I keep on replaying everything on my mind, iniisip ko kung saan ako nagkamali. I admit meron din akong naging fault along the way.
My hubby actually has a superiority complex. Which makes it more difficult for me to make him understand my decision. Na at this point, hindi siya ang nasusunod.
Pasintabi pero pprankahin na kita kahit na mukhang mga kampi lang sayo na comments ang gusto mo makita..
Mahirap talaga yung sitwasyon kasi nga may anak pero para sa mister mukhang eto talaga yun > kulang ang suporta.. Napilitan lang talaga at iniisip na pag hindi lumago yung negosyo eh hard lesson.
Yan ang ramdam ni mister kaya ganyan eh suko na lang.. Parang imbis na maging silver lining si misis, mas nakakadagdag lang sa stress.
Mahirap naman talaga ang negosyo lalo nagsisimula pa. Buti nga bumabalik ang puhunan kasi yung iba, lugi ng ilang taon tapos saka lang kikita.
Baka naiismol ang asawa mo kasi ang tingin eh "di mabubuhay sa 500" imbis na "wow ang galing naman naka500 kahit bago pa lang!".
Kung naapi ang pagkalalaki niya, normal na maging ganyan siya.
Di ko yata maexplain ng mabuti pero ang kailangan ng asawa mo eh maging cheerleader ka niya at hindi critic.
Mukhang ganun talaga siya bilang tao (ito ang imperpeksyon niya) madali sumuko pag nahihirapan.. Ikaw sis, susuko ka din ba?
I'd say support your husband still, sa ganyang panahon that's all he needs. Kelangan lang nya maboost ang ego nya ulit and to feel like he's the head of the family. Wala namang business ang successful agad right away. Businessmen know that, and ang reason kung bakit sila nagiging successful eventually? Consistency. Kung magfail, try ulit. Kung focused ang husband mo with his business, he will try and try. Businesses, big or small, can take time to flourish. Hindi dahil hindi sya kumikita ngayon eh failure na sya.
Eto
Sakin worth resigning and be together to save the marriage. But that is, if you're confident na Hindi kayo ma papabayaan. Ang ayoko mangyari is mag resign ka, then kapag in trouble, Ikaw parin dapat gumawa ng paraan. Then all the blaming and regrets happen later.
Mahirap ito kasi nga safety net yung trabaho pero may point din.. Baka ito yung leap of faith na inaantay ni mister? O di ba pwede tiisin na lang yung travel time? Di kaya ang naiisip ni mister eh siya lang nagtitiis kasi wala pang naisasakripisyo si misis?
Baka kaya pang pagusapan ng mabuti

Wala naman may gusto ng kung anong nangyayari at saka para na rin sa bata, mainam na buo ang pamilya..
Ang masasabi ko lang talaga, ang mag asawa nagtutulungan sa hirap at ginhawa.
Hindi pwedeng andiyan ka lang para sa asawa mo kasi maginhawa ang buhay ninyo.
Nakaka relate kasi ako sayo. Mahirap lang kami ng husband ko noon. Pero dahil malakas ang loob ng mister ko, pinalago niya yung negosyo na iniwan sa akin ng parents ko, hindi ko din alam ang kasiguraduhan ng bukas noon, but I supported him without asking questions... complete trust and faith din kay God, and here we are.. with God's grace eh nabibili na namin lahat ng gusto namin.
Same case with my parents. They also started poor, nag resign din noon sa work ang dad ko (medical representative ng zuellig) and nag negosyo sila ng mom ko. And my mom stayed all through out. Through thick and thin, richer and poorer.
Kung ako eh lalaki, i would like to have a wife who's gonna support me and trust my capacities and just be there at all times.
Mukhang pareho tayo ng nakikita..
Ganyan din magulang ko. Daming pagtitiis ng nanay ko habang nagpupursige tatay ko at ngayon nabibili nila kahit anong gusto nila. Mas updated pa sila sa gadgets kesa sa amin haha!
Nakakalungkot naman yung name-calling

Di naman natin lubos na naiintindihan yung pinagdadaanan ni mister..
Wala namang perpektong tao at wala din perpektong marriage. Kung hindi man magkaayusan at may kailangan sisihin, pareho yun (pwera na lang kung psycho ang isa).
Sana magkausap pa ng masinsinan na open pareho na ayusin ito.. Kailangan open, without judgement, without resentment, etc. Kung di talaga kaya, eh humingi na nga ng tulong sa mga magulang..
Di pa naman huli ang lahat eh. Naniniwala ako kaya pa ayusin!