arkimommy - hi sis! thank you.

pano ka nagdidiet sis? less carbs ba? hindi ako inadvice ni OB mag diet, pero naghihinay ako ngayon lalo sa rice kasi last checkup ko 16 lbs gain ko. feeling ko yung ganong weight sakto na hanggang manganak ako, nakakatakot din kasi. Aww, you've been in an accident pala sis, rest well.
shegie - salamat sis!

ay buti naman hindi pala naiipit baby pag nakatagilid. wala kasing time na hindi sya gumalaw pag ganon ang pwesto ko, hehe. nice to know ok result ng glucose test mo sis. Re SSS, tama sis sayang din maclaim dun.
Which is witch - hi sis! Oo nga eh, dadalasan ko na pag utos kay hubby. Mula kasi nag leave ako, madalas na ako kumilos sa bahay, nakakainip din kasi. Nice to know sis bihira na manigas tummy mo.

re masakit na hands, grabe kahit magtext lang or magtype sa cp nasasaktan ako, hassle talaga. Hirap ka na rin ba bumangon sa umaga sis? Ako rin kasi, bigat na bigat sa sarili ko. Then pag tinapak yung paa sa umaga medyo masakit din. Tiis tiis lang muna, konting kembot nalang din naman.

re stabbing pain, meron ako nito minsan sis, yung malapit sa singit. Hindi ko pa natanong si OB about it.
Jeannybaby - hello sis! Haha apir tayo sis, hirap nga huminga pag nakatihaya. Pahinga ka rin sis, on bed rest ka pala.
Aylatskie - omg sis, buti nalang hindi amniotic fluid. Take care!
Cheniwin - thanks sis for sharing your CAS results. Ngayon ko lang din nalaman meron palang grade 2 umbilical cord. Atleast nakita rin agad para makaprepare. Kakatakot pag nakakain ng poop ang baby. Naalala ko nephew ni hubby nung pinanganak, naincubator for few days tapos may IV sa ulo at kamay. Napaka heartbreaking nun para sa mother.
120515 - Annyeonghaseyo! Enjoy Seoul sis.

Same here, I feel amazed everytime I feel baby's kicks.

Adrienne - Aaw, open cervix kahit pa naka rest ka lang. Sa akin naman before ako nag leave sa office laging soft cervix ang findings, pagod daw ako. Yung bandang puson din tumitigas sa akin sis, sabi ng iba normal daw kasi sumasandal daw ang baby, pero iba pa rin pag macheck ng OB. I took augmentin din 3 weeks ago, mild antibiotic daw yun sabi ni OB. Pahinga at pagaling ka sis.
Re CAS, sa 32nd week pa ako nirerequire ni OB nito. Iba pa pala yung 3D/4D no? Hmm, kung maiinitan si baby baka hindi nalang din ako magpaganito, baka mastress sya.
Re 100 days maternity leave, sayang naman kung hindi natin maabutan.

Kwento lang, sabi ng client namin from Japan, sa kanila raw meron pang child care leave, inaabot daw up to 3 yrs ang leave pag nanganak doon, kainggit! Sabi nya ang ikli raw ng ML ko, haha.
Re glucose test, hindi pa rin ako sinabihan ni OB. Ask ko on my next visit, baka pwede na ako since 26 weeks na si baby on Tuesday. Nako ako rin magugutumin, worst pa is nahihilo ako pag nalilipasan ng gutom haha.