I guess I should be thankful na nung ligawan ako ng husband ko eh mataba na talaga ako, then when he asked me to marry him eh talagang ang taba taba ko. Kaya bago kami kinasal, binibiro siya ng mommy ko na "oh, ginusto mong asawahin ang anak ko kahit mataba, eh baka naman ipagpapalit mo lang sa sexy eh humanda ka sa akin". LOL
Noong dalaga ako, mga 220 lbs. ako, then nung nagkaanak kami ng dalawa, naging 240 lbs. ako, kaso dahil tumatanda na din ako (I am 35), I decided na magbawas ng kain especially sa rice).
So now, I am down to 183 lbs., mataba pa din pero considering my previous weight eh talagang pumayat na ako ng lagay na to. Haha
Dati, nakakapag joke din ang husband ko sa akin na medyo nasasaktan ako, pero after 12 years of being married, nasanay na din ako ibalik yung joke, like ganito:
Husband: Nay, ang lakas mo kumain, ang taba taba mo na!
Me: sus, pagkatapos kitang bigyan ng dalawang magagandang mga anak!!
Tapos magtatawanan kami hahaha.
Tama ang mga sis natin, dapat ikaw mismo eh masaya sa katawan mo, bago ka mag expect sa iba.
Saka, ang lalaki naman kung talagang mahal ka at loyal sayo eh wala sa katawan yan sis.. Naku tignan mo na nga lang si Sunshine Cruz, ang sexy sexy eh iniwan pa din ni Cesar Montano at pinagpalit sa iba.
Bawiin mo na lang sa ibang bagay sis, like sweet and caring wife ka, kahit mataba, oh diba.