watch now

Author Topic: Bragging on Social Media  (Read 27636 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #160 on: January 31, 2017, 12:45:41 am »
^mas nakakaloka yung cheesy sa socmed pero halos magpatayan sa mura sa personal 😂

Pero yung mga minsan lang magpost ng pa-sweet na pm's or notes sa socmed ang cute lang. I guess anything na sobra nakakaumay talaga.

bluebeads

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #161 on: February 01, 2017, 02:18:05 am »
Ang di ko kinakaya yung #GGSS. Yung everyday na pagpopost ng text/viber/messenger cheesy convo nila ng manliligaw niya.

>> Sis na isip ko lang, d nya ba FB friend yung nanliligaw nya? if ako yun, maiinis ako.. nililigawan kita in confidence tapos broadcast mo mga sweet nothings ko na meant only for you... DIBA???  I mean, kaya nga viber or sms eh... kng gsto ko isigaw sa mundo, e di sana sa wall mo ako nag post! hahahah.. natawa ako sa friend mo ng very light sorry na.. if friend ko rin sha, nag unfollow ako malamang.. LOL or nag comment ako ng "tag mo yan!" chos lang hahahaha


>>>
^mas nakakaloka yung cheesy sa socmed pero halos magpatayan sa mura sa personal 😂


>>> may kilala naman ako, sa socmed, parang ideal couple, sweet pics, dinner dates etc.. ang kaso, sa totoong buhay, umiiyak si girl at daming pag dududa... yun pala sa wall ni guy, di nag approve ng TAGGED pics.. saklap! 

Naisip ko nga, kaya siguro ito pala post at close to bragging na,... eh kasi may pinaglalaban!
Hay.. sad tho ng ganon.. pero kasi baka may mga tao rin kasi na ayaw ng nakapublick personal affairs nila kaya d nagpapatag..


mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #162 on: February 01, 2017, 09:25:21 am »
^I think hindi sila friends ni guy sa socmed, wala din naman comment si guy sa kahit anong post ni girl e. Pero si girl post ng post ng convos nila or check-in kung saan sila nandun. Ang identity ni guy tago, all we know is doctor si guy. Di ko keri magpost ng ganun sa socmed parang awkward na kasi pagnalaman ng guy na nagpo-post ako ng ganun haha. Ayaw ko pa naman nahahalata ng guy na kilig na kilig ako haha.

Re tagging of pics: di naman siguro ito sa applicable sa lahat pero pagganyan na di nag-aapproved ng tagged pics ng gf medyo nakakatamang-hinala talaga yan. Yung bro ko di naga-approved ng tag pics ng gf niya kasi may kalokohang ginagawa e. Tsk tsk.


drag0nfly

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #163 on: February 12, 2017, 12:40:40 am »
May pinsan akong ganyan. Uber cheesy mag-post ng ILY at kung anik anik na sweetness sa mister nya. Tapos si mister lagi naman sya pinagsasabihan na bat daw kelangan mag-post pa ng ganun LOL. Minsan naiisip naming ibang pinsan na siguro she is trying to compensate for something kasi pag magkakasama naman kami normal lang sila. They don't even hold hands. Nakakatawa lang na parang lagi syang may hugot na kesyo sad daw sya tuwing papasok na sa work kasi ayaw iwanan ang family nya, she loves her family so so much achuchuchu. Gusto kong sabihan, o sige te wag ka na magtrabaho para buong araw nakakabit ka lang sa asawa't mga anak mo 😄

Saken lang, kung truly happy and in love ka sa asawa/jowa/partner mo, di na kelangan laging ipangalandakan on social media. Minsan yang ganyang style of bragging eh naghahanap kasi ng affirmation na baka di nila makuha in the relationship or gusto i-project na super happy sila kahit di naman.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #164 on: February 12, 2017, 08:48:18 pm »
i have a friend super bragging about her travels and gala with her kids with a hashtag #blessed. ang totoo kaliwat kanan ang utang. yung lamesa na kainan nila sa bahay, donated pa namin sakanila kasi nga hindi sila makabili ng bago.  ultimo pambili ng bagong water dispenser wala din pero after a  week makikita mo sa fb may gala sila ng pamilya.

di mo lam kung maiiriita or matatawa ka sa mga ganyang tao.  kung kilala mo naman personal ang pagkatao nila, pede ng pagbigyan. baka naman dun lang napagtatakpan ang insecurities. pede rin kasing ganun.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #165 on: February 13, 2017, 12:03:01 am »
^Yun actually ang nakaka-fuel ng feeling mo nagba-brag sila kasi alam mo yung background nila.

yannuh

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #166 on: February 13, 2017, 07:49:10 am »
i am guilty of tagging cheesy posts to my hubby's IG account. Not for anything else but because i just want to tell the world how lucky I am to have my hubby ♥ Di din ako hanggang sa social media but syempre in person dapat ganun din. Hubby is the exact opposite, di pala-post pero he tells me he appreciate it.

shygirlme

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #167 on: February 13, 2017, 08:47:44 am »
^^but for me off yung nanghihingi ka ng bagay sa ibang tao para makatipid pero may pinaggagastusan kang ibang bagay.

hushush

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #168 on: February 13, 2017, 09:40:02 am »
^^but for me off yung nanghihingi ka ng bagay sa ibang tao para makatipid pero may pinaggagastusan kang ibang bagay.

Ay medyo off nga yun sis lalo na kung di naman kayo ganun kaclose..pero kung sabi mo donated yun table nila ang understanding ko ay kusang loob ibinigay at hindi masama ang loob ng nagbigay. :) as a friend siguro kung nakikita mo na they are spending beyond their means it wont hurt siguro to tell her pabiro na "uy panay gala ah..o yun dispenser nyo unahin muna palitan bago kayo gumala ulet ha.." :)

drag0nfly

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #169 on: February 13, 2017, 10:11:14 am »
Wala naman kaming sinabi na bawal or mali to profess love publicly, but everything in moderation, plus the fact na alam namin ang backstory nila na sweet/cheesy on social media pero in real life eh kabaligtaran ang dynamics ng relationship. Kaya namin nasasabi na it's all for show.

yannuh

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #170 on: February 13, 2017, 10:25:20 am »
^^hahaha thanks for these kind words, sis hushush :)

^sis dragonfly, noted on that :) naguilty lang ako dun sa palapost ng cheesy messages. baka nakukulitan na ang mga friends ko haha

hushush

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #171 on: February 13, 2017, 11:25:44 am »
Haha! Ako nga panay post tungkol sa mga anak ko.kadalasan sila talaga ang laman ng fb ko..kung ano-ano na lang.miletones..awards.. :) ganun talaga.e wala kasi akong trabaho eh.ang trabaho ko e bantayan ang mga anak ko at siguraduhing maayos sila, masaya, ok ang schooling...para di naman din isipin ng iba na nagresign ako sa work at panay gala lang ako o panay kain..hehe..kung di ko ipopost yun e wala akong maipopost sa socmed..eh ano kayang ipopost ko?mukha ko? ootd? (cringeee...) ayoko nga!
bahala sila dyan. Unfollow kung unfollow..unfriend kung unfriend..basta ako masaya ako sa ginagawa ko..mga anak ko lang talaga ang lagi ko ipopost!keber ko sa buong mundo! Hehe.ayoko lang magpost ng kung ano-ano quotes, share ng vids, news, parinig, etc..gusto ko good vibes lang fb ko.tungkol samin..sa pamilya ko..as long na wala akong natatapakang tao.. :)

yannuh

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #172 on: February 13, 2017, 11:35:35 am »
^apir tayo dyan sis :)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #173 on: February 13, 2017, 12:26:25 pm »
Para saan ba talaga ang fb. Wala na kasi maipost lahat na lang may comment. Sino ba magsasabi na too much or moderate lang dapat. May rules ba un? Kung un nga gumawa ng fb walang rules sa kung magpost ka about love,travels etc. Besides account nila un so wala paki ang iba kung ano ang ipost nila. Kung affected ka unfollow unfriend. Parang test of friendship din talaga mga ganitong senaryo. Kasi kung talaga true friend ka tanggap mo dapat na un friend mo may bahagi sa pagkatao nya na ganun sya magpost. Kung talaga friend ka hindi ka mag iisip ng masama sa kung anuman ang ipost ng friend or relatives mo. Lalo na kung wala namang utang sayo at hindi ka binayaran. Sa totoo lang fb ko halos walang laman kasi hindi naman ako mapost na tao, pero ako hindi ako nag uunfollow ng tao or unfriend just because lang sa mga posts nila.
 

simang

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #174 on: February 13, 2017, 01:07:24 pm »
Ang akin lang eh kung talagang happy ka sa buhay mo, bakit kelangan mo pang pakialamanan ang buhay ng iba?

Pinklet

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #175 on: February 13, 2017, 01:28:32 pm »
^ true

Bakit ba kayo nangengeelam sa meron sila? kung di naman nila pinapakelaman kung anong wala kayo? hehe,

minsan ang tao talaga, walang contentment kaya naiinggit.

sorry na if i offended anyone. hehe.  just my thoughts. ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #176 on: February 13, 2017, 02:59:53 pm »
^I don't think "naiinggit" is the correct term. Ang point kasi is opposite ang pinakikita sa socmed vs reality. If you are sweet sa partner mo sa socmed it should be the same level of intensity lalo na sa reality or dapat nga higit pa. If you are broke sa tunay na buhay bawasan ang pagpopost na para kang "Don" or "Donya" kasi mainis ang mga pinagkakautangan mo sa tunay na buhay, malamang fb friends din yang tao na nangutang and nagpautang. Tulad ng nakwento ko na before, meron may utang sa akin 1k lang di pa mabayaran pero nakapagBora, nung siningil ko nagalit pa (i don't think nakakainggit ang ganitong klaseng tao). Another friend bought a very expensive gadget and posted every angle of the item sa socmed. The following day that person is complaining that she's broke, nangungutang na kasi as in walang natira even for allowance. I was like seriously, bumili ka ng ganun ni-post mo pa tapos walang-wala kang panggastos after?!

Yung iba pini-fake ang totoong buhay nila just to gain acceptance sa society or para masabing "in" sila. Nakaka-sad lang.

But anyway, as long as wala silang utang sa akin at di nila ako uutangan after nila magwaldas wala akong paki. Pero I admit ang hirap lang talaga minsan na pigilan mapaisip pag-alam mo background nila or yung totoong nangyayari sa buhay nila.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #177 on: February 13, 2017, 04:15:08 pm »
hmmm.. mukhang madami yatang tinamaan sa topic na eto ah.  ;D makes me think na sila siguro yung madalas gumawa nito. hihi! oh peace tayo ah. ganyan din ako nuon before i deactivated my fb account. ngayon masasabi ko na minsan sa buhay ko naging sobrang 'mayabang' ako sa socmed. lahat yata ng pede ko maipost ginawa ko, ultimo regalo ng mister ko sakin ipopost ko sabay caption "thanks love!".. eh katabi ko lang naman siya nun! sana sinabi ko nalang sakanya ng personal. hahaha so anong purpose ng ginawa ko? siyempre magyabang, let other people knows na "see my husband can buy me this and that"! pati na rin picturan mga kinakain ko nuon susme ginawa ko rin. makes me cringe now. haha. isama ko na yung check in sa ganitong lugar naging addiction ko rin! may i mention narin rants posts hay i did it all!

all the "likes" that i get from those posts made me validate as a person. i thought it was making me happy so i posts more. napaka insecure kong tao.  gusto ko rin makita ng iba na meron din ako ganyan oi. it was only when i shifted to a lifestyle change that i realize na ay oo nga noh i shouldn't be doing that. may tinatawag din palang TMI.

yung sobrang posts ng videos and pics ng kids ko, my brother warned me about pedophiles. i wasn't listening to him kasi sabi ko bakit ba eh gusto ko ipost! sabi ko pa hindi naman ganyan ka rampant ang pedopilya sa pinas then recently a horrendous pedophile/rape cases surfaced  all over the news,, boom! napaisip ako sa mga pinagagawa ko nuon. so mga moms doble ingat lang talaga sa pagba brag sa mga anak sa internet. ang pedopilya ay nangyayari sa mga taong kakilala mo more than sa mga hindi. once you post pics of your child, its out there, anyone can download it. you also can't control what they are doing or thinking while they're looking at your kid's pictures. i know OT na eto sorry!  :)





« Last Edit: February 13, 2017, 05:17:50 pm by lovemeagain30 »

shinies

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #178 on: February 13, 2017, 04:55:31 pm »
Pareho pa din naisip ko depende kasi talaga yan sa tao (yung nagpopost at yung nagbabasa ng post)..

Ano ba ang purpose mo mag socmed? Para saan at para kanino yung pagpost mo?
Para sa iyo ba ito? Gusto mo ba may online documentation ang buhay mo?
Para ba malaman ng iba ang tungkol sayo ng hindi na kailangan isa isa ang kwento?
Para ba maka-connect ka sa mga kaibigan at kamaganak mo na hindi mo lagi makasama?
Para ba magshare ka at masubukan nila o wag nila gawin yung mga nangyari na sayo?

Kahit naman walang socmed, may masasabi at masasabi ang mga tao.
Basta ba wala ka naman nasasagasaang ibang tao, di ka nakakasakit, di ka nangaagrabyado ng iba, hindi apektado seguridad mo, aba post away!

hushush

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #179 on: February 13, 2017, 06:38:13 pm »
Hahaha! Mahaba-habang argumento to ah.may point naman karamihan ng comments..ang maisasuggest ko lang, kung di mo makaya ang mga nakikita mo sa socmed o hindi mo kayang ihandle ang mga emotions na tulad nito:

-naiinis sa mga nagyayabang
-naiinggit sa mas higit sayo
-nalulungkot sa sad posts at sentiments
-nagkecrave sa foods na pino-post
-nauumay sa pare-parehong posts
-nagagalit sa nagwawaldas lalot may utang sayo
-nagiging chismosa sa mga nasasagap na parinig at awayan
-nadidisturb ang peace of mind dahil sa mga nabasa
-nadedepress dahil hindi mo magawa o makuha ang gusto mong # of likes
-nagki-cringe sa cheesy posts
-nae-L o natutukso sa sexy pix/vids (for men)
-naiinlove kahit taken na

Eto ang magandang gawin: wag ka na magbasa ng newsfeed o wag ka na lang magbabad sa socmed! :) i did this for many years..bihira lang ako magbasa ng newsfeed. Minsan pasko at new year..o minsan pag super bagot ako...i just focused on my goals..lalo nat nagkaproblema ako sa mga anak ko..reading newsfeed diverts my attention at nauubos time ko kaya umiwas talaga ako..kaya kapag may friends ako nagtatanong about posts nila kung nakita ko na, ang sinasabi ko lang: "ay di ko makita kasi hindi lumalabas sa newsfeed ko..natatabunan ng ibang posts.hayaan mo hahanapin ko.." :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close