watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3  (Read 12592 times)

chinablue

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #60 on: April 18, 2017, 02:30:50 am »
naalala ko lang yung baklitang high school friend ko na nagpm sa akin asking tips about travelling to SG. so ako naman mega suggest sa kanya ng mga ways how to tour SG on an affordable budget. and then ayun na, nagkwento na siya na nagbook sila ng mga coworkers niya ng mamahaling hotel sa Boracay. and then he told me na maski hindi siya nagwowork abroad, can afford pa din naman siya magtravel. naloka ako promise!

sa dami ng airfare promos, almost anybody can afford to travel. no need to be an OFW or super duper rich. and hindi naman ako naiinggit na nagbook siya sa mamahaling hotel kasi kung tutuusin I can do it too but I chose not too because I am kuripot and I rather spend the money on food. haha.

chinkywinky

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #61 on: April 18, 2017, 04:55:47 am »
^Yung mga show-off na yan at 'can afford' usually ang maraming utang  dahil yung mga totoong mayaman sila yung mga tahimik  ;D ;D ;D

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #62 on: April 22, 2017, 12:32:55 am »
I honestly don't mind if they want to show off as long as wala silang utang sa akin haha! Parang ewan naman kasi kung may utang sayo tapos makikita mo pagala gala lang lol

Minsan din kasi depende yan sa tingin ng tao or sa nakakabasa ng post. Meron nagpopost simply because gusto nila, ngayon kung ang tingin ng iba ay pagyayabang na yun, e hindi na yun problema ng nag popost.

Some people can really afford expensive things while some are just buying things to impress others.

unicorn_ChicMD

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #63 on: June 21, 2017, 02:39:36 am »
i have recently met someone here in our area na ubod ng yabang. mind you, i'm not very particular about this kind of people, pero siya- stressful! gusto ko i block sa fb at IG. kapag may gathering kami, siya lagi ang bida-ang loud at ang daming "tips" kuno. Feeling ang galing magluto at mag bake, hindi naman ganun ka sarap ang luto niya. I am not being "nega" pero ang daming alam ng babaeng to, detalyado lahat.

 example: 1. We were talking about driving. Wala pa kasi siyang license dito (im not based in ph).
Sabi niya, "Ako sanay na ako mag drive kasi sa pinas ako ang na drive ng sasakyan namin. Eh Montero iyon."  Hello?! Kailangan niya talaga sabihin na MONTERO ang sasakyan nila. Sarap sagutin, "Montero lang?"

2. Kumakain kami ng ensaladang talong na gawa ng isa naming kasamahan. Sabi niya "Ay oo nga, masarap. Iyon kasing maid namin sa pinas, kasi may maid talaga kami sa pinas, gumagawa ng ganito. "

I mean, ang dami kong kilalang mayayaman na hindi ganyan. Ikaw kung makaasta! Irita talaga ako mga sis. Ang sarap barahin pero di ko ugali iyon eh. Siya ang kilala ko na ubod ng yabang at ingay, wala namang ibubuga.

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #64 on: June 25, 2017, 07:13:56 am »
hihi baka di totoong rich sis, kaya madaldal ng ganyan....

buhay pa pala tong thread na to meaning madaming friends na mayayabang talaga....


I have an officefriend na laging travel ng travel tapos buy ng mga gamit lagi online, new makeup, mga ganun..tapos nagtext sakin asking me to loan her 100K kako I don't have that kind of money (may very very small lending biz kasi ako sa office).  naloka ako...dami ata bayarin....

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #65 on: June 25, 2017, 09:45:57 am »
Onga sis haha baka hindi naman talaga totoong mayaman yan. Baka imagination niya lang. Madami din akong friends na talagang mayaman and never sila nag brag. Mas kuripot pa nga sila minsan hehe..

mimiku

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #66 on: June 25, 2017, 01:54:50 pm »
^Yung mga show-off na yan at 'can afford' usually ang maraming utang  dahil yung mga totoong mayaman sila yung mga tahimik  ;D ;D ;D

I agree. Pansin ko lang usually yung may mga kaya talaga sila tahimik. Yung asawa ng isa kong barkada maganda and galing sa rich na angkan as in they have a real state business but don't have any fb account pati daw siblings niya. Napakalow profile na tao. I notice naman yung mga taong biglang nagkaroon, sila usually nagiingay.

unicorn_ChicMD

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #67 on: June 26, 2017, 04:38:21 am »
hihi baka di totoong rich sis, kaya madaldal ng ganyan....



i thought so! ganyan naman madalas, kung sino mas meron at magaling, sila ang tahimik. kasi di na nila kailangan i prove ang sarili nila.

well, hayaan natin sila pero deep inside tayo "ah ok. yabang mo 'te!" hehe. ;D

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #68 on: June 27, 2017, 06:17:04 am »
Honestly, na-unfollow ko na yata mga friends ko na ganto kase I barely see posts on FB that are like these. I don't mind if people want to live a fake fairy tale life so long as they don't owe me money to fund for it :D

Myealexis21

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #69 on: June 28, 2017, 06:00:29 pm »
^This! Hahaha!

Dati naiinis ako sa mga ganyan, but I realized na di ako dapat naiinis kase hindi naman pera ko ang ginagamit nila. 

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #70 on: June 28, 2017, 06:40:05 pm »
^Haha diba? Actually, napaisip nga ko kung may nakikita pa kong ganto and I realized na wala na nga kase pag naiimbey ako sa mga posts, I just unfollow.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #71 on: June 28, 2017, 10:15:19 pm »
Kailangan talaga friends hindi pwede kakilala lang hehe. Anyway ang daming ko kakilala ganito minsan nga relatives pa. As in puro post sa fb tapos ikaw iistorbuhin pambayad sa 5-6 or kaya naman ikaw ang sisilipin na madamot o mayabang paghindi na pautang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close