watch now

Author Topic: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)  (Read 60779 times)

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #480 on: September 06, 2016, 12:01:50 pm »
buti ka pa sis caramelsundae, samantalang ako bagsak. dami ko tuloy gamot tapos insulin pa. kaya eto pinicturan ko pa sila bilang ala-ala ng napakaselan na pregnancy journey ko.

https://postimg.org/image/bua4luc0x/

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #481 on: September 06, 2016, 01:08:31 pm »
Sis caramel sundae, ilang beses kinukuhanan ng dugo? Okay lang sa akin uminom nung matamis kasi mataas din tolerance ko sa sweets. Yung extraction ang pinagpapawisan ako. Hehe malaki naman veins ko kaso kahit nurse ako takot ako pag ako na tuturukan. Haha

rhylie10

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #482 on: September 06, 2016, 07:02:26 pm »
Hi mga sis! Di ko alam kung tamang thread ba to, 40weeks na kami today base sa lmp, due date ko today pero sa ultrasound september 14, second baby ko ito, sa first baby ko bilis lang lumabas as in 12midnight bigla nalang hilab then 3am out na si baby sa tummy ko..ngayon kasi 40weeks na ko wala parings signs of labor😞 37-38weeks 2cm na daw ako, then bumalik ako last week 39weeks walang nagbago, kanina check up ko ulit 40weeks na ganun parin, naglalakad-lakad naman ako, pinagtake din ako eveprim capsule for 7 days wala parin nagbago..kanina pag ie sakin ni ob sinundot niya ng todo inopen niya daw ayun dumugo.. Pinaultrasound din ako kanina ok naman lahat.. Balik ako sa friday papaNST daw.. Pero sana lumabas na si baby bago mag friday wag na sana abot ng 41-42weeks😞 Tanong ko lang sana kung may nakapagtry ba ng castor oil? Paano? Anong brand? At totoo ba na nakakainduce? Thanks!

stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #483 on: September 07, 2016, 11:32:29 pm »
Hi mga sis, share ko lang iba pang photos and videos ni baby namin ;)

https://mobile.facebook.com/story.php?story_fbid=10154522351009443&id=753814442

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #484 on: September 08, 2016, 01:34:54 am »
Sis stylus may mutual friends tayo! Si Rhea Lumabi at Joseph Dante Reyes :) Accenture officemate at school mate ko sila :) nice pics and videos sis :) parang ang comfy comfy ni baby sa loob.

Ako I had a rough day. Nag threatened preterm labor ako today. Muntik na ako maconfine. Buti nakuha sa meds. Nakita kasi sa bps ko na cord coil si baby so pinag stress test ako today na dapat next week pa ang start. Sa stress test nakita na may mild contractions ako every 7-8mins. Ininject nila ako ng gamot pampastop ng contractions. Kung di daw magstop within 30mins, coconfine na ako. Buti tumigil sya. Nadischarge din ako after almost 6 hrs sa Genenis sa Asian Hospital. Hay. Buti talaga di ako naconfine pero balik ako check up this Sat. Wish me luck mga sis. 29 weeks palang kami exactly ni baby. Although 30 weeks and 3 days na measurement nya at 1,437 grams kanina, takot na takot ako mapremature sya huhu.


stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #485 on: September 08, 2016, 06:39:05 am »
^grabe sis!! Buti naging okay ka! Sabihin mo kay baby wag muna. 8 more weeks pa!

Alamo ako din sis. Lately masakit ilalim ng puson ko sa kanan. Saka konti lang movements ni baby kahapon ng umaga. Di nga ako papasok sa work ngayon kung di sya gagalaw nang normal nya eh. Kagabi buti malikot na ulit.

Okay na ba yung cord coil nya? Saka pano ba yung contractions? Di ko pa rin kasi madistinguish hangganga ngayon kung contractions ba yung nararamdaman ko. Basta paminsan minsan may masakit sa puson ko eh.

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #486 on: September 08, 2016, 08:52:34 am »
Cord coil pa din sya sis. No cause for panic naman daw basta lagi ako monitor weekly sa BPS at NST. Tapos observe ko lagi movements nya. Malikot naman sya buong time nasa ospital kami halos 6 hrs ako nag NST. Wala talaga ako naramdaman. Di ko din alam ang feeling ng contractions. Nakikita lang daw nila sa monitor na meron akong mild contractions kaya tinurukan ako ng gamot. Terbutaline yung name nung ininject sakin. Pakiramdaman mo lang lagi si baby mo sis tapos sugod ka agad in case di sya malikot than usual.

stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #487 on: September 08, 2016, 09:48:19 am »
Sige sis. Never pa ako nagpa BPS. Ngayon okay na ulit ang movement nya. Kagabi nanood kami ni hubby ng train to busan. Ang likot ni baby siguro ramdam nya na natatakot ako. Hahaha

caramelsundae

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #488 on: September 08, 2016, 10:09:08 am »
Sis caramel sundae, ilang beses kinukuhanan ng dugo? Okay lang sa akin uminom nung matamis kasi mataas din tolerance ko sa sweets. Yung extraction ang pinagpapawisan ako. Hehe malaki naman veins ko kaso kahit nurse ako takot ako pag ako na tuturukan. Haha

Sis! 3x ako kinuhaan ng dugo, pasain naman talaga ako, pero in fairness sis hirap talaga makita mga veins ko and sobrang nipis "daw" kaya ako nakakatakot turukan. hehe.

sis damonsgirl, ilang weeks ka na?

xxkukaixx

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #489 on: September 08, 2016, 10:11:40 am »
Hello mga sis, long time no post.  ::)

We're 34weeks na ni baby girl! Yes, answered prayer. My 1st born is boy kaya sabi nila quota na :)

Sis singlemom1, we had the same result during CAS. May echogenic foci on left ventricle din si baby. OB said it's a soft marker for DS  :( though she's not worried kasi wala naman daw sandal gap si baby sa foot. She also referred me to a pedia-cardio to have 2d echo. I had it done in MMC, since dun din naman OB ko. Dalawa lang daw ang trusted nya na 2d echo, either sa Market! Market! or MMC, pareho lang ang price, 5k btw. Super nerbyos kami ni hubby during the 2d echo, the pedia-cardio and sonologist in MMC is very kind, calm and very thorough kaya medyo nag-relax na lang ako during the scan. Thanks God nothing to worry about, yung spot sa heart is parang extra muscle lang sa vein, pag iniiba ang pwesto/angle nung scanner, nawawala naman yung spot. What a relief :) Kaya wag ka na masyadong mag-worry sis singlemom1. You can try my pedia-cardio, si Dra. Leus by appointment ang 2d echo sa MMC.

Nakakatuwa naman dami taga-south dito, taga south na din kami. Before kasi dito kami sa Makati, just last month lumipat na kami sa Sucat, Muntinlupa. Kaya I'm torn kung sa Asian or MMC ako manganganak, pareho kasi accredited dun si OB. Ang strong consideration ko lang is my 1st born's pedia nasa MMC, kahit kasi gabi or holiday or nasa abroad sya, basta magtanong ako sa kanya nag-rereply sya. Mahal ang peace of mind. Kaya mga sis, as early as now mag-scout na din kayo ng mabait at maayos na pedia. :)

Gawa tayo FB group solely for us -- Last Quarter Babies 2016, so we can see each other's progress much easier. :)

Btw, my hospital bag is already ready. It's advisable to have it packed once you reached your 7 months, just to be sure ;)

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #490 on: September 08, 2016, 01:23:44 pm »
sis stylus, irerequest naman un ng ob mo kung high risk ka eh. siguro ok ka naman kaya wala na ganun. kasi yung friend ko na normal ang buong pregnancy, wala na nirequest na bps sa kanya. she's going on her 38th week sa saturday at waiting nalang sya mag labor. take care!

sis caramelsundae, grabe 29 weeks palang kami exactly today. so kagabi 28 weeks and 6 days lang ako so takot na takot ako mag preterm. wala talaga ako nafeel na contractions hay. malaki naman baby ko, 30 weeks and 3 days ang measurement nya kagabi at 1,437 grams pero ayoko sya mapremature at buti nalang hindi ako naconfine.

sis xxkukaixx, thanks sa pagshare mo ng experience sis. at least mapapacify na si sis singlemom1. hirap din kasi yung may inaalala tayong complication kay baby.

about our FB group gusto nyo ako nalang gagawa? :)

Chaarm828

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #491 on: September 08, 2016, 02:33:44 pm »
Hi mga Sis!
33 weeks na ako today and just had my check up yesterday. May nakagawa na ba ng BPS sa inyo? How much ang fee para sa BPS test and kung saan? Taga south pa kasi ako so sana yung malapit lang sa area namin.

TIA!

chocnats

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #492 on: September 08, 2016, 03:00:55 pm »
Buti talaga sis damonsgirl at di ka naconfine. sabihin mo kay baby, magenjoy muna siya sa loob ng tiyan! hehe

Kagagaling ko lang sa checkup, and sinabi ko nga kay doc worries ko na sabi nung nagpaultrasound ako, yung weight ni baby ay 10th percentile lang. Sabi naman niya nothing to worry about kasi nga continuous naman paggain ko ng weight, and yung size naman ng tummy ko ay right lang. Basta lang daw continue magtake ng vitamins and lalaki naman daw si baby. Hehe

Agree ako sa FB group para mas makilala natin isa't isa! hehe

caramelsundae

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #493 on: September 08, 2016, 03:12:15 pm »
^go sis damonsgirl, gawa ka na FB page hehe..

Ang bilis ng panahon nagulat nalang ako 31 weeks nako! Malapit naaaaa! Tapos di pa ready yung hospital bag ko. Hahahaha!


stylus

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #494 on: September 08, 2016, 03:51:23 pm »
^excited na ko magprepare ng hospital bag sis! Kaso medyo nappraning ako. Yung friend ko kasi nanganak sya at 35 weeks. 24 hrs na daw pala nagleak yung panubigan nya. Yun pala daw manganganak na sya. Ang di daw nya napansin na sign ay yung "nesting". Instinct ng mom na maglinis at mag ayos. Parating na daw pala kasi talaga baby nya. Everytime tuloy na gusto ko maglinis ng room at magprepare ng gamit ni baby, naghoholdback sakin yung thought na ayoko pa kasi baka sign yun. Praning lang.

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #495 on: September 08, 2016, 05:06:13 pm »
Mukhang totoo yan mga sis. Kasi this week nag ayos na ako ng hospital bag namin ni baby. Ayun nag preterm labor ako. Buti hindi natuloy kasi hindi pa naman kumpleto yung hospital bag ko. Bale niready ko lang yung iba pero hindi pa sya super complete. Haaaay.

Gagawa na ako ng fb page natin mga sis. Wait lang :) post ko dito link maya.
« Last Edit: September 08, 2016, 05:24:14 pm by damonsgirl »

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #496 on: September 08, 2016, 05:25:05 pm »
mgs sis eto na group natin! see you there!!!

https://www.facebook.com/groups/162495334192632/

xxkukaixx

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #497 on: September 09, 2016, 02:11:06 pm »
Yay! Thanks sis damonsgirl  :-* mag-join group na ako, hehe. Excited na ako makilala kayo kahit thru fb, as I say before I met my mommy friends here in GT too, and we're still good friends till now with play dates once in a while.  ;D

Share ko lang, during my 1st pregnancy -- na-induced ako. Kasi due date ko na, waley pa ako nararamdaman na contractions whatsoever. So si ob pina-utz nya ako, NST and BPS. Nakita na NST na every 30 minutes palang ang contractions ko, okay lang sana na intayin pa mag-natural labor ako. Kaya lang nakita sa utz na konti na lang pala water ko, hindi ako aware na nag-leleak na pala siguro pag-naihi ako. Kaya ayun, hindi na ako pina-alis ng hospital.

This time feeling ko hindi ako aabot ng due date ko, tagtag ako sa byahe. Mas maliit ang weight gain ko ngayon compare to my 1st born, ang weird lang na mas matakaw ako ngayon at nakain pa ako sweets.  ::) Iba-iba talaga pregnancy.

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #498 on: September 09, 2016, 02:58:24 pm »
hi sis xxkukaixx! wait pa natin mag join yung ibang mommies. konti palang tayo sa fb group :) katuwa nga makita ang faces nyo lahat. :)

so delikado pala talaga yung 7-8 mins na contractions ko nung wednesday kaya di ako agad pinaalis ng ob ko.

when ang due date mo sis?
« Last Edit: September 09, 2016, 03:57:29 pm by damonsgirl »

damonsgirl

  • Guest
Re: Babies due on LAST QUARTER OF 2016 (OCT, NOV, DEC)
« Reply #499 on: September 09, 2016, 03:58:39 pm »
thanks sis deiz! binigyan mo ako ng pag asa na makaka abot din ako sa full term gaya mo. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close