watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3  (Read 12562 times)

FayeP

  • Guest
Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« on: November 02, 2015, 11:29:14 pm »
hi sisses, we can continue it here hehee


below's the link to the previous thread....


http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,262690.0.html

megamabushii

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #1 on: November 02, 2015, 11:43:36 pm »
May kakilala ako, Pilipina siya pero Canadian citizen. Haha, tuwing uuwi ng Pinas, ipagyayabang niya passport niya--ginagamit pa niyang pamaypay. Nga lang, makikitulog lang siya sa kakilala tapos magbabaon pa ng noodles pati biscuit tuwing pupunta siya abroad.

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #2 on: November 03, 2015, 12:02:36 am »
naku sis, from my previous company, may isang group of colleagues na nagpunta sa hongkong..then un isa dun super yabang...sabi nun isang ka-close ko na kasama, all the way daw from manila to HK niyayabangan sila kasi nakarating na un girl na un sa HR unlike them na first time...pagdating sa HK, nagkulang ang pera ni girl kasi namiscalculate daw un budget, so she ended up eating noodles nun last day na nila sa HK...kasi un mga kasama niya eh sakto na lang din ang budget...


hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #3 on: November 03, 2015, 09:56:34 pm »
Omg! just found out yung cousin namin na ayaw patalo when it comes to travel, laging gusto " spontaneous" ang trip, and kapag nagpupunta kami, after a month, siya pupunta din doon sa place na yun.Hindi na pinapansin ng cousin naming isa. Lakas mag order daw ng pabili ( pambenta) pero when it comes to payment na ng mga orders niya sa hk, ang kunat kunat na. " sige, pag balik ko babayaran kita" na lang. Kaya ka hindi na pinapansin eh!
Seen zoned ka na.

Pero mga pics sa fb! Lahat ng kasosyalan!
Bar every night, pati susi ng condominium, naka paskil.  Going to US, and mga Euro trip plans naka post. Pero ang magbayad sa utang. Di makabayad bayad. Post pa ng passport and boarding pass, isama pa paa mo na naka flyknit ng nike, rimowan luggage. Alala ko, same cousin ang nagbenta sa ate ko ng laptop na second hand, pero priced as BRAND NEW! Kung hindi pa kami nag canvass, at nag consult sa isang cousin namin, hindi pa namin malalaman na sa kanya niya kinuha yung 2nd hand laptop na binebenta nila sa amin.  Grabe! Kaya mahirap din mag tiwala sa kamag anak. Kaya pala yumayaman, sa panloloko galing ang yaman.Kaya ako, I will never buy anything from her. Bili na lang ako sa iba. ( direct na lang sa store)

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #4 on: November 06, 2015, 05:40:40 am »
^wow sis, kamag-anak mo na nga't lahat ganun pa ginawa, naloko ka pa...

the gay colleague that I have mentioned before sa mga naunang post, sabi kanina, girl inemail ako ng sterling bank and they are offering me a loan na 150K...kako san mo gagamitin, iniisip ko nga eh kun kukunin ko ba or what...I said kun di mo gagamitin, wag mo kunin...kasi malaki din ang monthly nun...

sabi nya iniisip daw kasi nya if pwede siya magpalawan nun or mag davao vacation...sabi nun isa namin colleague, bakit ang laki naman ng loanable amount, first loan mo lang ba? sagot ni gay colleague, di pa ako nakakuha sa kanila, di ko nga alam bakit bigla nila ako oofferan eh, iba talaga pag may good credit standing!

taray!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #5 on: November 06, 2015, 06:21:15 am »
^^buti sis walang nagco-comment sa status niya na try naman kaya niya na magbayad ng utang bago makipagsosyalan.

^hehe siya na may good credit standing, keep up the good work

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #6 on: November 06, 2015, 12:18:04 pm »
Sis FayeP

Oo nga sis, tsk! Very disappointed kami sa kanya. Kami naman in good faith kumuha sa kanya, knowing kamag anak naman at hindi naman kami lolokohin. Nakausap ko asawa ng cousin ko. Binentahan din sila kasi ng van, ayun, sakit sa ulo yung van. Tinirik pa sila somewhere! ( Dad ng cousin namin nagbenta) panloloko truly runs in the blood ah! ( Bumi BINAY lang!)  yun pala ang daming dapat pagawa sa sasakyan nung binenta. Sayang pera.

Sis Mysterioza_ me

Ay! Yung kung saan ako nag wowork for ( sa cousin ko sa hk) deadma Mc Deadmapants na yung pinsan namin na yun sa kanya. Actually, First cousins silang 2, than us..2nd degree na kasi kami.  Lakas daw pabili ng mga pambenta, at pag nireremind na niya sa payments, " ay, remind me pag balik ko" kaya naiinis yung boss cousin ko, kasi nakikita niya mga " kasosyalang lifestyle" pa LA, LA.. Ipopost pa na gusto mag Juneau sa Alaska, post ng mga purchases,mga Palace pool, Valkyrie.. Blue Label, Black Label, etc! Tapos, siya hindi mabayaran. Kaya napagod na siya kasisingil at di na niya siningil ang balance, pero, hindi na rin niya kinausap pa. mga 3 years and counting na niya sinee seenzone. Hindi na niya binabasa messages para kunyari, di nabasa. Makikita niya notifications yung flash messages, but, di na niya binabasa whole message. Kasi pabili na naman yun for sure! Tapos, popost sa fb at ig, para sikat sa mga friends! May binebenta siyang iphone6, ay! Ayoko bumili sa kanya, baka magoyo ako!
« Last Edit: November 06, 2015, 05:42:17 pm by hazelbrown_eyes27 »

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #7 on: November 10, 2015, 02:16:34 am »
^sis, iba talaga no naturingang kamag anak lolokohin ka pa, dapat dyan itinatakwil na hehe madami na pala sila victims sa family nyo....

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #8 on: November 10, 2015, 11:11:02 pm »
^ korek! Mahirap talaga, may history na kasi ng panloloko.  Just yesterday, may flyknit racer tranquil naman nakapost, pero yung utang niya sa cousin namin, mag iisang taon na ata. Pending pa rin ang status. Magaling lang sa pag sho show off ng mga purchases. Tapos yung kapatid ng pinsan namin nagsabi " mahirap ka transact sila Tito" alam na! gulangan talaga ang laro nila. Kung sa amin nagagawa, sa ibang tao pa kaya!  Pati LV bag na, may stain sa loob at wala ng padlock, halos, BN ang presyo. ( Brand New) 

Yung Tita naman namin doon, ewan din mag bigay ng gift. Mommy ng cousin and asawa ng uncle  namin. Omg!! Parang nakakainsulto pag nag bigay. ( toiletries ng hotel) shampoo, conditioner paano namin alam? Kasi may Marriott's hotel pa ang mga shampoo! Juice colored!
Blessed naman, pero.. Ang BANO!!  Pag makikita mo, Hermes, Prada etc ang bag. Pag sa gifts.. Nakakainsult talaga. Brothers ko, received a clearasil facial wash.. Expired.. 3 years ago!
 

sensi

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #9 on: November 11, 2015, 04:37:23 am »
wala na akong friends na ganito...kasi i let go of them...i dont need to keep  them in my life kasi i dont need people like them;)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #10 on: November 11, 2015, 03:52:01 pm »
^kung stressful din lang naman so-called friends mo di bale na lang talaga na wala kang friends

sensi

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #11 on: November 12, 2015, 06:43:23 am »
^tama ka dyan sis;).... sa pinas am happy to know na marami parin akong matatawag na trusted friends...
but here in rwanda, kahit may filipino community dito, maingat ako...i can say isa or dalawa lang pinay ko na matatawag na friends..yung iba hi hello ko lang...i dont want to get close to people lalo ng am doubting them...
and kahit dalawa lang masasabi kong tunay na friends ko dito, i dont get bored...infact, pag busy kami, nagkikita lang kami once in two weeks or sometimes once a month...gandan ng feeling na excited palagi kami pag nagkikita hehe

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #12 on: November 13, 2015, 04:45:59 am »
^hehe ako talaga lapitin kasi ako ng mga ganito, di ko naman maiwan iwan naawa kasi ako...heheh saka kasi lagi ako nakikinig dahil ayoko mapahiya na parang walang nakikinig sa kanila so sige sakay na lang ako ng sakay kahit bangka sila ng bangka...


saka tong mga kinukwento ko sa inyo, mga office friends ko to so no choice ako, sila talaga kasama ko araw-araw kasi kateam ko sila...pero they're nice folks naman, fun sila kasama, tawanan kami lagi dito sa office kaya di gano stressful, madalas nga lang eh ayun, di kasi maiwasan na di magkakwentuhan tungkol sa mga kun ano-ano kaya nauuwi sa yabangan...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #13 on: November 13, 2015, 05:50:28 am »
^^Ang mom ko talaga ang advice sa mga siblings ko mag-ingat sa mga Pinoy na nakakasalamuha abroad, lalong-lalo na sa sister ko who is married to a foreigner. Karamihan daw kasi ng Pinoy abroad personal gain ang iniisip at walang pakialam kahit makasagasa sila ng kababayan nila.

^I had an stressful friend/officemate before na mahilig magkwento ng away nila ng hubby niya. So today galit sila at isumpa niya hubby niya na mamatay na then tomorrow bati na sila. Tapos uulit lang yung ganung cycle. Nakakasawa at nakaka-nega vibes ang kwento niya. Sinabihan ko siya na reklamo siya ng reklamo sa asawa niya di naman niya maiwan. Kung pagtitiisan niya, pagtiisan niya ng tahimik wag siyang magrereklamo kasi ginusto niya yun. Kung iiwan niya, iwan niya na para wala siyang inirereklamo. Ayun di na nagkwento sa kin uli.

mindiegirl

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #14 on: November 13, 2015, 02:02:34 pm »
^sis, ganyan ganyan yung friend ko sa bf naman nya. Di nya din maiwan pero puro reklamo. Same na same sa advice mo yung sinabi ko. Na stress kasi ako sa kulit nya.  ::) naguilty din ako after para kasing ang harsh ko. hehe

Meron akong officemate na uber yabang. Not the ordinary officemate (kasi boss sya, haha). Super vain talaga, everyday selfie (post agad sa fb), lalaki to ah. Lahat ng binili nya naka post sa fb (with price ah and brand), lahat ng puntahan nya, pati gym nya, with matching flexed muscle. Haaay grabe madami pa. In-add nya kaming lahat sa FB sa company. Nag unfollow na ko, nakakaumay eh.  :-[

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #15 on: November 13, 2015, 10:41:40 pm »
^sis mindiegirl, umay talaga un sis...lalo na pag nagpost siya ng gamit nyang branded eh kasama pa kamo pagmumukha at biceps nya hahah...

just now, nag uusap about sa planners ng starbucks...un isa un si beki colleague, kada taon daw nakaka 6 or 7 planners siya, last year lang daw nya inistop mag collect...kako bakit ka nagko collect nun, sinusulatan mo ba? hindi daw, kako eh para ano? kasi daw sosyal tignan pag may ganun...nyosko kababaw!

chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #16 on: November 14, 2015, 08:54:04 am »
Sis FayeP, so jologs naman ng rason ng beki na officemate mo  ;D. No offense meant, i dont see why everybody goes ga** over starbucks planner. I dont use it na nga kasi i got my smartphone and ipad to save all possible meetings and reminders eh.

Just now, this friend of mine would always post na naka mustang na kotse sya, kain dito, kain dun. Inom, gimmick then yesterday natawa ako she was selling me her diamond bracelet kasi kulang daw pambayad nya sa mustang nya. And i was like, di ba twice ka nag Japan this year sana nakaipon ka ng pang amort. Then she said, its very important she travels daw twice a year abroad with her "friends". Then i told her im not into diamonds which is true. Bigla sabi sa akin ang damot damot ko daw. Napaisip ako mga sis, madamot na if i told her im not into diamonds LOL. Plus it wasnt my fault na wala syang pambayad and she wants to keep up with the joneses. My goodness  :-\ :o

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #17 on: November 14, 2015, 12:01:48 pm »
True sis, ang jologs at social climber ng reason ng beki na yun hehe. I dont get the fuss over the sb planner either, altho i collect stickers pero kasi dahil adik ako sa peppermint mocha. Actually tuwing xmas season lang ako madalas mag starbux dahil sa peppermint mocha na yan hehe, the rest of the year eh 3in1 lang ok na ko. And yun planner eh pinangreregalo ko na lang kasi hindi naman ako mahilig.

 Meron ako kakilala sa fb, sa sobrang kayabangan eh nagsisinungaling na sa sarili nya haha. Pati kind of work eh pinagsisinungaling pa, super post ng naka get up sya with luggage tapos ang hashtag eh FA, sorry for being pintasera pero hindi sya papasa for fa, wala syang height at face value hehe. Ngayon naman nakalagay manager daw sya ng banko. Pero ang totoo nyang trabaho eh sa pldt hahaha. Hindi ko magets bakit kelangan nya magsinungaling. Post ng post ng kung ano anong pagka social climber nya, Tapos asawa nya eh driver.

shygirlme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #18 on: November 14, 2015, 12:54:33 pm »
May friend ako nagpost sa FB. Ayaw na daw nya bumili nung bet nyang sapatos kasi ang daming fake.nakakaasar daw. Then I saw meron syang fake na LC at Birks. Oh. Ok. Hehe

mindiegirl

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam...Thread 3
« Reply #19 on: November 14, 2015, 06:51:51 pm »
Sis FayeP!!! Korek na korek ka! Ganun na ganon posts nya. Hahaha!

Hala sis chicafabulosa, isisi pa talaga sayo ang poor choices nya??? Kalowka.

Hay mga sis, kaya minsan yung ibang happy happy mga posts sa fb, sad naman pala in real life!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close