watch now

Author Topic: Bragging on Social Media  (Read 27540 times)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #60 on: September 13, 2016, 06:33:48 am »
Ako naman, I don't mind selfie kasi fb account nila un kaya they can post whatever they want basta lang walang nasasagasaan or wag lang insensitive na post.

Purple_Power

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #61 on: October 01, 2016, 06:44:14 pm »
Over fanatic sa current admin, susme nakakasuka kulang na lang dasalan na nila yung Presidente. Hindi naman sila nagbago sa pagiging Pilipino nila at pagkatao. Yet they are not focusing on issues but more on being a fanatic already.

Bragging about themselves sa character ng pagkatao nila na kesyo mga totoong tao sila at huwag silang subukang awayin pero sila naman itong mga basag ulo in real life na mahilig mag-umpisa ng gulo. Tapos mga duwag naman sa confrontation.

Usually wala naman akong pakialam if they post about what they have or kung anong narating nila. Madali lang naman ignore.


janachen

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #62 on: October 01, 2016, 11:56:00 pm »
^^ Dalawang klase lang yan,may fanatic mayron ding puro anti admin.

Si Celdran kulang nalang barilin si Duterte, Jim Paredes ang dami dami

Pro-admin madaming ganyan din, minsan mga hoax na news pinopost nila.

Wala talaga sa lider ang pagbabago, nasa sarili.

Ako naman wala akong pakialam kung ano ang pinopost nila, binabasa ko lang.. Mga Nabiling ganito, ganyan, achievements... pero wag lang magpopost yung umutang sakin tapos hindi pa nakakapagbayad. Haha

Nakabili na ng kotse at motor yung 1k ko hindi pa bayad kasi wala daw pambayad  >:(

Purple_Power

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #63 on: October 03, 2016, 06:55:22 am »
^I understand na wala talaga sa leader yan, ang akin lang naman they keep on saying na gusto nilang malaking pagbabago tapos aawayin pa yung hindi pabor sa kanila. Isa rin yung sinasabi nila yung disiplina na gusto nilang mangyari pero sila naman itong mga nangungunang pasaway. During the election instead of giving enlightenment to the people para sa candidate na gusto nilang manalo, they are posting it in bragging manner na sabi ko nga nang-aaway na and yet nambebelat pa nung nanalo tapos mga halata namang sila mismo mga hindi naman disiplinado.

Pinklet

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #64 on: October 04, 2016, 09:27:52 am »
matanong ko lang mga sis, pag ba si girl ay nagshshow-off sa facebook ng travel nila magasawa, tapos yung manugang ni girl ay madami utang, is it right for people na pinagkautangan ni manugang to mock this girl???  ??? ???

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #65 on: October 04, 2016, 11:42:46 am »
Sis di ko sure if tama intindi ko pero correct me if i'm wrong, si girl (with hubby) nagtravel at wala siyang utang then yung manugang ni girl ang may utang pero ang mino-mock ng mga tao is si girl na walang utang? Tama ba?

If tama ako bakit si girl ang imo-mock kung labas naman siya sa utang ni manugang? Or may kinalaman ba si girl kaya nagkautang si manugang? I mean nag-guarantor lang si manugang para makautang si girl and since di nagbabayad si girl syempre si manugang ang maiipit (kung ganyan ang scenario may katwiran nga na i-mock si girl since inilagay niya sa alanganin si manugang). Or maybe people are expecting that girl should help manugang with their financial obligations, alam mo naman sa pinas di mo na obligasyon sa iyo pa ipapasagot lalo na kung nakakahigit ka sa kabuhayan. Pero kung labas si girl sa utang wala kahit sino may karapatan na i-question kung saan niya ginagamit pera niya.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #66 on: October 04, 2016, 11:47:00 am »
^^sorry sis manugang? Or biyenan?

Pinklet

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #67 on: October 06, 2016, 09:38:01 am »
ay sorry. biyenan pala.

wala naman utang si girl kaso magulang kase ni hubby nya yung may utang. hindi din naman nag guarantor. pero yung mga pinagkautangan, sa kanila mismo nagmmessage.

pero dahil nga may capability sila magtravel, ang mga nautangan ng magulang ni hubby nya nagpaparinig...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #68 on: October 06, 2016, 10:14:00 am »
^Ah ok. Sis bakit di i-help ni hubby sa utang magulang naman pala niya? And ano ba reason bakit nagkakautang? Sa akin kasi walang problem na tulungan ko parents ko, di rin kasi talaga maganda tingnan and nakakakonsensya din naman sa part ko na ako naglalamyerda tapos parents ko patong-patong utang. Now kung ang reason ng utang is because may mga kasama na pabigat sa bahay at ayaw magsipagtrabaho tapos sa magulang nakaasa or nagsusugal/nagbibisyo ibang usapan naman yun.

shinies

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #69 on: October 06, 2016, 05:50:57 pm »
Hindi tama na yung babae ganyanin nila kasi di naman yun may utang sa kanila. At kasalanan ba ng babae na marunong siya maghawak ng sarili niyang pera? Kung pinaghirapan naman niya yun, anong problema kung enjoy niya buhay niya?

Ano nga ba ang rason bakit nagkakautang yung mga magulang? Kung dahil sa sugal, kung gusto ng masyadong magarbong buhay, kung tumutulong sa pabigat gaya ng sabi ni sis, aba eh tama lang deadma sa utang nila yung babae at anak nila.

Bat kasi usong uso ang utang sa pinas?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #70 on: October 07, 2016, 05:18:34 am »
Bat kasi usong uso ang utang sa pinas?

Sa napapansin ko sis base sa pag-uugali ng mga officemates ko mahilig sila bumili ng hulugan or ipapangutang pambili ng cellphone para makasunod sa luho (kunwari maglo-loan sa SSS or makiki-swipe sa credit card ng kakilala). Di rin sila marunong tumanggi sa mga nag-aaya ng lakad or inom.  Another officemate nagloan ng huge amount para makapagtour abroad. Inuuna ang wants before ang needs and they don't live within their means kaya mga walang naitatabi for emergency.

Mabalik tayo sa issue ni sis, Bakit nga pala si manugang ang mino-mock ng mga tao? Di ba dapat yung hubby ang i-mock kasi siya yung anak?!


kvandenhaak

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #71 on: October 07, 2016, 06:13:10 am »
Ibang level naman yung bragging in social media tapos utang? Minsan lang ako makapagpadala sa parents ko pero wala naman akong utang so minsan kakahiya mag-post ng pinuntahan or binili ko. Baka sabihin eh nagpapasarap pero di man lang makapagpadala...LOL!

Bakit ang hilig mangutang ng mga Pinoy, 'no?

jowvxyz

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #72 on: October 07, 2016, 08:27:42 am »
^ Tapos kapag maniningil, minsan galit pa or ikaw pa yung masama. Hay. Or kapag hindi pinautang, may masasabi pa rin sayo.

Bothered ako sa mga taong nagpo-post ng money on their social media accounts. I really don't get the point. I know someone who does that and I unfollowed her on instagram (and unfriended her in real life lol) because sobrang inis talaga ako. Nagpo-post sya ng branded shoes, bags, and todo effort pa sa latag ng money nya na puro one thousand. Then there was a time, nangutang sya sakin ng pang-dagdag daw sa tuition ng daughter nya. Ang labo diba. But anyway, I still sent her money because inaanak ko yung daughter nya pero yun pala, pinangbili nya lang ng Balenciaga bag for herself. Ginamit pa yung anak. Cringe ::)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #73 on: October 07, 2016, 11:33:01 am »
^i unfollowed a friend and blocked her in messenger because of the same reason, siya naman cheke from bank of america with the amount and their latest car etc ang pino-post. Naghahatak kasi ng madadagit magmember sa networking kaya ganun pino-post.

I don't see anything wrong with hindi pagpapadala sa parents lalo na kung di naman nila kailangan. Yung iba nga ayaw pa tumanggap ng bigay from their anak. Pero siguro if may utang parents ko at may sobra naman ako hindi din naman masama tumulong but again depende sa dahilan kung bakit nagkautang. Kung dahil sa sugal at bisyo yan pagbigyan ko one-time at pagsabihan pero pag-umulit nunca kahit cinco.

Evolet027

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #74 on: October 08, 2016, 09:06:01 pm »
Ito na ang PINAKA makapal na pangungutang na na experience ko.

I have this kababata na 2nd cousin ko from province. Hindi na kame nagkita nito matagal na, di ko na din tanda kung kelan pa yung huli basta 10yrs old ako nung kala kalaro ko ito. 

Just this morning, I got a message request sa messenger ko. Nag PM itong si 2nd cousin. Nangamusta, kahit aandap andap pa mata ko, 6 am yun, nag check ako ng phone, so nakita ko nga pm nya, nagpapakilala. Na sya nga si kababata na nakatira sa kanto na kalaro ko nung bata. Sabi ko, kamusta din, oo tanda ko pa sya. Then drop the phone, bumalik ako sa pagtulog. After siguro 10 minutes tumatawag sya, thru FB call. So sinagot ko kahit antok antok pa.

Ang bungad nya, san ka nakatira? I said makati. Ilan taon ka na me asawa? Sabi ko 10 yrs na. San ka work? May work din ba asawa mo? So sinagot ko. ask nya if may anak ako, sabi ko wala pa. Then sabi, aba ang dami nyo sa siguro pera. Baka pede pautangin ko daw sya ng 10k kasi hindi pa nagpapadala asawa nya need ng mga anak nya ibabalik din nya ng wednesday. So ako naman, nagising diwa ko ng bongga!! ANG KAPAL MO!!! Yun na lang naisigaw ko sa phone ko pero sympre walang boses. Imagine naman! Ngayon lang sya nangamusta, thru PM pa, di man lang ako i add sa FB tapos utang agad agad?!! Di nga nya inaccept yung FB request ko eh! So something is wrong. Im not bobo na mamigay ng pera at 10k ng ganun ganun. To think na pagkaka alam ko nasa US mga tito at tita nya. So I think wala na mautangan at magpautang sa kanya kaya kinapalan mukha saken!

Grabe lang. I never thought na may ganyan tao. Grabeee!

Tawa kame ng tawa ng asawa ko kasi palage na lang mga kamag anak ko sa side ng papa ko mga mukhang utang. Kainis!!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #75 on: October 09, 2016, 04:12:05 am »
^panira ng tulog pero ang nakakatawa nagconduct muna ng background interview bago nagsabi ng pautang hahaha

lesters_gal

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #76 on: October 10, 2016, 02:52:00 am »
Yung sister ng ex ko one time nag message sha sa akin sa fb nangungutang. At gagamitin daw niya sa school niya. Ibabalik daw niya agad yung pera. I didn't reply kasi matagal ko na sha hindi nakaka usap tapos biglang nag message kasi my kailangan lang, at iniisip ko napaka impossible na hindi sha binibigyan ng sister niya who is working in US.  Then after a two months she message me again. Gusto daw niya mag request sa akin for her birthday kasi idol daw niya ako sa porma, make up and all. (Inuto pa ako)🙄 She's aking for a Mac Matte lipstick and yung sa pang kilay niya. I thought she wants me to send it to her sa pinas. Yun pala she wants me to send money to her 1500 daw for MAC lipstick and Pang Kilay niya at sha nalang ata ang bibili. Grabe naloka ako sa batang yun. Kapal ng mukha. I didn't reply to her for the second time. Seen zoned sha. Sana nung unang beses na nag message sha at hindi ako nagreply sa kanya, dun palang sana na realize niya na hindi na kami ganun ka close. At dapat hindi na sha uli nag attempt mag message. Yes i was close to her nung kami ng kuya niya two decades ago. And after nung nagbreak kami ng kuya niya i didn't hear anything from her, kahit na fb friends kami.  Speechless lang ako sa kakapalan ng face niya. I wonder kung sa lahat ng tao ganun sha.
« Last Edit: October 10, 2016, 02:56:59 am by lesters_gal »

guavaorchard

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #77 on: October 10, 2016, 05:44:59 am »
Dami talagang mga humblebrag sa social media haha. Most common sa newsfeed ko ay yung mga nagpopost ng travels, gadgets at food. Pero di naman ako naiinis sa mga ganung posts. Ang question ko lang sa mga ganyang tao ay: hindi ba kayo natatakot na baka maging target kayo ng mga kawatan at masasamang loob? Dami nang cases ng mga nabibiktima kasi mahilig magpost sa social media.

Naalala ko rin one time may pamangkin ako na nagpost ng pics ng pasalubong from our relatives abroad. Thank you raw for the pasalubong. Ayun pinagmulan pa ng away kasi may iba pala kaming relatives na hindi nabigyan. This year nung umuwi ulit relatives namin hindi na sya nagpost kung ano natanggap nya. Hehe.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #78 on: October 10, 2016, 09:21:40 am »
^^2 decades na kayong wala ng kuya niya tapos lakas pa mangharbat. Daig pa si Lolit Solis na harbat queen. Iblock mo na sa messenger yan para di na makapagpm sayo😂

^Sis ako i love travel and food posts naman. Nagkakaroon ako ng idea where I want to visit or eat kaya nadadagdagan bucket list ko. Tapos pupuntahan namin ng friends ko -and pinaplano namin ni bf na puntahan pagbakasyon niya ng Pinas. I also love posting my own travel pics naka-private naman profile ko at di naman siguro ako papasundan sa pupuntahan ko ng mga kakilala ko sa fb or ig ko para lang nakawan ako or what. Ang mahirap is kung buong family kayo na nagta-travel for days (or even overnight) and walang tao sa bahay. We never went for an overnight trip as a family, uuwi kami within the day and before 8pm nasa bahay na kami. Paisa-isa lang or max of three lang kung magpost ako ng pics habang nasa destination pa ko. Ang album iupload ko pagnakabalik na ko sa bahay at hindi ako naglalagay ng #blessed #thankful #thankyouLordfortheblessings. And also never ako nagpost ng gadgets yun ang nakakatakot kahit pa sabihin na naka-private ang profile, saka di naman na need ipost yun, its not worth sharing.

chiqmom

  • Guest
Re: Bragging on Social Media
« Reply #79 on: October 10, 2016, 09:48:45 am »
yes, subjective nga ang bragging on social media. may mga bragging posts na naiinspire ako actually hehe i dont know where you draw the line between bragging and just being plain happy and proud.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close