Eto na pong trip report namin. Enjoy sa haba pero very informative, ahaha!
Day 1 – January 18, 2015 (Monday) – Arrival 9:20 AM
Bili na kami Octopus Card sa Airport. May transfer service kami kaya direstso na sa Hotel Benito and iniwan ang luggage. Lakad kaunti kita na agad namin ang Golden Crown (5th floor) kinuha ko yung pina reserve kong mga tickets & bumili SIM. Punta kami sa CKE Shopping Mall malapit sa Mirador Mansion, tumaas kami then kain sa Café de Coral, yummy ng foods sarap din ng hot milk tea.
Naglakad lakad kami sa Nathan Road, nakita agad naming yung HK Space Museum kaso sarado kaya hindi na kami nakapasok sa loob, photo ops na lang sa labas saka dun sa gilid nya na may mga kakaibang upuan. Pabalik money exchange kami sa Mirador Mansion.
Ask ko si hubby kung gusto na nya magpunta kami sa Ngong Ping 360 kase kako pag sa Wednesday pa baka maulan, nung sinabi kong 40 minutes yung ride (one way) sa MTR huwag na lang daw muna kase pinakikiramdaman nya daw tyan nya, sa malapit lang daw kami kaya nag grocery na lang kami sa Wellcome (Kimberley Road) bumili ng bottled water, cup noodles, tinapay, chips & cherry! Kaya nakita ko yung Prizemart sa Kimberley Road.
Balik na kami sa Hotel Benito & Check-In.
Pahinga muna kami sa hotel then punta na kaming Mongkok Exit E 2 - Sneakers Street (inuna na namin ito dahil dito excited si hubby). Nakabili sya rubber shoes pasalubong sa brother nya yung para sa kanya nag iisip pa kase same price din rind aw sa Pinas yung Kobe XI (ewan ko ba kung ano meron sa sapatos na ito, pricey sya ha! kaya brainwash ko pa si hubby na huwag muna bumili). Balik na sa hotel, nung malapit ng mag 8 pm niyakag ko na si hubby sa Victoria Harbour, watch ng Symphony of Lights nag enjoy naman kami pa picture at na appreciate din naman ni hubby ang SOL, muntik pa na hindi ko sya dalhin dun kase nga baka hindi nya magustuhan, punta na kami sa Star Ferry Harbour Tour para sa 8:55 pm tour, enjoy din kami ni hubby relax lang sa ferry.
Dinner kami sa Yoshinoya malapit lang sa Hotel Benito.
Day 2 – January 19, 2015 (Tuesday)
Maaga ako nagising. Baka namamahay or baka takot akong tanghaliin papuntang Disneyland. Wala namang ulan sa day na ito.
Breakfast sa Mcdo (malapit rin lang sa Hotel Benito). 9 am ata pasakay na kaming MTR diretso ng DL, madami ng tao kahit hindi pa bukas, photo ops sa labas then pagpasok nag Fast Pass agad ako sa Space Mountain, nuod ng mga shows. Hindi na kami nakapag antay sa Parade na pang gabi kase na bored na si hubby at giniginaw na daw, haaay! KJ ng mister ko. Light dinner kami sa Charlie Brown Café (same street lang ng hotel).
Pabalik sa paglalakad nakita namin yung Easton Luggage Co. malapit na sa Hotel Benito nakabili kami malaking luggage Polo Sport/Ralph Lauren ba yung brand, basta last piece na daw yun nakuha namin ng HKD1,158, hindi ko sure kung nakamura kami kase parang lumalabas from 50% off half price pa ulit, ahaha! Wala ako idea sa price sa mga malls sa Pinas kaya napabili na lang kami kase need talaga namin. Pero sobra laki na nya and sinindihan pa nya ng lighter yung labas hindi nasunog.
Day 3 – January 20, 2015 (Wednesday)
Bumili lang ako ng mga tinapay sa ibaba ng hotel, parang pang Breadtalk yung mga tinapay nila, yun ang breakfast namin at coffee (7:30 am pa nagbukas) sarap ng egg tart nila. 9 am again MTR na kami papuntang Ngong Ping 360, Tung Chung Exit B, maaga kami nakarating dun then may kaunting pila na sa ticket counter, yun palang dala ko from Golden Crown ay hindi pa official ticket need pa pumila ulit pero mabilis naman since paid na yung voucher namin, hahanapin passport sa NP 360.
Crystal Cabin sinakyan naming paakyat sa NP, enjoy kami dito buti na lang hindi naman foggy nung paakyat kami kaya kita pang view. Lunch kami sa village then photo ops ulit, medyo maambon na kaya hindi na kami lumapit sa Buddha, pababa namin Crystal Cabin ulit pero kaming 2 lang ni hubby ang sakay, eto medyo foggy & windy na kaya ramdam naming uga sa cable car.
Ikot kami sa Citygate Outlet, fan talaga ako ng Giordano kase maganda fit ng pants nila sa akin kaya mega bili ako, sa The Body Shop outlet merong HKD59/10 pcs na small bottle ng body wash, eto binili ko pang pasalubong sa mga officemate ko. May nabili akong shoes para sa toddler ko Kingkow (Europe brand ata ito) last piece na kaya nakuha ko ng HKD119. Sa Crocs talaga ako nakasulit kase naka buy2take1 sila, kaya lumalabas ng 700 per pc lang yung sandal na binili ko para sa baby boy ko, binilhan ko na sya ng mga sunod-sunod na size nya, ahaha!
Hindi na ako nagtingin sa mga Coach, Kate Spade at kahit alam kong mura sila compare dito sa Pinas mahal pa rin para sa akin yun, ahaha!
From Tung Chung baba kami Hong Kong Station lakad papuntang Central Station EXIT B. Right behind Worldwide House (Des Vouex Road Central) is the stop for the Ding Ding Tram. Ride the trams marked North Point or Shau Kei Wan to reach Causeway Bay. Akala ko malapit lang Causeway Bay kaya tingin ako ng tingin sa bababaaan medyo mahaba rin palang Ding Ding ride ito, pagbaba namin Causeway Bay naghanap lang kami CR then MTR na ulit from Admiralty to TST kase medyo maambon na then ayaw ni hubby mag ikot sa Causeway Bay para daw masyadong madaming tao & masikip ahaha! Buti na experience ko na rin ang Ding Ding.
Ikot na kami sa TST kase nga hindi makapag decide si hubby kung ano bibilhin nya. Ako dumaan sa Koi Kei Bakery (Hankow Rd.) for pasalubong. Medyo madami box nabili ko kaya puno rin yung bagong luggage na binili namin.
Day 4 – January 21, 2015 (Thursday) – last day departure: 7:30 PM
Medyo kulimlim na sa umaga. 9:30 am MTR ulit kami baba sa Central Station Exit J2, lakad papuntang The Tram Station, wahoo! ang aga namin kaya walang pila sa Tram, ahaha! Yun lang super foggy na pagtaas namin sa The Peak kaya wala na talaga makita kaya photo ops na lang sa Madame Tussauds, dun sa The Peak Galleria ata may nabiling Sperry Top Sider shoes si hubby na super sale, nung nasa MTR na kami pabalik sa TST maaga pa naman ask ko si hubby kung gusto ulit bumalik sa Sneakers St., oo daw bili pa sya isang rubber shoes haaay! Boys at ang kanilang shoes, buti ordinary adidas na lang ang nabili at hindi na yung Kobe ever na yun.
Balik na kami sa hotel para mag ayos ng gamit, nung medyo may time pa kami ikot muna kami ulit sa TST bumili pa ako pasalubong sa mama & mother-in-law ko.
Nung medyo pahapon na balik na sa hotel for check-out, kumain ulit kami sa airport kase nag bruch lang kami sa The Peak, yung gate namin sa HKIA malayo siguro kaya sumakay pa muna kami sa airport bus bago makapag boarding. Delayed Cebupac kaya gabi na talaga kami nakauwi.
Scenario:
Relax mode lang po yung itinerary namin, kaya hindi na kami nag Macau or OP, kase nga bakasyon talaga ang habol namin sa pagpunta sa HK, ayaw naman namin na kaya kami ng time-out sa trabaho eh para lang ma stress at masobrang pagod sa HK, hehe!
Tips:
1. Sabi ni hubby, OO daw madaming rubber shoes sa Sneakers Street, pero pare-pareho lang lahat ng tinda, pag mga last piece at size na yup makakamura naman daw, pero yung mga bago at magagandang desin mas makikita sa TST area, yung iba daw na nakita nya sa Sneakers St. same price din sa TST.
2. Hanggat maari pag-aralan na talaga yung diskarte nyo pagdating sa DL, unahin nyo talaga mga priorities na show at rides kase pag andun na hindi nyo na alam talaga kung saan susuot lalo at first timer
3. Tulad nga ng sinabi ko may allergy sa pila ang mister ko kaya talagang umaga namin tinapos yung mga lugar na alam kong mapila
4. Yung mga mahihilig sa skin care products/cosmetics na kagaya ko, heaven ang HK. Nag try kase ako ng mga Korean products from Innisfree, Etude House makikita nyo mga yan sa SASA at Bonjour kase mag South Korea naman kami sa June kaya nag try na ako para alam ko hoard pagdating sa SK.
Regrets:
1. Hindi ko man lang napasok ang mga Museums, siguro kase medyo nag ambon na nung 2 last days namin, pati Kowloon Park hindi ko man lang nasilip eh tawid kalsada lang sya mula sa Hotel Benito.
3. Magastos kami sa food kase kung saan abutan ng gutom dun kakain, spoiled brat hubby ko…wahaha!
2. Hindi ko na talaga alam kung mura yung nabibili kong items tulad ng luggage at pants sa Giordano, kaya kung may time mag canvass muna dito sa Pinas at baka mas makakamura pa tayo dito pag nataon na Sale sa SM…wahaha!
Babalik ba kami sa HK???
Siguro naman basta mabigyan ng pagkakataon at Seat Sale sa Cebupac, siguro antayin ko muna lumaki-laki 2 year old boy ko para sa Disneyland Hotel na kami mag stay at 2 days kami sa DL, yung next HK trip para naman sa kanya. Enjoy HK! Lipat na ako sa South Korea thread.