watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after makapagtapos? PART 2  (Read 28020 times)

vainjinir

  • Guest
^I agree with you sis, diba dapat nagkukusa naman talaga? For those who have rich parents maybe they do not need to pay back pero sa mga itinaguyod ng parents nila para makapagaral lang, why not return the favor of helping them too after you grad and find a stable job. Siguro depende din yan sa sitwasyon at set-up ng family niyo.

For those na 'investment' ang tingin ng family nila sakanila, it is sad when they ask for the 'return'. Iba kasi talaga yung idea ng utang na loob.

mysterioza_me

  • Guest
Sa napapansin ko kasi meron parents na kapag nakapagpatapos na ng anak e hihinto na sila sa work kasi mag-expect na sila na magpapaaral na ng kapatid yung naunang nakapagtapos. So si magulang at mga kapatid na ang nakasandal dun sa anak. Hanggang sa inabot na ng pagtanda ang breadwinner di na nakapag-asawa or iniwan na ng gf/bf kasi di na nakapaghintay sa dami ng responsibility sa nakababatang kapatid at magulang.

plumpolka

  • Guest
may mga nababasa ako sa peso sense/puso sense na fb page na nagsasabi ng problems about this. and nagugulat ako sa mga comments kasi parang nakatatak talaga sa kanila yung "utang na loob". sa totoo lang, wala kang "utang na loob" sa magulang mo. utang na loob mo sa kanila na binuhay ka nila? di mo naman ginusto mabuhay sa mundo e. we are all a consequence for our parents actions. mapa-ginusto man nila or aksidente. it's the parents responsibility na buhayin yung bata nabuo nila. hindi natin choice na mabuhay sa mundo. naaawa ako sa mga nagiging breadwinner dahil sa parents na naghihintay ng balik ng "utang na loob". we should be paying forward, not backwards. gusto ko yung sagot ni arci sa isang show na tinanong sya kung sya daw ba ang breadwinner since namatay yung father nya. ang sagot nya is "tulungan po kami" which is the right answer. parang ilang beses sa kanya itanong yun na parang gusto nila na isagot ni arci na sya ang breadwinner pero she stands with her answer.


of course, di mo naman matitiis na makitang naghihirap ang magulang mo. pero yung nakikita mo sila na puro pasarap lang sa buhay dahil nakapagtapos na sila ng isa, x more children to go tapos ikaw yung panganay, gosh, para ka ng nag-anak na din!


sa totoo lang, naiinis ako sa mga ganong magulang. madaming ganon dito sa pinas. and im hopeful na someday, mawawala na yung ganong mindset sa pinoy kasi pabaliktad. since d mo na enjoy fruits of labor mo, expect mo na din sa anak mo na papakainin ka din pag napagtapos mo na para ikaw naman ang makapahinga. it will be an endless cycle of asahan. syempre iba parin kung nagkasakit or may reason kung bakit di na kaya magtrabaho ng magulang. pero kadalasan kasi dito sa pinas, kung sino ang may trabaho, sya na ang aasahan ng lahat. pag di pa pinautang ang malayong kamag-anak, sasabihan ka pa ng kung ano-ano. at kung sino pa yung mga hindi nagttrabaho, sila yung akala mo madaming pera. hahaha! dami ko hugot. lucky enough im not that situation. never nanghingi sakin ang parents ko and up until now, nakaasa parin ako sa parents ko. gas at toll ko nga, c/o daddy pa. meron din silang savings dahil sabi ng mama ko, pag di na sila nagwork, ayaw nilang maging pabigat sila sa amin at maeenjoy naman nila yung buhay nila. and because of that, lalo namin silang tutulungan. wala na nag-aaral samin, lahat kami graduate na pero may isa pa kong kapatid na magttake pa ng specialization nya although di pa sya sure kung ano pero general practitioner na sya. tsaka mas masarap kasi yung feeling na ikaw yung kusang nagbibigay ng pera sa parents mo, kesa sa hingi sila ng hingi sayo. i hope this "pinoy" cycle ends soon. madami naman na din ako kilala na since sila ang breadwinner, ayaw nila na maranasan ng mga anak nila yung naranasan nilang hirap na walang maprovide yung magulang nila, sila pa bumubuhay.


ang bottomline lang is as long as kaya pa, parents should be responsible for their children. we should not stop working kahit tapos na sa studies ang mga anak because we have to work for ourselves naman. let's not pass the burden of being an adult sa mga anak natin na may sarili ding buhay na aatupagin.

Shadow Angel

  • Guest
Actually hindi naman obligasyon. Mas nakakaawa mga anak na nasa abroad or anak na may asawang foreigner ang dami kong kakilala or nababasa na over ang expectations ng mga parents or family sa sobrang kapal ng mukha lahat naka asa at over demanding. Hindian ng isang beses sila pa galit. Lalo na un mga kapatid na ang lakas makapag asawa at mag anak hindi naman pala kaya buhayin. Ginagawang bangko ang anak. Hindi man natin obligasyon pero kung may labis ka un magulang na kailangan ng tulong tulungan pero kung asa lang dahil tamad wag na lang. Wala ang respeto sa ganitong tao.

izabelle

  • Guest
Most parents kasi they prepare for their kids future without thinking of "their" own future. Hindi tayo bata at malakas habang buhay so we really need to save and invest para  sa  retirement.

When we prepare for our retirement, it is one of the best gifts we can give to our child, yung hindi maging pabigat sa kanila pagdating ng araw.


mysterioza_me

  • Guest
^^May kilala ako na ganyan. Nakapag-asawa anak nila na foreigner, wala naman work anak nila abroad-stay-at-home siya. Pero yung parents and mga damulag na mga kapatid nageexpect ng monthly padala. Ginawa ni girl para di aasa sa kanya nagpadala ng pamuhunan para makapagtayo ng tindahan pero nalugi si tindahan. After that puhunan naman para makapagstart ng piggery, nalugi din. May sumunod pa dun pero ganun pa din nangyayari. Alam naman ng nasa Pinas na nagpapa-alila sa mga hipag niya at byenan si girl para may maipadala sa kanila pero sila di nila sinisinop ang pera. Nagpadala pa si girl ng pang-downpayment para sa tricycle ng kapatid niya pero every now and then si kapatid nanghihingi pa ng pangmonthly payment. Yung pamilya ni girl ayaw tulungan mga sarili nila, umasa nalang talaga.

sweetpot

  • Guest
Naalala ko tuloy yung sabi ng mama ko sa kakilala nya na kinasal after graduation, she said and I quote "Ano ba yan, hindi man lang napakinabangan."


Hanggang ngayon shocked pa rin ako sa sinabi nyang yun, di ko talaga akalain na it will come from her mouth... lol

bluish_mommy

  • Guest
Most parents kasi they prepare for their kids future without thinking of "their" own future. Hindi tayo bata at malakas habang buhay so we really need to save and invest para  sa  retirement.

When we prepare for our retirement, it is one of the best gifts we can give to our child, yung hindi maging pabigat sa kanila pagdating ng araw.

ganyan ang mga old school parents, kaya dapat tayong new generation parents hindi na ganyan. dapat in parallel with preparing the future of our kids, dapat hinahanda na rin ang future natin sa pagtanda. bini-build-up na rin dapat natin ang retirement natin (bukod sa SSS, Pagibig dapat may separate pa, hindi enough yang mga gov't funds for the retirement)

karamihan kasi sa mga magulang dati, hindi iniintindi ang retirement kasi masakit man pakinggan, ang retirement nila eh yung mga anak nila, they treat their children as investments.

gil12

  • Guest
^ sana nga ganyan mindset ng new parents. ako I try to secure the future of my son and saming mag-asawa. ayoko maging pabigat sa anak ko and ayaw ko rin maging pabigat sa society ang anak ko. dapat ganun talaga mindset ng mga tao, wag lang puro asa. tama naman isang nag comment na choice naman ng parents mag anak, wag sila manumbat sa mga binigay sa mga anak kasi it's their choice. ako lahat ng gastos sa anak ko never ko isipin isumbat sa kanya when he gets older dahil lahat ng yun choice ko rin naman.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
I love my parents, lalo na Daddy ko, mabait sila and hinde abusado kumpara sa ibang parents ng mga OFW na kakilala ko, pero habang buhay halos sila umaasa either sa aming magkakapatid, or sa mga kamag-anak nila, dahil pareho na sila old and sickly. Pero nung kabataan nila, happy go lucky and carefree sila. I won't be a hypocrite and I'm going to say na sana they thought about their/our future noong kaya pa nila. Sana naging mas responsable sila. Now that I am earning and understand how everything works, I've realized na madaming paraan para kumita at magsecure ng future, kung gusto talaga. Kung meron man ako ipagpapasalamat sakanila is napagtapos nila ako ng pag-aaral, maski hilahod sa hirap noon. Ang swerte ng Husband ko sa in laws ko, bukod sa sila pa nga halos tumutulong sa husband ko noon binata pa sya, secured sila, madaming nainvest maski di naman sobrang yaman at planado lahat ng bagay hanggang retirement. Pero yeah, naiisip ko din, di din naman ako magsisikap ng husto kung hinde din ganon naging sitwasyon naming pamilya. And they served as my motivation para umasenso talaga, so I guess everything happens for a reason. Pero now that I know better, as much as possible, isesecure ko kaming magasawa ng mabuti, para di pasanin ng anak namin lahat ng responsibilidad and miss out on things dahil nagpabaya kami when we were young.
« Last Edit: October 08, 2017, 03:17:07 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

mysterioza_me

  • Guest
Ako din love ko parents ko and siblings ko. Siguro if may mistake man silang ginawa e yung nag-invest sila sa pag-aaral at pagpapatapos ng mga pamangkin nila. So nung kami na ang mangailangan lalo na yung mga siblings ko na kasalukuyan nag-aaral that time wala kaming madukot and nagresort sa pangungutang para mairaos school needs ng mga kapatid ko. Honestly ngayon naiisip ko nakakadala din tumulong lalo na kung wala kang nakatabi para sa sarili mong pangangailangan. Pag ikaw na ang nangailangan ikaw na ang nakanganga. Ngayon naka-abroad na mga siblings ko pero ang parents ko naghahanapbuhay pa din, di sila umaasa sa padala lang or bigay namin. Hindi kami uunlad pare-pareho kung di kami magtutulungan.

three8one

  • Guest
sa kultura ng Pilipino "dati" oo.. ewan ko na lang sa panahon ngayon. pero ako, nakita ko kung paano magtaguyod ng pamilya ang magulang ko. kaya ngayon iniobliga ko talaga sarili ko na tumulong sa mga kapatid ko na buhayin ang magulang ko. kahit pa yung magulang ng asawa ko.

mysterioza_me

  • Guest
^Ako nagpaaral ng mga kapatid, tulong kami ng parents ko then dun sa bunso namin magkakatulong na kami ng parents and siblings ko. Ngayon nakaluwag-luwag na kami and may mga nagsasabi sa parents ko na pwede na silang hindi maghanapbuhay since lahat kami may work na and lahat ng mga anak (except ako) nasa abroad pa. But my parents told them na hindi pwede kasi nakasanayan na din naman nila na naghahanapbuhay and malakas pa din naman sila. Parents ko nagma-manage ng small business namin kaya may sariling income din sila plus yung bigay pa namin magkakapatid and may pension din sila.

Ang napapansin ko kasi ang ibang parents after makapagpatapos ng anak hihinto na sila magwork at gagawing breadwinner ang anak na nakatapos. Or kung sino mas nakaaangat yun ang magiging sandalan ng pamilya. Imbes na magtulungan natuto na lang umasa. Pagdating ng araw ganun din ang gagawan ng anak sa mga anak niya. Kaya hindi din natatapos ang kahirapan dahil sa ganitong cycle. Ito ang kailangan natin na tapusin.

Pansin ko din dito sa community namin, ang mga babae kapag nagsipag-asawa na humihinto na sa work. Sa totoo lang napakahirap pagkasyahin ng budget kung isa lang ang nagwowork at locally employed pa.

MayVerona

  • Guest
depende sa situation kasi obligasyon naman talaga ng magulang na paaralin ka at makapag tapos ng pag aaral at bilang anak susuklian mo sila sa pag papakahirap nila bale give and take na lang pero sana wag lang dadating sa point na bibweltahan ka nila about na sila nag palaki sayo duhhhh dapat hindi na nila ako ginawa

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Hindi. Its our parents choice na magkaroon sila ng anak. Sana nga lang for the right reason. Di yung nag anak sila dahil gagawin tayong tagapag alaga nila pag tanda nila, tayo ang tatapos ng pangarap na gusto nila para sa mga sarili nila.( Mga frustration nila sa buhay tayo ang tutupad para sa kanila) dapat nag anak sila dahil gusto nila mag alaga talaga ng anak, dahil ang selfish ng thought na isinilang ka lang dito dahil binigyan ka ng buhay ng magulang mo, tapos utang mo pa buhay mo sa kanila. when in the first place, never mo naman hiniling na isilang ka. 

 Obligasyon nila na pakainin ka, pag aralin at damitan ka, since sila naman ang nagdala sa iyo sa  mundong ito. Pero, para mag bayad utang ka sa isang bagay ng di mo naman hiningi. Isumbat sa iyo na alagaan mo sila dahil nung maliit ka inalagaan ka nila ay napaka MALI! Dapat kusa mo yan gagawin dahil pakiramdam mo na sila ay naging mabuting magulang. Kusa, di dahil kailangan mo magbayad utang kahit di mo naman ramdam na naging mabuti silang magulang. 

Nanay ko ganyan. Nung nag asawa pinsan ko ang sinabi pa. ? naku! Mag aasawa na si ( name of cousin) paano na si ) sister in law ) wala ng mag aalaga sa kanya.

Hello!! Hello Ma!! Hindi pinanganak ang mga anak para maging tali sa pag aalaga sa inyo.  Kailangan niyo rin sila pakawalan when the right time comes.  May sariling buhay ang mga anak niyo. Ibigay niyo yun sa kanila. Wag niyo itali sila sa responsibilidad na habambuhay dapat kayo ang dapat kasama at alagaan! 

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Minsan yung parents natin syempre mahal tayo and concerned satin so never yan mangoobliga or magdedemand, ang mas pakialemera pa yung mga Tito/Tita (kapatid ng parents), takot din siguro sila ang mahingian ng tulong hehe. Just saying.

mysterioza_me

  • Guest
Nakakasama ng loob, alam ko nakikitira kami ng anak ko pero tama ba na obligahin ako magbigay ng 12k/month? Local employed lang ako. Kukuha kasi sila ng sasakyan dapat daw mag-ambag din ako tulad ng mga kapatid ko (naka-abroad mga kapatid ko). 9k na monthly na bigay sa kanila tapos oobligahin pa ako magdagdag. Di ko naman personal na gagamitin yun sasakyan. Naisip ko din kumuha ng sasakyan before pero nagbackout ako kasi di ako makakaipon. Di ko na talaga kaya, kakailanganin ko magbawas ng lagay monthly sa savings ko para makaya ko yung hinihingi nila, ayaw ko magbawas sa nakalaan para sa ipon ko. Kung may mapag-iiwanan lang ako sa anak ko sa gabi lalayas na talaga ako at mamumuhay kami ng kami lang.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Kung buhay Papa ko, papakawalan kami niyan ng Kapatid ko. Di kami itatali gaya ng ginagawa ng nanay namin sa amin ngayon. Feeling masyadong ENTITLED! My Dad?s the BEST! Kaya di niya ginawang JR kuya ko kasi para daw may sariling identity yung anak niya.  I think, di yan mag papa alaga sa iyo. Bibigyan ka ng choice na mag work or to stay with him to look after him. Unlike my Mom.. ? DAPAT HINDI KAYO MAG WORK NG SABAY, DAPAT MAY KASAMA AKO LAGI!? Mrs  ME, MYSELF AND I!  We both wish DAD?s still alive. Sana nga sila Kuya and Ate ang tumoka sa nanay namin eh! Since sila naman ang paborito.  The youngest and I CANNOT STAND OUR OWN MOTHER!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Like I said, mahal ko (and ng bunso kong kapatid) ang parents namin, madami sila flaws (name it, they did it!) nung mas bata pa sila, pero tapos na yun, andito na sa present na ako (financially - lahat sagot ko) and Bunsong kapatid (nagbabantay) ang nagaalaga sakanila, yung iba kong half siblings, halos walang participation, tho may 1 ako sister na matagal na panahon din nag support financially pero tagal nya din nag hiatus dahil na fed up na din siguro, and sadly medyo tinamaan din ng depression, baka dahil din sa parents ko or samin or sa lahat na combined, lately nalang uli sya nag re-surface (sagot nya yung sweldo ng Helper since June). Andito nalang talaga kami sa point na pag pinabayaan namin parents namin, literal na sila sa kalye pupulutin, they are old, sick, helpless and walang maski na anong savings at income.

There's this one incident na nagkagulo gulo kami, kinailangan maghiwa hiwalay muna kami and dun ko napatunayan na maski kamag-anak nor closest family friends walang willing kupkupin mga magulang namin neither from their sides, meron man 1 or 2 lang for a short period of time lang. I know di naman nila responsibilidad, pero ayun na nga, parang natauhan nalang talaga kami ng bunso na wow, tayo lang pala talaga aasahan ng parents natin maski kapatid nila or ibang anak ayaw na, I mean yeah dadalaw dalaw, magaabot gasino, pero yung long term, kami lang + Helper (kung may magtagal man). Parang wala kaming choice, di kami nakapalag, since kami youngest, wala kami choice kunde saamin magulang namin. Wow, just wow.

Worst part, makikita mo mga kapatid mo ang sasaya sa FB pag may okasyon, ni di makaalala dumalaw, or hiramin man lang isa sa magulang para makagaan naman or whatever. Once in a blue moon makaalala dumalaw, or magabot man lang pang gamot. Tapos pag may aberya ang gagaling magsipag salita, never naman sinubukan alagaan magulang namin. Kapag naospital yung magulang namin, pupunta kung kelan convenient sakanila, haha amazing!

Bukod sa magastos, matrabaho, mabusisi, depressing at nakakatorete magmanage ng lahat para sa matatanda na medyo may attitude pa. Yes I love my parents, pero nakakapanlumo minsan ang ugali nila, I know minsan dahil sa sakit at katandaan, pero most of their ill manners ganon na sila nung bata pa sila, na ngayon lang din namin actually narealize when we matured, so tendency either wala tumatagal na Helper, or nagkakagulo gulo sa bahay dahil sa katigasan ng ulo nila , sobrang pagka outspoken and mga kanya kanyang saltik. I know somehow wala na sa kaayusan mga pagiisip kaya kailangan ng patience, pero ang hirap darating sa point na nakakapagod. Ngayon ko napatunayan na justifiable pala magiwan ng parents sa professional home care, kasi nakakaubos ng buhay, para kang may bata na inaalagaan na lumalaban at kumokontra pa sayo. I mean how can you work, have a social life, have your own family, tapos may aalagaan ka pa mga pasaway na elders? You'll definitely need Help.

Kakaibang energy, patience at pagmamahal ang kailangan sa pagaalag ng matanda, hinde pa sila bed ridden, so let's see kung papano pa that time. Puro dasal nalang talaga din ginagawa ko minsan.
« Last Edit: December 31, 2017, 06:53:25 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

rics

  • Guest
Obligasyon ng anak ang tumulong sa magulang, pero hindi and buhayin sila.

This early, we are already saving up for retirement kasi we dont wan to burdern our kid in the future. Swerte ako sa parent ko since they have pension, and sila pa ang tumutulong sa iba pa naming kapatid till now.

My husband's side is a different story. Although both his parents meron naman source of income that is enough for their daily needs, the siblings including hubby sends money to the parents para naman they have extra money to spend for leisure. Now, my F-I-L has an expensive hobby and wanted my husband to support it financially, we both said NO to it. Kasi we thought, and kahit na naghirap din si F-I-L in the past working abroad to provide for their family, that hindi na makatarungan yung hinihinging pera for just a hobby which can be spent on something else. Yung pera is katumbas na ng isang buwan na food grocery namin. On MILs side naman, hindi nya ginagastos yung pera na pinapadala sa kanya ng mga anak nya and iniipon nya lang sa banko. She waits until one of her kids come to visit para ipasyal siya or go shopping.  Kahit na magkasakit na siya, parang ayaw nya bawasan yung perang pinapadala sa kanya and waits for one of her kids to spend extra money.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close