Like I said, mahal ko (and ng bunso kong kapatid) ang parents namin, madami sila flaws (name it, they did it!) nung mas bata pa sila, pero tapos na yun, andito na sa present na ako (financially - lahat sagot ko) and Bunsong kapatid (nagbabantay) ang nagaalaga sakanila, yung iba kong half siblings, halos walang participation, tho may 1 ako sister na matagal na panahon din nag support financially pero tagal nya din nag hiatus dahil na fed up na din siguro, and sadly medyo tinamaan din ng depression, baka dahil din sa parents ko or samin or sa lahat na combined, lately nalang uli sya nag re-surface (sagot nya yung sweldo ng Helper since June). Andito nalang talaga kami sa point na pag pinabayaan namin parents namin, literal na sila sa kalye pupulutin, they are old, sick, helpless and walang maski na anong savings at income.
There's this one incident na nagkagulo gulo kami, kinailangan maghiwa hiwalay muna kami and dun ko napatunayan na maski kamag-anak nor closest family friends walang willing kupkupin mga magulang namin neither from their sides, meron man 1 or 2 lang for a short period of time lang. I know di naman nila responsibilidad, pero ayun na nga, parang natauhan nalang talaga kami ng bunso na wow, tayo lang pala talaga aasahan ng parents natin maski kapatid nila or ibang anak ayaw na, I mean yeah dadalaw dalaw, magaabot gasino, pero yung long term, kami lang + Helper (kung may magtagal man). Parang wala kaming choice, di kami nakapalag, since kami youngest, wala kami choice kunde saamin magulang namin. Wow, just wow.
Worst part, makikita mo mga kapatid mo ang sasaya sa FB pag may okasyon, ni di makaalala dumalaw, or hiramin man lang isa sa magulang para makagaan naman or whatever. Once in a blue moon makaalala dumalaw, or magabot man lang pang gamot. Tapos pag may aberya ang gagaling magsipag salita, never naman sinubukan alagaan magulang namin. Kapag naospital yung magulang namin, pupunta kung kelan convenient sakanila, haha amazing!
Bukod sa magastos, matrabaho, mabusisi, depressing at nakakatorete magmanage ng lahat para sa matatanda na medyo may attitude pa. Yes I love my parents, pero nakakapanlumo minsan ang ugali nila, I know minsan dahil sa sakit at katandaan, pero most of their ill manners ganon na sila nung bata pa sila, na ngayon lang din namin actually narealize when we matured, so tendency either wala tumatagal na Helper, or nagkakagulo gulo sa bahay dahil sa katigasan ng ulo nila , sobrang pagka outspoken and mga kanya kanyang saltik. I know somehow wala na sa kaayusan mga pagiisip kaya kailangan ng patience, pero ang hirap darating sa point na nakakapagod. Ngayon ko napatunayan na justifiable pala magiwan ng parents sa professional home care, kasi nakakaubos ng buhay, para kang may bata na inaalagaan na lumalaban at kumokontra pa sayo. I mean how can you work, have a social life, have your own family, tapos may aalagaan ka pa mga pasaway na elders? You'll definitely need Help.
Kakaibang energy, patience at pagmamahal ang kailangan sa pagaalag ng matanda, hinde pa sila bed ridden, so let's see kung papano pa that time. Puro dasal nalang talaga din ginagawa ko minsan.