watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**  (Read 67899 times)

momlory

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #320 on: February 09, 2016, 11:24:21 am »
3 days it:
day 1: disneyland, temple night market
day 2: nong ping 360, city gate outlet hongkong museum, symphony of lights, clock tower, mongkok
day 3: nanlian, 10,000 buddha, shatin park, kowloon park

we will be staying in tsim sha tiu.

kaya po ba itong iteninary namin? Thanks po!

witch_goddess

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #321 on: February 10, 2016, 06:17:20 am »
^sis momlory: Close po ang HK Museum then yung symphony of lights nila para sa akin not worth it to watch.  Disappointed talaga ako after watching it kasi naghintay kami ng ilang hours tapos yun lang yun? Maganda pa yung sa SG na light show. Lol

YaZiLove

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #322 on: February 10, 2016, 10:47:47 am »
Hi guys!
Accommodation stage pa lang ako... 1st timer too with family.
question lang, 5 kami: me and hub + 3 kids, ages 7, 9 & 11.
i was wondering kung pwede or mahigpit ang mga guesthouses (like Taisan which im currently eyeing- di pa din sagot un minessage ko via web), sa youngest ko na 7yrs old. carry ba i-free?

also with mini-hotels (eyeing mini hotel central), i tried mag-book usually for 2 lang ang rooms... parang too much naman kung magti-3 rooms kami considering naman na maliliit pa un 3, we could actually fit in a room with 2 double beds. ok din naman kung 2 rooms, kaso that's for 4 guests only, e i have nga our bunso...

what's your experience on this?

thanks for answering.

momlory

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #323 on: February 10, 2016, 11:20:12 am »
^sis momlory: Close po ang HK Museum then yung symphony of lights nila para sa akin not worth it to watch.  Disappointed talaga ako after watching it kasi naghintay kami ng ilang hours tapos yun lang yun? Maganda pa yung sa SG na light show. Lol

thank you sis. kung ito nalang na iteninary for
day2:
nong ping 360, city gate outlet, hongkong museum, clock tower, ferry to  the peak, mongkok

mas ok ba to sis?

_pink12_

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #324 on: February 10, 2016, 12:51:32 pm »
^^sis Yazilove, sa Taisan and most guesthouses, counted talaga sa no. of persons yung mga kids lalo na sa age ng kids mo. Maliliit din kasi mga guesthouses sa HK kaya para comfortable kayo sa bed, I suggest get a quadruple room, or family room. A room with 2 double beds pwede na nga.

Sa hotels, usually 2 kids are free eh, depende lang sa age limit na set ng hotel. Pag sa hotels, hindi sila strict sa no. of persons, kaya pwede mag sneak in. Just the same choose a room with at least 2 double beds.

Yung mga Mini Hotels sis, glass yung partition nila sa CR di ba? Parang di ok if with kids :D. Try to look at some hotels in Yau Ma Tei area or Hotel Benito sa TST.

vuzhia

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #325 on: February 10, 2016, 03:15:06 pm »
Eto na pong trip report namin. Enjoy sa haba pero very informative, ahaha!

Day 1 – January 18, 2015 (Monday) – Arrival 9:20 AM

Bili na kami Octopus Card sa Airport. May transfer service kami kaya direstso na sa Hotel Benito and iniwan ang luggage. Lakad kaunti kita na agad namin ang Golden Crown (5th floor) kinuha ko yung pina reserve kong mga tickets & bumili SIM. Punta kami sa CKE Shopping Mall malapit sa Mirador Mansion, tumaas kami then kain sa Café de Coral, yummy ng foods sarap din ng hot milk tea.
Naglakad lakad kami sa Nathan Road, nakita agad naming yung HK Space Museum kaso sarado kaya hindi na kami nakapasok sa loob, photo ops na lang sa labas saka dun sa gilid nya na may mga kakaibang upuan. Pabalik money exchange kami sa Mirador Mansion.

Ask ko si hubby kung gusto na nya magpunta kami sa Ngong Ping 360 kase kako pag sa Wednesday pa baka maulan, nung sinabi kong 40 minutes yung ride (one way) sa MTR huwag na lang daw muna kase pinakikiramdaman nya daw tyan nya, sa malapit lang daw kami kaya nag grocery na lang kami sa Wellcome (Kimberley Road) bumili ng bottled water, cup noodles, tinapay, chips & cherry! Kaya nakita ko yung Prizemart sa Kimberley Road.

Balik na kami sa Hotel Benito & Check-In.

Pahinga muna kami sa hotel then punta na kaming Mongkok Exit E 2 - Sneakers Street (inuna na namin ito dahil dito excited si hubby). Nakabili sya rubber shoes pasalubong sa brother nya yung para sa kanya nag iisip pa kase same price din rind aw sa Pinas yung Kobe XI (ewan ko ba kung ano meron sa sapatos na ito, pricey sya ha! kaya brainwash ko pa si hubby na huwag muna bumili). Balik na sa hotel,  nung malapit ng mag 8 pm niyakag ko na si hubby sa Victoria Harbour, watch ng Symphony of Lights nag enjoy naman kami pa picture at na appreciate din naman ni hubby ang SOL, muntik pa na hindi ko sya dalhin dun kase nga baka hindi nya magustuhan, punta na kami sa Star Ferry Harbour Tour para sa 8:55 pm tour, enjoy din kami ni hubby relax lang sa ferry.

Dinner kami sa Yoshinoya malapit lang sa Hotel Benito.

Day 2 – January 19, 2015 (Tuesday)

Maaga ako nagising. Baka namamahay or baka takot akong tanghaliin papuntang Disneyland. Wala namang ulan sa day na ito.

Breakfast sa Mcdo (malapit rin lang sa Hotel Benito). 9 am ata pasakay na kaming MTR diretso ng DL, madami ng tao kahit hindi pa bukas, photo ops sa labas then pagpasok nag Fast Pass agad ako sa Space Mountain, nuod ng mga shows. Hindi na kami nakapag antay sa Parade na pang gabi kase na bored na si hubby at giniginaw na daw, haaay! KJ ng mister ko. Light dinner kami sa Charlie Brown Café (same street lang ng hotel).

Pabalik sa paglalakad nakita namin yung Easton Luggage Co. malapit na sa Hotel Benito nakabili kami malaking luggage Polo Sport/Ralph Lauren ba yung brand, basta last piece na daw yun nakuha namin ng HKD1,158, hindi ko sure kung nakamura kami kase parang lumalabas from 50% off half price pa ulit, ahaha! Wala ako idea sa price sa mga malls sa Pinas kaya napabili na lang kami kase need talaga namin. Pero sobra laki na nya and sinindihan pa nya ng lighter yung labas hindi nasunog.
Day 3 – January 20, 2015 (Wednesday)

Bumili lang ako ng mga tinapay sa ibaba ng hotel, parang pang Breadtalk yung mga tinapay nila, yun ang breakfast namin at coffee (7:30 am pa nagbukas) sarap ng egg tart nila. 9 am again MTR na kami papuntang Ngong Ping 360, Tung Chung Exit B, maaga kami nakarating dun then may kaunting pila na sa ticket counter, yun palang dala ko from Golden Crown ay hindi pa official ticket need pa pumila ulit pero mabilis naman since paid na yung voucher namin, hahanapin passport sa NP 360.
Crystal Cabin sinakyan naming paakyat sa NP, enjoy kami dito buti na lang hindi naman foggy nung paakyat kami kaya kita pang view. Lunch kami sa village then photo ops ulit, medyo maambon na kaya hindi na kami lumapit sa Buddha, pababa namin Crystal Cabin ulit pero kaming 2 lang ni hubby ang sakay, eto medyo foggy & windy na kaya ramdam naming uga sa cable car.
Ikot kami sa Citygate Outlet, fan talaga ako ng Giordano kase maganda fit ng pants nila sa akin kaya mega bili ako, sa The Body Shop outlet merong HKD59/10 pcs na small bottle ng body wash, eto binili ko pang pasalubong sa mga officemate ko. May nabili akong shoes para sa toddler ko Kingkow (Europe brand ata ito) last piece na kaya nakuha ko ng HKD119. Sa Crocs talaga ako nakasulit kase naka buy2take1 sila, kaya lumalabas ng 700 per pc lang yung sandal na binili ko para sa baby boy ko, binilhan ko na sya ng mga sunod-sunod na size nya, ahaha!

Hindi na ako nagtingin sa mga Coach, Kate Spade at kahit alam kong mura sila compare dito sa Pinas mahal pa rin para sa akin yun, ahaha!

From Tung Chung baba kami Hong Kong Station lakad papuntang Central Station EXIT B. Right behind Worldwide  House (Des Vouex Road Central) is the stop for the Ding Ding Tram. Ride  the trams marked North Point or Shau Kei Wan to reach Causeway Bay. Akala ko malapit lang Causeway Bay kaya tingin ako ng tingin sa bababaaan medyo mahaba rin palang Ding Ding ride ito, pagbaba namin Causeway Bay naghanap lang kami CR then MTR na ulit from Admiralty to TST kase medyo maambon na then ayaw ni hubby mag ikot sa Causeway Bay para daw masyadong madaming tao & masikip ahaha! Buti na experience ko na rin ang Ding Ding.

Ikot na kami sa TST kase nga hindi makapag decide si hubby kung ano bibilhin nya. Ako dumaan sa Koi Kei Bakery (Hankow Rd.) for pasalubong. Medyo madami box nabili ko kaya puno rin yung bagong luggage na binili namin.

Day 4 – January 21, 2015 (Thursday) – last day departure: 7:30 PM

Medyo kulimlim na sa umaga. 9:30 am MTR ulit kami baba sa Central Station Exit J2, lakad papuntang The Tram Station, wahoo! ang aga namin kaya walang pila sa Tram, ahaha! Yun lang super foggy na pagtaas namin sa The Peak kaya wala na talaga makita kaya photo ops na lang sa Madame Tussauds, dun sa The Peak Galleria ata may nabiling Sperry Top Sider shoes si hubby na super sale, nung nasa MTR na kami pabalik sa TST maaga pa naman ask ko si hubby kung gusto ulit bumalik sa Sneakers St., oo daw bili pa sya isang rubber shoes haaay! Boys at ang kanilang shoes, buti ordinary adidas na lang ang nabili at hindi na yung Kobe ever na yun.

Balik na kami sa hotel para mag ayos ng gamit, nung medyo may time pa kami ikot muna kami ulit sa TST bumili pa ako pasalubong sa mama & mother-in-law ko.
Nung medyo pahapon na balik na sa hotel for check-out, kumain ulit kami sa airport kase nag bruch lang kami sa The Peak, yung gate namin sa HKIA malayo siguro kaya sumakay pa muna kami sa airport bus bago makapag boarding. Delayed Cebupac kaya gabi na talaga kami nakauwi.

Scenario:
Relax mode lang po yung itinerary namin, kaya hindi na kami nag Macau or OP, kase nga bakasyon talaga ang habol namin sa pagpunta sa HK, ayaw naman namin na kaya kami ng time-out sa trabaho eh para lang ma stress at masobrang pagod sa HK, hehe!

Tips:
1. Sabi ni hubby, OO daw madaming rubber shoes sa Sneakers Street, pero pare-pareho lang lahat ng tinda, pag mga last piece at size na yup makakamura naman daw, pero yung mga bago at magagandang desin mas makikita sa TST area, yung iba daw na nakita nya sa Sneakers St. same price din sa TST.
2. Hanggat maari pag-aralan na talaga yung diskarte nyo pagdating sa DL, unahin nyo talaga mga priorities na show at rides kase pag andun na hindi nyo na alam talaga kung saan susuot lalo at first timer
3. Tulad nga ng sinabi ko may allergy sa pila ang mister ko kaya talagang umaga namin tinapos yung mga lugar na alam kong mapila
4. Yung mga mahihilig sa skin care products/cosmetics na kagaya ko, heaven ang HK. Nag try kase ako ng mga Korean products from Innisfree, Etude House makikita nyo mga yan sa SASA at Bonjour kase mag South Korea naman kami sa June kaya nag try na ako para alam ko hoard pagdating sa SK.

Regrets:
1. Hindi ko man lang napasok ang mga Museums, siguro kase medyo nag ambon na nung 2 last days namin, pati Kowloon Park hindi ko man lang nasilip eh tawid kalsada lang sya mula sa Hotel Benito.
3. Magastos kami sa food kase kung saan abutan ng gutom dun kakain, spoiled brat hubby ko…wahaha!
2. Hindi ko na talaga alam kung mura yung nabibili kong items tulad ng luggage at pants sa Giordano, kaya kung may time mag canvass muna dito sa Pinas at baka mas makakamura pa tayo dito pag nataon na Sale sa SM…wahaha!
Babalik ba kami sa HK???

Siguro naman basta mabigyan ng pagkakataon at Seat Sale sa Cebupac, siguro antayin ko muna lumaki-laki 2 year old boy ko para sa Disneyland Hotel na kami mag stay at 2 days kami sa DL, yung next HK trip para naman sa kanya. Enjoy HK! Lipat na ako sa South Korea thread.

momlory

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #326 on: February 10, 2016, 04:46:23 pm »
^sis kaya ba in one day. Nongping 360, mongkok, ferry to central, the peak , ding tram

mag bus lang kmi going to the peak bus 15 yun. Mahal kasi yung peak tram. Kung hindi na kaya ng oras kahit skip namin ang the peak. Mag ding tram lang kami.

Pano mag ding tram from central?

mharickar

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #327 on: February 10, 2016, 10:08:47 pm »
2nd day na namin sa hk at super lamig!! As in.. bumili pa kami ng jacket sa citygate.. hehe.. mas malamig pa sa labas kesa sa loob ng mall or restau.. so far eto lang yung napuntahan namin,

1st day
*The peak
(sana, kaya lang super haba ng pila kaya nag picture lang..)
*Ngong ping 360
(almost 1.5 hrs ang pinila namin, for the sake lang ng cable car, nag tyaga.. hehe.. before or past 5 kami dumating then past 6 nakapila na ulit para pabalik, daming tao din.. super lamig dito, panalo talaga.. ganun din almost 1hr ang pila pa cable car)
*city gate
Past 7 na kami nakadating so daming people na, di na kami nag dinner kasi nag snack na sa ngong ping village, ikot ikot lang at bumili ng jacket.. hehe

2nd day
*ocean park
By 9.30 andun na kami sa park, malamig at madaming tao.. nag ocean express kami pa-summit then cable car pabalik.. sulit naman, 4pm na kami umuwi,.
*mongkok
Tamang shopping lang, wala masyadong tao sa ladies market..

So bukas, 9pm pa naman ang departure namin, tst lang and sulitin ang 12nn check out sa hotel.. ☺☺☺

Overall, super lamig po.. hehe
« Last Edit: February 10, 2016, 10:10:56 pm by mharickar »

witch_goddess

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #328 on: February 11, 2016, 12:03:03 am »
thank you sis. kung ito nalang na iteninary for
day2:
nong ping 360, city gate outlet, hongkong museum, clock tower, ferry to  the peak, mongkok

mas ok ba to sis?
sis I am not familiar with NP 360 at City Gate Outlet  kasi hindi kami nagpunta doon.  Pero yang clock tower it is just around HK Museum.  Pero yun nga close sila until 2018 (?).




neneng_bee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #329 on: February 11, 2016, 01:10:01 am »
@ Momlory, San ka nag-stay? if TST pwede mo na unahin ang Hong Kong Museum, Ave of Star at Clock Tower  kasi magkakalapit lang sila at walking distance lang ito if sa TST na nag-stay after mo mag AOS at HK Museum proceed kana sa NP360 since madadaan mo na City Gate bago mag NP360 nasa Tung Chung Station ito pag mag MTR ka.

vuzhia

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #330 on: February 11, 2016, 08:09:07 am »
^sis kaya ba in one day. Nongping 360, mongkok, ferry to central, the peak , ding tram

mag bus lang kmi going to the peak bus 15 yun. Mahal kasi yung peak tram. Kung hindi na kaya ng oras kahit skip namin ang the peak. Mag ding tram lang kami.

Pano mag ding tram from central?

san kayo naka stay sis?

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #331 on: February 11, 2016, 09:08:10 am »
gusto ko ding ma-experience yang ding ding tram. from TST saan kaya ok na pasyalan na malapit lang? hehe gusto ko lang kasi talaga sumakay non. halos napuntahan ko na kasi mga tourist spot sa ilang beses na pabalik-balik don except sa 10,000 buddha :)

momlory

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #332 on: February 12, 2016, 10:21:25 am »
papuntang the peak mag bus lang kmi roundtrip ni hubby. Meron bang way na libre ang view sa hongkong skyline bandang the peak?

Another question may possiblity ba na mapostpone yung cable cars tapos pwede pa bang gamitin on the next day yung ticket?

Thanks,

ito po yung pwede tours gamit ang ding tram @sis rocky pili kanalang.

https://hktramways.com/en/explore-along-tram-tracks/

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #333 on: February 12, 2016, 04:33:20 pm »
^salamat sa link sis. yong bus pababa nakakatakot hehe ang bilis tapos pa-zigzag ;D

ampere

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #334 on: February 14, 2016, 03:01:54 pm »
^check if your airline is eligible for in-town checkin. We did this bight before our flight and we were able to squeeze in last minute sightseeing hours before we fly out HK

http://www.mtr.com.hk/en/customer/services/complom_checkin.html


http://www.mtr.com.hk/en/customer/services/checkin_info.html


thanks for the info about in-town check in sis! my friend and I used this service, my friend had to go back to SG last Feb 10 since 7PM pa flight nya she was able to go with us in The Peak.

ideal lang ang 5 days stay sa HK at least hindi ngaragan ang pamamasyal, on our first day since 2PM na kami nakarating sa GC to check in we just went to Mongkok market, buti na lang hindi nataon yung riot nung magpunta kami.

on our second day we went to Macau na mas naenjoy ko and im planning to go back there kasi madami pa daw kaming di napuntahan according to our ate tour guide na pinay tsaka na-lowbat kasi ang camera ko i was not able to take good pictures of the structures and market place :'(  we went to Galaxy, Venetian Macao na nagpa member pa kami sa casino to have a souvenir ID  ;D ,  St Paul Cathedral Ruins at sa Rua de Sao Paulo area andaming tao siksikan.

3rd day is Dsineyland which is pambata talaga except for the Big Grizzly Mountain Runaway Mine Cars rollercoaster which i was tricked into riding by my friends and they did the same thing to me in USS's The Mummy  >:(  lesson learned next time magbasa muna kung ano ang pinipilahan :P  i enjoyed taking pictures more lalo na nung parade. hindi na namin hinintay ang fireworks display kasi for sure madaming tao na ang magsisiksikan pag-uwi after that.

4th day we went to Hong Kong station first to check in my friend's luggage since she has to fly back to SG by 7PM then punta na kami sa The Peak sumakay kami sa Tram andaming tao ang haba ng pila, pagdating dun madam Tussauds na after that Sky Terrace. kahit balikan yung ticket namin sa Tram hindi na namin ginamit yung pabalik kasi ang haba ulet ng pila so nag bus na lang kami going to Central. Ang mahirap sa HK walang CR ang MTR stations nila sa kakahanap namin nakita namin si Jollibee kaya dun na kami nananghalian tapos hinatid na namin si friend sa airport express and my other friend and I went back to GC pero bumalik din agad kami ng Central park to meet some friends tapos yun take pictures.

5th day we went to sky100 medyo foggy kaya di muna kami umakyat sabi kung gusto namin bumalik na lang daw kami, so nagdecide kami na mag ngong ping na lang muna pero nung nasa citygate kami napansin ng friend ko na wala ang iphone nya naiwan nya sa CR sa Elements mall sa kowloon so balik ulet kami we went to the CR but the cubicle was locked so pinuntahan namin ang information desk buti na lang ni turn over sa kanila nung nakapulot. since andun na lang din ulet kami nagdecide na alng kaming umakyat sa sky 100 kesa bumalik ulet kami. Ngong Ping after crystal cabin sinakyan namin, im afraid of heights mas natatakot ako pag paharap ang upo ko at nakikita yung pataas at pababa na pupuntahan nung cable car pagdating dun anlayo pala nung Buddha di na namin nilakad nagpicture na lang kami tapos yung balik na ulet since late na din naman. we went to Citygate outlet after Ngong Ping 360 pero same lang pala ang prices sa SG outlet stores mas mura pa ang shoes near our office na laging may sale so hindi na lang din kami bumili.

6th day my friend and I headed early sa HK station i checked-in my luggage and we boarded airport express my friend's flight to PH was 10AM ako 7PM pa flight ko going back to SG so i stayed at the airport na lang wala na akong gana mamasyal since mag isa na lang din ako, manood sana ako ng sine sa terminal 2 kaya lang di ko bet ang palabas.


ang napansin ko lang mas masungit pa pala mga servers sa fastfoods nila sa HK kesa sa SG, super malamig kapag pagabi na at sa umaga pero during daytime keri naman parang Baguio weather ok na ang jacket at scarf  :)


ezonme

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #335 on: February 14, 2016, 06:36:32 pm »
last I went to HK was in 2014 and I now lost the white stub that the HK immigration gave me, will that be a problem since I'm going back in March? Nung 2014 kasi nung pauwi na kami manila hinanap nung HK immigration sa friend ko yung stub niya.

pinkat

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #336 on: February 14, 2016, 07:15:42 pm »
San mas okay na area mag stay? TST or Mongkok? Want sana namin is yung area na may cotton on, nike, adiddas, forever 21 etc. and siempre yung may okay na mapuntahan sa gabi. TIA

omneecka

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #337 on: February 14, 2016, 10:36:47 pm »
@momlory - yes sis, may area sa ibaba ng the peak building, bale if u r facing the building, sa right side sa may mall (likod or side yata) is may maliit na daan (parang 1 car kasya) na paakyat then may mga nagtitinda ng paintings sa sidewalk tas sa right side may lion's club na signage, pasok kayo dun then dun na ang free area na may hk skyline view sa the peak. Maliit nga lang yung area and mababa and mejo siksikan and need mo umangle ng maayos for picture perfect na may hk skyline view.

@sis ezonme - hindi na hahanapin sis once na lumabas na kayo ng hk. Yung sa friend mo is hahanapin talaga un since point of exit nyo is hk pa rin.

^if i remember it right sa causeway bay ang may forever 21 sis. Sa TST may cotton on sa street sa likod ng nathan road, bale likod ng buildings na kalinya ng golden crown guesthouse. May nike and adidas din sa basement ng chungking mansion sa TST. Not sure though sa mongkok if may cotton on and forever 21 pero sure na maraming store ng shoes dun. We stayed thrice sa TST and then twice naman sa Central.

HTH sisses! 😊😊

_pink12_

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #338 on: February 15, 2016, 01:09:56 pm »
^^ sis pinkat, TST na lang. May Cotton On sa Granville Road that closes at 11 pm, kaya non-stop shopping hehe. F21 is in Causewat Bay, mag train na lang kayo.

Marami na ring malls sa TST like Harbour City na may mga Nike, Adidas, etc.

berna15

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 40)**Check page 1 for helpful links**
« Reply #339 on: February 15, 2016, 01:18:18 pm »
sisies ask ko lang need na ba apply for visa sa hk ngayon? tia

 

Latest Stories

Load More Stories
Close