Just to share.
I got married December 2012.
I found an emcee through sulit.com.ph, actually aunt ko nagresearch, kinontact ko lang. After namin siya mabook, he eventually offered On the Day Coordination. Since ok naman siya kausap, I eventually deposited yung down payment ng OTD Coordination sa BDO account niya. Meaning, si emcee pa lang ang nameet namin ni hubby. So hindi ko kilala ang ibang member ng team niya. As early as first week of October, sabi ng mom ko, hingi daw ako sa kanila ng scanned copy ng mga valid ID nila. Why? My mom being paralyzed, hindi pwedeng siya ang p unong abala sa wedding ko. She can't run errands for me and hindi niya kilala kung sino yung mga coordinator. She wanted valid ID's in advance because ayaw niyang may pumapasok sa mga hotel rooms namin ng hindi niya alam kung coordinator ba, or salisi gang lang, etc. Nagfollow up ako kay emcee na pakisend naman yung valid IDs nila. That was the last week of November. Wala pa rin. Siyempre dumating ang December, so super busy na ang wedding industry. December 29 ang wedding ko. December 26, panay pa rin ang follow up ko na email man lang nila scanned copy ng valid ID. Wala. Busy daw.
Come December 27, I had to sack them. Sabi ko wag na lang. Maliit lang naman yung naidown ko sa kanila. Mas nakakastress kasi manlimos ng valid ID. Ako naman ang client, so I have the right to ask for valid IDs.
Super stressed ako noon, bridezilla na. Kasi sabi ko hahanap na lang ako ng emcee tapos bahala na mga cousin ko na mag-OTD coordinator. Buti na lang lifesaver ang isang college friend ko. Tamang tama nakausap ko sa ym, tapos nasabi ko na at the last minute, wala akong OTD coordinator. Sinalo nila lahat, pati pag-eemcee. Magkakapatid silang [textspeak!]-Chi na sinalo ako out of the friendship, and not because of the profit. And super asikaso nila talaga. Yung una kong hinire, ang siste eh magpapakita na lang on the day. Yung friend ko, naku, once we agreed sa deal na sila na ang sasalo sa OTD coordination, ayun, super send sa akin ng mga excel sheets na need ko ifill up. Numbers ng lahat suppliers, numbers ng lahat ng member ng entourage, guest list, table arrangements, lahat hiningi na nila ng advance.
Sabi nga ng family ko, tragic to magic ang ginawang fix ng mga friends ko.
Hindi sa hindi nagreply si unang supplier but they weren't giving my wedding 100%. Nagrereply siya sa text kaso lang, he didn't accomodate my request. Ang dami ko pa namang nababasang good feedback sa kanya dito sa GT kasi magaling siyang maghost. Clue: Nagwowork siya sa call center, sideline niya ang events hosting.