salamat po mga sis...
iam learning from replies at lumalakas loob ko na tama ako.. feel ko kasi puro lang ako kontra na parang di na siya makaenjoy sa kahigpitan ko.
ginagamit ko ang replies nyo sa word war namin ngayon.. so far i think iam winning pero siya parin ang may last say kasi na sakaniya ang pera "nya".
sis
@girltalker2.. thank you thank you sa reply.. 7 months ang kontrata niya.. para makaipon ng 400k.. ) basically wala palang para for me to enjoy na pera, all ay ipon dapat.
400k kada sakay ang goal niya para in 5 sakay may 2M na siya.
May bahay ba siya? wala, bahay ng mom ko ang bahay namin.
May Kotse ba siya? wala.. may kotse ako
May insurance ba siya? wala.. ako meron at sa anak ko na hinuhulugan ko..
kaya dahil halos lahat meron na ako.. sa ipon nalang daw siya magfofocus.. kaso eto nga di naman na siya mapigilan sa mga wants niya..
bakit wala siya ipon?? hmm.. kasi ang bisyo nya ay airsoft.. sobrang mahal ng mga piyesa and all. just enough lang ang mga sweldo namin as call center agents nuon, hindi ko talaga siya napigilan don.. dahil yun lang naman talaga ang pang past time niya. (pero sa totoo lang inis na inis ako)
dun sa 50% niya... oo sis iniipit niya kasi para daw marami kaming dollars paguwi, kasi pagipapadala daw dito. peso converted na ang ginagawa ng company niya..
ilast alas ko na yang.."hindi siya mayaman" masakit sabihin, sipa sa balls.. pero yun ang katotohanan... at yan din ang nasa isip ko.. naiinis nako.. kung di ako magwewelga magiging katulad kami ng kung ano nangyari sa kanila.. mga Impulsive at compulsive buyer sila eh.. lahat meron sila sa present bukas nganga.. very particular sa brand, tapos may ibang gamit na di naman kailangan at di naman nagagamit.
thank you sis
@heavenangels nagastos ko naman kasi talaga yung dalawang buwan na bigay niya.. kasi wala akong work tapos installment na hinuhulugan ko sa mga kinuha namin para sa kanya..
oo talagang pigil ang galit ko.. talagang may composure talaga ako. kasi pera ito eh.. ayaw ko masabihan na mukhang pera at swapang. kaya nga ok lang ako ng ok kaso napikon na rin ako eh.
tama ka sis
@quinone sana man lang bawasan niya rin allotment ng family niya.. kaya ako siguro nabwisit eh. kasi 4 na katao naman ang working sa kanila.. yung dad at silang 3 magkakapatid. tapos ako ang gigipitin niya. ako etong walang trabaho ngayon.

thank you sis
@shadow angel... talagang desidido siya sa 400k,.. nagmamadali na makaipon.. masakit man oo yung reasoning niya pang 14 years old minsan.. ok siya sa promises at plans eh pero pag output na, nakakalimutan na..
aside sa maitatabi niya na Php 400k. sa computatuon nga nya may matitirang $900. may $900 daw para gastusin... sabi ko gastusin??? sabi niya.. bakit sinabi ko bang uubusin?? dun na nagstart magkabadtripan.. dahil alam ko yung $900 pang pasalubong at wants na yon.
nakalimutan na ang cost of living dito paguwi niya
hi sis
@deiz.. naku medyo malapit na kasi ako magkaroon .. kaya ang init ng ulo ko at hindi ko siya siya naapproach mildly. hehe pero ingat parin ako sa words na ginagamit ko.. yung mga masakit na words.. pang hulihan na yon. haha.
sa post mo.. isa akong KUROT.. sobrang kurot na.. parang syndrome na...
si husband ko.. DAKOT AT UTANG yon.. importante sa kanya ang present... importante sa kaniya ang ienjoy ang pera nun at nun pa man.