watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2  (Read 56352 times)

i_am_zayda

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #160 on: March 14, 2016, 03:04:10 pm »
Me too, mejo emotional ako lately. last night lang nakita ako ng asawa ko na malungkot and asked me kung bakit. Kung napagod ba ako sa pag-mall namin. sabi ko naiiyak ako and explained to him it was due to my hormones.

I had my check-up last Saturday and sabi ng doctor ko maliit daw si baby. sinukat nya yung tummy ko. I guess hindi akma yung laki ng tummy ko sa gestational period ko. so pinalitan ng doctor yung vitamins ko from elevit to mosvit.

Sabi ni hubby, okay lang maliit sa loob si baby sa labas na lang sya lumaki. pero sabi ko baka sobra liit naman hindi na maganda. Sana okay lang si baby. I really pray healthy si baby.

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #161 on: March 14, 2016, 04:11:45 pm »
^praying for you sis! ako naman malaki si baby kasi may gestational diabetes ako. Pero nasa range pa rin naman sya kaya sana kayanin pa rin magnatural hihi. Praying for a safe pregnancy for us all mga sis!

May newborn care seminar sa MAkati Med this March 19.. who's going? Magiinquire palang ako sana pwede pa :)

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #162 on: March 14, 2016, 06:40:12 pm »
^^ im praying for you sis!  Ilang weeks ka na ba? .. Wag ka msyado malungkot nakaka apejto din kay baby mo yan.

^wow parang gusto ko pumunta. What time ba sis?. Di pa ako nakakapag palit ng OB.. Sa makati med ka din ba manganganak?? 

i_am_zayda

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #163 on: March 14, 2016, 06:45:34 pm »
^Thanks sis. I pray healthy ang mga babies natin!

Wantstobeamom

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #164 on: March 14, 2016, 10:59:16 pm »
^Praying for your recovery and good health sis! I'm sure the meds will help you with your cough. :)

What was your blood pressure ba sis?

Nasa pre-hypertension range sis usually 136/94.  😞

Wantstobeamom

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #165 on: March 14, 2016, 11:04:25 pm »
^^Will pray for you sis. Konting tiis nalang, lapit mo na makita si baby. Tama sis, mas makakabuti kung mag leave ka na lalo pa at stressful ang work mo. Buti ka pa nagiging OK CTS mo pag naka splint, ako kahit suot ko sya sa gabi masakit parin sa umaga yung left hand ko. Pag nakatagilid din ako matulog, kahit di ipit yung kamay, namamanhid pa rin. Parang connected na sya sa braso ko.

Thanks sis.  Nakapag notice na ako na March 31st last day ko pero I will talk to my boss tomorrow after my check up na hanggang Friday nalang ako.  Mukhang maayos naman na ang papalit sa akin.  Nahihirapan na ako gumising ng maaga kasi matagal nakakatulog.  Last 8 weeks pala talaga ng pregnancy ang mahirap.

ghye

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #166 on: March 15, 2016, 09:56:54 am »
I had my last check-up last Saturday on my 36th week.  OB asked me to return again this Saturday for I'll be doing the weekly check-up now and she'll IE me on Saturday.  Eh I hate IE so I asked if it is possible not this Saturday. haha.  Okay Tuesday then sabi niya. hahaha
Then I had a dream last night. I went for a check up daw and IE ako ni OB. 6.5cm na daw ako and sabi Saturday or Sunday sigurado na ito lalabas baby mo.  ;D ;D Excited much kaya pata panaginip ayun nagpaparamdam.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #167 on: March 15, 2016, 10:08:56 am »
^Sis lapit na, happy for you!

Ako rin, super nakaka excite but my bun still needs some cooking. I really prefer giving birth on my 37/38 weeks. Kaya if ultrasound on my 36th weeks says CS, ok lang para scheduled na! Any basta both of us are healthy and safe! :)

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #168 on: March 15, 2016, 10:21:00 am »
Wantstobeamom Tama sis, mas makakabuti nga talaga sa inyo yan ni baby. Take care!

fionaapple

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #169 on: March 15, 2016, 10:39:08 am »
^32nd week na. and ang weird ng feeling kasi at 8 month of pregnancy, lilipat pa ako sa ibang workplace. haha.

so many things to take care of. processing my work clearance, taking care of maternity needs--and to add, 1 month pa lang kaming nakakalipat sa new house so nag-aayos ayos pa ng mga gamit.

this Holy Week, uuwi kami ng Batangas para ma-interview and hopefully maisama na yung kukunin naming yaya for my baby. sana pumayag siya para mabawasan na yung aalalahanin ko.

imagodei082990

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #170 on: March 16, 2016, 01:46:49 pm »
hello ladies!!

ang haba ng backread ko gavity!! im 30weeks and 5days. nag pa ultrasound ako nung monday para makita kung pomosistion na ba si baby at umangat na ba si placenta. yes cephalic na si baby (ang bait ng baby ko sumunod siya sakin. pero ang placenta ko medyo nag papasaway pero thankful ako at umangat na siya ng kaunti, from placenta previa totalis ngayon ay placenta previa marginalis na siya (1.3cm away from os). yung ob ko sabi niya cs pa rin daw ako pag ganon. kaya daw dapat sa loob ng 6 weeks umangat pa ang placenta ko para manormal ko si baby. malakas naman ang pananampalataya ko na aangat pa siya kase sa mga nababasa ko 2cm-3cm away from os pwede na manormal. maliit lang pala si baby ko , 1596 grams lang siya kaya if ever kayang kaya ko siyang inormal :) sana talaga umakayat na ng tuluyan si placenta ang mahal ng cs 80k daw sabi ni ob ko..

nung 28weeks ako grabe din ang sipon at ubo ko hindi ako makahinga , salamat sa tubig at pahinga naging okey naman na ako. meron din akong Hemorrhoids :( ang sakit niya ..

congrats po pala duon sa mga nakita na nila ang baby nila ..

simang

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #171 on: March 17, 2016, 03:51:23 am »
Hi mga mommies!! Whew, most of you are in your 30++ wks na.. Lapit na!! :)

I'm 28w4d as of today. Grabe kinakabahan na talaga ko. Especially now na almost complete na ang gamit ni baby, lalabhan na lang yun iba. Feeling ko eto na talaga, haha! Sad thing is baka hindi pa kami makalipat ng house this month, so I have to setup our nursery sa old apartment pa muna. I'm delaying that kasi umaasa pa din akong makalipat kami before ako manganak. Masikip kasi sa apartment kaya gusto ko sana sa new house na kami para mas may space for baby. Pero grabe, I can't believe na in 2 months pwede na ko manganak! Nakakaloka isipin.

Yung hospital bag ni baby almost complete na, yung mga pangligo na lang ang kulang -- cleansers, alcohol, cotton buds, etc. Pagbalik ko sa OB sa April i'll ask din what else should we bring para wala na ko makalimutan.

Baby's been very active lately, and recently din feel ko bigla syang lumaki. As in ramdam ko na ngayon yung banat sa tummy ko. Before kasi parang wala lang, malaki tummy ko pero sakto lang. May mga konting stretchmarks na naglabasan pero hindi naman sobrang obvious. May nilalagay ba kayo sa tummy nyo for stretchmarks?

Then on Monday i'm scheduled for my 2nd OGTT. I was given a meal plan by my endo so Hopefully bumaba na sugar ko this time kasi if not, then kakailanganin ko daw mag insulin. So sana talaga maging okay kahit FBS man lang.

Di ko na alam mararamdaman ko ngayon, kinakabahan talaga ko, pero excited na din ako sobra.. Haha feeling ko mamimiss ko maging buntis, lahat kasi ng transactions mabilis pag buntis, lol. Anyway i still have about 10-12 weeks to go pa naman. So sana smooth lang hanggang dulo. :)

littlekinselle

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #172 on: March 17, 2016, 07:09:32 am »
^sis simang when ang EDD mo?.. :) 7 months na din ako buti kapa completo na.  Ako naman ang naka ready pa lang saken hospital bag ni baby.. Di pa nai aasemble ng asawa ko un crib ni baby. Mag hahakot din kami ng gamit sa bahay nila baka after na ng holy week..
Totoo bigla din naging active si baby sa loob yung tummy ko madami naman nakakapansin na parang maliit daw for 7 months tyan ko. Basta iniisip ko si baby healthy siya, nagpa CAS naman ako average lang laki ni baby not too big not too small. .
Nilalagay ko sa tummy ko sunflower oil ng HHN.. Pag itchy siya yun pysiogel lotion for dry skin...    Baka sabay pa tayo manganak hahaha...btw saan Hosp ka manganganak?  Pray pray lang sis para smooth ang panganganak.. ;) ;) Keep safe sis. Extra ingat ein sensitive na stage natin hehe iwas iwas stress.

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #173 on: March 17, 2016, 08:07:28 am »
^Hello mga sissies. Nakakainip na talaga pag dating ng third trimester haha pero iniisip ko na lang need pa lutuin ni baby inside my tummy. 32 weeks na ko in two days.

Tinanong ko si doc pag scheduled CS, kelan ang procedure. Sabi niya @ 38/39 weeks. Haha kala ko pwede @ 37 weeks. Pero hoping pa rin naman na ma NSD.

Wala pa ko masyado gamit ni baby haha. May clothes ako here bigay ng sister/tita ko from US. And may padating na damit and other stuff that I ordered online. Balak ko rin mamili this week. Tas maglilipat pa kami ng condo at the end of the month.

Wala pa ko stretchmarks. I use Mustela. Pero lam ko di pa rin ako safe from stretchmarks. May friend ako after manganak lumabas eh.

Praying for healthy pregnancies for all of us! :)

imagodei082990

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #174 on: March 17, 2016, 09:26:12 am »
31 weeks na ako bukas yehey! konting kembot nalang at malapit na namin makita si 3rd baby. nagaalala din ako kase simula 26 weeks palagi na naninigas ang tummy ko at marami na din ako discharge hindi pa ako nakakapunta sa ob ko, sa sunday pupunta ako pero ibang ob plan ko magpalit yung accredited ng HMO namin sana at mababa ang rate for cs.
ang mga gamit ng baby ko naka plastic pa rin sila.. plan ko sila labhan pag 35 weeks na ako. parang marami pa kaming kulang lalo na yung toiletries niya, wala pa rin kaming crip nxt month bibili na kami.. pero yung mga damit kompleto na kami, nag hoard din ako ng maraming cloth diaper :)

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #175 on: March 17, 2016, 09:41:58 am »
^Sis yung paninigas eh baka dahil sa movements ni baby? Kung contraction yan, dapat buong tummy. Kung selected parts lang, baby parts yun. :)

Sa akin kasi grabe na siya mag likot, bumubukol sa tummy ko yung head and may ibang parts, di ko alam which part of his body. Maybe butt or heel. :)

I also bought a few cloth diapers in Amazon. 10 lang muna, testing lang. Bum Genius and Alva.

Sa mga nakabili ng disposable, san kayo bumili? Sulit ba online or sa mall na kayo bumili? Thanks! :)
« Last Edit: March 17, 2016, 10:18:17 am by coco_cola »

imagodei082990

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #176 on: March 17, 2016, 09:51:00 am »
nope contractions siya sissy .. kase pati balakang ko kasama . tyan, puson at balakang. pinabedrest lang ako ni ob .. hindi ako bumili ng alva dahil prone ang alva sa garter marks, ang mga binili ko ay sunbaby,qb , babyleaf at hf .. bibili din ako ng 1pack ng dd para sa few weeks niya dahil poops pa siya ng poops nun ..

hushbaby

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #177 on: March 17, 2016, 10:47:33 am »
I'm 28 weeks pregnant normal lang ba yung laging nafi feel yung parang heartbeat parang hiccups ni baby? Lagi ko kasi napi feel yung ganun. Then last night medyo masakit yung puson ko sa left side lang naman.

Wala pa ako nabibiling gamit for baby, nabibigatan kasi ako sa sarili ko. Akyat lang ng stairs hinihingal na ako. Pag maglakad sa mall sumasakit agad balakang ko. :(

saan ba ok bumili ng cloth diapers and what brands? sulit ba yung armsreach cosleeper or mas ok yung graco pack and play? Tia.

imagodei082990

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #178 on: March 17, 2016, 11:02:44 am »
I'm 28 weeks pregnant normal lang ba yung laging nafi feel yung parang heartbeat parang hiccups ni baby? Lagi ko kasi napi feel yung ganun. Then last night medyo masakit yung puson ko sa left side lang naman.

Wala pa ako nabibiling gamit for baby, nabibigatan kasi ako sa sarili ko. Akyat lang ng stairs hinihingal na ako. Pag maglakad sa mall sumasakit agad balakang ko. :(

saan ba ok bumili ng cloth diapers and what brands? sulit ba yung armsreach cosleeper or mas ok yung graco pack and play? Tia.

bumili ako ng cloth diaper sa mga cloth diaper group, then sa mga legit online seller. quigle bum, sunbaby sulit sila para sakin :)

maaga kase namili ng gamit 23 weeks palang namili na ako ..

coco_cola

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER OF 2016 (APRIL, MAY, JUNE) - Thread 2
« Reply #179 on: March 17, 2016, 11:38:37 am »
Hush baby, yes hiccups ni baby yun yung parang heartbeat. It happens to me too.

Regarding arms reach and graco, depende kung san mo lalagay and san patutulugin si baby. Arms reach kasi it can be placed beside the bed, pang co-sleeper siya. May straps siya so you can secure this beside the bed. So it's a bit smaller than graco. Since I'm planning to co-sleep, I'll get arms reach.

Bought graco also, since it's very mobile. Pwede ko dalhin if we want to go out of town or sleepover sa parents house. Pero this one, I don't think pwede itabi sa bed, because of its size.

So if you plan na matulog beside baby sa bed, then I would suggest getting a graco playard na lang for daytime naps. :)
« Last Edit: March 17, 2016, 02:03:35 pm by coco_cola »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close