watch now

Author Topic: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)  (Read 60365 times)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #520 on: April 28, 2016, 05:39:00 pm »
Sis SARAHnghae, d ako nirequire ng ob ko kasi daw private hospital naman ako manganganak,di daw talaga siya nagrerequire sa mga patients niya.

Sis cheniwin, hope ok ang lahat! Pahinga ka sis!

Sis gudgurlgonewrong, bili nga ako ng yogurt plus yakult, hehe. Takot kasi ko maUTI ulit. Had it before ko nalaman na preggy ako.



stylus

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #521 on: April 28, 2016, 05:49:46 pm »
Effective yoghurt sis. Dami ko sa ref.. yun lang kinakain ko pag nagskip ako ng isang araw dahil nga constipated. I drink yakult din everyday pero di ko alam kung anong effect. Masarap lang. Hehe

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #522 on: April 29, 2016, 08:46:01 am »
Sis stylus, makapaggrocery na nga para makabili. Hehe. Isasabay ko lang sa madaming water intake para iwas UTI.😊

Sis JziahPrielle, congrats! Ilang weeks ka na sis? Ako naman, usually nagigising ako dahil sa leg cramps. Saka masakit na rin katawan ko pagtatayo ako, pagkagaling ko sa pagkakahiga. Bumibigat na rin kasi ako siguro. Hehe 😊

stylus

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #523 on: April 29, 2016, 09:00:55 am »
True sis. More water! Saka nabasa ko important talaga uminom ng maraming water pag preggy. Kaya 2 baso palagi kinukuha ko sa ref everytime nauuhaw ako. Kaya per day ave 12-14 glasses naiinom ko ;)

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #524 on: April 29, 2016, 04:23:38 pm »
OB ko pinag ya-yakult ako once a day para iwas daw UTI. Natatamisan lang talaga ko sa yakult, kahit yung lite/blue version matamis pa rin

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #525 on: April 29, 2016, 11:17:38 pm »
Which is witch - true sis, hirap bumangon. tapos hindi ko pa masyado maitukod kamay ko dahil sa pain.

angelofthemorning - nice to know ok OGCT mo sis.

adrienne - ako sis itong last few weeks medyo above belly button na yung movements ni baby. dati rin laging sa baba lang.

Simang - thanks sis, baka yun ang dahilan kaya 32nd week pa ako pinapa CAS ni OB.

Re yakult, i didnt know ok sya para iwas UTI, nice! I love yakult. Yoghurt din, nabasa ko effective sa mga vaginal infections.

Mga sis ask ko lang, kasi pansin ko pag nagtetext or naglalaro ako games sa phone, nakapatong yung arm ko sa tummy ko, di ko siguro napapansin minsan na nadadaganan na tyan ko ng arm ko tapos biglang gagalaw si baby, haha. Naexperience nyo rin ba yun? Ayaw ba nya ng ganun? Btw, nakita ko na rin pala yung nagwawave ang tummy ko dahil sa movements ni baby, nakakatuwa. :)

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #526 on: April 29, 2016, 11:41:59 pm »
Mga sis na boy ang babies, ask ko pala if you are planning na pacircumcise agad si baby? Yung SIL ko kasi ganun ginawa. Iniisip ko parang OK din para paglaki nya, hindi na masyadong hassle. Pero hindi ko alam kung anong mas OK. Any ideas? :)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #527 on: April 30, 2016, 06:31:19 am »
sis stylus, sige push ko na talaga yang yakult and yogurt! haha

sis aNgelofThEMorning, tinikman ko nga yung blue na yun. Parang same lang, kaya di na ko bumili non ulit. yung isa nalang ulit binibili ko. Hahah

sis crzysxycl, nagtanong ako before tungkol dyan since boy nga ang baby ko. Sabi, may chance daw na kailang ipaulit. Kaya nagdecide ako na wag nalang. pag laki na lang niya. :)

===2days ago ko lang nafeel, parang lagi akong maiihi pero pag nakatayo lang, kahit kakaihi ko lang, parang maiihi nanaman ako. wala namang yung burning na feeling pagumiihi, walang masakit like kapag may UTI ka.(nafeel ko na kasi yung masakit na yun before nung may UTI ako) may nabasa ko, baka yung position ni baby baka nadadaganan yung bladder. pwede ring UTI, wag naman sana. pero sa monday, ipapakita ko kay OB yung ultrasound result ko, papa urinalysis na din ako bago ko pumunta sa ob ko kahit di niya pa sinabi. madami naman ako uminom ng tubig, laging more than 3L. Siguro kulang pa, or baka dahil sa mga kinakain ko. May nakafeel na ba sa inyo nito?

120515

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #528 on: April 30, 2016, 06:42:56 am »
^ sis, that may be baby pushing on your bladder. i always feel that now that i'm pregnant :)

about yakult and yoghurt, in my experience they also help with constipation. my husband and i drink yakult every day and i also try to eat yoghurt everyday. my husband recommends the original yoghurt flavor without the sugar because it's healthier but it's too sour for me. haha!

so i'm currently on business trip and i talk to my husband every night over the phone. the other night, he read winnie the pooh to baby. i put my phone on speaker and held it right on top of my tummy. my baby actually moved directly under the phone several times during the story :)

so now, my husband and i decided to start reading to baby every night.

we'll have a mini baby-moon this weekend in seoul.

have safe and happy pregnancies, mommies!

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #529 on: April 30, 2016, 10:09:53 am »
 ^ sana nga ganun lang sis. not UTI. bumibigat narin kasi ang bebe. He's already 1.333kg(+/- 195grams) nung 28th week ultrasound ko. lampas isang kilo na yung dinadala ko. haha. magpapa urinalysis padin ako on monday, para sure :D Pero sana talaga, no UTI...
buti pa kayo sis may babymoon! parang hindi ko na maisisingit yan, still haven't bought anything for the baby aside from the crib and mattress. Hubby ko rin kasi is currently out of the country, pagbalik niya, saka pa kami mamimili. kakaexcite!!! :D Try ko na nga rin basahan si baby, baka sakaling magreact din. Hehe :D

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #530 on: April 30, 2016, 05:11:39 pm »
^Re circumcision, ask ko din sis pedia. Sayang naman kung ipapaulit. :)

Galing kami kanina sa OB. Since mag 7 months na si baby, every 2 weeks na ang check up namin. Pinakinggan lang uli heartbeat nya, malakas daw talaga si baby. I also asked doc about dun sa pag nakatagilid ako at biglang gumagalaw si baby, hindi naman daw sya naiipit. Dapat daw talaga alternate pag tagilid kasi maganda blood flow. Di raw kagaya pag nakatihaya, parang may napipress daw, forgot kung anong term. Saka pag nakakagalaw pa raw ng ganun si baby, ibig sabihin mas may space sya. Nag confirm na rin OB ko, CS nga ako kasi may myoma ako nakapwesto sa dadaanan ni baby. Mas ok na ako dun, mas kampante akong safe kami ni baby. Pumili na rin ako ng date, haha, hindi ako masyadong excited. Di na raw kasi namin pwede hintayin ang August kasi baka mag poop na raw si baby.

Jeannybaby

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #531 on: April 30, 2016, 09:26:03 pm »
^ sis ilang weeks ka na? buti ka pa every 2 weeks na check up! ako i'm almost 28 weeks na. Had my last checkup nung wednesday, pero yung next check up ko daw after 1 month daw ulet waahh ba't ganun..

3rd trimester na karamihan satin! time to look for baby stuff  ;D

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #532 on: May 01, 2016, 12:31:52 am »
^hello sis, going 27 weeks na kami. Sa next check up ko going 29 na. Baka sis dahil wala masyado problem sayo kaya every month pa rin check up mo or depende sa OB. Ang alam ko pag malapit na manganak mas madalas ang visit sa OB.

True, kailangan na mamili baby stuffs. :)

May nagbanggit na sis before about summer side sleeper, wala ako mahanap sa mall. Ayaw ko kasi sana online bumili nito. Meron ba naka buy sa inyo mga sis? Hanap din ako kung meron alternative. Dami pa rin kulang na gamit. Last na nabili ko yung avent bottles na naka sale sa sm, tooth brush, nail cutter, comb, brush, nasal aspirator saka few pieces ng onesies. Naaadik ako sa onesies lalo yung may mga print na "handsome like daddy" or "awesome like mommy" kaso sayang kung super dami bibilhin, kakalakihan lang agad ni baby. Pigil pigil din ako pag may time. :)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #533 on: May 01, 2016, 08:00:41 am »
^hi sis crzysxycl, oo ask mo din. Yun lang kasi ang sabi saakin kaya nagdecide na ko na wag nalang. saka parang naaawa din ako sa baby pagganun, kung CS ako, parang sabay kaming nagpapagaling ng tahi. hehe. wala lang. naisip ko lang. Wow every 2 weeks na check up mo! :D yun nga yung ginagawa ko eh, paiba iba ako ng position pag nakahiga kasi last ultrasound ko, may notching pa rin don sa uterine artery, ang alam ko parang may restriction parin sa blood flow. nung ultrasound ko nung 24weeks meron na non eh. nung 28th week meron padin. pero since okay naman yung size and weight ng baby, di naman worried ang doctor ko.

mga sis, may friend ako na nagpost ng ultrasound report niya. nakita ko yung kanya, 39 weeks na dapat, yung femur length nung baby niya 35weeks lang yung size. pero dedma lang. Wala lang, naisip ko lang na sobrang worried ako pagnadelay ng ilang days yung size ng baby ko, oa na yung pagkaparanoid ko. Hehe. Bawas bawasan na yata dapat ang pagiging paranoid. hehe. :D

wahhhh, ako din sobrang pigil na pigil ako sa pagbili. pero 28 weeks na ko , may go signal na mamili. saka tapos na yung baby shower ko, alam ko na kung ano pang mga kulang. Kakaexcite naman :) :) :)

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #534 on: May 01, 2016, 09:13:16 am »
^Hello sis. Sabagay, CS din ako eh kaya dalawa rin kaming may tahi kung sakali hehe. Kakapanghinayang kung uulitin, doble gastos na doble pain pa for baby. Nakikita pala yung blood restriction sa ultrasound sis? Last UTZ ko kasi nung 18 weeks pa si baby, hindi diniscuss in detail sa akin yung ganun.

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #535 on: May 01, 2016, 10:37:40 am »
^ un yung ultrasound ko sis with fetal doppler studies. for APAS lang yun. Hindi talaga siya tinitignan pagregular ultrasound lang. Basta okay naman yung growth ni baby, no need to worry! :D
« Last Edit: May 02, 2016, 05:55:44 am by Which is Witch? »

Adrienne28

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #536 on: May 01, 2016, 09:30:09 pm »
^Sis, parang gusto ko din isama sa request yang fetal doppler sa next scan ko. Kasi di ba yung sa placenta grade din natin? Gusto ko lang malaman kung okay naman flow ng blood at nutrients kay baby.

Update lang pala, mga sis. Had my follow-up checkup nung Friday with my other OB and she said na off bed rest na ako and wala na din yung sipon ko. Binigyan na din nya ako ng request for anomaly scan on my 24th week (May 11). OB-sono kasi tong other OB ko kaya siguro usual sa kanya ang anomaly scan, although di daw sya ang mag-aanomaly scan. My main OB ayaw talaga ng anomaly scan. Medyo nakaka-kaba but we're praying na everything is normal. Ang cons din pala pag may other OB is yung magkaiba sila minsan sa assessment. Like yung main OB ko nung 19th week ko, sabi malaki si baby kasi nasa 20cm ang fundal height ko. Ito namang other OB ko, maliit ang baby ko kasi 20cm pa din measurement nya at 21 weeks ko. Hehe. Although normal naman daw na plus/minus ng 2cm sa age of gestation ang fundal height. Ideally kasi, kung ilang weeks na tayo, yun din dapat ang fundal height natin in centimeter.

Re: circumcision, gusto ni hubby pag malaki na daw si baby. Tama yung sinabi nyo sis na since CS din ako, pareho na kami may tahi nun ni baby. So saka na lang.

By the way, tong other OB ko pala recommended na mag-maternity belt/support kasi sinabi ko na sumasakit lagi ang likod/balakang ko at parang laging may pressure sa lower abdomen ko. I bought sa Sogo and as soon as I put it on sa fitting room, ramdam ko agad yung relief. Di ko na nga inalis and mas mahaba yung naging mall time ko with much less discomfort. I also wear it at night and yung pagpalit-palit ko ng position has been easier na.

Anyboday sainyo experiencing gas pain? It's been 3 days na sa akin and parang kahit nailalabas paminsan, parang di sya nauubusan. Umiikot ikot pa sa tyan and it can be painful. How are you dealing with it?

Karamihan pala sainyo nasa 3rd trimester na. Congrats ulit mga mommies! We all have made it this far. :)

Which is Witch?

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #537 on: May 02, 2016, 06:08:28 am »
^sis, yung sakin naman hindi nirelate sa placenta. talagang because of APAS lang siya. im taking meds for it kaya need lang icheck. pero makikita mo naman sa weight or laki niya kung enough nutrients yung napupunta kay baby. :) re placenta, Yung last ultrasound ko at 28wks, nasa grade 2 padin siya. Dapat magstay lang siya sa ganon. Hehe.

re sa maternity belt, parang may nafifeel din akong pressure pero parang sa loob, yun yung minention ko na para ako lagi maiihi kapag nakatayo ako. Magpapaurinalysis ako mamaya. If okay naman ang result, kung no UTI naman, try ko yang maternity belt na yan. baka sakaling hindi ko na mafeel yung ganung feeling.

Naexperience ko din yung gas pain, lalo na paggabi. And wala naman ako ginagawa for it. Sometimes painful pero parang umookay naman pagnilalabas na. Nilalabas ko lang. Pasensya na lang sa hubby ko. hehe.

crzysxycl

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #538 on: May 02, 2016, 10:30:49 am »
^I see, for APAS pala yun. Thanks sis! Sis nangyari rin sa akin before yung ihi ako ng ihi. As in 15 mins interval lang tapos pakiramdam ko may nakapatong sa bladder ko kaya napupull nya pababa kaya lagi may urge to pee. Hindi ko na pala ito naitanong sa OB ko, pero clear naman result ng urinalysis ko.

^^Sis sa sogo rin ako bumili ng abdominal binder. Medyo nasisikipan nga ako, kaso free size sya eh. Dati kasi breech si baby, nung nag binder ako naging cephalic na.

Mga sis sino na nakapagpa tetanus vaccine? Hindi ako nirerequire ni OB nito. Ayaw ko rin ipilit kasi para naman ako nagmamarunong hehe.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Babies due on THIRD QUARTER OF 2016 (JULY, AUGUST, SEPTEMBER)
« Reply #539 on: May 02, 2016, 11:27:00 am »
Looking for maternity belt ako, meron pala sa Sogo, dun na lang ako bibili ang mahal sa mother's care eh. Ako naman masakit lagi sa taas ng V, dun sa may pubs area (sorry if too graphic) tapos pag iikot din during sleep sakit sa mga sides. Lately, nagiging solid na movement ni baby, nade-deform na yung tummy ko.

Re tuli, yung friend ko kase pinatuli na nya yung baby nya since pabalik-balik yung UTI. Sabi nya general anesthesia daw ginamit sa baby nya, for me yoko maranasan ng baby ko yun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close