watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3  (Read 12608 times)

Miss Taken

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #40 on: November 21, 2015, 02:16:37 am »
Parang mas appropriate na title is "mga KAKILALA na puro yabang ang alam" instead of friends ;D

I have an officemate na kapag nakita na may dala akong gamit na bago sa paningin niya eh she would ask me kung san ako nabili then after kong sabihin, ang lagi niyang linya "ahhh meron kasi ako nyan eh kaso *insert reason here*" or "yung mom/tita/pinsan/ ko kasi gusto rin akong bilhan ng ganyan". Hindi naman kami close kasi sa umpisa pa lang lumalayo na ako sa mga ganyang klaseng tao. Yung alam kong masstress lang ako lol

Pero may friend ako na sobrang bait naman pero inborn na ata yung pagiging mayabang/social climber. The good side: dahil sa ugali niyang ganyan, madalas niya kaming ilibre hahaha! So sige pagbigyan na tutal kusa naman niyang sinasabi at ginagawa.

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #41 on: November 21, 2015, 06:34:35 am »
^sis, un nga eh, itong mga colleagues ko dito, mayayabang pero mababait naman, saka funny talaga sila kasama, puro tawanan kami lagi..

pero un nga lang madalas, puro ere

minnie99

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #42 on: January 12, 2016, 02:23:48 pm »
May friend ako panay post ng selfie sa FB (we get it, maganda ka), tapos bawat bibilhin na gadget/shoes/bag, ipo-post din. Kinaiinis ko pa eh nagpabili ng aso na may lahi, tapos para ma-accommodate niya yung aso na yun eh pinamigay yung iba niyang dogs. Wow. Lagi pa siya nagrereklamo na maliit sweldo niya, pero ang totoo, mas maliit sweldo namin sa kanya.

iam_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #43 on: January 12, 2016, 03:26:01 pm »
may officemate akong ganyan halos lahat ng bibilhin nya gadgets, bags, dress, furniture pipicturan pa nya para ipakita sa kin kung san nya binili pati price paki ko ba, feeling ko bumibili sya para ipagyabang sa kin di naman ko na iimpress kasi mas mahal yung mga gamit ko sa kanya  :P

young_maiden

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #44 on: April 30, 2016, 12:29:09 am »
May friend ako na sobrang nagaggalingan sa sarili niya pero ang dami niyang bagsak sa law school. Hehe. Tapos pag nalalaman niyang bagsak siya, para sa kanya kasalanan pa ng prof iyon. Ok lang naman magkaroon ng sama ng loob sa professor pero sana man lang i-assess din niya sarili niya kung kumusta ba performance niya sa klase kaya siya bumagsak. Kaso hindi eh. Puro prof lang ang sinisisi. Hindi inaamin na mali siya. Kaya madami din naiinis sa kanya.

I love her. Friend ko siya kaya tanggap ko na ganun siya. Unfortunately, hindi lahat ng tao kapareho ko mag-isip at may mga tao na judgmental. I hope magbago na siya soon. Mahirap maging successful sa legal profession kung madaming kaaway.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #45 on: April 30, 2016, 01:25:04 am »
yung friend ko na madalas na dumaing about sa pera nag-upgrade ng cellphone recently just because nagsisipag-upgrade ng cellphone yung mga iba naming friends. Nagcash out daw sya and yung remaining balance nakipa-swipe daw siya sa credit card ng friend na. I don't have any issues with people buying latest gadgets but I hate it pagdumaraing sa pera pero paggadgets nagagawan ng paraan

three8one

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #46 on: May 03, 2016, 08:11:20 pm »
may kaibigan ako pag nakita mo mga post nya sa fb page nya puro porma at pa pogi ang alam samantalang yung itsura ng mga anak nya nanlilimahid sa dusing at yung asawa nya kahit baduy makasabay lang sa porma nya. yabang ang inuuna kesa sa pamilya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #47 on: May 19, 2016, 09:11:34 am »
yung friend ko na nagpopost ng "travelgram" and foodtrip niya. Sarap magcommebt na kung yung utang niya nilagyan ko ng interes nakapagtravel na din ako abroad at madami na akong nabili na food ;D ;D

ArnoldBench

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #48 on: May 19, 2016, 11:20:46 am »
@mysterioza_me, haha natawa ko dun nalaglag ko celphone ko :-[

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #49 on: May 19, 2016, 04:30:40 pm »
Yung post ng post ng bar life niya, maldives, US etc.. Pero, yung utang niya di pa nababayaran. Everyday may posts ng Wagyu Steak, Locavore,Shangrila Fort.. Pero yung sinisingil na utang niya pinagpapabukas, hanggang magsawa na yung sumisingil sa kanya. Sana kung gaano siya kasipag kumain sa labas, magpaka sosyal.. Ganun din sana siya kasipag magbayad ng utang niya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #50 on: May 19, 2016, 09:34:49 pm »
^True yan sis, ako nagsawa na lang maningil e.

Miss Taken

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #51 on: May 25, 2016, 11:41:36 pm »
Just recently we had a get together with my elementary/high school friends. Nakakairita lang na yung isa namin kabatch hindi pa rin nagbabago at siya pa rin ang bida lagi sa kwento lol Yung alam mo naman na wala siyang idea sa pinaguusapan pero sasabihin na naexperience or nabili na rin niya. Whatever.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #52 on: June 01, 2016, 05:02:51 pm »
@mysterioza_me- sa katagal mag bayad, nagkaroon na ng anniversary  yung di niya pagkakabayad. Hahahah!!

Pero ang tigas pa rin ng mukha as order pa rin ng order at pinapadala pa rin sa Pinas ( via cargo, where I work) ang mga paninda niya. Kailangan na ata ma tombstone ni Undertaker, para magising sa kanyang panaginip!:)
 
Bakit kaya ganun no? Mas nakakainis pag nakikita mo sa Fb, mga kaprichohan ng tao, pero di makabayad? Tapos makikita mo sa fb, may dalang Blue label, black label.. Etc.. 

Sarap mag comment.. " pa blue blue label ka pa diyan, bayad mo nga sa utang mo, mag dadalawang taon na, Palace pool, Valkyrie gabi gabi., saan mo kinukuha pambayad mo?"

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #53 on: June 04, 2016, 11:32:07 am »
^true sis sarap magcomment talaga pagnagpost sila sa fb ng kayabangan nila kaso iniisip na lang na mas mabuting umiwas sa gulo at di na lang makakaulit sa akin sa susunod.

NiceWife

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #54 on: June 05, 2016, 10:44:11 am »
I have this officemate pero hindi sya mayabang pero grabe ang confidence sa sarili.
To the highest level ang confident nitong girl officemate ko, yung feeling nya ang pretty pretty nya and sexy nya. Hindi ko alam kung tumitingin ba sya sa salamin or sadyang may sira sya sa mata. Hehe

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #55 on: June 07, 2016, 11:46:43 pm »
Sabagay, pero tempting talagang pahiyain no?! Hahaha! Para tablan naman kahit paano ng kahihiyan.. Sana!

Myealexis21

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #56 on: June 26, 2016, 04:36:21 pm »
my hubby deactivated his fb coz he can't take the madness daw hahaha! I still check my fb once in a while pag kelangan ko ng entertainment LOL!  Grabe, pinalala ata ng social media ang kayabangan ng mga tao noh?

Its just crazy how some people would spend money they don't have, to buy things they don't need, to please people they don't even like. SMH.

Nakakalungkot yung malalaman mo na kaya nila na-afford yung ganong lifestyle eh dahil sa utang. 



missyuko

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #57 on: January 10, 2017, 03:17:45 pm »
I have kakilala, relative at so called friend din na ganyan. yung matotolerate mo sana ang kayabangan kaso nilalait kapa. madaming ganyan, pero eto yung pinaka unang naka encounter ako ng pagyayabang na sobra at parang may lait pa sayo..

like yung cellphone ko nun, nung pa uso palang yung QWERTY na keyboard na cellphone at d pa ganu ang android grabe sinabi ba naman sakin nakakahiya daw ako at inilabas ko pa yung antigong cellphone ko pang sa tour habang tuma tawa. kahit na biro yun nakakahiya pa din, may time pa nga na tinago nya yung cellphone ko nun na N70 at kinuntsaba yung iba kong classmates. hirap na hirap ako kakahanap kung nasan yun bago nila inilitaw. were not friends anymore due to a lot of things hindi lang sa pangyayaring iyon. ngayun, member na sya ng choosengen, which I hoped she really changed at hindi kunwa kunwarian lang.

sa facebook naman, madali lang makahanap ng mayayabang yung kakilala mo sa personal pero pagka sa facebook richkid kuno ang porma. sa personal nganga.

yung iba naman nag eemote na wala daw pera pero ipopost sa messanger yung libo nila na naka pamaypay at sasabihin na eto lang pera ko e, or kung ano anong i boboast..

pero hindi naman maiiwasan yun, so all in all I can tolerate MAYABANG/MAHANGIN na hindi ako napeperwisyo kesa MAYABANG/MAHANGIN na hindi mo na nga pinapansin nilalaet kapa

chinkywinky

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #58 on: April 08, 2017, 04:28:15 am »
Ang FB ay venue to show off  ;D
Meron rin may utang sa akin, matagal na. Pero ang post sa FB laging nasa beach  ::)

lonely_dad

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #59 on: April 17, 2017, 07:58:02 am »
ganito yung mga friends ko since college sa viber group namin
palibhasa puro laking mayaman kaya sanay sa luho
di ko lang masabi subukan ninyo magstart sa ibaba hindi yung mamanahin nyo na lang ang negosyo/pera ninyo

 

Latest Stories

Load More Stories
Close