Hello mga sis. Ishare ko lang ang kakatwang story ko. Ito yung continuation nun post ko sa Saving tips thread. Involved kasi ang credit card kaya dito ko pinost.
To start the story, im a BPI cardholder since 2007. Delta skymiles card. Siguro makakabili na ako ng plane tickets sa laki ng miles ko pero di ko pa nacheck kung ilang points na.
So one night, i was watching 24 oras and i was frightened by the news about credit card fraud via card cloning. So nun mapanuod ko yun, bigla ko naalala yun cc account ko, almost 3 years ko na kasing hindi nachecheck ang SOA ko at bayad lang ako ng bayad, gamit ng gamit.
So naisip ko baka may mga unauthorized transactions na at lumobo na ang bill ko to 70k or 100k..
So nag-log in ako to check. Take note na last month ko lang naactivate ang BPI expressonline account ko. So while trembling and waiting for my account details to load, finally nakita ko na.
Bigla akong halos himatayin nung makita ko ang figures: 206k+ pesos!! Napamura ako! p****ng in*!! Anglake ng utang ko!! Di ko naman ginagamit!!
So ayun halos lumake ang ulo ko sa nakita kong amount.. But wait.. Bakit may negative sign??
As in -206k+ ang total amount due ko..
So tinignan ko lahat ng SOA, puro 0 naman ang transactions. Since May -june-july kaya dapat wala ako babayaran. at may mga payments made ako na nakalagay. So being a noob or shunga.. Nagtanong ako sa friend ko, then sabi nya pag negative ang amount due ibig sabihin yun ang OVERPAYMENT amount. Meaning BPI owes me money. So yun na di na naman ako makapaniwala. Ampotek!! Kung yung -206k na yun ay overpayment amount. Ibig sabihin, kung marerefund ko yun, may pera akong ganun amount!
So i emailed BPI the same night and provided all the copies of the deposit slips to support my refund claim, IDs, billing statements, at kung ano-ano pa.. Hindi naman ako pinahirapan ni BPI at nagmail back agad na for processing na yun request and after 4days makecredit back na yun refund amount sa deposit account ko. Sana lang walang maging aberya at maibalik yun cash ko. Pero ok lang din kahit hindi kasi di naman daw mawawala yun kasi tumagal nga ng 1year yung credits ko na lumalaki.
So para pala akong nagsave, sa credit card ko nga lang nailagay. I remember those times na talagang pumipila ako ng mahaba to pay. Minsan 10k, 5k, 28k, 35k, 12k, 5k, pag inadd mo lahat aabot talaga ng 206k. Basta pag mareceive ko ang remittance nagbabayad talaga ako sa cc.
Ingat na ingat pa naman ako magcharge sa cc ko at naiisip ko palagi na "nako may babayaran na naman ako sa cc". Lagi akong nagbabayad ng sobra dahil tamad ako maglista at magcompute ng cc transactions ko. Sabi ko nga, di bale nang sobra ang bayad kesa kulang, macharge pa ako ng malaking interest.. Then while paying, i also minimized my spending.
So ngayon angsaya saya ko kasi makakabili na ako ng gold ulit nyahaha! 😁
I remember those times na nagpepray ako ke God na tulungan nya akong isolve ang problem ko sa cc because i tend to overspend. May history ako na umabot ng 100k ang bill ko 3years ago at nabayaran lang yun thru my husband's backpay bago sya mag-abroad. One of the reasons din why ayoko magcheck ng SOA kasi pag malaki ang bill ko di ako nakakatulog.
So ngayon ewan ko, di lang ako makapaniwala at may gabi din na di ako makatulog at makakain haha! Tapos ang hyper ko at di mapakali.. Sabi ko sa friend ko, pareho lang pala ang effect na may malaki kang utang at malaking savings. 😂
There were times nun nagbakasyon kami sa china at naikukumpara ako ng asawa ko sa mga misis ng mga officemate nya. Na si ganto daw magaling sa pera at matipid.. Parinig ba. So ako tahimik lang at alam ko naman yun pressure. Kasi alam nyang bulagsak ako. So ngayon, niyabangan ko sya sabi ko sasagutin ko ang LTO registration ng car nya saka plane tickets nya sa october at sa summer. Saka mga tuition fee ng mga bata next year..well technically, kanya din naman yung pera na yun e hehe. 😂
Ang isa pang magandang result nito mga sis, yung monthly remittance nya sakin na 100k per month ay pinabawasan ko na down to 50k. Sabi ko sa kanya itabi nya sa side nya at wag muna iconvert until tumaas ang currency.
Then ako naman, sa 50k na yun i will not use my cc as much as possible at pagkakasyahin ko pa rin yung lahat ng needs sa monthly expenses namin. At syempre ipinilit ko pa rin na dapat bibili ako ng gold per month as force savings or investment.. Kasi may 10k monthly allowance naman ako as per his budgeting allocation hehe.
Parang yun na ang social life ko. Makipagbolahan sa mga alahera hehe. Kaya pagbigyan nyo na hehe. 😄