watch now

Author Topic: Bragging on Social Media  (Read 27547 times)

lesters_gal

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #80 on: October 10, 2016, 02:40:56 pm »
^^2 decades na kayong wala ng kuya niya tapos lakas pa mangharbat. Daig pa si Lolit Solis na harbat queen. Iblock mo na sa messenger yan para di na makapagpm sayo😂



^True sis. My god tawa ako ng tawa talaga sa MAC lippie at pati pang kilay pinanghihingi niya. Creep paper ang gamitin niya at monggol na lapis for her kilay kung wala sha budget para sa kaartehan niya.😂 Samantalang nung nag asawa yung kuya niya at naging close sila nung wifey eh wit sha pansin sa akin kahit sa fb, tapos biglang ngayon super message sha. Kapal talaga ng face.🙄🙄🙄
« Last Edit: October 10, 2016, 02:43:05 pm by lesters_gal »

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #81 on: October 10, 2016, 07:13:22 pm »
Hmm humble bragging ba pag nagpopost ng travels? Gusto gusto ko naman un mga fb friends ko na nagpopost ng travels nila. So ano na lang dapat ipost sa fb? Nagfb pa kung lahat ng post may comment na negative. Ako naman hindi ako mapost. And I don't mind people na mapost ng ginagawa nila. Ang ayaw ko lang over post ng luho tapos may atraso sa akin o inuutangan ako. Sa ganyan ako nag rereact. Hindi ko magets un iba na naiirita sa mga post ng iba about travels or something na meron sila na nakapost. May halo bang inggit ito? Or dahil hindi ka ganun inis ka sa ganun tao. Madaling mag unfollow. For me lang parang something is wrong kapag ang dali mo mainis sa ganun bagay na ginagawa ng iba. Parang negative lang nakikita, hindi happy sa happiness nun iba. Imagine post lang ng iba na hindi naman ata nagungutang sayo affected ka.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #82 on: October 10, 2016, 08:15:51 pm »
^^ Sis bluebeads, read this too. Good read.

Evolet027

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #83 on: October 10, 2016, 11:30:57 pm »
Agree with sis Shadow Angel. Ako din, na iinspire ako mag travel at mag food trip pag may nakikita ako posts ng mga fb friends ko about their travels and food trips. Pinupusuan ko pa! :)

And yeah, I agree. If may travel post, food trip post sa mamahaling resto tapos nainis ka na agad. 100% sure, may halong inggit at insecurity Yan. At the back of your mind, iniisip mong sana andun ka din, and wonder kung pano naabot ng fb friend mo yun. So nag start ka na mag compare ng buhay mo sa buhay ng fb friend mong perfect ang life.. so yan ang root cause.. comparison. :)

Follow up din sa question ng isang sis natin, pano ma di differentiate ang bragging, sa inosenteng post? :D dahil iba iba tayo ng brain cells, iba iba ang pag pov natin. Sa iba bragging, sa iba, it's just nothing.

Like I have this friend, kumpare ko pa kasi inaanak ko panganay nya, naka kuha ng car, nakakuha na din ng house and lot sa cavite. As in todo post, lahat ng corners ng bahay, plage me selfie sa car. Just this two weeks ago, he was asking me to help him get a lawyer or someone who can give him legal advice. I asked why? Turned out, all his 3 credit cards have already defaulted and nasa third party na. At hinaharass sila ng third party. So there... ngayon ganun pa rin todo post pa rin. Di ko alam kung magaling magdala ng problema or strong lang. but everytime mag post sya, sa lakad lakad ng family nya, cant help kundi mabwisit. Nagbago yung tingin ko sa situation nya eh. Kala ko everything is OK, tapos ganun pala ang background ng luho.

Basta ako, post all you want, basta walang atrasong utang saken, nangutang, or hindi ko nalaman na nangungutang, i'll be happy For the achievement. 100% pupusuan ko pa posts. :)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #84 on: October 11, 2016, 07:07:36 am »
^tama ka dyan evolet027 hindi ko kasi magets bakit naiinis kung hindi naman sila inaabala o hindi nila alam background. So bakit ka pa nag ffb kung hindi mo type ang mga post ng fb friends mo. Type ko din mga foods or resto na post kasi mahilig kami kumain kaya dinadayo din namin un iba post na sa tingin namin worth it na itry.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #85 on: October 11, 2016, 08:59:27 am »
^^i love the pupusuan comment ❤️

I loooove travel and food posts too. Iniisa-isa ko pa tingnan pagnaka-album. Lakas maka-goodvibes 😍


guavaorchard

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #86 on: October 11, 2016, 09:55:30 am »
sis mysterioza_me, ah ganun ba. that's good to know. marami kasing tao yung hindi masyadong maingat sa kanilang privacy. lalo na yung isang teacher ata na naging biktima ng identity theft kasi he posted a picture of his new prc id. not that it's a bragging post syempre proud and happy lang sya kasi he passed the board exam. ang sad lang kasi nabaon sya sa utang, mga 800k daw, kasi may gumamit ng pangalan nya.

yung humble bragging kasi parang ganito yan: you are bragging pero you downplay it to appear modest. halimbawa nagpost ka ng selfie tapos may caption na "feeling ugly today" pero ang ganda mo pa rin. haha. yung ganun. or parang rant na ganito: "my life sucks. had to wait until [insert date] to get my iphone huhu".

naloka naman ako sa mga kwento dito about braggarts na may utang sa iba. meron pala talagang mga ganung tao. sana naman magbayad muna bago magpost. hindi masama magshare about your life. bragging makes us feel good about ourselves. walang masama dun basta wag lang may natatapakang tao like yung mga pinagkakautangan.

FOURever

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #87 on: October 13, 2016, 05:41:34 pm »
^just because one's pretty doesn't mean he/she can't feel ugly.

Before ganyan din isip ko. But things changed as I grow older lalo na my environment mostly mayayaman. Narealize ko, hindi kasalanan ng tao kung mayaman sya tapos small things nagrereklamo sya.

Iba iba tayo ng tolerance, ng situation, etc. Kaya since then, hindi na ako naiinis sa kanila.
« Last Edit: October 13, 2016, 05:43:47 pm by FOURever »

guavaorchard

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #88 on: October 14, 2016, 09:37:46 pm »
^ sis fourever, may point ka nga! naiba yung perspective ko because of what you said. cheers!

megansmomma

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #89 on: October 15, 2016, 03:44:34 am »
I hate people who posts just to brag something, Edi wow.. Ikaw na..
hindi ako bitter, nakakaumay lang. Kahit ba keri nila financially, Huwag sana sila mayabang..

janachen

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #90 on: November 15, 2016, 12:05:45 pm »
Nakakainis yung umutang sa akin, nakaad kasi sila pati mga anak. Yung mag asawa nirestrict ako. Pero nagpost ang mga anak kumakain sa isang mamahaling restaurant at nakapaghotel pa sila. Naisip ko na naman yung utang..

Mahirap bang bayaran yung 1k?  ;D

Pinklet

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #91 on: November 24, 2016, 11:18:14 am »
Nakakainis yung umutang sa akin, nakaad kasi sila pati mga anak. Yung mag asawa nirestrict ako. Pero nagpost ang mga anak kumakain sa isang mamahaling restaurant at nakapaghotel pa sila. Naisip ko na naman yung utang..

Mahirap bang bayaran yung 1k?  ;D

singilin mo sis... sabihin mo may kelangan ka pagkagastusan at magagamit mo sana yun.. haha! Kung ako, namessage ko na yan. kulitin ko pa. para mahiya naman sila. hehe.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #92 on: November 25, 2016, 04:40:20 am »
^ganyan din sa friend ko may hiram na 1k sa akin, usapan in one month babayaran, ayun taon na din pero makita mo sa fb nagta-travel tapos nito nagpa-plan pa ng travel uli with bf niya. Ginawa ko na yang i-pm siya para maningil after ko makita na nagboracay sila pero siya pa nagalit haha. Pag makapal ang mukha makapal talaga kahit anong sabihin dedma. Sus sis ako pa nasabihan nakilala daw niya ugali ko dahil sa 1k. Di ko naman siya nabastos nung maningil ako. Sabi ko lang baka naman may pera na siya kasi matagal na yung hiram niya, baka may natira pa sa budget nila nung magboracay sila. Siya pa galit. Ginigipit ko daw siya. Pera ko na yun halos nililimos ko sa kanya.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #93 on: November 25, 2016, 08:33:31 am »
Omg! Kapalmuks naman niyan sis, ano sinabi mo? Hehe sana binalik mo sa kanya yung sinabi niya na nakilala mo din ang ugali niya sa halagang 1k haha! Para 1k lang hindi pa makapagbayad pero may pang hashtag travel goals lol! Kung ako siguro inutangan niyan panay comment ako sa mga posts niya na wow sosyal nag bora, sana bayaran mo na yun utang mo sakin na 1k lol!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #94 on: November 25, 2016, 08:54:39 am »
Naku sis nasabi ko na lang ako pa talaga ang nakilala mo dahil sa 1k. Magbabayad naman daw siya pero wag ko siya ginigipit. Dun ko nasabi na nagBora kayo kaya ko siya naisip singilin. Sabi niya libre lang yun. Sagot ko na wala ba kayong pampocket money, maski naman libre yun dapat may pocket money sila. Sabi niya sige daw magbebenta siya ng gamit makabayad lang sa akin. Ayun sis ewan ko nabenta na ata pati kaluluwa niya pero di pa nagbayad sa akin😂.

yannuh

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #95 on: November 25, 2016, 08:58:34 am »
ako din nakaexperience nyan, elementary classmate ko na mga 10-13 yrs ko na ata di nakakausap, pagkaadd sa aken sa fb aba nangungutang, sabi ko nga wala din ako pera. tapos kinukulit kulit pa din ako kapal ng muka e lagi nagpopost ng pics kung saan-saang resto kumakain ng family nya ugh

pretty_B

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #96 on: November 25, 2016, 11:51:47 am »
^^ and ^, sorry to barge in mga sis. pero natawa ako sa alibi ng mga yan. di ko alam kung maiinis or matatawa or maaawa ako pag ako yung inutangan. suskopo. hindi ako mayaman, pero kung nakapagbora ako (kahit libre pa!) may dala naman akong 1k! hehe.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #97 on: November 25, 2016, 04:44:15 pm »
^True sis kakahiya naman na nilibre ka na nga lang maski pampocket money wala ka. Kung ako yun maski libre pa di ako sasama pagwala ako pampocket money. Paano na lang pag-iniwan ka dun nganga ka na lang. Di ako naniniwala sa sinabi niya pero karma has its way sabi nga. Nung magpost siya na nawalan siya ng pera di ako gaanong naawa. 12k din yung nawala na yun sa kanya,naisip ko baka ganun din total ng utang niya. Nalaman ko inutangan din pala niya yung isang friend ko ng 3500k di pa din niya nabayaran and nagpapadagdag pa daw. Pag yung mga di mo naman gaano friend tapos biglang nag-pm kinakabahan na ako e hahaha

yn061515

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #98 on: November 27, 2016, 06:11:51 pm »
Meron akong friend sa FB sa successful ang career, as in maganda work, maganda company and of course maganda ang pay for a Filipina sa middle east. Marami na rin syang napagdaanan, like yung ate nya nabaon sa utang sa Middle east at sya ang nagpakhirap para mabayaran ang mga yun at makalaya ang ate nya at makauwi ng Pilipinas. What annoys me is napaka pabebe nya masyado sa mga lalaki. As in marami syang boys, iba ibang nationality at aware ang bawat isa doon. Friend nya lahat sa FB tapos ang papansin ng mga post like binilhan sya ng Nissan Juke ni ganito, tapos the next day nagpadala si ganito ng jewelry sa desk nya at nakita nya pagdating nya. Sunod naman designer bag padala ni other guy. Tapos binook na daw sya ni ganito ng ticket to this place, at ng nasa airplane na sya "ang swerte" daw ng katabi nya na lalaki kasi katabi sya for 8 hours, with emoticon na pissed. At ultimo yung conversation nya with the ground crew na sinabihan daw sya na "ma'am, travel po ulit kayo? at ni immigration officer na "dear _____, where to this time?" naipost pa. Ilan lang yan sa mga papansin posts nya. Noong una naiinspire pa ko eh kasi hiwalay sya with 3 kids at napagsikapan nya na yung tatlo, sa middle east nakapag university. Grabe yun kasi mahal ang university sa ME. Pero yung mga papansin nya sa mga boylets nya, considering na 40 na sya ha, too much na for me haha. Oo na te, ikaw na maganda. I-ayon naman sa edad ang asta. Para kang babagong nagdadalaga eh! *the end* lol

kvandenhaak

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #99 on: November 28, 2016, 02:27:20 am »
I have to former co-workers na parehong well off now. One living in Canada and another in the US. Although yung isa has been in management position naman talaga from the beginning. Yung isa is pareho lang kami ng ranking pero nakapag-asawa kasi ng financially stable na American. She's posting her house in California at yung bahay sa Cavite. In fairness, maganda talaga pareho. Big time talaga na sya. Recently both posted their new cars. Si girl, yung brand new Ford Everest sa Cavite. The manager brand new white Audi. Obviously, mas big time si manager. However, mas mayabang mag-post si manager. I genuinely happy for my co-worker in the US kahit post sya ng post ng mga bagong gamit and the places they go to. Pero si manager, pag nag-post kelangan pa kasi merong details. Maybe it's just me but I sense a little arrogance in her post. Iba din talaga ang may halong yabang...LOL!
« Last Edit: November 28, 2016, 02:31:21 am by kvandenhaak »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close