myself, let him be. Kase i want him to learn on his own. Hindi din kase niya akalain na hindi pala mag-b-boom yung business nya. He was very optimistic in the beginning. So i said to him, stabilize nya [textspeak!] business, then if it earns well, then i can consider giving up my job.

I understand na mahirap at mabigat talaga sa kalooban ang sitwasyon mo sis Pero Alam mo wag mong masyadong isipin. Hayaan mo lang. The more we resist the situation kasi the more na nagiging complicated. Just do whatever you think is right for you and for your kid. Magbabago din ng desisyon yang asawa mo. Mare realize Nya din na Hindi akma yun iniisip Nya sa sitwasyon nyo. Basta mahal Nya kayo ng anak mo lalambot yan at babalik din dyan sa Kung nasaan kayo.

Yan nga din advice nung isang friend namin. Hayaan na lang muna siya. Let him realize it on his own. Napagalitan pa nga ako nung friend namin na yun kase pumayag ako sa mga decision ni hubby. Hindi naman daw porket asawa ako eh papayag na lang ako sa lahat ng sasabihin niya. Oh well, tapos na, nangyari. There is nothing more i can but to pray for his guidance.

Everything will be fine with God's grace and guidance.

Girltalker2

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #42 on: July 15, 2016, 07:23:10 pm »

We had a fight weeks ago about sa gastos sa bata. Ayaw ko daw ipagkatiwala sa kanya yung responsibility sa pag-aaral ng anak namin. Hindi ko lang din masabi sa kanya na, paano niya gagawin yun eh wala naman syang work...

TS, mukhang inaako naman nya ang responsibility sa pagiging provider.

Ito pov ko... you two really need to talk, sit down and plan your future. Say kapag ni lista nyo lahat ng gastos... And you resign, can you ask him how the two of you can make ends meet?

You have to stress to him, you love him and you want to be with him. In fact, you're willing to move and resign (ideally) para magkasama kayo. Pero paano future ng Anak nyo and Pag aaral nya? Ito kailangan nyo din Pag usapan.

Sakin worth resigning and be together to save the marriage. But that is, if you're confident na Hindi kayo ma papabayaan. Ang ayoko mangyari is mag resign ka, then kapag in trouble, Ikaw parin dapat gumawa ng paraan. Then all the blaming and regrets happen later.

Another thing, call it bad or what, if ever I resign for our marriage and for his sake, I won't be sharing the equity separation sa kanya. Kasi that's a safety net I need since I'm resigning. So para iwas away, don't disclose the total amount, sabihin mo nabawasan ng tax and other deductions, at yung iba, winith-held for release later or something.
« Last Edit: July 15, 2016, 07:29:34 pm by Girltalker2 »

izabelle

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #43 on: July 15, 2016, 10:00:18 pm »
supporting him is fine to save the marriage but I think he really should have back up plans. Yung plano na maayos na sure na magiging ok pa din ang buhay ng anak nyo lalo na studies.

hindi pwedeng support lang ng support tapos walang maayos na plano, kawawa ang anak. Alangan naman, nganga nalang kapag walang nangyari sa negosyo.

Ang sa akin lang, when you have a kid, hindi lang ito tungkol sa mag asawa, when you decide and make plans, always consider din yung bata. Mahirap ang bahala na si batman attitude when you have a kid to send to school and to feed.

I'm more on the practical side. Nothing wrong with trying a business and supporting a husband who wants to try it pero dapat there's a concrete plan if hindi magwork out ang business.

I hope everything turns out okay, TS. :) At the end of the day, naniniwala ako na lahat ng bagay ay pwede daanin sa maayos na usapan.

fifi_girl

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #44 on: July 16, 2016, 08:17:52 am »
Another thing, call it bad or what, if ever I resign for our marriage and for his sake, I won't be sharing the equity separation sa kanya. Kasi that's a safety net I need since I'm resigning. So para iwas away, don't disclose the total amount, sabihin mo nabawasan ng tax and other deductions, at yung iba, winith-held for release later or something.

I was also thinking the same thing. If ever i will resign (which is kinda impossible right now), di ako papayag na galawin [textspeak!] equity na makukuha ko. I'll keep it as an emergency fund for me and my son.

supporting him is fine to save the marriage but I think he really should have back up plans. Yung plano na maayos na sure na magiging ok pa din ang buhay ng anak nyo lalo na studies.

hindi pwedeng support lang ng support tapos walang maayos na plano, kawawa ang anak. Alangan naman, nganga nalang kapag walang nangyari sa negosyo.

Ang sa akin lang, when you have a kid, hindi lang ito tungkol sa mag asawa, when you decide and make plans, always consider din yung bata. Mahirap ang bahala na si batman attitude when you have a kid to send to school and to feed.

I'm more on the practical side. Nothing wrong with trying a business and supporting a husband who wants to try it pero dapat there's a concrete plan if hindi magwork out ang business.

I hope everything turns out okay, TS. :) At the end of the day, naniniwala ako na lahat ng bagay ay pwede daanin sa maayos na usapan.

Sana nga, i hope everything will turn out fine. Little by little, nawawala na yung bigat sa pakiramdam, knowing that my son is there for me. He might just be a toddler, but his simple "lambing" gestures is making me feel better. Partly siguro, he is getting a bit frustrated kase ang tagal tumawag nung mga ina-a-pplyan niya.

SnowBall

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #45 on: July 16, 2016, 11:01:32 am »
Hi, kung ako nasa katayuan mo, mag reresign ako at susunod ako kung nasaan ang asawa ko.

Why? Because yun ang tama. Noong pinakasalan mo siya yan ang pinangako mo sa Diyos hindi ba?

Hindi pa man pumapalpak ang asawa mo eh inuunahan mo na. Hindi pa man nangyayari eh nilalayo mo na sarili mo as if wala na bang pag asa na magtagumpay ang mister mo sa bagong buhay na pinili niya para sa inyong pamilya.

IMO, ang tama eh kung nasaan ang asawa mo eh andun ka. Ang tama eh ikaw dapat ang kakampi ng mister mo lalo na sa oras na kailangan niya ang iyong suporta.

Paano kung magtagumpay ang mister mo? Saka mo lang siya babalikan at susundin? Ganun ba dapat ang pagmamahal ng isan asawa?sa ginhawa lang?

Hindi ba dapat sa hirap at ginhawa, sa sarap at hirap?

Kung wala na kayong makain ma iintindihan kita pero sa ngayon kasi parang ayaw mo lang suportahan ang mister mo dahil sa takot na "madamay " ka at ang anak ninyo kung sakaling pumalpak siya.

That's not marriage IMO.

Girltalker2

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #46 on: July 16, 2016, 12:03:54 pm »
Hi, kung ako nasa katayuan mo, mag reresign ako at susunod ako kung nasaan ang asawa ko.

Why? Because yun ang tama. Noong pinakasalan mo siya yan ang pinangako mo sa Diyos hindi ba?

While this is true, I think both husband and Wife should make rational decisions TOGETHER. Di lang naman Wife ang nangangako di ba, kayong dalawa. If you abide by this rule, paano na mga OFW's.

Also, kung drug addict asawa mo, sasama ka ba with your kids in tow? Hindi naman di ba? Of course this is an extreme example. What I'm saying is with a 500/week earning, you know what you're getting into once you resign - magugutom ka lang naman along with your child. This is simply not workable. Bilang mag asawa dapat ang plans para sa lahat ng members ng family, Hindi lang for the Husband.

Im not saying TS should not resign. What I'm saying that both should talk and layout their plans for THEM (both - at Mukhang di Ito makita ni hubby or may slam Si hubby na di alam ni TS) to see if feasible ba ang plan na iyan.

Hindi pa man pumapalpak ang asawa mo eh inuunahan mo na. Hindi pa man nangyayari eh nilalayo mo na sarili mo as if wala na bang pag asa na magtagumpay ang mister mo sa bagong buhay na pinili niya para sa inyong pamilya.

This is like saying ... Yung kotse at high speed about to fall in the ravine. Upo ka nalang inside and aasa na di kayo mahulog sa bangin? Kahit pa sakay din inside Anak mo. Sounds like suicide to me.

Paano kung magtagumpay ang mister mo? Saka mo lang siya babalikan at susundin? Ganun ba dapat ang pagmamahal ng isan asawa?sa ginhawa lang?

Hindi ba dapat sa hirap at ginhawa, sa sarap at hirap?

Question ko naman pano kung pumalpak? If TS is thinking of hubby, perhaps the question that needs confirmation is if hubby is thinking of wife and child 's welfare as well? Or sarili lang nya ang importante. He made a series of decisions ON HIS OWN without regard to the family, which brought them to this point.

Right now? I don't think TS left her hubby. Yes they might not be physically together but they're trying to make it work. And they are also not in a 'maginhawa' situation now. But they're still together. And si hubby ang gusto humiwalay, Mahirap ang situation nila now and the thing is, they need to resolve this to avoid totally breaking up the marriage.

SnowBall

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #47 on: July 16, 2016, 01:50:44 pm »
Ang masasabi ko lang talaga, ang mag asawa nagtutulungan sa hirap at ginhawa.

Hindi pwedeng andiyan ka lang para sa asawa mo kasi maginhawa ang buhay ninyo.

Like yung asawa ni henry sy, she was there when henry sy was still struggling, and now that they are rich, magkasama ke ilang beses pang nalugi ang negosyo ni henry sy noon, the wife was there.

That's the classic example of a good marriage. May team up.

Imo, ang naiisip mo lang TS eh kesyo sarili lang ni husband ang iniisip niya, ikaw ba naisip mo man lang ba na probably kaya nag resign ang mister mo kasi nakakasama na sa kanya yung work like sa emotional, physical and psychological? Naisip mo man lang ba na baka kaya nag resign dahil hindi na siya masaya sa ginagawa niya?

Nakikita ko naman na your husband is not selfish. Why? Kasi gusto niya pa rin mag work, that is sa pagtatayo ng negosyo. Eh para kanino ba yun? Para lang ba sa kanya? Sinabi ba niya na para lang sa kanyang mag isa yung negosyo? At kayong mag ina eh etsapwera?

Nakaka relate kasi ako sayo. Mahirap lang kami ng husband ko noon. Pero dahil malakas ang loob ng mister ko, pinalago niya yung negosyo na iniwan sa akin ng parents ko, hindi ko din alam ang kasiguraduhan ng bukas noon, but I supported him without asking questions... complete trust and faith din kay God, and here we are.. with God's grace eh nabibili na namin lahat ng gusto namin.

Same case with my parents. They also started poor, nag resign din noon sa work ang dad ko (medical representative ng zuellig) and nag negosyo sila ng mom ko. And my mom stayed all through out. Through thick and thin, richer and poorer.

Kung ako eh lalaki, i would like to have a wife who's gonna support me and trust my capacities and just be there at all times.

fifi_girl

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #48 on: July 16, 2016, 08:01:09 pm »
Hi, kung ako nasa katayuan mo, mag reresign ako at susunod ako kung nasaan ang asawa ko.

Why? Because yun ang tama. Noong pinakasalan mo siya yan ang pinangako mo sa Diyos hindi ba?

Hindi pa man pumapalpak ang asawa mo eh inuunahan mo na. Hindi pa man nangyayari eh nilalayo mo na sarili mo as if wala na bang pag asa na magtagumpay ang mister mo sa bagong buhay na pinili niya para sa inyong pamilya.

IMO, ang tama eh kung nasaan ang asawa mo eh andun ka. Ang tama eh ikaw dapat ang kakampi ng mister mo lalo na sa oras na kailangan niya ang iyong suporta.

Paano kung magtagumpay ang mister mo? Saka mo lang siya babalikan at susundin? Ganun ba dapat ang pagmamahal ng isan asawa?sa ginhawa lang?

Hindi ba dapat sa hirap at ginhawa, sa sarap at hirap?

Kung wala na kayong makain ma iintindihan kita pero sa ngayon kasi parang ayaw mo lang suportahan ang mister mo dahil sa takot na "madamay " ka at ang anak ninyo kung sakaling pumalpak siya.

That's not marriage IMO.

FYI, we initially agreed with this set up. Siya mismo ang nagsabi na dun muna siya sa hometown niya, while me and our kid will stay at my parents. I believed in him, trusted him, motivated him from the beginning. All our savings was invested in that business. May natitira man sa savings namin, konti na lang. Just enough for one hospitalization in case. If i don't support him, eh di sana hindi ko pinagamit as puhunan [textspeak!] savings namin.

I don't decide just for myself, but for the welfare and future of my son.

SnowBall

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #49 on: July 16, 2016, 08:52:13 pm »
^pinapasunod ka na niya doon diba? Ayaw mo. Kaya ko nasabi yang opinion ko.

Btw you are asking for advices for both sides kaya sana huwag ka mainis sa payo ko sayo. :)

Ang sa akin lang, ang mag asawa mas mainam na magkasama kasama ng anak ninyo.

Bihira sa mga nagkakalayo ang nasusustain ang pagmamahal sa bawat isa. Hindi naman ofw mister mo sa nasa inyo lahat ng chances to be together in one home.

Anyway, it's your life anyway. It's your marriage anyway, kami eh mga miron lang at ang alam lang namin eh kung ano ang sinasabi mo dito.

Take care

TomHansen

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #50 on: July 16, 2016, 11:27:20 pm »
Unahin mo ang anak mo fifi_girl, simula pa lang halata namang magffail yung business ng asawa mo pero sumugal ka pa rin at pumayag sa gusto niya, now it's your turn to decide kung ano ang mas makabubuti sa anak mo. Remember mas mahalaga ang kapakanan ng anak mo kesa sa pride/ego ng asawa mo. Importante ang marriage pero mas importante ang bata dahil yung bata walang "say" sa buhay niya, wala pa siyang kontrol kaya ang focus mo while he's young is alagaan siya at ibigay lahat ng needs niya na hindi niyo maibibigay ng hubby mo kung nasa hometown niya kayo.. And yes itago mo pera mo, baka gusto ka niyang magresign dahil dun sa perang matatanggap mo..

Girltalker2

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #51 on: July 16, 2016, 11:50:53 pm »

Bihira sa mga nagkakalayo ang nasusustain ang pagmamahal sa bawat isa.

Bihira din ang mag asawang gutom ang nasusustain ang pagmamahal sa bawat isa.

Missus O

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #52 on: July 17, 2016, 06:00:59 am »
Ang masasabi ko lang talaga, ang mag asawa nagtutulungan sa hirap at ginhawa.

Hindi pwedeng andiyan ka lang para sa asawa mo kasi maginhawa ang buhay ninyo.

Like yung asawa ni henry sy, she was there when henry sy was still struggling, and now that they are rich, magkasama ke ilang beses pang nalugi ang negosyo ni henry sy noon, the wife was there.

That's the classic example of a good marriage. May team up.

Imo, ang naiisip mo lang TS eh kesyo sarili lang ni husband ang iniisip niya

Nakikita ko naman na your husband is not selfish. Why? Kasi gusto niya pa rin mag work

Kung ako eh lalaki, i would like to have a wife who's gonna support me and trust my capacities and just be there at all times.

Personally, it is unfair to compare TS to Henry Sy or to your parents. They lived in a bygone area. Everyone knows that at present, if you do not work, you won't get paid. How on earth will they be able to sustain a family of 3 or so, kung wala silang pera pambili ng basic needs especially with today's inflation? That is very simple logic.

Her husband is selfish. Dahil ang responsable at hindi makasariling  lalaki, bago pa man gumawa ng isang major desisyon na makakaapekto sa buhay ng PAMILYA nya (i emphasize this because kasi may anak sila na nagaaral), eh isasangguni muni ang napagdesiyunan nya sa asawa nya. Bago pa man gumawa ng desisyon para sa sarili nya ay iisipin muna kung ano ang magiging epekto sa pamilya nya. TS had already pointed it out that her husband was stressed sa work nya kaya sya nagresign. There is nothing wrong with that. Gusto nyang mag-business. Again there is nothing wrong with that.  The problem here is that the husband apparently is also not that well researched sa business. Kung gusto nya talagang magbusiness, dapat nagipon muna sya. Ano ba naman to sacrifice a few months more para hindi na lang magloan ng malaki sa banko. Dapat pinagaralan muna nya, kung magtatayo ba sya ng bakery, marunong ba syang magbake.. kung hindi sino ang gagawa nito, may pang kapital ba sya na pangbayad ng mga tao un case na wala pang kita... etc.. etc..  It is expected that a business will not profit in the first few months, however they should have some sort of return by the 6th month.  And then now that the business is failing, the husband is looking for work again. All of these problems would never have occurred in the first place if the husband did sit down with TS and had a heart to heart discussion wherein both talk and listen (not one talk, while the other listen). 

Kung ako ang lalaki, mas gugustuhin kong may respeto kaming dalawa ng asawa ko sa isat-isa. Hindi lang sa salita, pero pati sa gawa.  Mas papaboran ko ang asawa na smarte at intelehente, na pweding magmungkahi at katuwang ko sa buhay. Hindi man pisikal na katabi, pero kahit emosyonal dahil bilang isang lalaki, malawak ang aking isipan at kaunawaan.

By the way, if there was a couple whom I would look upto, it would be those unnamed couples whom had been married for the longest time. Those couples whom when asked what the secret to marriage is, will say open communication and respect for one another.

TO TS - I admire your level headedness despite the gloom that you are in.  Sometimes life throws you a curveball, and all you've got to do is bend a little to catch it.  You're husband is probably in a dark path right now. He is probably confused and disgruntled with the way his life is turning out. He probably didn't think this through,and is too much of a prick to accept defeat or to return with his tail between his legs. So what to do?  Just  give him emotional support. As one have said, the husband is the head of the family. But do remember, the wife is the neck... the neck turns the head...   we can never undo the past. What we can mend is the future. Let this be a lesson learned for the 2 of you.  Be a shoulder for him to lean on, because this is his time of need...but  keep in mind na hindi lang kayong dalawa ang nabubuhay sa mundo, may anak kayo.  The old sayings are not true, love does not truly conquer all, and you do need a lot more than love to survive life. If it were true, lahat ng tao masaya. Hindi kayo mapapakain ng love at mabubuhay ng love lang. Kaya wag kang magresign hanggat wala kayong plan B, Plan C at Plan D.  It is truly hard to be a working wife and a mom at the same time, but God gave us brains and logic to figure our problems out, and a heart to be empathic to others needs.  Do pray and ask for Divine wisdom, I wish you the best.

fifi_girl

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #53 on: July 17, 2016, 06:08:38 pm »
Her husband is selfish. Dahil ang responsable at hindi makasariling  lalaki, bago pa man gumawa ng isang major desisyon na makakaapekto sa buhay ng PAMILYA nya (i emphasize this because kasi may anak sila na nagaaral), eh isasangguni muni ang napagdesiyunan nya sa asawa nya. Bago pa man gumawa ng desisyon para sa sarili nya ay iisipin muna kung ano ang magiging epekto sa pamilya nya. TS had already pointed it out that her husband was stressed sa work nya kaya sya nagresign. There is nothing wrong with that. Gusto nyang mag-business. Again there is nothing wrong with that.  The problem here is that the husband apparently is also not that well researched sa business. Kung gusto nya talagang magbusiness, dapat nagipon muna sya. Ano ba naman to sacrifice a few months more para hindi na lang magloan ng malaki sa banko. Dapat pinagaralan muna nya, kung magtatayo ba sya ng bakery, marunong ba syang magbake.. kung hindi sino ang gagawa nito, may pang kapital ba sya na pangbayad ng mga tao un case na wala pang kita... etc.. etc..  It is expected that a business will not profit in the first few months, however they should have some sort of return by the 6th month.  And then now that the business is failing, the husband is looking for work again. All of these problems would never have occurred in the first place if the husband did sit down with TS and had a heart to heart discussion wherein both talk and listen (not one talk, while the other listen). 

We had that talk before, but then decided na talaga sya about venturing into business that time. So i supported him, kahit pa may konting takot on my part. Kase nga i'll be left with the responsibility of sustaining for our child's welfare and education. Still, i gave him my full support. He actually attended bread-making classes and learned how to make breads. But the thing is, with the present cashflow, hindi kakayanin na mag-hire ng baker. His relative is the one helping him out with the bakery, but when it comes to bread-making, siya lang talaga. So i guess that added to his stress.

TO TS - I admire your level headedness despite the gloom that you are in.  Sometimes life throws you a curveball, and all you've got to do is bend a little to catch it.  You're husband is probably in a dark path right now. He is probably confused and disgruntled with the way his life is turning out. He probably didn't think this through,and is too much of a prick to accept defeat or to return with his tail between his legs. So what to do?  Just  give him emotional support. As one have said, the husband is the head of the family. But do remember, the wife is the neck... the neck turns the head...   we can never undo the past. What we can mend is the future. Let this be a lesson learned for the 2 of you.  Be a shoulder for him to lean on, because this is his time of need...but  keep in mind na hindi lang kayong dalawa ang nabubuhay sa mundo, may anak kayo.  The old sayings are not true, love does not truly conquer all, and you do need a lot more than love to survive life. If it were true, lahat ng tao masaya. Hindi kayo mapapakain ng love at mabubuhay ng love lang. Kaya wag kang magresign hanggat wala kayong plan B, Plan C at Plan D.  It is truly hard to be a working wife and a mom at the same time, but God gave us brains and logic to figure our problems out, and a heart to be empathic to others needs.  Do pray and ask for Divine wisdom, I wish you the best.

I really have no choice right now but to be strong. Not just for myself but for my son as well. We can never undo the past, but its gonna be a long recovery and healing for the both of us.. that is if we will be able to work things out. Indeed, he is in a very difficult situation right now.

I haven't told our families yet, but i think it is necessary that we let them know. They are the ones who can help us with our situation. Knowing my hubby, hindi namin maaayos ito kung kaming dalawa lang. He has this attitude na, pipilitin nya akong gumawa ng desisyon, and when it is not in favor of what he wants to happen, he will turn things against me. Meaning sa akin niya isisisi lahat. That's why i avoided talking to him when he was trying to call me yesterday. He even unfriended me in FB.

Gulong gulo na talaga ang isip ko. Di ko na alam kung anong gagawin. And right now, all i can do is pray.

janachen

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #54 on: July 18, 2016, 05:11:20 pm »
Madaling sabihin na magtulungan sa hirap at ginhawa kung hindi pa naexperience.

Ang laking factor talaga yung pagkasira ng relasyon pagdating sa pera. Aminin natin, pera talaga nagpapainog sa mundo. Babae ang unang maiistress pagka nakitang gutom ang anak.

@TS Mas maigi na mag usap kayo, kasi pareho kayung nafrufrustrate. Sa akin tama yung desisyon mo na manatili ka muna sa work. Mahirap yung sumama kayo ng baby mo tapos pareho kayong nga nga tapos babalik ka sa parents mo.

Kung sumama pala kayo, eh di parang sumabak kayo sa giyera na hindi sapat ang bala. Dapat nag ipon muna ng emergency fund bago siya nagpatayo ng biz nya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #55 on: July 18, 2016, 06:25:34 pm »
You have to talk to your husband kasi di masolusyunan current situation ninyo kung iiwasan mo na mag-usap kayo. I think you have to ask him if anong plan b, c, d niya if ever sundin mo ang gusto niya na magresign ka at magrelocate sa province. You have to explain na sa ngayon na struggling ang business niya, ang job mo ang nagsisilbing safety net ninyo. Hindi pwede na parehas kayong walang regular income since you have a child to feed. Magkasama nga kayo pero walang kasiguruhan ang bukas. Hindi totoo na love will keep you alive lalo na pagnakita mo na di nakakapag-aral at nakakakain anak mo. 500/week will not suffice, paano na lang if may biglaan na pagkagastusan? Tatakbo sa kamag-anak para mangutang?! Dapat kasi bago siya nagstart ng business pinag-aralan niya ang target customer and location. At bago siya nagresign sana nakiramdam muna siya kung pipick-up ang business.Then saka nagdecide na magresign kung ok na ang bentahan. Mas ok talaga na may regular job pa din lalo na if wala naman savings kasi sa umpisa kadalasan quits lang ang kita at gastos, madalas abonado pa. Pero dahil andiyan na yan your husband should accept defeat for NOW, siguro ipagkatiwala muna sa trusted person ang bakery at maghanap siya ng trabaho para may pangsustain sa ibang gastos sa bakery kung talagang desidido siya na ituloy pa yun. Now kung ikaw pagdedesisyunin niya if ano magandang gawin linawin mo muna na walang sisihan anuman kalabasan ng maging desisyon mo since siya naman ang puno't-dulo ng issue ninyo.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #56 on: July 18, 2016, 07:12:14 pm »
Haay my reaction on this:  SPOILED BRAT ang asawa mo.  8)  ::)

Typical spoiled brat kid tapos tumanda at nagkapamilya. Ako na ang judgemental pero pag nakakarinig ako ng mga pamilyadong lalaking puros reklamo kesyo nahihirapan sa career pero may pamilya at anak na pinapakain naku sarap tadyakan.  >:(

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #57 on: July 18, 2016, 07:31:22 pm »
Stubborn and spoiled brat. Pagpumalpak sila sa iba isisisi, hugas-kamay kumbaga lahat yung misis nila ang may kasalanan. Pansin ko ang daming iresponsible guys sa panahon na ito, mukhang na-pamper ng husto kaya ayaw ng nahihirapan sa buhay. Di napagsabihan na walang trabaho na madali.

shinies

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #58 on: July 19, 2016, 02:46:53 pm »
I keep on replaying everything on my mind, iniisip ko kung saan ako nagkamali. I admit meron din akong naging fault along the way.

My hubby actually has a superiority complex. Which makes it more difficult for me to make him understand my decision. Na at this point, hindi siya ang nasusunod.

Pasintabi pero pprankahin na kita kahit na mukhang mga kampi lang sayo na comments ang gusto mo makita..

Mahirap talaga yung sitwasyon kasi nga may anak pero para sa mister mukhang eto talaga yun > kulang ang suporta.. Napilitan lang talaga at iniisip na pag hindi lumago yung negosyo eh hard lesson.

Yan ang ramdam ni mister kaya ganyan eh suko na lang.. Parang imbis na maging silver lining si misis, mas nakakadagdag lang sa stress.
Mahirap naman talaga ang negosyo lalo nagsisimula pa. Buti nga bumabalik ang puhunan kasi yung iba, lugi ng ilang taon tapos saka lang kikita.
Baka naiismol ang asawa mo kasi ang tingin eh "di mabubuhay sa 500" imbis na "wow ang galing naman naka500 kahit bago pa lang!".
Kung naapi ang pagkalalaki niya, normal na maging ganyan siya.

Di ko yata maexplain ng mabuti pero ang kailangan ng asawa mo eh maging cheerleader ka niya at hindi critic.

Mukhang ganun talaga siya bilang tao (ito ang imperpeksyon niya) madali sumuko pag nahihirapan.. Ikaw sis, susuko ka din ba?

I'd say support your husband still, sa ganyang panahon that's all he needs. Kelangan lang nya maboost ang ego nya ulit and to feel like he's the head of the family. Wala namang business ang successful agad right away. Businessmen know that, and ang reason kung bakit sila nagiging successful eventually? Consistency. Kung magfail, try ulit. Kung focused ang husband mo with his business, he will try and try. Businesses, big or small, can take time to flourish. Hindi dahil hindi sya kumikita ngayon eh failure na sya.

Eto

Sakin worth resigning and be together to save the marriage. But that is, if you're confident na Hindi kayo ma papabayaan. Ang ayoko mangyari is mag resign ka, then kapag in trouble, Ikaw parin dapat gumawa ng paraan. Then all the blaming and regrets happen later.

Mahirap ito kasi nga safety net yung trabaho pero may point din.. Baka ito yung leap of faith na inaantay ni mister? O di ba pwede tiisin na lang yung travel time? Di kaya ang naiisip ni mister eh siya lang nagtitiis kasi wala pang naisasakripisyo si misis?

Baka kaya pang pagusapan ng mabuti :'( Wala naman may gusto ng kung anong nangyayari at saka para na rin sa bata, mainam na buo ang pamilya..

Ang masasabi ko lang talaga, ang mag asawa nagtutulungan sa hirap at ginhawa.

Hindi pwedeng andiyan ka lang para sa asawa mo kasi maginhawa ang buhay ninyo.

Nakaka relate kasi ako sayo. Mahirap lang kami ng husband ko noon. Pero dahil malakas ang loob ng mister ko, pinalago niya yung negosyo na iniwan sa akin ng parents ko, hindi ko din alam ang kasiguraduhan ng bukas noon, but I supported him without asking questions... complete trust and faith din kay God, and here we are.. with God's grace eh nabibili na namin lahat ng gusto namin.

Same case with my parents. They also started poor, nag resign din noon sa work ang dad ko (medical representative ng zuellig) and nag negosyo sila ng mom ko. And my mom stayed all through out. Through thick and thin, richer and poorer.

Kung ako eh lalaki, i would like to have a wife who's gonna support me and trust my capacities and just be there at all times.

Mukhang pareho tayo ng nakikita..

Ganyan din magulang ko. Daming pagtitiis ng nanay ko habang nagpupursige tatay ko at ngayon nabibili nila kahit anong gusto nila. Mas updated pa sila sa gadgets kesa sa amin haha!

Nakakalungkot naman yung name-calling :-\ Di naman natin lubos na naiintindihan yung pinagdadaanan ni mister..
Wala namang perpektong tao at wala din perpektong marriage. Kung hindi man magkaayusan at may kailangan sisihin, pareho yun (pwera na lang kung psycho ang isa).

Sana magkausap pa ng masinsinan na open pareho na ayusin ito.. Kailangan open, without judgement, without resentment, etc. Kung di talaga kaya, eh humingi na nga ng tulong sa mga magulang..

Di pa naman huli ang lahat eh. Naniniwala ako kaya pa ayusin!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hubby left his job
« Reply #59 on: July 20, 2016, 03:18:54 am »

Mahirap talaga yung sitwasyon kasi nga may anak pero para sa mister mukhang eto talaga yun > kulang ang suporta.. Napilitan lang talaga at iniisip na pag hindi lumago yung negosyo eh hard lesson.

Yan ang ramdam ni mister kaya ganyan eh suko na lang.. Parang imbis na maging silver lining si misis, mas nakakadagdag lang sa stress.

I don't think na nagkulang pa ng support si TS, nagresign si hubby at hinayaan ni TS yun, nagput up ng business si hubby at kahit ayaw ni TS hinayaan niya pa rin si hubby. Nagamit pa ang saving nila para sa business nila at halos maubos na ito. Ang usapan nila magbi-business si hubby  sa province at maiiwan si TS kasi tutuloy pa rin sa work dahil sa kanya naiwan ang responsibility sa bata. Yun pa ba ang kulang sa suporta? Ano pa bang support ang gusto ni hubby? Totoo naman talaga na he has to learn the hard way kasi matigas ang ulo niya. Hindi lang naman si hubby ang stress kundi pati si TS na rin. Actually parehas na silang frustrated sa situation nila.

Mahirap naman talaga ang negosyo lalo nagsisimula pa. Buti nga bumabalik ang puhunan kasi yung iba, lugi ng ilang taon tapos saka lang kikita.
Baka naiismol ang asawa mo kasi ang tingin eh "di mabubuhay sa 500" imbis na "wow ang galing naman naka500 kahit bago pa lang!".
Kung naapi ang pagkalalaki niya, normal na maging ganyan siya.

Di ko yata maexplain ng mabuti pero ang kailangan ng asawa mo eh maging cheerleader ka niya at hindi critic.

While I agree that TS should be his cheerleader instead of being his critic, hindi din naman natin pwede alisin na ina din si TS at may anak na dapat intindihin. Hindi naman sa ini-small ang 500/weekly pero kung yun lang ang kinikita ng bakery sa ngayon hindi yun sasapat sa kanilang tatlo. Sana maisip ni hubby na safety blanket nila na may work si TS habang struggling ang business niya. Wag siyang magpabebe.

Mukhang ganun talaga siya bilang tao (ito ang imperpeksyon niya) madali sumuko pag nahihirapan.. Ikaw sis, susuko ka din ba?

Hindi naman si TS ang sumusuko kundi ang hubby niya e. Gusto ng hubby niya na maghiwalay na lang sila if TS will not resign (kasi need niya ang retirement pay ni TS) and she even unfriended TS sa social media.

Baka ito yung leap of faith na inaantay ni mister? O di ba pwede tiisin na lang yung travel time? Di kaya ang naiisip ni mister eh siya lang nagtitiis kasi wala pang naisasakripisyo si misis?

Napakahirap ng travel time, 6hrs just for the travel time everyday idagdag mo pa yung minimum 1hr na preparation time sa pagpasok. Sa ganyan kalayong byahe hindi ka pa dumarating sa office at nakakapagsimula sa trabaho pagod ka na. Sana wag na lang magkwentahan ng sakripisyo kundi isipin nila ang brighter side. Pagnagsimulang pumick-up ang business pare-parehas silang makikinabang pero while waiting for that to happen hindi pwede na pareho silang walang regular na trabaho. I remember TS stating that she hardly make both ends meet, sa ganyang kalayo na byahe dagdag gastusin pa yan sa pagcocommute

Ganyan din magulang ko. Daming pagtitiis ng nanay ko habang nagpupursige tatay ko at ngayon nabibili nila kahit anong gusto nila. Mas updated pa sila sa gadgets kesa sa amin haha!

Hindi kasi natin pweding i-compare ang present situation sa dati or sa noon e. Years ago doable yang sinasabi na suportahan lang si mister sa gusto niya habang nag-aantay lang si misis ng ibubunga wag lang masagasaan ang pagiging macho ni mister. Sa panahon na ito lahat kailangan ng bilhin. I remember my lola was just a plain housewife back then and ang lolo ko public servant/pulitiko. Ayaw man ng lola ko wala siya nagawa kundi suportahan ang lolo ko. Halos wala naman income pag sa province ka naglingkod abonado ka pa minsan. Ang mommy ko sabi niya ang maganda lang dati pagwala kang cash pwede ka makipagbarter. Mangunguha lang daw siya ng saging sa bundok at idadala sa tindahan para maipapalit ng school supplies pero sa panahon na ito I dont think applicable pa yan dahil kailangan ng pera para makagalaw.

Ako I'll support my hubby wholeheartedly kung wala akong anak na kakalam din ang sikmura sakaling magfail ang business niya. Matitiis ko ang sariling gutom pero ibang usapan na pagbata na ang nagsabi na gutom sila. Di ko naman pwede sabihin sa bata na anak matulog ka na lang hihintayin pa kasi natin kung kelan aasenso ang plano ng tatay mo.

Nakakalungkot naman yung name-calling :-\ Di naman natin lubos na naiintindihan yung pinagdadaanan ni mister..
Wala namang perpektong tao at wala din perpektong marriage. Kung hindi man magkaayusan at may kailangan sisihin, pareho yun (pwera na lang kung psycho ang isa).

Sana magkausap pa ng masinsinan na open pareho na ayusin ito.. Kailangan open, without judgement, without resentment, etc. Kung di talaga kaya, eh humingi na nga ng tulong sa mga magulang..

Hindi natin alam ang pinagdadaanan ng husband pero obviously frustrated siya kaya siya ganyan. Sana maging openminded siya, napaka-stubborn niya kasi. Ibaba niya muna ang pride niya dahil aminin man niya o hindi mas ngayon nila kailangan na may work ang misis niya. TS is just trying to be a supportive and practical wife at yun ang di makita ng hubby niya.

Latest Stories

Load More Stories
Close