watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3  (Read 12576 times)

Ahim de Famille

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #20 on: November 15, 2015, 09:38:23 pm »
May classmate ako sa short course ko na puro yabang ang alam tsaka ubod ng sinungaling haha!
Nung unang meet ko sa kanya, sabi niya graduate daw siya sa San Beda. Ako naman naniwala kasi mukhang di naman sinungaling.  Lagi niya pinagyayabang yun na dun siya nagtapos ng college kahit sino makausap niya. Tapos pagdating nung OJT namin, nabisto siya. Nalaman namin nung staff nang pinag OJThan namin na hindi pala siya sa San Beda grumaduate kundi sa isang di kilalang school pala. Kaya nagtaka yung staff dun kasi ang kwento niya dun sa San Beda siya nagtapos pero ang naisulat niya sa form hindi San Beda kundi sa isang school na hindi naman kilala.  Tapos nag boboxing class din daw siya at pinagyayabang niya yung biceps niya na tumigas daw dahil sa kakaboxing na kahit tingin ko naman hindi haha! Pag magkkwento yun sa amin, akala mo ang yaman at sosyal niya kasi puro pagyayabang ang kwento. Pero in real life pala nangungutang na pala siya para pang gimik niya at sa luho narin. ::)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #21 on: November 16, 2015, 12:38:26 am »

@ mindiegirl
True sis, na-guilty din ako after pero mas ok na yun kasi pati ako nai-stress. Sis true-blooded na lalake ba yan or berde ang dugo? haha

@ FayeP
Yung stickers ko pinamimigay ko lang kasi di naman ako mahilig magsulat sa planner. Mas ok pa din na sa Note tab ko kasi naga-alarm or may reminder pag may appointment ako or may need gawin saka hindi masyadong mabigat sa bag. Hindi ko ma-gets bakit nakakasosyal yun, di naman pwede ihikaw or ikwintas ang planner haha.

@ chicafabulosa
Agree sis na di mo kasalanan kung wala siyang pambayad sa mustang niya. Sana inisip niya muna mga bayarin niya before siya nagpasarap. Saka pera mo yun so gastusin mo sa bagay na gusto mo.

@ khaleesiCersei
Apir sis like ko din ang peppermint mocha, ang lamig kasi sa mouth.
May kakilala din ako na pretending to be someone that he's not. May resthouse daw sila sa Batangas na nakapwesto near sa cliff and pagbaba ng cliff beach na. Daming reason if mag-aya kami na magpunta to think na we're more than willing to pay him, sasabihin niya sumabog daw ang watertank and nagbaha ang house etc. Tapos nung nalipat ng shift, ikinwento niya sa new shiftmates na may car daw siya naka-park sa kabilang building kahit wala naman talaga siyang car. Ang dami pa niyang kasinungalingan na kwento pero buti na lang resigned na siya. Tatanggapin pa rin naman namin siya as friend kahit hindi siya mayaman, kaya hindi ko maintindihan bakit need niya magpretend na mayaman at sosyal siya.



chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #22 on: November 16, 2015, 08:23:51 am »
Yun nga mga sis di ko magets. Gusto ko sabihin sa kanya bakit di na lang nya benta yung kotse and buy a less expensive one para di sya hirap sa amort nung car.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #23 on: November 16, 2015, 01:29:44 pm »
^Mayabang nga kasi sis kaya ayaw ng lesser car make and model. Ang masaklap lang her finances are suffering due to her kayabangan.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #24 on: November 16, 2015, 04:02:48 pm »
True. I even had an experience with her before, we met up and i opted to take a cab kasi makati yung venue. She asked why i didnt bring a car, i said kasi mahirap parking plus traffic. Then she went like "i cant live without my car"... Sa totoo lang tamad ako magdrive mga sis. Mas prefer ko sa house lang ako kesa gumala. Since then iniiwasan ko na lang sya makita, i unfollowed her sa FB rin. Oh well for now problemahin nya san kukunin pambayad ng kotse nya. Kainis lang kasi mga hirit sa akin ng bruhaha na yun
« Last Edit: November 16, 2015, 04:05:02 pm by chicafabulosa »

mindiegirl

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #25 on: November 17, 2015, 04:16:02 pm »
sis mysterioza_me , may family pero nachichika na nga sa office what's the real deal coz of his actions.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #26 on: November 18, 2015, 12:02:40 am »
^^Ang sarap kaya ng sitting pretty lang sa cab at nagmamando sa driver. Try niya kainin yung car niya kung mabubuhay siya

^Baka insecure ang lolo mo kaya idinadaan sa pagdidisplay ng katawan sa fb post niya. I know someone who's like that pero for my private eyes only lang ang pagdidisplay niya ng muscles and abs niya

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #27 on: November 19, 2015, 01:04:12 am »
Yung pinsan namin, ayun, hindi pa rin nagbabayad sa isa pa naming pinsan ng utang niya, pero, she's still ordering stuff sa hk and gives out our cousin's address sa hk. Doon pinadadala kasi walang direct shipping sa Pinas, so since resident na si pinsan sa hk, and ships out orders to Pinas, ayun, nakikipa ship  pa rin, kahit hindi na siya kinakausap ng boss ko.( cousin namin) medyo, leatherette lang ang balat. Hindi makaramdam. Seenzoned na nga sa mga imessage, line, whatsapp, viber, kakao.. Fb messenger, wala! Hindi makaramdam!  Kung maka  post, wow!! Daming datung! Nike flyknit racer, pa wagyu wagyu steaks pa sa fb.  Pa spontaneous trip, acheche! Tapos hindi makabayad sa pagpapaship! ( gusto pa air freight, at ayaw ng sea freight) aim high pinay ah!! Picture ng mga food sa business class.. Tapos may utang pala ng pagka laki laki.

Sila din yun family na manloloko. Si miss Macbook na binebenta ang laptop sa presyong brand new kahit second hand sa sister ko. Tita ko naman, kung makapang regalo, parang walang ka thought thought, kasi bukod sa kadalasan expired, hand me downs, toilettries sa hotel, pinagkalumaang cookware.( na sinasabi pang pwede pa gamitin kahit pang pa kilo na lang sa mga scrap metal ang worth, at 3 kalawang na lang ang di pumipirma para masabing matetetano ka sa sobrang di
na talaga magagamit pa!)  ninakaw pa ang pyrex namin nung nag xmas celebration kami sa bahay nila. Potluck, tapos, ayun.. Nawala yung dala naming pyrex na pinaglagyan  ng dala naming food sa bahay nila. At hindi lang pala kami lang ang nawalan ng gamit. Pati yung family rin ng younger brother  ng pinsan namin.

Eh, sino pa ba kukuha nun? Kami kami lang naman ang andoon, pag sa family ni cousin boss ko ang venue, wala naman nawawalang gamit.  Blessed naman, pero, ewan ko! Tirador ng mga pyrex!  Tapos anak niyang si leatherette na hindi makaramdam na ayaw ng makipag transact sa kanila ng business, dahil mahirap kausap. Ang flashy mag post, lahat ng kasossy han post, yun pala...cant pay!
 
Post post din ng passport with inserted boarding pass.  Hindi na nga binabasa messages niya. Medyo, makiramdam naman sana. Medj, mahina ata ulo. Di gets na  dapat mag settle muna ng past balances bago magpa ship ulit ng orders. And bago mag post ng mga expensive shoes, bags ( LV's,Hermés Birkin, Prada and the likes) pay pay din pag may utang!
« Last Edit: November 19, 2015, 01:25:19 am by hazelbrown_eyes27 »

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #28 on: November 19, 2015, 03:17:25 am »
^sis KhaleesiCersei, ako din never ako nahilig sa mga planner ng sb...at kahit anong planner pa, wala ako nun, sa calendar na galing sa mercury drug ako nagsusulat, tipid eh haha =)

-kanina sa may amin, nag uusap kami ng mga co-parents ko sa daycare, kun saan namin ipapasok un mga anak namin after ng daycare schoolyear...tinanong ako nun isa, sabi ko dun na lang pag aaralin un anak ko sa isang private school malapit samin, one trike away, P1,300 lang kasi kada buwan kako un bayad....sagot naman nun isang nanay, siya daw sa isa pang private school na mas mahal, kasi daw mas ok daw ang turo at catholic school lang...nagkatinginan kami nun isa pang nanay kasi alam naman namin lahat dun na yabang lang un sinabi na un nun co-parent namin kasi pag may ambagan nga sa school ayaw nya magbayad kesyo di nakalabas asawa nya sa taxi at laging may pumupuntang matandang babae sa school at hinahanap siya, un pala kasera nila, hinahanap siya para magbayad na sa upa, kasi alam na sa school siya tumatambay...


mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #29 on: November 19, 2015, 06:04:48 am »
^Mommy ko din sa calendar nakasulat mga reminders/appointments niya. Mga pautang niya naka-notebook lang na mumurahin.

Kaya ayaw ko nagtatambay sa school ng anak ko kasi may mga parents na napapa-smirk or roll-eyes na lang ako pagnagkkwento. Nagpapayabangan sila ng mga gadgets, appliances etc pero ayaw pasalihin mga anak sa extracurricular activities like fieldtrip or film showing kasi may bayad daw. Hinayang na hinayang sila gumastos para sa extra activities na anak din naman nila maggi-gain.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #30 on: November 19, 2015, 08:49:18 am »
Maraming tao hanggang yabang at post lang, pero struggling naman when it comes to paying. Kung hindi mo alam ang totoo,mukhang mayaman. Pero kung alam mo totoo, nakakatawa. Halatang may pina iimpressan or obvious na may kailangan sabayan.( rich friends) ayaw patalo, ayaw maiwan sa uso. Dapat kung ano mayroon ang circle of friends,dapat mayroon din.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #31 on: November 19, 2015, 03:58:53 pm »
Dapat kung ano mayroon ang circle of friends,dapat mayroon din.

True ito.

Yung cp ko nga grabeng pag-ostracized na na-experience sa mga friends ko na naka-latest phones pero dedma lang ako. Bakit di daw ako bumili kaya ko naman? Nasasayangan ako sa pera e haha, feeling ko sobrang hard-earned money siya na hindi worth it ibili ng super mahal na phone. And also I feel safe na mura lang ang phone ko. Magdagdag kasi ng savings ang priority ko ngayon. Pero mapapalitan na din ng maganda cp ko in a few weeks, someone will send me a new iphone. Magkaka-iphone ako ng walang gastos lol.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #32 on: November 19, 2015, 04:31:27 pm »
Yep! Ganyan ngayon mga tao, pabonggahan, kung nag yoyosi kaibigan, dapat mag yosi din, kung umiinom ng black or blue label ang friends, makikisabay.  " pakikisama" daw.. Hahaha! Dapat tanggapin ka kung di ka makakasabay sa kanila, kung hindi naman kaya, wag ng mag pumilit, TH kasi ang dating.:)

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #33 on: November 20, 2015, 01:05:03 am »
sis mysterioza_me, may nangganyan din sakin dati sa previous company ko, although itong medyo beki guy na to ka-close ko naman so di din masyado nakakaasar...ang siste, bago ang CP nya, I remember it was a sony ericsson na maganda at super cool nun panahon na un, while my phone was just a lowly 1100 na Nokia...eh one time nakitext un isa pa namin girl officemate sakin...so give ko un cp ko, this medyo beki friend commented, jusko frennie palitan mo na yang jurassic phone mo noh, tignan mo tong sakin maganda....

sumagot ako, pabiro din, ah phone lang ba? bakit may bahay ka na bang sarili???!!! hahah

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #34 on: November 20, 2015, 02:41:57 am »
^Sis ganyang level lang ang cp ko ngayon haha, hiram ko pa sa dad ko kasi sira na talaga yung jurassic cp ko. Urong-sulong ako sa pagbili or pagkuha ng phone.  Natawa ako sa "friend" ko, nung pinakita ko cp ko sa kanya sabi niya "what the hell is that?What are you doing with your money? You can't even buy a decent a phone. Don't worry I'll just send you a new one." Kuripot na ako kung kuripot pero basta nag-iipon ako, I want a fat bank account. Di lahat ng tao napapasaya ng latest gadgets or appliances kaya tama lang na binara mo kahit pabiro si Beki. For me ang importante di ako nagtitipid sa food.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #35 on: November 20, 2015, 05:20:41 pm »
^ for as long as it works, okay na yun. Kahit luma, kung maserserve naman ang purpose. Makakatawag, makakatext, okay na yun.Tsaka, kung friend talaga turing mo sa tao,  kahit anong phone yan, tatanggapin mo or tatanggapin ka niya.:)  yes, basta hindi tipid sa food:)   Nakakakain ng tama at masarap.:)
« Last Edit: November 20, 2015, 05:24:19 pm by hazelbrown_eyes27 »

chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #36 on: November 20, 2015, 07:03:19 pm »
Haha mga sis ganyan rin ako. Hanggang di pa na oobsolete yung battery naman ng phone ko carry ko pa yun kahit na jurassic na. Nagpalit na lang ako two years ago ng Z1 kasi yung X10 wala na daw na battery na nabibili. So no choice na ako but to buy a new one. But that x10 served me for long time. Kaso kasi every two hours from 100% 40 na lang agad kahit di ko naman ginagamit.

Si Mustang friend, hilig pa nun magpost ng mga pics na kasama nila mga celebrities sa mga parties ng mga friends nya. As in napapaisip ako why would she keep on doing that eh kinakapos na sya. Mas gusto ko like you girls na i have fat bank account kesa show off ako eh la naman pera haha.

Yung si ex childhood friend ko naman may ganun na ere rin. Naka rolex (not sure if genuine) puro LV, pero gosh kinakapos rin ng pang tuition ang anak nya. I dont know why mga tao na ganun. Bakit di nila kaya maging simple na lang and di nangungutang

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #37 on: November 20, 2015, 07:09:55 pm »
Pasali ako sis sa mga hindi nag a upgrade ng phone hahaha. Yun sakin nokia na may flashlight, basag basag na yun case pero gumagana pa naman hehe. Nagkakaron lang din ako ng latest gadget pag may nagbigay haha, mostly close friends or family ko galing. Para sakin kasi ipangtatravel ko na lang yun pera kung gusto ko lang din naman mag splurge or derecho na lang sa banko. Natatawa lang ako sa inlaws na lagi kong topic sa mga gantong usapan hahaha. Kasi naman, inuuna ang mga gadget eh pag mga pangangailangan eh inaasa sa ibang kamaganak. magdadrama at hihingi ng awa para lang may pambayad sa hospital or tuition or bills.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #38 on: November 20, 2015, 07:43:05 pm »
^Sis may flashlight din cp ko hahaha. Ok na to for now, pangtext and call lang naman talaga. Keber kung lowtech ang cp ko atleast laging may load, may friend kasi ako na ginawang status symbol ang iphone. Naka-iphone pero laging walang load, so pangdisplay lang niya ang iphone niya.

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #39 on: November 21, 2015, 01:51:02 am »
mga sis un sakin naman na current jurassic cp ay ZH&K, na nabili ko sa SM North sa halagang tumataginting na 400 pesos hahaa...ang mahalaga kasi sakin eh un nakakapagtext, tawag at may alarm at calculator...may plus pa ito kasi may flashlight din....aanhin ko un magandang phone tapos wala naman ako load, pag tinext mo di ka rereplyan kasi ala load, madami ako kilalang ganun...or naka plan sa network pero di updated payments...


^sis mysterioza_me yan din katwiran ko, kahit ganito ganito lang cp ko, eh sakin pa nga kayo nakikitext at nakikitawag eh ahhaha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close