Author Topic: Mrs. Kontra  (Read 6934 times)

donya_dyosa

  • Guest
Mrs. Kontra
« on: November 15, 2015, 02:45:08 am »
Di ko lang sure kung PMS to kaya ako nagalit, o hard lang ba talaga ako?

Nagwowork husband ko sa cruiseship, 1 st time niya. 2nd month na niya now. 7am to 6pm schedule, no days off, 2hr lunch and (2) 30 min coffee breaks. Assistant siya ng mga chief engineers. So not the pagoda ang katawan everyday job.

Itong idea ng pagaabroad niya, galing sa family niya kasi need nila ng financial assistance, ako naman nagulat nalang at napaokay nalang, pero ayaw ko talaga, kaso ala nga namang pigilan ko. Since Wala pa naman kaming ipon, why not nalang. Plan ni husband makaipon ng 400k.

Sa sweldo niya 50% sa kanyasa barko niya nakukuha in dollars, [20% deposited sa family niya, orginally 30% dapat ako kaso ewan ko biglang naging 20%, tapos 10% sa peso account ng husband ko in peso.
Before he left, bumili kami maleta, cellphone na gagamitin niya don, at etc.. Using may credit card at installment pa.. Yung bestfriend niya binigyan pa siya ng jordans.

Come 1st sweldo, ang liit ng nakuha ko, sabi niya kasi daw di padaw buo yung 1 month cut off. (Ok fine) nung nakababa sila sa melbourne, nagpizza party sila at nagulat nalang ako. May dr.martens na boots na nabili, tapos may oakley shades pa.. Napalunok nalang ako. Sabi niya, mura daw kasi don.. mahal daw dito .. Eh nabili na, so wala nako magagawa. Pero sabi ko... Wants lang yan. Sabi niya, reward ko sa sarili ko yan. Wala na nga ako day off. So shut up nalang ako.

Before the second sweldo, nagpaparinig na siya ng mga wants niya...

1. Gusto daw niya ng speakers kasi daw yung speakers daw sa bahay.. Sira na.. (Sabi ko, edi ipagawa yung sira.ilang buwan mo lang naman magagamit yan dito kung bibilin mo yan kasi sasakay kanaman ulit)
2. Bibili daw suya bluetooth headset kasi daw ayaw daw niya ng earphones dami daw cords (kaartehan lang yan)
3. Need daw niya external hard drive, kokopya daw siya movies sa kakilala niya kasi bababa na daw (ha? Ikaw bahala)
4. Bibili daw siya ps4 kasi nabobored na daw siya... Tapos ibibigay daw niya sa son ko paguwi (ginamit pa ang anak ko)
5. Branded na damit kasi daw mura daw don, mahal daw dito ( sabi ko, why do you need branded na damit eh dito nga masaya na tayo sa tig 250 na tshirt)
6. Pabango daw kasi daw 20% off daw don. Mahal daw dito. Sabi ko, ok naman tayo sa prescripto.. Needs ba yan???
7. Bibili daw niya ako oakleys.
8. Go pro daw 15k lang don. Sabi ko, ngayon palang sinasabi ko sayo, di ako matutuwa kung bibigyan moko niyan.

Kinontra ko talaga lahat... Kasi wants eh. Hindi needs.

Come 2nd sweldo. Nagulat ako na 15% nalang allotment ko, 10% parin sa kanya, 20% parin sa parents niya. Sabi ko baka kulang sweldo mo o binabaan allotment mo sakin. Sabi niya, yung 400k daw kasi na iipunin niya kasama daw padala sa pinas under my name and his, Eh since nagagalaw ko daw. Siya nalang daw magiipon don kaya inadjust niya.

Ayun na medyo nagalit ako... Naalala ko na may hinuhulugan pako at (wala akong work ngayon p, nagaaalaga ako sa mom ko) Tapos knowing him.. Bibilin niya talaga some of the wants na namention ko... Tapos ako magaadjust samantalang yung family nya nageenjoy sa 20%. Ako 15% na nga lang di pa halos pwede gamitin?

Sinabi ko na wag niyang isipin na makakamura siya diyan sa abroad kasi libo libo parin ang conversion nyan sa peso. Sabi niya ulit, yun na nga lang daw reward niya sa sarili niya sa pagtatrabaho ng 7days a week. Pero kung lahat daw ng bibilin niya don ipapaliwanag pa sakin. Wag nalang daw siya bumili trabaho nalang daw siya.
Sabi ko edi wag nalang niya ako padalahan tutal di ko rin naman pala pwede ipambayad ng bills pinapadala niya. Siya at ang pamilya lang naman niya makakaenjoy pala ng sweldo niya. May hirit pa siya na di ko lang daw alam kung gaano kahirap magwork sa barko.. Alam ko mahirap pero di ko pa naranasan, kaya nakakakonsensya rin na pigilan siya sa mga gusto niya.

Tama ba ang galit ko? Kasi kung mali ako magsosorry nako ngayon din.
Hard bako? Kasi puro kontra ako eh, di ko masuportahan ang mga luho niya? As a kuripot na misis.. Ipon ipon talaga ang nasa isip ko, unless its food, internet fee sa barko at yosi, its fine with me,
At ang hidden inis ko, Bakit ako ang asawa, ang liit ng allotment ko? (At first it didn't bother me, pero kasi mga friends ko, sabi why daw ganon!?)
« Last Edit: November 15, 2015, 02:53:06 am by donya_dyosa »

tischarmedlife

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #1 on: November 15, 2015, 03:12:56 am »
I understand you sis. Dapat naman talaga mag-ipon muna and mai-settle ang needs, tsaka na ang wants. Samin kase ni hubby, ako na ang nag-handle ng lahat ng pera nya. I withdraw his pay from his atm, manage his finances and in just one year, mas malaki ang na-save naming compared sa past three years na sya ang naghahawak ng pera nya. Mas magaling tayo'ng mga babae when it comes to managing our finances, IMO ha.

May I ask, ilang taon na ba si husband mo? Bakit puro gadgets, damit etc naiisip nya bilhin? Tsaka medyo tumaas ang kilay ko sa 20% sa family nya. Ikaw na ang asawa nya, kayo na ang pamilya nya pero bakit mas malaki pa rin ang napupunta sa in laws mo?

Kung ako sayo, di ako papayag. Tsaka anong assurance mo na 50% talaga ng sahod nya, nase-save? Do you have a joint account na may online banking para ma-check mo'ng nase-save nga talaga yung 50%? Sorry dami kong tanong pero kase, ikaw ang sa tingin ko'ng dehado sa situation nyo.  :(

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #2 on: November 15, 2015, 04:01:03 am »
Doon pa lang sa kaya sya nagbarko dahil need ng family ang finacial assistant hindi na ako pabor bakit kailangan sya ang magprovide may sarili na rin sya pamilya. Tapos kayo pa ng anak mo ang kailangan ang magsacrifice na malayo sa hubby mo. Ito pa kailangan talaga may fix na padala na 20%. Ang luho rin ni hubby ang aim nya na dati na makaipon bigla nagbago na. Bakit ikaw ang least priority? Ang nangyayari kasi para nagpapaawa sa sarili na nagtratrabaho sya 7days a week so kailangan talaga lagi may reward kailangan daw matatapos ang pareward nya sa sarili nya. Pabuhay binata sya at makasarili kayo sarili nya pamilya hindi iniisip. Iniiisip man kung ano lang maibigay. Overall hindi ako pabor sa lahat ng desisyon nya. Lalo na ang pagpunta sa abroad dahil sa pamilya nya.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #3 on: November 15, 2015, 04:16:13 am »
Sis tischarmedlife ^34 na sya sis. Ako naman 29.

Bakit nga ba siya mahilig parin sa mga gamit? Actually, nagsawa nako sa issue nayan. Nakamove on nako pero ang answer jan Kasi daw deprived siya nung bata siya.. Well off sana sila kaso nagloko tatay niya. Di niya nakuha mga gusto niya noon ako daw kasi nakuha ko na lahat.
Sinupalpal ko na yan na magmove on sa deprive issue eh nung nagaustralia siya lahat ng promise na wala siyang gagastusin nakalimutan na,,l

Tapos ngayon, yung mga wants niya exag na.. Pati speakers bibilin pa sa australia??? Kaya nagalit nako pero ang sagot niya saakin. Magalit daw ako kung nabili na nya (like duh. Nung binili niya yung boots at oakley.. Wala narin saysay kung magalit pako)

Sa 20% ng family niya..hinuhulugan pa kasi bahay nila,  Hmmm.. Para kasing 80% saamin dalawa (na nangyari ay mostly sa 80%hawak niya naman na) ang datingan nung unang pagkakaexplain saakin,
ayaw ko sana makisawsaw sa hatian ng hard earned money niya kaso naudyukan lang ako ng friends ko plus PMS kaya naquestion ko na rin tuloy ngayon.

Wala kaming online account sa kung anong natatanggap niya sa barko. Cash kasi na binibigay sa kanila. Pero tama ka, Sa totoo lang sumagi tuloy sa isip ko na hmmm.. 50% ba talaga ang naiiwan sa kanya? Baka may % don na sa family niya pa napupunta na hindi ko alam...

Magsosorry na nga dapat ako for being mrs.kontra, akala ko hormones ko lang to pero hindi eh feel ko nga may point rin ako,

sarsingkit

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #4 on: November 15, 2015, 04:23:14 am »
Has he always been like this, na madalas bumili ng gadgets and luho? Kasi, if yes, he might need a little nudging and reminder na hindi pwede ganito. Personally, sa akin ok lang na tumutulong sya sa family nya, pero diba yun nga ang main purpose ng pagwork sa barko, so sana dun ang focus nya kesa sa pagbili ng luho. And btw, pabagsak na ang GoPro no. Research muna sya bago mag impulse buy.

I would insist in getting the 20% back pero in no way I would question, what he gives to his family. But that is just me. Who spends for your mom? What's up with the 400k amount? Hindi ba pwede as much as he can? So pag naka 400k, uuwi na sya ganun ba? Paano nya maiipon ang 400k right away kung bili ng bili.


donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #5 on: November 15, 2015, 04:39:37 am »
Doon pa lang sa kaya sya nagbarko dahil need ng family ang finacial assistant hindi na ako pabor bakit kailangan sya ang magprovide may sarili na rin sya pamilya. Tapos kayo pa ng anak mo ang kailangan ang magsacrifice na malayo sa hubby mo. Ito pa kailangan talaga may fix na padala na 20%. Ang luho rin ni hubby ang aim nya na dati na makaipon bigla nagbago na. Bakit ikaw ang least priority? Ang nangyayari kasi para nagpapaawa sa sarili na nagtratrabaho sya 7days a week so kailangan talaga lagi may reward kailangan daw matatapos ang pareward nya sa sarili nya. Pabuhay binata sya at makasarili kayo sarili nya pamilya hindi iniisip. Iniiisip man kung ano lang maibigay. Overall hindi ako pabor sa lahat ng desisyon nya. Lalo na ang pagpunta sa abroad dahil sa pamilya nya.

Actually wala kaming anak, di sa kanya yun. anak ko sa pagkateenager pero parang anak narin naman niya...
Si husband, 3 silang magkakapatid.. All are working and helping the fam. Yung bunso nga nasa SG, dalaga at software engineer. (Di ko alam kung magkano ambag niya though) Oo hindi ko narin maintindihan bigla bakit biglang almost 300 usd a month na ang bigay niya sa kanila. And to be honest.. Lawyer pa ang papa niya at active pa.. Pero di ko alam bakit gipit sila.

Sabi ko baka naman paguwi mo sangkatutak na pasalubong pa ang dala mo baka naman ok na yung pagpapadala mo ng pera enough na siguro yon..., di na sya nagreply.

Dahil sa sinabi mo na bakit parang least priority ako. Ngayon ko lang naramdaman na Least priority nga ako.. Nasakin kasi attention niya kaya di ko naramdaman na least priority ako pero ito taken for granted napala ako,,, Yung promises nya saakin na ipon ipon bago siya umalis,, Pero ngayon, actions nga ay pang buhay binata Na.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #6 on: November 15, 2015, 04:55:01 am »
Has he always been like this, na madalas bumili ng gadgets and luho? Kasi, if yes, he might need a little nudging and reminder na hindi pwede ganito. Personally, sa akin ok lang na tumutulong sya sa family nya, pero diba yun nga ang main purpose ng pagwork sa barko, so sana dun ang focus nya kesa sa pagbili ng luho. And btw, pabagsak na ang GoPro no. Research muna sya bago mag impulse buy.

I would insist in getting the 20% back pero in no way I would question, what he gives to his family. But that is just me. Who spends for your mom? What's up with the 400k amount? Hindi ba pwede as much as he can? So pag naka 400k, uuwi na sya ganun ba? Paano nya maiipon ang 400k right away kung bili ng bili.

Oo ganyan siya sa luho nuon pa, sa oakleys at shoes talaga., at airsoft. (Pinagbigyan at inaccept ko nalang kasi mabait at faithful naman) siya Yung tipong 13th month inuubos para sa regalo sa pamilya, pamangkin, saakin, sa anak ko at higit sa lahat sa sarili niya.

supportado ko siya sa 400k na ipon (Its every sakay na target) suportado ko naman talaga yung pagtulong niya sa fam niya kaya ok lang nung una sakin, kaso bigla na lang siyang may mga binili at balak pagbibilihin don tapos ako, ako dito ang hindi pala makagalaw ng perang padala niya. Pero fam niya naeenjoy ang padala niya.. Sana man lang kung may adjustments pareho kaming side.. Hindi lang ako.. Pero sa galit ko sa kanya nagfocus lang ako sa mga balak niyang bilin di ko inungkat yung padala sa fam niya.. Baka sabihin hinahabol ko pa yon. Hehe pero gee arr arr parin.

Wala akong work ngayon pero my mom has enough kaperahan to support her illness at saka to pay the bills. Pag ok na mom ko magwork ako ulit and never ko ng gagalawin mga padala ng husband ko..
Nakakasama sila ng loob.

Girltalker2

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #7 on: November 15, 2015, 06:26:52 am »
Sorry sis, di ko ikaw ginagatungan. Pero maling mali talaga sya.

Usually daw, pag lumaki na deprive, mas gigil sa pera at lahat gusto bilhin na parang walang bukas.

Gaano katagal ang contract nya? He is already 34yo, gaano katagal nya balak magwork? Kung 400k lang balak nya itabi, 7.5 months lang dapat maipon na nya yun, that is, if he expects to keep the 80%. Pag maitabi nya 50%, 1 year dapat may 400k na sya.

Tsaka napaka short sighted naman nya. 400k? Anong akala nya, kung may 400k sya mayaman na sya? Iyan ba objective nya sa buhay, makaipon ng 400k and live happily ever after?

May bahay na ba sya? Kotse? Insurance? Pang retire? 34yo na sya, wala man lang sya pera sa banko and he needs to work abroad just for 400k? what is 400k nga ba?
- definitely not enough to buy a house
- If tomorrow magkasakit sya, iyang 400k na iyan ay 4 days lang sa ICU.
-  just 4 years of tuition (Wala pang pambaon or books).
- Or shall I say enough to pay for a child's first 4 years of maintenance (panganganak, milk diaper, check up, vaccinations assume di magkakasakit).
- 1 US trip for 2 lang ang 400k (Baka kulang pa), definitely kulang pang Europe

Then once his contract ends, ano kakainin nyo? Sure ba may work agad? Does he have a rough idea how much your ongoing expenses are (rent, groceries, meds, kuryente and other bills)? 400k is not enough for a year's expenses for a family.

So para sakin, kailangan sya umayos. Hindi sya mayaman. Wala syang K bumili ng Kung ano ano otherwise, sa kangkungan lang kayo pupulutin. Tsaka, bakit ang yabang nya na sya nalang nag d decide ng money matters ninyo? Bakit di ka nya ini-involve? Kung may milyones sya, fine, bumili sya ng speakers. Eh ni wala nga syang 100k (which can be easily spent in a day kung gugustuhin mo), ganyan sya umasta. Tapos what does he mean ipon sya doon with the 50%? Hindi ba dapat nilalagay sa banko para lumago? He needs to put his money sa time deposit or any investment that can help it grow. Ano yun ilalagay nya sa ilalim ng unan? Parang napaka sophisticated naman nya when it comes to gadgets pero promding-promdi when it comes to money matters.

Ang point kasi you want him to be home ASAP kaya mabuti na it won't take him forever to set aside 400k. Unless Mas enjoy talaga sya mag buhay binata. Pag ganyan naman, bakit pa sya nagpakasal in the first place.

« Last Edit: November 15, 2015, 06:42:27 am by Girltalker2 »

heavenangels

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #8 on: November 15, 2015, 10:00:46 am »
Sis TS bilib ako sa composure mo na di mo ginera ang hubby mo agad-agad. But honestly speaking may mali sa paghandle nya ng kinikita nya. Mum ka na nga sa 20% for his family dapat lang na ibigay nya yun dapat sa sariling family nyo. First of all, atleast you guys have a joint account wherein dun sya magremit ng pera for you. Panggastos plus savings. Kung sinasabi nya na di sya sure kung naiipon mo yun, almost lahat ng bank may online banking na so he can check every now and then ang in and out ng money nyo. Ang history ng online banking will last for 6mos ata so if he want i-print screen nya then save into another file para may record kayo. As for the gadgets, ok lang naman magindulge for as long as may EXTRA. Hindi yung bibili muna then yun remaining money yun ibubudget. Suggestion lang sis, if you don't have your own house/property, kumuha kaya kayo para may paglalaan sya ng sweldo nya. Or car or insurance. Madami insurance.
Yung sa inlaws mo na 20%, pagdating kasi sa magulang or sariling family mostly sa mga hubby natin mapagbigay. Well, hayaan mo na lang kung anuman ang binibigay nya, ang importante kung ano dapat ang nasesave nyo and ano yun alloted nya for your needs.

Ako dati ultimo st.peter life insurance kinuha ko, tapos sumasali ako sa paluwagan para may extra money. We have joint account. May sarili din kami account for ourselves. Yun baby namin may sarili din para iba talaga yun nakasave para sa kanya and we both decided na every month maghulog sya ng pera dun.

Money ang isa sa pinakamahirap na discussion esp lumaki kayo may kanya-kanyang values.

Siya na mismo nagsabi na mahirap magwork abroad so he must learn to value kung ano ang kinikita nya. All the best sis and may your husband find wisdom sa financial aspect.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #9 on: November 15, 2015, 10:00:49 am »
Oo nga no bakit ang aim 400k lang wala na sya ibang plan sa buhay kundi makaipon ng 400k kaya ba ganun na lang sya gumastos kasi parang ang 400k pang forever na gastusin nyo na parang hindi nya alam na ang dali lang gastusin ang pera. 34yrs old parang 14yrs old ang mga reasoning napaka immature na dahil na deprived nun bata kailangan bawiin hmm parang tapos na ang mundo pagwala sya gadget ganun. Nakakastress ang ganyan. Sis eto pa na dahil mabait at faithful may mga bagay ka ng babalewalain na lang which is dapat hindi kung future naman nyo ang nakataya tsaka in the first place obligations ng mag asawa na maging faithful sa isa't isa. Mas maganda pag usap nyo mabuti. Ano ba talaga ang future plan nya para sa inyo dalawa.

quinone

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #10 on: November 15, 2015, 12:32:12 pm »
supportado ko siya sa 400k na ipon (Its every sakay na target)

yung mga wants niya dun na lang niya ibawas sa ipapadala niya sa family niya. after all, kapag nag asawa na, ang priority dapat is yung immediate family niya at ikaw yun. diba 15-20% goes to you? so then set % rin siguro sa mga wants niya, hindi per item ang bili so ipa-prioritize rin niya ano ba sa mga yun pinakagusto niya.

siguro kung papaanong marami siyang gustong bilin, ganun din ang family niya kaya kahit na they are all working parang the money coming in is still never enough. kahit gaano kalaki pumapasok na pera sa tao na hindi marunong mag-manage, wala...naku, laging kulang yan.

deiz

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #11 on: November 15, 2015, 12:47:08 pm »
@donya_dyosa

Masasabi ko lang, hindi habangbuhay ang pag-aabroad. Maaring magkasakit sya or ma-reach na nya age na hindi na sya pwede mag-work. Dapat huwag muna puro luho , mag-ipon muna kayo, paano kung biglang kailanganin nyo pera (knock on wood). Dapat din pinag-uusapan nyo ng mainsinan lahat ng binibili nya. You have a point kung bakit ka nagalit. 

I would suggest that you approach him mildly with this. Ang lalaki kasi parang bata talaga, minsan pa sasabihan ka na nagger ka kapag pagalit ka nagsalita tapos hindi siseryosohin sinasabi mo. You are also the WIFE, from my perspective dapat sayo mas malaki cut kasi it is his RESPONSIBILITY to do so and dapat lesser degree na ang attachment nya sa family nya.

I would also suggest that you read this book. Vic and Avelynn Garcia’s book entitled “Kasusweldo pa lang ubos na?” It is really helpful and ang pinakagusto ko don na line is about the KUROT principle. Here it is, copy paste ko lang.

'KUROT' Principle... (MUST-READ!)

Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, KUROT lang ‘yon sa kanyang savings.

May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? DAKOT na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? UTANG na ‘yun!

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? KUROT, DAKOT, o UTANG?

Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! [/i]

ri-anne

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #12 on: November 15, 2015, 01:05:37 pm »
I can somewhat relate sis, kasi ganyan din dati hubby ko.
isa yang pera sa nagiging issue namin nung bagong kasal kami. Magastos at maluho sya, ako naman opposite. Halos wala kaming nasesave kahit malaki yung sweldo esp one-income household lang kami (im a housewife)

You know what led my hubby to change? When we bought our own property. And our kids started going to school. Tapos 20% ng sweldo for provident funds & health insurance

So...just like one sis said...Kelangan may pupuntahan yung pera ng asawa mo, yung para sa inyo as a family (own house, insurance etc). Para kahit yung 20% para sa family nya eh mapunta sayo. hehe..
Kung hindi pa pwede ngayon...planuhin mo na para next time, he'll be more responsible in spending his money.

In the meantime, all you can really do is remind (nag? nah!) him since hindi mo naman control actions nya magkalayo kayo. And trust him that he will really save 400k.
malay mo diba...kapag hindi nya nagawa, edi chaka mo sya awayin! hahaha just kidding...

Missus O

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #13 on: November 15, 2015, 01:07:12 pm »
^ Hi sis, I used to be an OFW. Now resident na ko where my hubby is. London based pa ako noon. And nung nagsimula kami (aeons ago), masasabi ko lang totoo mahirap yung buhay ng OFW. Lalo na at bago ka pa lang. Especially kung nung nasa Pinas ka eh sanay kayo sa gimik kada sweldo kahit kakarampot lang ang sahod mo. hehe.  Malungkot and naghahanap ka ng pang aliw sa sarili mo. Pero nasa tao pa din yan. Sa first sahod ko , ang binili ko eh laptop. Kasi kailangan ko for research, and of course pang communicate din para sa Pinas.  After that, talagang tipid kami (sinasabi kong kami na magkakabatchmates) kasi hindi pa namin nakukuha full salary namin. Hindi uso yung pampabwelo sa sarili kasi wala pang ipon. Siguro after a year, bago kami nagkaron ng mga wants. Pero by that time, mayroon na kaming reason kasi may nest egg na kami kahit kaunti lang. Why am I sharing this story? Kahit mura pa yan and sale pa. Kung lagi mong ginagastos, wala ka ding masasave. Dapat bago sya bumili ng mga luho siguraduhin muna nya na may puhunan na sya. Ang Oakley kahit sale ngayon, in 2 months may sale uli. Laging may lalabas na newer model. Ngayon may PS4-next year may lalabas na naman na newer model.  Ang sahod dapat savings muna, and then ang matira kung meron man, yun yung budget nya para sa sarili nya para sa mga wants. 

Ayoko mang sulsol pero bakit nga ba ang aim nya wh 400K lang? And bakit nga maliit ang sa iyo, eh ikaw na ang family. Sa panahon ngayon, sa Pinas, parang wala lang nang 400K. Pag pinasok mo yan sa business at hindi ka sigurado sa business na pinasok mo, wala na yan. Baka pwedi mong kausapin ang asawa mo na i re evaluate ang mga priorities sa buhay.  2nd month nya pa lang. Wala pa syang napapatunayan sa mga boss nya. Anything happens, wag naman sana, pwedi syang palitan. Dapat eto yung time na nagsasave muna sya. Wag syang maging complacent kasi hindi natin alam ang future.

In saying that, ang sasabihin nya sa iyo pag sinabi mo yan sa kanya ay "ang nega mo at kontra ka". So it may be better na irephrase it in a way na para kang nakikipag usap ng malumanay sa kanya. Or better yet, gumawa ka ng kwento na na makakapagparealize sa kanya na dapat instead of gumagastos sya eh naglalagay sya sa joint account nyo. 

Hindi ako nantatakot, pero maraming Pinoy na OFW na walang kita kasi aside from sa nagpapadala sa family nila eh baon sa utang dahil lahat ng latest gusto bilhin. Ang nangyayari nag iinvest sila sa mall,  instead sa banko. Para silang galit sa pera, ayaw nila makita kaya basta may sale nandun sila. So ngayon 10 years na sila sa ibang bansa walang ipon.  Walang masama na regaluhan ang sarili. Karapatan nila yan kasi nagtatrabaho naman na maayos. Nagiging masama pag sobra na. Ika nga lahat ng sobra masama.

P.s. mahaba na ito, pasensya lang. Yung sa family part hindi na ako magcocomment kasi private nyo yan, may mga nakapag bigay na ng advise dyan. Good luck sis


donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #14 on: November 15, 2015, 02:15:38 pm »
salamat po mga sis...
iam learning from replies at lumalakas loob ko na tama ako.. feel ko kasi puro lang ako kontra na parang di na siya makaenjoy sa kahigpitan ko.

ginagamit ko ang replies nyo sa word war namin ngayon.. so far i think iam winning pero siya parin ang may last say kasi na sakaniya ang pera "nya".

sis @girltalker2.. thank you   thank you sa reply.. 7 months ang kontrata niya.. para makaipon ng 400k.. ) basically wala palang para for me to enjoy na pera, all ay ipon dapat.

400k kada sakay ang goal niya para in 5 sakay may 2M na siya.

May bahay ba siya? wala, bahay ng mom ko ang bahay namin.
May Kotse ba siya? wala.. may kotse ako
May insurance ba siya? wala.. ako meron at sa anak ko na hinuhulugan ko..
kaya dahil halos lahat meron na ako.. sa ipon nalang daw siya magfofocus.. kaso eto nga di naman na siya mapigilan sa mga wants niya..
bakit wala siya ipon?? hmm.. kasi ang bisyo nya ay airsoft.. sobrang mahal ng mga piyesa and all. just enough lang ang mga sweldo namin as call center agents nuon, hindi ko talaga siya napigilan don.. dahil yun lang naman talaga ang pang past time niya. (pero sa totoo lang inis na inis ako)

dun sa 50% niya... oo sis iniipit niya kasi para daw marami kaming dollars paguwi, kasi pagipapadala daw dito. peso converted na ang ginagawa ng company niya..

ilast alas ko na yang.."hindi siya mayaman" masakit sabihin, sipa sa balls.. pero yun ang katotohanan... at yan din ang nasa isip ko.. naiinis nako.. kung di ako magwewelga magiging katulad kami ng kung ano nangyari sa kanila.. mga Impulsive at compulsive buyer sila eh.. lahat meron sila sa present bukas nganga.. very particular sa brand, tapos may ibang gamit na di naman kailangan at di naman nagagamit.


thank you sis @heavenangels
nagastos ko naman kasi talaga yung dalawang buwan na bigay niya.. kasi wala akong work tapos installment na hinuhulugan ko sa mga kinuha namin para sa kanya..
oo talagang pigil ang galit ko.. talagang may composure talaga ako. kasi pera ito eh.. ayaw ko masabihan na mukhang pera at swapang. kaya nga ok lang ako ng ok kaso napikon na rin ako eh.

tama ka sis @quinone sana man lang bawasan niya rin allotment ng family niya.. kaya ako siguro nabwisit eh. kasi 4 na katao naman ang working sa kanila.. yung dad at silang 3 magkakapatid. tapos ako ang gigipitin niya. ako etong walang trabaho ngayon.  >:( >:( >:(


thank you sis @shadow angel... talagang desidido siya sa 400k,.. nagmamadali na makaipon.. masakit man oo yung reasoning niya pang 14 years old minsan.. ok siya sa promises at plans eh pero pag output na, nakakalimutan na..
aside sa maitatabi niya na Php 400k. sa computatuon nga nya may matitirang $900. may $900 daw para gastusin...  sabi ko gastusin??? sabi niya.. bakit sinabi ko bang uubusin?? dun na nagstart magkabadtripan.. dahil alam ko yung $900 pang pasalubong at wants na yon.
nakalimutan na ang cost of living dito paguwi niya

hi sis @deiz.. naku medyo malapit na kasi ako magkaroon .. kaya ang init ng ulo ko at hindi ko siya siya naapproach mildly. hehe pero ingat parin ako sa words na ginagamit ko.. yung  mga masakit na words.. pang hulihan na yon. haha.
sa post mo.. isa akong KUROT.. sobrang kurot na.. parang syndrome na...
si husband ko.. DAKOT AT UTANG yon.. importante sa kanya ang present... importante sa kaniya ang ienjoy ang pera nun at nun pa man.

« Last Edit: November 15, 2015, 02:18:31 pm by donya_dyosa »

ney2me

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #15 on: November 15, 2015, 02:56:03 pm »
Hi sis, seaman din si hubby pero sa offshore naman sya. Ganito set-up namin when it comes to his salary:
10% personal allotment nya: pwede nya gastusin kung ano gusto nya bilin..and then sa akin yung 90%. Sa barko meron pa silang pay on board pero maliit lang, sa kanya na rin yun. Sa mga in-laws ko nagpapadala lang ako ng certain amount pag onboard lang sya. Pag bakasyon hindi na.
Before, nung newly wed pa lang kami, nasa adjustment period pa. I used to work in a shipping agency (dun din kami nagmeet) so in a way alam ko pasikot sikot sa trabaho nya including sa salary. Nung nagwowork pa ko, yung pera ko akin yung kita nya sa kanya. Mahirap lang kasi opposite kami kasi matipid ako magastos sya. Pero nung nag stop na ko magwork, ako na nag handle ng finances namin. Ginawa ko kumuha ko nang house and lot at car para me mapaglaanan ng kita nya. Kasi ang tendency is gumastos sya ng gumastos pag nakabakasyon. Pag naubos na yung personal savings nya sa akin na manghihingi. At least ngayon na me hinuhulugan kami, may napupuntahan yung kita nya. And meron din akong secret account, para in case of emergency me madudukot. At the same time me reason kami sa mga in laws ko if ever na manghiram ng pera kasi syempre me asawa na anak nila, siguro naman its about time na ang focus eh sa amin na since buntis pa ko ngayon. Hindi naman sa nagdadamot pero kung kailangan isipin din maging future namin. Minsan need gumawa ng mga ways para matuto mga asawa natin.
By the way, alam mo ba magkano talaga kinikita ng asawa mo? Dapat pagusapan nyo yan maigi paguwi nya. Dapat alam nya kung ano priorities nyo. Sa totoo lang ngayon lang ako nakarinig ng 20% allotment sa wife tapos 50% onboard pay tapos another 20% sa in-laws mo. Kasi usually maliit lang talaga pay onboard nila, malaki sa allotment then me leave pay pa makukuha pagbaba nila. Check mo yung contract nya pati allotment slip. Unfair naman yata masyado sayo.

Girltalker2

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #16 on: November 15, 2015, 05:20:59 pm »
TS, mukhang di nya ma-m-meet ang 400k in 7 months unless may bonus pa sya and other allowances. Baka doon nya kinukuha ang pang shopping nya.

He reminds me of my ex. But my ex was earning quite a bit around that age. Pero grabe ang luho. He had a sports car. Pero walang bahay. Hinayaan ko sya. Sabi nya he gives me monthly fixed (which was like 10% of his pay!!) so wala naraw ako paki alam sa natira. Ok fine. I save my own, he spends his own.

Wala talaga sa kinikita yun eh. Kahit half lang kitain nya sa pinas, he can be more prosperous if he knows how to save money aside. 

Tsaka parehong pareho ang reasoning ng ex ko sa hubby mo ah.  hirap na hirap daw sya magwork. Paano daw sya? then nung palaki ng palaki pay nya, sobra sya naging hayok sa power at lahat latest at branded. Babae na mismo humahabol sa kanya. Kaya Yung dating 'faithfulness' nya, nawala at nalulong sya sa power and money. Bad din kapag di sila maka Diyos at di nagagabayan sa tamang landas. Kaya sana maayos nyo iyan mag asawa. Magising sana sya sa kung anong dapat, and not to be too excessive.

Tsaka 2M? Kala nya yayaman sya sa 2M? 5 contracts in 5 years, by that time, ano na halaga 2M? Hindi ba nya puede ipadala in USD para mailagay mo sa time deposit in USD?

Tapos Hindi naman need ng parents nya yung 20%, bakit sya kailangan magsustento, eh sya mismo wala pangang bahay. Hindi ba Mas mainam gamitin 20% na iyan for bahay nyo or insurance?

donya_dyosa

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #17 on: November 15, 2015, 05:40:49 pm »
aloh sis @ri-anne.. oo panay sabi niya sakin trust ko daw siya... eh kaso nag naman ako..  ;D sabi ko anong logic mo sa speakers, sa bluetooth headset, sa boots, sa shades.. wala eh ayaw na niyang sagutin.. di tuloy ako makamove on talaga,
siguro sa next sakay nalang ako bibida.. sa ngayon bahala na muna sila...

2nd month nya pa lang. Wala pa syang napapatunayan sa mga boss nya. Anything happens, wag naman sana, pwedi syang palitan. Dapat eto yung time na nagsasave muna sya. Wag syang maging complacent kasi hindi natin alam ang future.

bet ko to!!! sis @ Missus O ililitanya ko ito sa kanya.. i am actually rephrasing it now..  ::)
thank you sis..

ang dami nyong advise saakin.. at ginagamit ko talaga siya pambara sa word war.. yet ang galing.. galing niya talaga sumagot.. (may pag abogado kasi ang reasoning pero di parin ako papatalo. grabe 2 days na tong balitaktakan namin pero ayaw parin niya sumuko) and now he is using naman yung HK namin sa june 2016. my bad! nahanapan tuloy ako ng butas.. dati ko pa kasi nabook yun..

sis @ney2me oo mga 2k usd ang sweldo niya.. at dahil first time lang kami sa lahat ng bagay na ito..
di ko alam bakit 50% sa kaniya... at bakit from 30% to 20% ngayon halos 15% nalang.. at nabago bago pa... feel ko nasulsulan na siya sa kanila or ewan ko lang.. para tuloy ako natulala ngayon.. hmmm..
sa totoo lang, di ko pa feel na dapat ako ang priority sa kaperahan niya kasi wala pa kaming anak.. pero everyones telling me na may something wrong sa setup..

heavenangels

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #18 on: November 15, 2015, 06:34:15 pm »
Welcome sis donya dyosa! But please, don't ever think na dapat di ikaw ang priority nya. Di ba legal na magasawa kayo. Meaning ikaw na ang FAMILY NYA. Yun family of origin nya ang extended family nya.

Sa culture natin di talaga maalis yun super extended to the nth level na tulong sa extended family. But made it clear to him na kayo magasawa dapat ang priority nya, ang future nyo. No one knows what future may bring, pano kung magkasakit sya (knock on wood) ano ang savings nyo? And yung 50% na sabi nya tinatabi nya ano ang proof na di nya yun magagalaw pag may SALE?😬 I am not adding fuel to the fire sis pero may mali sa setup. Fine, allotment for his family, ok na gora na. But but but he MUST give you a fair treatment. Kung may panggastos sila dapat ikaw din baket sila lang ba nakain? Ano nahinga ka lang ng hangin?! Kainit ng dugo! Kaloka sya! Ask him a monthly allowance for your need and bukod dun yun savings nyo. If given a chance na makapagusap kayo, open your heart to him. Daanin mo sa diplomasya. Ipaliwanag mo yung point mo. And convince him to invest into something.

My husband is also a giver. That is until now kahit may anak na kami. So when I got the chance, I told him na it's good for us esp for him to buy an investment (sa case namin, lot). Sabi ko sa kanya masarap sa pakiramdam na makikita mo yun pinaghihirapan mo may napupuntahan. So far so good. Tapos nagiinvest ako kung san pwede magkaron ng kita yun money na di nagagalaw un capital.

Nothing is certain in this world. Tell him na kahit under contract sya if failed ang performance nya anything might happen.

Example is my co-worker before. Even before we start our formal assignment/job she spent a lot. As in everyday, kuha ng item sa office namin as we we're allowed na salary deduction. Tapos mega shopping for clothes, shoes at lahat ng kakikayan, wala pa kaming 3months sa work. Ayun, after tatlong buwan tinaggal sya sa company dahil nagkaron ng prob between her and manager. Wala syang pera naiuwi may utang pa sya binayaran. Lalo nasa abroad, mas matindi ang pressure at crab mentality. Kaya save save din pag may time. All the best sis! Nasa tama ka, ipaglaban mo! Hehe! Just to make you feel lighter😉

antithesisofbarbie

  • Guest
Re: Mrs. Kontra
« Reply #19 on: November 15, 2015, 07:05:34 pm »
agree ako sa lahat ng mga sinabi nila dito. :) alam mo sis kahit na ilang kontrata pa matapos nya... kung puro "reward" sa sarili nya uunahin niya hindi siya makakaipon.

ikaw na ang family niya. so ikaw na dapat ang priority hindi un family niya. I'm not saying na huwag siya magshare what I am saying is dapat ikaw un binibigyan niya ng allotment more than his family... plus ano yun? nag wowork siya for them.. para sa bahay nila? dapat yun ginagawa /ginawa niya nung binata siya.

nakakalungkot isipin na ganyan ang situation mo pero sana makapag usap kayo ni hubby mo at sana maliwanagan siya. saka pwede ba un reward sa sarili dahil pagod sa work etc? hindi benta saakin ang dahilan na yan kung saakin sasabihin yan sasabihin ko talaga sa kanya na tumigil na siya sa pagtatrabaho at magpahinga nalang siya... tahimik pa buhay ninyong pareho after all hindi ka naman nakikinabang ng malaki sa mga ginagawa niya nakakainis kasi na may dahilan pa na ganon. kailangan may reward? hindi pa ba sapat na reward yun makita mo na ayos ang family mo dahil nagpapakahirap ka sa work at hindi pa ba enough na reward na alam mo in the future magiging maayos lahat dahil nagsasacrifice ka sa work?

kami ni hubby nagwowork din kami abroad. yes okay naman ang income namin dalawa... pero sis base on experience kung walang path ang pera wala kayong maiipon... at hindi naman pwede na mauuwi sa reward lang sa sarili..pag usapan ninyo din mabuti ang pag ba-budget para din sa family ninyo yan.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close