watch now

Author Topic: SSS Discussions (Thread 2)  (Read 35630 times)

keejac21

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #40 on: June 13, 2016, 01:15:12 pm »
^Ambilis naman sa inyo sis. 2 weeks na ako naghihintay e wala pa din. Mabilis naman inapprove ng employer. Gusto ko na nga mag follow up pero busy naman yung hotline nila always. Like feeling ko naka-hang na yung phone nila.  :(

miss resilient

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #41 on: June 20, 2016, 02:07:30 am »
sure ba na may condonation na sa ss?

wala pong condonation sa SSS now..meron loan restructuring program.

kindly check their website..andiyan lahat ng sagot sa questions ninyo here

https://www.sss.gov.ph/

hope this helps.

stradivarius

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #42 on: July 01, 2016, 06:53:18 am »
My SSS account has been locked. I already sent numerous emails for password reset but wala naman silang reply.

What should I do next? Help please. TIA!

I am sorry to hear that, sis. Medyo hopeless yang "customer service center" nila.
Problema ko din to recently. Tawag - laging busy. Email - walang sagot. Pati yung forget password na option ata. Alam ko namang walang mangyayari.
Sinubukan ko ng sinubukan yung login. Nahulaan ko din tapos nakita kong lumang company email yung gamit ko dun (from more than 5 years ago).
Agad agad pinalitan ko, and I was even able to apply for a salary loan. Try mo lang ng try. Lahat siguro ng passwords na alam mo.

keejac21

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #43 on: July 01, 2016, 06:54:50 pm »
Parang mabilis sila sumagot sa Facebook page queries. You may try to comment on any of their posts. Kahit di related meron sumasagot. Doon kasi ako nag follow up ng salary loan ko.

eam510

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #44 on: July 14, 2016, 11:03:18 am »
Mga sis, ask ko lang. Wala kase ako contribution sa SSS ng june to october 2015.  Pwede ko pa ba sya bayaran para makapag loan ako para makumpleto ang required na 36 months for SSS salary loan?

hyder0926

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #45 on: July 16, 2016, 07:24:36 pm »
Sisses, ang maternity leave pay dapat 1 time payment lang right. Kase sa company ko 2 installments's siya. Sa dati ko kase company nun last day ko sa work before my due date binigay un sss maternity pay ko ng 2 bagsak lang.

emjey03

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #46 on: July 18, 2016, 02:55:19 am »
^ depende sa company yan. merong full na binibigay at meron ding 2 payout.

hyder0926

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #47 on: July 20, 2016, 10:33:16 pm »
Pero nakalagay sa sss website dapat bayad na un in advance ng company. Meron ba sis dito na taga sss?

aravn22

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #48 on: July 21, 2016, 02:46:54 pm »
Mga sis, ask ko lang. Wala kase ako contribution sa SSS ng june to october 2015.  Pwede ko pa ba sya bayaran para makapag loan ako para makumpleto ang required na 36 months for SSS salary loan?

not anymore po. just continue paying your contribution now until until maka36 months ka na.

chubilita0290

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #49 on: July 26, 2016, 11:24:51 am »
Hi mga sis,

Question ko lang. Bakit ganun sa SSS? Sept 2013 namatay ang father ko. Feb. 2014 napasa ko na lahat ng documents needed for death claim. Pero til now wala pa din yung claim ng mga kapatid ko. nabigay na namin lahat, nag 21 na din yung mga kapatid ko at nakapagpasa na sila ng bank form na nakapangalan sa kanila pero bakit hanggang ngayon wala pa din yung claim namin. Nakakapagod na. Nakalagay sa process nila dapat 1 month lang ang process pero sa amin mag 3rd year death anniv na si papa pero wala pa.

shinies

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #50 on: July 26, 2016, 01:14:30 pm »
Itawag niyo o punta doon para itanong kung may kulang ba kasi nung sa amin, ilang linggo lang nabigay naman ng maayos..

Diane

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #51 on: July 27, 2016, 08:43:04 am »
How can I check if ilang months pa babayaran from my SSS sal loan?

twenty5

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #52 on: August 05, 2016, 01:18:18 pm »


hello sissies:

answer ko lang lahat ng nabasa ko sa concern...

If need to check balance for salary loan -- you can always go to the nearest SSS branch. Minsan kasi yung online hindi mo makita. minsan Nagloloko.

- sa nagtatanong about PWD RESET. I can tell you it happened to me. Kaya nawalan na ako ng gana so what I did  was.. I went directly to SSS to rest my pwd. Sobrang saglit lang as in. Mas matagal pa yung biyahe ko kesa sa pag reset ng pwd.

- sa ibang nagaask... mas Okay talaga mag punta kayo mga sis sa SSS mismo. I suggest early morning Mas okay kasi konti pa lang ang tao compare mo sa hapon or noon time.



I hope this helps.

Diane

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #53 on: August 18, 2016, 08:30:04 am »
^kaya pala mahilo hilo ako maghanap sa sal loan balances ko

mikaelavhan

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #54 on: August 19, 2016, 12:58:54 pm »
hi mga sis deadline  ko na now (last digit 5) every 20th.ok lang kaya kung bukas ko siya hulugan for thia month..(monthly ako nghuhulog,voluntary) pwde pa kaya yun.hirap kasi tawagan ng cs nila eh.m
thanksm

redhead69

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #55 on: August 26, 2016, 01:54:41 am »
I'll get SSS, pero voluntary kasi wala pa ako work and student pa lang ako. How much do voluntary usually pay sa SSS? Sorry please enlighten me :(

yellowminion

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #56 on: September 07, 2016, 11:39:18 am »
Thanks, Tumblrista and gwyne21, it's good to know na hindi naman pala masyado matagal. May nababasa kasi ako dati na up to six months daw...I wasn't sure if those were isolated cases lang or ganun talaga!

Sis ako 6 months. February 2016 ako nag-apply ng UMID sa SSS Pasig branch tapos August na nadeliver sa bahay. Kaloka mas matagal pa sa passport.

cali_018

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #57 on: September 07, 2016, 03:20:01 pm »
isa sa na pinakamatagal magproseso ng benefits ang SSS. Super! yun lolo ko namatay, ang nag ayos ng claim ay tito ko. binigyan siya ng sangkaterbang requirements at sinabihan siya ng sss antipolo na "luluha muna kayo ng dugo bago nyo makuha ang claim". imagine, pera ng patay papahirapan pa nila ibigay sa kamag anak. nun binanggit ng tito ko "dati nagtrabaho dito ang asawa ko sir" at binanggit yun name ng tita ko (deceased), medyo nagulat yun lalaking nagsalita sa kanya. hays! sa awa ng Diyos, nakuha din ng tito ko yun claim after 1-2years.

shinies

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #58 on: September 08, 2016, 11:49:36 am »
Bakit daw ganun?
Sa lolo ko ilang linggo lang nabigay na.
Kumpleto requirements ba?

hisana

  • Guest
Re: SSS Discussions (Thread 2)
« Reply #59 on: September 08, 2016, 12:12:25 pm »
Sis ako 6 months. February 2016 ako nag-apply ng UMID sa SSS Pasig branch tapos August na nadeliver sa bahay. Kaloka mas matagal pa sa passport.

Sa akin rin natagalan. Kakadeliver lang two weeks ago, pero nung first week of May pa ako nag-apply. Nakalimutan ko na nga na may hinihintay pala akong ID.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close