Author Topic: Bragging on Social Media  (Read 13811 times)

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1435
Re: Bragging on Social Media
« Reply #220 on: January 29, 2018, 01:34:39 pm »
Speaking of.. ayan na nga yung kilala kong inggitera na social climber. May nag chismis lang sakin na panay post daw ng bagong mamahaling gadgets at bumili pa ng bagong tv. Eh wala naman pala daw pambayad ng tuition ng mga anak, umaasa lang sa tulong ng mga kamag anak. Eh ngayon wala ng gusto magbigay ng tulong dahil naiirita na daw kasi nga naman panay post ng material things eh kung iniipon na lang ang pera pambayad ng tuition. Tapos panay kaskas ng credit card eh di lalong lumubog sa utang. Ayan sinabihan ng isang kamag anak, sabi akala mo namamangha ang mga tao sa yo sa mga pinopost mo sa fb, pinagtatawanan ka lang nila kasi alam nila sa totoong buhay wala kang ibubuga. Lubog ka sa utang. Haha buti nga

marcee7

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 50
Re: Bragging on Social Media
« Reply #221 on: January 29, 2018, 04:18:30 pm »
Kaya ako mas pinili kong onti lang ang friends sa fb. Kung magpost man sila or magyabang I won't bother,

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5510
Re: Bragging on Social Media
« Reply #222 on: January 29, 2018, 05:40:42 pm »
Big help talaga na may unfollow button and hide option ang fb.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1435
Re: Bragging on Social Media
« Reply #223 on: January 29, 2018, 05:45:39 pm »
Yung mga ibang nagyayabang at social climber sa fb, honestly wala akong pake sa kanila. Magyabang sila at mag social climb hanggat gusto nila, as long as wala naman atraso sakin. Hindi ko din hina hide as in keri lang sakin, nakakatawa din sila minsan, source of entertainment ko na lol. Pero yung ibang tao na mayabang na nga eh inggitera pa at mahilig pa manira ng kapwa para umangat sila, dun ako naiirita lol

Tsaka panay post tapos biglang mangungutang or manghihingi ng tulong sayo o di kaya hindi makabayad ng utang at hindi mo maasahan sa share ng expenses, yan ang mga nakakapang init ng ulo
« Last Edit: January 29, 2018, 05:48:32 pm by khaleesiCersei »

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5510
Re: Bragging on Social Media
« Reply #224 on: January 29, 2018, 06:34:35 pm »
Ako sa ngayon immune na din ako sa bragging #blessed posts. Pero yung mga fb friends na always bad vibes ang posts like parinig or laging may kaaway di ko talaga ma-take. Ayaw ko na pag-open ko ng socmed accounts ko e nega post na agad makikita ko. Sila yung mga tao na unthankful at walang nakita na mabuti sa buhay nila. Toxic mga ganyan kaya unfollow na lang.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

pattyfrenzy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 40
Re: Bragging on Social Media
« Reply #225 on: January 29, 2018, 07:18:00 pm »
Mga walang humpay sa kakaselfie, nahanap ng magandang angulo para ikubli yung long chin pero halata naman ultimo nasa banyo hindi pinalalagpas pero iisa lang naman kinalabasan ng  post niya mayron pang no filter, woke up like this, mga pacute at kung ano pa nakakaumay naman. Mga hashtag na mga ewan, mga captions na ingles pero saan kaya niya kinopya? Panay tbt, fbf at etc. lahat ng uso IN din siya.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Re: Bragging on Social Media
« Reply #226 on: January 29, 2018, 08:53:13 pm »
Kaya ako mas pinili kong onti lang ang friends sa fb. Kung magpost man sila or magyabang I won't bother,

ito yung gusto kong gawin one day pag sinipag na akong magfiter ng friends list. :D
I want to trim it down to 50 or 20. Kasi karamihan sa list ko di ko na maalala kung sino. Minsan yun mga naging kaklase ko pala sa short courses like sa basic photography. Kundi ko pa nahalungkat yun group photo namin bago ang graduation na dun ko pala nakilala yun mga taong yun...Then mga wanna-be models na gusto makuha yun pictures nila, random people na napicturan nuon.. Hindi ko naman sila talaga naging friend..

Mas maganda nga siguro kung very private na lang. Puro family members, relatives at close friends (kung meron) na maiintindihan bakit ako nagpopost ng ganito at ganyan..at dahil gusto ko din magparamdam na buhay pa ako without directly chatting with them..na ito yun mga pinagkakaabalahan ko, kahit kaumay na. Bahala ka dyan... E sa ganun lang lagi eh. Bahay, bata, school..anong gusto mo, magpost ako nang naka-2piece ako? Matutuwa ka ba nun? hindi ako nag-socmed to please you.. Chos!!! :D
Pag nagtravel naman syempre ipinopost din para may maipost namang iba...minsan bihira lang ako magpost at sa Myday na lang ako nagpopost ng random photos para i wont bother too sa #of likes. And nobody would think na "ay walang naglike, wawa naman", " ay walang nagview, wawa naman". . :D :D
Kaya mas gusto ko pa magbasa ng feed ng quora eh. Dami ko pa natututunan.. Useful life hacks, psychological tricks. Dami pa photos na nakaka-wow... Nakakatawa pa yun karamihan.. Very witty at intelligent kasi yun mga contributor..ibat-ibang race..
Sa fb puro ka-negahan lang pino-promote nyan eh. Kaya dami nagpapatiwakal.ganyan kasi tayong mga pinoy eh hilahan pababa haha! :D
Naappreciate ko lang talaga ang IG/Fb dahil sa mga online sellers. Nakakamura ako. :D

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2617
  • Live and let live. Love and let love.
Re: Bragging on Social Media
« Reply #227 on: January 29, 2018, 09:37:37 pm »
^Haha ako din every year nagbabawas, saka di din basta nag a-accept.

Dyan na din ako daily updated sa FB My Day and IG Stories, either ako mismo magpost or magcheck ng mga posts, dyan talaga wala pakialamanan, choice na natin tignan eh, so kung may maumay man sayo, problema na nya yun bakit kasi nya tinitignan, haha. Ako mismo di maka comment ng maski na ano kasi hello kasalanan ko ineffortan ko tignan eh.

At the end of the day, call pa din naman natin mag unfriend, unfollow, unsubscribe kung di na talaga natin ma-take posts pero ako kebs lang sa kanya-kanyang trip sa life. To each his own ika nga. Bakit mo iinisin sarili mo sa mga ganyang kababawan. Tawanan mo nalang. You know better. Haha! ;D
« Last Edit: January 29, 2018, 09:49:13 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

missyuko

  • Blue Clover Dreamer
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 124
Re: Bragging on Social Media
« Reply #228 on: June 30, 2019, 10:45:32 am »
There this lady who brags about almost everything even things she really doesn't (directly) own like the house of her auntie (she claims it na sa kanila pero obvious naman na sa auntie) pero she posts naman bragging and social climber patama quotes and articles at the same time. As in, super hate niya yata yung mga ganun. Minsan naiisip ko, yung mga social climber at mayayabang eh galit sa kapwa or katulad nila. Seriously, napansin ko na yan.

may relative ako na ganyan. mapag panggap sa socmeds at mapanira sa ibang kapwa
What good is it for someone to gain the whole world, yet forfeit their soul? -Mark 8:36

 


Latest Stories

Load More Stories
Close