watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2  (Read 56233 times)

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #120 on: March 03, 2016, 02:08:26 pm »
I_am_zayda, naku ako yata parang everyday ko yan naiisip :'( Minsan pag umiiyak ako sabi ng husband ko, para daw akong nabuntisan ng walang asawa, or any support system kasi sobra daw akong magworry. Gusto ko sana ijustify na iba talaga ang emotions pag buntis, kaya hayaan na lang nya ko mag emote. Hehe. Pero as much as possible talaga iniiwasan ko na masyado mag isip, everytime nalulungkot at nagwoworry ako feeling ko nasstress din si baby. Medyo malaki din ang fears ko kasi i swear hindi ako 'motherly'. Sabi ko nga sa husband ko paano ako mag aalaga ng baby kung sarili ko mismo hindi ko kaya alagaan. Siguro nasanay lang ako na ako yung 'baby' lol youngest kasi ako and aaminin ko may pagka spoiled ako sa family and sa husband ko. Oh well. I try to be more positive na lang iniisip ko na lang na matutunan ko din maging nanay eventually. Talaga yatang ganito kapag first baby.

^ghye, sa mga ganitong panahon sobrang helpful ng may patient na husband, haha, minsan ganyan din ako eh..

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #121 on: March 03, 2016, 02:32:06 pm »
Mga sis, I feel the same way, being hormonal an all. Lagi ako naiiyak sa husband ko and bilib ako sa resilience and patience niya sa akin. I draw my strength from him.

Kaya reading your posts, nakaka relieve din. Mag isa lang ako sa condo. I've resigned already. Di rin ako masyado lumalabas pag di ko kasama si husband, so mostly weekends lang. But my husband goes home for lunch tas before 630pm nasa condo na siya. Lapit lang office niya sa condo namen. And he does all the household chores as in, including cooking. Buhay princesa talaga ako. 

Naiiyak ako sa kanya kasi worried ako, mostly fears na may complications sa amin ni baby, like baka mag PTL ako and all. I'm naturally a worrywart and hypochondriac, na magnify pa kasi siyempre I worry about my baby's health na rin. Sabi niya daig ko pa ang taong experiencing those stuff kung maka react. Hehe



Wantstobeamom

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #122 on: March 04, 2016, 01:31:39 am »
Sis phibz  my doctor prescribed splints for my carpal tunnel, nakakatulong naman kasi dati no sensation talaga siya paggising.  Ginamit ko rin siya sa umaga habang nagwowork for a month, pero ngayon sa gabi nalang. I learned to live with it, nagsimula to 20 weeks pa lang ako. 

May konting phlegm na nga ang ubo ko, tawag daw ako pag nag one week nato.  Sana naman maging ok na before Monday para di na kelangan ng medication.

Speaking of hubbys ang bait din ng asawa ko, mas bumait pa yata ngayon hehe alagang alaga ako.  Sobrang patience at support ang binibigay nya kahit minsan I'm hormonal and very sensitive. Yun lang kawawa kasi nadadamay sa puyat.  Pag di ako makatulog di rin siya makatulog pinalilipat ko na nga sa spare room. 

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #123 on: March 04, 2016, 07:11:22 pm »
Same here sis. I think I have carpal tunnel di ko pa lang nasabi sa OB ko. Lalo na pag morning parang ang hirap iflex ang fingers kahit yung parang close open. I had my OGTT din kanina kasi diabetic ako sa first child, yung second naman I had a miscarriage. Tomorrow ko pa kukunin ang results. Di yata talaga nawawalan ng preggy problems. :( Buti na lang talaga extra caring at maalaga ang hubby pag pregnant.

phibz

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #124 on: March 06, 2016, 11:07:15 am »
Same here, my CTS started mga 20 weeks din. I thought baka nahigaan ko lang but hindi na nawala. Nagsimula siya sa left wrist then umakyat to the fingers tapos sa right fingers at until now palala ng palala, sobrang sakit sa umaga. Yong tip ng fingers ko para ng wala ng sensations eh, yong sobrang numb na halos wala na yatang dugo na dumadaloy. Massage na lang ginawa ko. I mentioned it to my MW pero pag kaya pa, tiis tiis na lang.

Hopefully mawala agad pagka panganak ko. Malapit lapit na din ako mag 37 weeks.

😃

_ilovepink_

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #125 on: March 06, 2016, 02:43:42 pm »
On my 29th week now and I guess I'm also experiencing CTS. Since paggising and the whole day ngalay parati ang hands ko including wrists. Ansakit pala na hirap maigalaw. Lalo na ngayon my work requires 8 hrs of typing a day...arrrggghhh I'm also having cough with phlegm pa..pinainom ako ng OB ko ng rubitussin. Hopefully mawala agad para di ko na ubusin isang bote. Tiis tiis for our little ones.

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #126 on: March 07, 2016, 08:28:43 am »
27 weeks here, ngalay lang lagi saken yun legs ko lagi ako pinupilikat  sa gabi lalo na madaling araw super sakit!!

@ghye i feel you sis, ako din mejo emotional paminsan minsan. Naiiyak ako pag kung ano ano naiisip ko.   Hirap talaga ng wala kasama sa bahay 2 aso lang kasama ko.. Kaya kung ano ano naiisip ko lalo about kay baby. Kaya todo dasal ko na healthy siya pag labas niya.. Ako kasi di ko alam na pregnant na pala ako nung last september nag iv gluatthione ako nun double dose pa..na consume ko halos 4 boxes bago ko nalaman na preggy ako at 14 weeks na pala ako buntis.. May PCos kasi ako kaya normal saken di nag mens ng 3months minsan 6 months wala ako mens. Kya tigil talaga lahat ng pang paganda sabi ko nga sa asawa ko okay lang ako na pumangit basta healthy lang si baby..

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #127 on: March 07, 2016, 04:59:22 pm »
Kelan mag start ang weekly checkups? And also the IE's? Takot ako mag pa IE, last time kasi kinapa if my cervix was dilated, ang sakit! 😐

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #128 on: March 07, 2016, 05:07:47 pm »
^ilang weeks kana sis?.. Alam ko pag 32 weeks  weekly na check-up dipende din sa case pag high risk preg. mas madalas ang check-up..   
Masakit nga daw IE.

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #129 on: March 07, 2016, 05:18:10 pm »
Ingat mga mommies who have CTS.. Medyo hassle nga yan make sure you do your hand exercises well. You can google naman the exercises with instructions to minimize yung symptom. Pwede din mag splint if your doctor suggests it.

^^I also experience leg cramps usually sa madaling araw. Super sakit nya actually the last time i had it was yesterday and until now masakit pa din yung calf ko. Buti na lang alert is husband magstretch kahit half asleep pa sya kasi sobrang sakit talaga. I noticed na nangyayari to saken if mahaba ang nilakad ko, tapos ayun sa gabi or madaling araw nagkacramps ako. Kaya before and after walking i make sure na nagsstretch ako ng calf to warm up and cool down.

^i'm 27 weeks now and monthly pa din OB visits ko. Sabi ng OB come 8th month daw every 2 weeks ang visit, then kapag 37 weeks onwards weekly na.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #130 on: March 07, 2016, 05:19:16 pm »
Mag 31 weeks na, next week pa balik ko sa OB. Nasa every two weeks checkup pa lang kami now. :)

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #131 on: March 07, 2016, 05:29:11 pm »
^sis si Dra. Alvia ang OB mo right??  :)  ako naman may naka sched na lab test. Sa march 10 di ko alam makukuha agad result kaya baka second week na ako makapag pa check-up.

^^ minanas ka ka sis?  Bumili ako ng lotion sa mustela para tired legs mukang di nman effective. Si husband din ang nag stretch ng paa ko pag pinupulikat ako. minsan napapahiyaw na lang ako pag bigla sumakit ng todo. Pwede kaya gumamit ng tinatapal yun salonpas?? Hehe

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #132 on: March 07, 2016, 06:05:05 pm »
^i think pwede naman salonpas sis pero temporary relief lang din kasi yun eh.. So hindi din guarantee na di na ulit mamumulikat. Wala naman akong pamamanas, so far. And usually left leg ko lang yung nagkacramps.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #133 on: March 07, 2016, 06:12:48 pm »
^^Yes sis, si Dra. Alvia. Nung nag 28 weeks ako dun na siya nag require na every two weeks Ang checkup.

San ka mag papa lab? Na try ko na both in MMC and New World. Both results can be seen online on the same day. Actually after 1-2 hours sa Makati Med nakita ko na.

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #134 on: March 07, 2016, 11:30:09 pm »
^^ try ko un salonpas..😄 thank you sis!

^ plan ko bumalik sakanya hihi. Mahal kasi si dra. Fansisco altho okay talaga siya. Mas makakatipid kasi kami ng 60k madami pa mabibili sa 60k hehe.. Once pa lang ako nagakapg lab sa new world blood test. Pero [textspeak!] iba sa mmc na din.. Mga ultrasound ko twice na at CAS sa mmc. Ayy di ko alam na pwede pala makita online ang results hehe.  Thank you sis! 😊

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #135 on: March 07, 2016, 11:46:42 pm »
Hi mommies! tanong lang sa mga nagkaron at mayroong carpal tunnel syndrome, nagpa therapy ba kayo? Nagsimula kasi yung CTS ko nung 16 weeks ako, feeling ko lumala kasi nadaganan ko pagtulog hanggang sa pati right hand ko affected na rin. Ang sakit sakit lalo na sa umaga :( so I decided to go to an ortho since vitamin b complex lang binigay ni OB sa akin para dito. Nakaka 2 sessions palang ako, ok naman pero maga pa rin sa morning. Nag splint din ba kayo sisses? Hindi ko matagalan na buong araw isuot kasi mainit, lalo pa summer na ngayon.


fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #137 on: March 08, 2016, 08:27:27 am »
^31 weeks pregnant and still driving. maraming nangungulit at nagsasabi sa akin na tumigil na sa pagdadrive. my OB did not prevent me from doing so. malayo pa daw and ok lang daw basta hindi ko pinapagod ang sarili ko. di naman nakakapagod i drive ang car ko dahil automatic.


cescilay

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #138 on: March 08, 2016, 09:45:19 am »
I planned to use salonpas din sa backpain ko. But I read somewhere na it is not advisable for pregnant women na nasa third trimester na. Better ask your OB na lang before using to make sure na safe sya.

I got admitted at the hospital last Saturday. I passed out kasi during my commute. Good thing kasama ko si husband. Nung bumalik consciousness ko, he was transferring me na sa taxi and taking me to the hospital. Thankfully, nothing is wrong naman sa labs and ecg ko. My OB said na baka may naipit si baby sa loob na naka-disrupt ng circulation ko. Plus pa ang init na ng panahon ngayon so mga sis take extra care.

phibz

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #139 on: March 08, 2016, 09:52:03 am »
@crzysxycl Ako talaga sis tiis tiis lang. Wrist ako nagsimula nong 20 weeks, now na 36 siya nawala sa wrist, then left fingers naman na sobrang sakit at first pero ngayon hindi na masyado, ang right talaga yong sobra, di ko halos magalaw pagkagising lalo pag nag cr para umihe sa gabi. I usually wash my hands with cold running water kasi feeling ko pag warm lumalala siya. Wala akong gamot or splint ba yon.

Grabe cramps ko today, mga 3 hrs straight na tolerable , tapos naikwento ko sa friend kong labor nurse at kapapangak lang din na normal lang ba yong panty ko palaging damp na di mo maintindihan kung pee or ano kasi 1 week ko ng napapansin. Grabe yong reaction niya, punta daw ako agad agad sa hospital kasi baka nag leak amniotic fluid ko at delicado daw yon na ma infect ako at ang baby sa loob. OMG! I dont have any idea possible pala yun so pinauwi ko asawa ko at punta agad sa hospital. Nag non stress test na naman ako, pasado nan lahat. Tapos sabi ng midwife e cervix check ako or IE. Grabe ang sakit sakit sakit pala non, napasigaw ako bigla kasi di ko inexpect. Sabi niya close pa cervix ko so wala pang leaking na nangyayari. Discharges lang yun. So ayun umalis kami, after 30 mins nag CR ako, nagulat ako na may dugo sa tissue ko so niresearch ko and Ive read na normal lang yun within 24 hrs after IE. Umuwi ako ng bahay at natulog, when I woke up nag CR ulit ako, may dugo pa din but this time medyo may clot ng konti. Nag worry ako. Normal lang ba to mga sis? Buti na lang bukas may schedule ako sa midwife, I took a pic at pakita ko sa kanya.

Sana ok lang to bukas pero ayoko ng pa IE. Hahahahha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close