Author Topic: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”  (Read 5492 times)

mama7

  • Guest
Hi! Gusto ko lang hingi ng advice, sobrang naiinis ako ngayon dahil sa asawa ko. 2 days na kami hindi okay kasi meron kaming pinagtaluhan na bagay pero ayoko na pahabain masyado ang kwento. Meron time na di ko naipag plantsa ng damit hubby ko, siguro dahil minsan pagod rin. Bilang SAHM ,may 1 ka anak na binabantayan sa School nakakapagod rin naman lalo pa at wala kaming maid. May time na di ako nakapagplantsa ng polo ni hubby Kahapon hindi pumasok yung part time maid kasi may lakad so ngayon si hubby ang nag plantsa ng uniform niya.

Hindi ko naman alam na ayaw niya ng ganyan siya namamlantsa, aba nag fb message na wala daw siya mapagpilian, ipagplantsa ko daw siya at “naka t*nga” lang naman daw ako. Ang sakit lang na ganon. Na parang dahil nasa bahay ako at trabahong bahay ang gagawin ko lagi ay ganon siya magsalita. Kung siya nga, tamad rin pag nasa bahay. Akala mo naman di nakakapagod yung gawain sa bahay. Hindi ko nga magawa yung gusto ko kasi nakatali na ako sa pag aasikaso sa kanila lalo na nag aaral na anak namin, samantala siya may VL,sick leave,pag tinamad pumasok pwede.

Kaya nagulat ako na ganon sinabi niya, kahit naman siguro kayo,lalo na sa mga nagtatrabaho hindi niyo naman siguri i-asa lahat palagi sa iba diba? Siguro naman yun minsan mag plantsa ka ng pamasok mo hindi masama yon. Grabe, kahit na ang kinakaasar niya sa akin yung pagiging mapang asar ako,hanggang ganon lang naman ako,kung minsan napapagsabihan siya kasi kasalana niya. Kahit na nasa bahay ako,trabaho naman rin ang gawaing bhay. Hinsi naman tama na sabihan niya ako ng ganon.

Naiinis ako kung pwede lang iwanan siya gagawn ko.  Di lang kasi kami okay ng family ko kaya wala mapuntahan. Yun pagiging mang aasar ko akala ko ang salbahe ko na, pero parang mas worst pa pala siya, sa dami ng verbal abuse na sinabi niya na “ bob*” minsan pa sasabhin pag nagka pera siy malaki bibigyan ako maghiwalay na kami, mga kung ano anong salita.

Kaya sabi ko sa reply ko na ang aga aga ganon siya, akala mo nag utos sa alipin sobrang hirap talaga akala mo kung sino magsalita sa akin..

Ano po ba masasabi niyo?

yannuh

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #1 on: November 16, 2015, 09:54:36 am »
sis ok lang yan:D may mga ok at di tayo ok na moment talaga with our partners. ganito na lang sis, pag-usapan nyo ng maayos, magsorry ka sis kasi namiss mo syang plantsahan kasi sobrang pagod mo na. yung mahinahon sis. pero sabihin mong offensive din yung tinawag nya sayo hindi porket galit sya ganun na agad. tapos yung iba mo pang hinanaing. pero hindi yung pasigaw. ikaw na mag-initiate ng usapan para matapos na sis.

ako sis di ako ganun kagaling magplantsa. di ako proud kasi husband ko nagpaplantsa ng mga damit nya pampasok. pero sis inaaral ko yun. or nakatoka kami. ako magluto at maglinis ng bahay. tapos sya plantsa ng damit nya. wala kasi kaming maid.

lahat naman nadadala sa maayos na usapan. wag agad hiwalayan siya ang nasa isip. kasi diba sis nagpromise tayo ke God na sya na forever? hanggang kaya pa ayusin, pag-usapan nyo sis, magiging ok din kayo:)

momentum

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #2 on: November 16, 2015, 10:09:57 am »
hindi ako magaling mag advice pero mejo naapektuhan ako sa story mo
i think verbal abuser hubby mo sis..sabihan ka ng bobo at kapag magka pera sya makikipaghiwalay na siya sayo?

I think sis wake up call na ito sayo.
If I were in your shoes, since sabi mo nga mahilig ka mang asar, baguhin mo na ito sis, kasi kahit sabihan mo siyang tumigil na kakasabi ng masasakit sayo eh ikaw rin naman you do the same..so better start the change by starting with yourself first. pigilan mo sarili mo to utter painful words..so that makita niya that you are changing narin and hopefully magbago narin siya

next, hahanap na ako ng work. for me kasi, maganda naman maging sahm pero hindi narin praktical masyado ngayong panahon unless well off talaga si husband, stable career talaga at HINDI ABUSIVE in all aspects. dahil kahit na maganda naman career niya pero kung abusive sayo eh its no use, your just living in hell. Start looking for a job na sis kung ayaw mo na maging sahm..kung feeling mo you will excel more as a person and that mas secure ka. Para kung sakali may mangyari sa relationship niyo, hindi ka sa kangkungan pupulutin..at kakayanin mong buhayin anak ninyo. Lalo na sis that he said those things sayo, I think you should start moving and secure future ninyo ng anak mo. Sorry kung mejo paranoid ako pero para sakin kasi mas kampante magiging future namin mag-ina na may work rin akong sarili at hindi umaasa sa asawa lang. you can still be a good wife and mom kahit nagwowork ka..so huwag mo isipin na hindi mo sila maalagaan ng maayos kapag nagwork ka.

or better yet mag online work ka sis if ayaw mo ng corporate world..then hire nalang a weekly taga laba at plasta para bawas na yun sa chores na gagawin mo..or bi-weekly hire someone na maggegeneral cleaning ng house ninyo..may added income ka na nga, meron pang tumutulong sayo sa chores..

sa current problem ninyo..alam ko masakit, pero just try to talk to him in a calm way nalang, say sorry for not making plansta yung damit niya..at try to make him realize how hard is it to be sahm at hindi ka lang nakatanga duon. may nakita ako sa fb before about this...yung ininterview yung lalake ano ginagawa ng asawa niya at home, ishare mo link sa kanya if hindi pa niya nababasa to https://m.facebook.com/pinoyrapradio/photos/a.437704916289787.107216.437018853025060/671004786293131/?type=1


yannuh

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #3 on: November 16, 2015, 10:14:50 am »
^^shux naoverlook ko yang part na yan. paulit-ulit na ba nyang ginagawa yang physical abuse na yan sayo sis? if ganun, something's wrong na nga with the relationship. better seek professional help. hmmm

j.adore

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #4 on: November 16, 2015, 11:01:44 am »
Ano ibig sabihin na mapangasar ka? Why do you do it to him?

While these are hurtful words, something else must be going on for a husband to say that to his wife.
Are you sure eto lang yung inis niya sayo?

Sorry I'm trying to understand why he treats you like that and there's a missing part of the story to assess.

mama7

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #5 on: November 16, 2015, 11:29:07 am »
^ayaw niya kasi yung nagtatanong ako ng saan niya ilalagay yung mga binibili niyang koleksyon. wala naman kasing lalagyan kaya ako nagtatanong. alam ko naman may kanya kanyang trip tayo tulad ko may mga personal akong gamit naman pero yun sa akin nasa isang maliit na cabinet unlike sa kanya isang buong kwarto kung saan saan. dun siya napikon, hindi naman ako nag sorry kasi sabi ko sa kanya totoo naman na nagtatanong lang ako.

tama nga wake up call na 'to sa akin, bakit ba kasi pumayag ako sa set up na siya lang may trabaho. hindi ko naman alam na ang hirap talaga at aapi-apihin niya ako pag napipikon siya. sabagay may pinagmanahan siya ng ugali na pagiging matapobre hindi na ako dapat magtaka bakit ganyan siya kagaya ng nanay niyang matapobre.

kung minsan mang asar ako hindi naman masama na pang aasar, kaya ko siya tinatanong kung saan ilalagay yun binili niyang libro na toy related kasi hardbound at baka maikalat kalat lang niya. paalis nga kami nung nagtatanong ako, tapos hindi siya sumasagot, so alam ko parang nagagalit.. kaya sabi ko wag na lang kaming umalis kasi ang hirap nung ganyan kinakausap mo hindi ka sasagutin nagtatanong ka lang naman.

crzysxycl

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #6 on: November 16, 2015, 12:05:04 pm »
sorry sis TS pero yung mga lalaking masakit magsalita gaya ng asawa mo ang sarap sampalin sa bibig (highblood mode lang ;D). nung nabasa ko yung "bob*" at naka "tang*" tumaas kilay ko sis. hubby ko masakit din minsan magsalita lalo pag galit. ang ginagawa ko, kung ano sasabihin nya, mag iisip ako ng pwede sabihin na ikakainsulto nya. i know masama ito pero nakakapuno rin minsan kaya lumalaban ako, hindi pwedeng hindi dahil lalo ka kakaya kayanin pag ganun eh. i don't always mean what i say naman pag galit ako, gusto ko lang makabawi. pinapatigil din nya akong mag work, parang gusto umasa lang ako sa kanya. pero para ano? para pag tinopak sya, kakaya kayanin nya ako at pwede na ako kontrolin? minsan ko na ginawa yun dahil gusto nya, pero hinding hindi na ako uulit kasi iba pa rin yung may sarili kang pera.

you mentioned na mapang asar ka, baka naman hurtful din sinasabi mo kaya ganun maka react asawa mo. over naman kasi yung words nya, baka may pinaghuhugutan sya sis. have you tried na kausapin sya na parehong malamig ang ulo nyo? kung maaayos pa naman sis mas mabuting ayusin na. sabi mo nga may baby kayo, iba pa rin pag buo ang pamilya. :)

gaya ng sabi ng ibang sisses dito, mas maganda talaga mag work ka sis. pakita mo sa hubby mo kung anong mga kaya mong gawin para di ka nya mata-matahin.

mama7

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #7 on: November 16, 2015, 12:33:25 pm »
tinanong ko lang naman sis kung saan niya ilalagay yung binili niya. tuwing may binili kasi siya lalo na pag madami, di ko maiwasan hindi magtanong dahil alam naman naming pareho na walang space para sa madaming gamit. wala naman siyang tigil sa pagbili, yun steel rack na ni-request ko para patungan ng mga kahon hanggang ngayon hindi man lang pansinin para maipagawa na,wala daw pera pero sa koleksyon niya may budget, 2 gives naman ang bayad doon sa rack na ipapagawa namin para umayos na yung mga gamit dito. ayun di siya sumagot nung nagtatanong ako, so alam ko napikon kaya sabi ko wag na lang mag grocery ako na lang ngayong lunes ang mag grocery kasama ng anak ko. nagagalit na bakit daw ba sinisita ko pa siya pag masaya siya hindi ako masaya.

sabi ko naman kaya ako hindi masaya kasi wala naman siyang tigil sa pagbili, wala na nga mapaglagyan ng gamit dito. sinabi ko rin yung matagal ko ng gusto sabhin sa kanya na lagi na lang siyang naka FB, porki madaming Likers sa posts niya wala rin siyang tigil. pag nasa bahay puro FB, sa c.r naka FB pa rin,katabi mo nga pero hawak phone pa rin,nanood tv nag fb pa rin. nakikita ko naman kung anong ginagawa niya doon pero sana matuto siya hatiin yung oras. yun na nga lang daw ang makakapagpasaya sa kanya, so parang mas masakit kasi wala naman kaming malalim na issue bakit pag nasita sa mga luho ang daming sinasabi na masasakit?ayaw lang talaga niya ng pinipigilan. hindi naman ako magiging ganito kung makikinig rin siya,saka kung mas pinagtuunan niya muna kami ng oras kaysa sa Fb na yan mas masaya sana. kinakaya kaya ako dahil nandito ako sa bahay, ang hirap talaga. laking pagsisisi ko talaga.

mama7

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #8 on: November 16, 2015, 12:40:02 pm »
hindi ko nga man lang siya makitaan na mag plano mag outing man lang kami. yung siya ang magkusa mag ipon para kahit malayo pa,may pera na pang outing. lahat sa akin inaasa. masaya naman na ako taga budget lahat pero syempre mas masarap yung siya lalaki, siya rin gagawa minsan ng mga ganon diba? sinabi ko na rin yan sa kanya yan. wala raw pera,pag niyaya raw ako ayaw ko naman. paanong hindi ka aayaw alam mo naman na nanloloko lang. pag sinabi ko na sana outing tayo noh? sasabhin "sige gusto mo ngayon na bihis ka"alam naman na walang pera ng araw na yon para bigla kang aalis agad hindi mo nga alam saan ka pupunta. kung may bayad nga ang pag facebook isa na yan sa milyonaryo hahaha!!

snowberry

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #9 on: November 16, 2015, 09:13:01 pm »
Gosh, you don't even say those words na tang@ at bob_ kahit sa kasambahay . These are indeed warning signs. I know maraming SAHM , some of them enjoy being so.

Pero ako kasi ang mantra ko is women should be financially independent to be empowered. Mabuti na lang ngayon pwedeng may on line job. Huwag kang mag pa abuso porke bat siya nag hahanap buhay. Maybe you both agreed to this set up, pero bakit nya iisipin na nakatang_ ka lang sa bahay. Sino magluluto , maglalaba, maglilinis ng bahay, mag alaga, maghatid sa anak at magplantsa kung wala ka. Nakatunganga ka lang ba nun? Those are really difficult jobs maghapon.

Look for a job quick and tell him that you will just get a maid . Ipamukha mo sa asawa mo na hindi lang siya ang matalino at kayang kumita ng pera . Hirap kasi sa ibang lalaki, maid yata ang gusto nung nagkaasawa eh. 

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #10 on: November 16, 2015, 10:33:15 pm »
Big nono sakin yan sis, ang sabihan ng t@ng@ or b-bo at murahin ng asawa. For me sign of disrespect yun sa pagkatao ko at sa relationship namin. Verbal abuse kaya yun ganon. Kung sakin yan lalo kong hindi gagawin ang mga gusto nyang gawin hehe and i wont talk to him for  as long as i can. Civil lang. Hindi porket sya ang may trabaho eh tratratuhin ka na nyang alipin. If kawalan ng trabaho isa sa problem mo sis, i suggest look for part time or full time online jobs, para kahit nasa bahay ka lang eh kumikita ka. Or online business, benta ka online ng food or clothes etc.. Para atleast kahit pakonti konti eh nakakapagsimula ka na. Para if ever may balak kang iwan sya eh may ipon ka na

Shadow Angel

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #11 on: November 16, 2015, 10:47:18 pm »
Na hihigh blood din ako sa mga lalaki ganyan magsalita sa asawa/gf para sa akin sign of no respect ang ganyan. Kapag sinanay mo na ganyan ang sinasabi sayo lala pa yan pagtagal mga worst na words nakakawala ng respeto. Bakit kailangan mag asaran hindi ba pwede pag usapan ng maayos?

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #12 on: November 16, 2015, 11:32:38 pm »
Being a SAHM doesn't create an abusive husband,  rather, some abusive husbands create SAHM's. Because these men wanted to lord over you, control you, manipulate you. And what easier way to do it is to financially incapacitate you.

So if in your heart of hearts, eh you don't want to be a SAHM, and your husband is trying all his means -- sweet means, coercive means -- for you to be a SAHM, well, do not. A good husband will support you where you will be truly happy, provided that you will not neglect the marriage. Kahit pang dream nyang SAHM ka, eh he will hear you out, and will not stomp your voice down.

I noticed na nagiging image na yata ng SAHM's ay mga kaawa-awang babaeng nagiging alila. It just so happened na nakapag-asawa ang group of SAHM's na mga ito ng mga feeling-entitled, disrespectful, abusive men. Ako po ay SAHM, and my husband even sends me to graduate school. Well, it's not necessary, but there are still husbands who treat their SAHM's as queens. I'm just not sure of their population.

And as for you TS, medyo dumami ang sahog ng posts mo. If you want, you can just focus on sharing your experience regarding your problem of your husband's verbal abuse on you. Sayo nanggaling ang mga salitang yan. Perhaps you can expound on that. Yun kasi ang nakikita ng karamihan dito na major issue sa mga nabanggit mo. And then do you want to do something about it? Or gusto mo lang maglabas ng sama ng loob at tiis tiis lang hanggang dumating yung point na di mo na kaya yung ginagawa nya?

Missus O

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #13 on: November 17, 2015, 07:27:24 am »
@TS - Hi sis. I'm a stay-at-home-wife. hehe.. By choice.. and by chance. I just moved to my hubby's place kasi, just resigned last June as well, and as of the moment, my papers are still being processed so that I can apply for my license to practice. Now domesticated ako hehe tagalaba (sa WM), tagaplancha, taga luto.Enjoy ko naman ang pag asikaso sa hubby ko, pero kahit housewife ako, hindi sa akin pwedi ang ganyan. My husband respects me enough to know that. I don't call him names, and he respects me enough not to call me names as well, kahit na pag nagkakaroon kami ng disagreement or mga petty squabbles. Minsan pag napapagod ako, bibiruin ko sya na pagod na si Inday, kaya sya naman magluluto or maghuhugas ng pinggan hehe. Minsan lang naman 😊

Sis TS, it's best to talk to your husband in a calm manner. Tell him na kaya ka pumayag mag SAHM, eh para may mag alaga sa anak nyo and mag asikaso sa kanya. But that doesn't mean na he has the right to call you names just because he got pissed.  And hindi ka katulong. Nobody deserves to be treated and called tang* just because sya ay napilitang magplancha. May kamay naman sya, at sya naman ang magsusuot ng damit na yun. Baka nakalimutan nya kung anung ibig sabihin ng kasal. Even if only one of you is working, it does not entail that that husband's worth is way more than the wife. You are still considered equals. Kung anung kulang pupunuin ng isa. Partnership ang marriage, hindi dictatorship. If it still continues, go start looking for a job, as advised by others. Baka meron ka naman makita na pwedi during school hours ng anak nyo. Hindi din magandang joke ang pagsasabi na pagnagka pera kayo ng malaki eh binigyan ka nya at maghihiwalay na kayo. If it was a joke, it's done in poor taste. Very poor taste. Ibig sabihin, sumasagi sa isip nya na maghihiwalay kayo.  Hope you sort this out soon sis. God bless

heavenangels

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #14 on: November 17, 2015, 08:45:03 am »
Hi sis TS! I am a SAHM too. We've both decided na di muna ako magwork first to concentrate sa pagbubuntis ang now sa pagaalaga kay baby but that doesn't give him the right to look down on me.

Sa marriage team kayo, kung ano yun di magawa ng isa dapat handa kang saluhin ng partner mo and vice versa. He works, you take care of the household pero if may time na minsan may di magawa ang wife na pwede naman gawin ng husband di naman siguro masama icover nya muna yun. Besides, di naman kabawasan sa life nya on earth kung magplantsa ng DAMIT nya ONCE IN A WHILE. Me and my hubby like to do things sa house. Like naguunahan pa kami sa paghuhugas ng plato. Minsan pinapabayaan ko sya to cook&wash the dishes given na di sya pagod. Give and take lang. Open yourself more to him. Kung sabi mo mapangasar ka, maybe you should also assess yourself kung nasasaktan mo sya unintentionally sa mga hirit mo. And better talk to him, tyempohan mo good mood sya. And let it out, yun feelings mo.

It's so degrading if someone call you names, esp if that t****&b*** thing.. So better na pagusapan and iresolve nyo na kesa mas lalong lumala pag hinayaan nyo lang mamatay ang issue itself.

And if having a job will make you feel good and secured open mo sa kanya yung idea. Tell him that you want to help the family and maghire na lang kayo ng kasambahay. And magipon ka, magtabi ka for you and your kid sa secret account mo. Para if all else fails ready ka. Goodluck sis! And magpaganda ka dagdag points yun to feel good even if nasa bahay ka lang always be at your best.

aquacharly

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #15 on: November 18, 2015, 08:21:49 am »
People can change. Sure. But you are stuck now with a verbal abuser, and -- somebody who looks down on what you do. 
So, pano ngayon?  1st, control your pagiging alaskadora -- or verbal abuser too, IF you are 1 too.  Be truthful to yourself. 
Change always starts with 1 Small Step -- yourself.  Try.

Tapos, habang bata ka pa -- push yourself to create your own funds.  Na realize no na by now --  como  your husband is what he is -- Money talks.  Hwag  mo na i-compare sa husbands ng ibang SAHMs.  He is what he is.  He will treat you like a maid, and not even give you enough respect; and he will decide by himself what the priorities are (overspending on unnecessary stuff; ignoring the need for a rack, etc).

You say you do not deserve to be treated like a maid -- eh gumawa ka nang paraan para maalis ka sa career definition na "maid"  na yan.  Before you can change your husband, you must change yourself.   

Chantal89

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #16 on: November 20, 2015, 06:58:49 pm »
It is obviously not acceptable to be disrespected in that way. Kaya lang, some guys really have more respect sa career oriented wife.  Hirap naman talaga ng household chores pero other men see it as a mababang kind of work and hindi na talaga mababago yun.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #17 on: November 21, 2015, 03:35:45 pm »
Quote from: chantal
Hirap naman talaga ng household chores pero other men see it as a mababang kind of work

Hmmm... Ito ba galing talaga sa `other men` or galing sayo? :) On the other end of spectrum,are some breadwinner wives who are also being abused and disrespected by their husbands. How can we explain that?

The comment sounds condescending to me,especially several SAHMs are professionals in their own fields. Pero ang totoong magalang na tao igagalang ka kahit anong uri pa ng trabaho mo, mapa janitor ka pa or street cleaner. Actually,that`s one of the things I observed in men when I was still single - how they treat people whom they don`t need to be nice with. After all, my husband won`t need to be nice to me all the time. He will treat me with his default character and personality.
« Last Edit: November 21, 2015, 04:04:15 pm by glamorosa_09 »

Chantal89

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #18 on: November 22, 2015, 10:10:58 pm »
glamorosa_09, I don't even know how to react to your comment without starting some kind of debate here.  For the sake of argument, and I feel that a woman who is more independent gets to have a say in how things are done at home, mali ba yun?  I'm sure you've heard it before and maybe even got worried at some point when you decided to stay at home.

If the mom who stays at home has an online job, online business or works remotely, she would be a WAHM right?  If the woman is the breadwinner, and still has an abusive husband, then our suggestions here would probably be different don't you think?  Why stay in an abusive relationship if you have the means to move forward? 

Depende din yan sa budget ng household.  Your husband has the means to get you to graduate school.  The TS doesn't have a helper, so she has to do everything at home. The husband expected his clothes ironed, wifey reasons that she is too tired to do it, hubby got irate.  Hindi lang complete yung story pero if I were the breadwinner, I would not want to go home and have to cook my meal and iron my own clothes.  I want to go home and just rest except if both of us are working and we don't have a maid.  Sige gagalaw ako.  Ano nga ba puwede niyang gawin?  Kausapin ang husband niya.  If that doesn't work out, ano ngayon ang gagawin niya?  Dedemand ng respect from the abusive husband?  And if he won't change, and wala naman siyang means to support herself and child, ano gagawin niya?

glamorosa_09

  • Guest
Re: Hubby’s fb message to SAHM , “Naka t**** ka lang naman jan”
« Reply #19 on: November 24, 2015, 04:30:29 pm »
Quote from: chantal
For the sake of argument, and I feel that a woman who is more independent gets to have a say in how things are done at home, mali ba yun?

Quote from: chantal
It is obviously not acceptable to be disrespected in that way. Kaya lang, some guys really have more respect sa career oriented wife.  Hirap naman talaga ng household chores pero other men see it as a mababang kind of work and hindi na talaga mababago yun.

Ah... “I feel” ba... Ang sabi mo kasi sa previous comment mo, “other guys” have more respect sa career-oriented woman and “other men” see house chores as mababaw na kind of work. What I asked about was kung san nanggaling yung mababang kind of work comment,kung sa “other guys” nga ba or sayo. Sinabi mo naman na “I feel” so I guess I got my answer? Which is wala namang masama.

I asked because I`m studying abuse on the side, and I got curious sa thinking ng “other men.” And it turned out that it was your belief/opinion, and again, nothing is wrong with that. And then, na-ouch lang ako sa mababang kind of work thingy, then I expressed it.

Quote from: chantal
If the woman is the breadwinner, and still has an abusive husband, then our suggestions here would probably be different don't you think?  Why stay in an abusive relationship if you have the means to move forward?

To follow my line of argument, a man is abusive regardless of a woman`s work because that`s their nature and nurture. And some have low regard for women in general, kahit anong position mo pa. You are just among his possessions. In the context of abusiveness, that was my response to what you have proposed that some men disrespect a woman because they do mababang kind of work, and that they have more respect sa career oriented woman.

You expressed what you feel, I also expressed what I know or what I have gleaned from research and counseling. So let's just agree to disagree :)

Quote from: chantal
I'm sure you've heard it before and maybe even got worried at some point when you decided to stay at home.

Following our discussion, you mean worried about if my husband will disrespect me or treat me as slave? Ah thankfully, nope. If you're talking about finances, I think that's not what we're talking about here? Kasi kung kailangan mo talagang tulungan ang husband mo para itaguyod ang pamilya nyo, eh anong ginagawa mo?

But worry I did, yes. Got worried about my social and intellectual life, two of my needs which are challenging to meet as a SAHM. But I've found ways to meet those needs, kahit nung wala pang graduate school. May mga organizations ako. And being a SAHM is a parenting decision for me, for us. Once my youngest kiddo reached 6 or 7, haharurot na ko. Ngayon pausad-usad lang.


And about the thread, I guess SAHM is not for everyone. Kung may pagsisisi ka man (whoever you are) na pinili mo to, or may pumilit sayo. You probably need to listen to your feelings. It`s your call what you`re gonna do about your situation. The obvious thing to do is get a job. But it will also depend on the other resources that you have. Like who will take care of your kids? are you strong enough to go against the will of any person who influenced you to be a SAHM? Are you still hoping that your husband will change? And other things that you need to consider.

What you need to break sa isang abused woman is yung mentality nila and mga beliefs nila. Especially bumaba na ang mga self-esteem nila. Wala na silang tiwala sa sarili nila sa mga desisyong gagawin nila sa buhay. Sahiban ka ba namang t**** at bobo palagi at kung anuano pang demeaning na salita. But break this belief, sya mismo ang kusang magpaplano sa buhay nya. Hindi na kailangan sabihang to get a job.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close