Author Topic: Sama ng loob during wedding preps  (Read 44469 times)

iameynjhel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #60 on: September 23, 2015, 11:24:39 pm »
Sis Toria – H2B and I talked about it, I told him we could increase the number of heads sa parent niya since hindi naman magi invite yung Papa ko. And when I talked to my Papa about it, siya na mismo nag sabi na he’s good with it para daw walang gulo. Buti na lang din si Papa ko ok sa ganung set up and si Father in law sabi niya yung 2 kumpare lang invited niya and ibibigay niya na lang yung iba dun kay MIL.  So now ginawa na naming tig 8 [textspeak!] parent ni H2B so bale 16 heads pero si H2B na nagsabi na if lumagpas sila sa 16 heads sila ang mag bayad ng extra head sa reception since counted lang talaga yung guest namen and meron na din designated table for them.
Niloloko na nga ako ng Papa ko na babawiin daw ako if ever awayin daw ako in the future e. Tinatawanan ko na lang din hehe

Super thank you Sis kasi atleast nagkaliwanagan kami about dun. Hindi namen kayang gawin tig 10 per parent baka kasi umabuso, mahirap na tsaka para me allowance din kami sa headcount.


Hi sis moana – Best to talk to them personally para din formal mo silang ma-ask to be your bridesmaid and for you to explain na hindi ka involve sa away nila because you both love them and cherish your relationship with them. 

corpse_bride

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #61 on: September 25, 2015, 01:30:41 am »
Group hug nalang tayo mga sis. I feel for everyone here. Ang hirap talaga pag family ang involved or friends na akala mo matutuwa for you. Hays. I have that kind of friend.

Makiki-rant lang din. I have this close friend. He seldom gets invited to other friends' weddings & other occassions & at the last minute he won't show up. Kesyo nagpapasama daw dad niya etc. Random friends lang ok lang eh, but yung wedding ng isa pang close friend namin last March nagddrama na di na daw siya pupunta kesyo badtrip daw siya sa dad niya. Turns out nanghihiram siya ng driver dahil hindi siya sanay pumunta sa reception venue (same place we've booked). We are in our early 30s ah. Nakakaloka diba? Although ni-warningan ko na siya na di ko siya kakausapin forever pag nagdrama siya ng ganyan sa wedding ko, doubtful pa din ako. I'm considering him kasi for lector sa church kaya kinakabahan ako.

Same friend sobrang ma-comment sa planning namin. Kesyo daw bakit ganun lang ang budget, dapat daw kasing bongga nung debut ko. Gusto ko nga sabihin "hello? 30s na tayo hindi ka pa din naka move on sa debut ko. Palibhasa yun lang pinuntahan mo na formal occassion ever". (See 1st paragraph) Meron pa one night ang kulit niya sakin paulit ulit na "sabihin mo sa mommy mo maki-share sa family ng bf mo para bongga ang kasal mo." Ang sagot ko "Ang dream wedding ko sa Boracay na may 100 na tao lang."  Ang kulit niya the whole night forcing me to have "my dream wedding". Dilemma here is unlike yung ibang nosey friends (like si Jollibee bride) na pwedeng i-uninvite & iblock sa facebook. I feel kasi na kami nalang ang friends niya. Yung iba hindi na siya maintindihan. Can't avoid not meeting up with him din coz yaya sila ng yaya to go out or may org thing kami. Haysss..

toria

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #62 on: September 25, 2015, 10:10:51 am »
@iameynjhel Bless your heart sis, kaya nyo yan =).

@corpse_bride Sis, natatawa na lang ako sa mga taong ganyan. Eh di bonggahan nila ang kasal nila pake ko eh sa hanggang dito lang ang budget ko eh, pwe. Haha

shygirlme

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #63 on: September 25, 2015, 10:29:33 am »
Kaya hindi ako nagsasabi kung magkano inabot ng kasal ko. Minsan nagiimbento nalang ako kung magkano yung mura lang kasi malamang talaga magrereact mga friends ko ang mahal naman. Pang down na ng sasakyan yan or pang bahay na yan ah. Minsan gusto ko sabihin eh ano naman?! Ano akala nila samin inubos lahat sa kasal? May pera kami nakatabi for our future. Yun iba kasi oa makareact like yun isa ko friend na ikakasal nag ask magkano bayad namin sa strings. Sabi ko 10k ang mahal naman daw. Pero pag sa ibang friend ko sinabi na 10k sasabihin nila sulit na kasi sila 25k bayad sa strings nila.

toria

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #64 on: September 25, 2015, 10:57:03 am »
^True sis, yung iba may masabi lang lol. As if naman di mo pinagisipan lahat ng gastos na yan. Haha.

shygirlme

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #65 on: September 25, 2015, 12:01:20 pm »
^true sis. May isa ko friend kinasal 4yrs ago. Sa province sila inabot ng 350k kasal nila. Kaya nung kinukulit nya ko magkano inabot sa kasal ko sinabi ko 400k lang para manahimik sya kasi pag sinabi ko yung totoong price eh magrereact talaga sya ang mahal naman etc.etc.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #66 on: September 25, 2015, 01:27:39 pm »
I think yung iba kaya nagrereact ng "ang mahal naman" kasi kumukuha rin sila ng idea from you na siempre doon nila evaluate if they can afford it o hindi kapag budget naman nila ang pinag-uusapan. In other terms iniimagine rin nila mga sarili nilang gastos. Although meron naman kasing iba na parang pinamumukha na bakit ganun kamahal ang binayad mo yung nakikialam naman sa ginastos mo.

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #67 on: September 25, 2015, 01:48:45 pm »
in our case naman, we decided to diy several stuffs like invitations, bouquets, decors. not only because of budget pero dahil gusto namin yung output ay kung ano talaga yung gusto namin. may mga friends na rin kasi nagsabi na ang mahal ng invitations nila tapos my wrong grammar. pangit ang cropping. yung iba naman, mahal daw ng bouquet pero yung flowers daw ang konti etc. maraming relatives nagrereact samin kung bakit daw di na lang bilhin. di na lang ipagawa. bakit hindi fresh flowers. kaya sagot lang namin. "ayaw namin"

khalee

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #68 on: September 25, 2015, 03:01:39 pm »
Group hug mga sis! Nakakasama talaga ng loob na yung mga taong ineexpect mo na magiging masaya for you and iintindihin ka, sila pa yung mga nagpapastress sayo during the preps.

In addition sa sinabi ni sis Purple_Power, I think yung ibang tao na nagsasabing "ang mahal naman" sa gastos sa weddings, hindi sila aware how much a wedding would costs these days. Before pag sinabi na 200k ang cost nila for a wedding, I would also say "ang mahaaaaal" but not para ipamukha na magastos sila, more of in awe and wonder din kung bakit inabot ng ganun. Now I understand why. You'll never know talaga unless nandun ka na sa situation or super hands on ka sa wedding ng friend mo and nag iinquire ka din sa mga suppliers. But then again, there are those talaga na gusto lang ipamukha sayo na magastos ka. Just learn the art of dedma. Pag may nagsasabing magastos wedding namin, I just say, yan ang gusto namin. As long as you know na its within your means, then go.  ;D

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #69 on: September 25, 2015, 03:44:35 pm »
Honestly I find it irritating na parang they will keep in mentality that Church wedding is mahal. Whereas if you can be creative, innovative, resourceful, wise and practical at the same time baka nga hindi pa niya ma reach yung target budget mo o better na hindi pa lumampas. Paano kasi most people rely kung ano yung the usual na nakikita. Example kapag may fiesta karamihan may handa yung mga baranggay, kaya yung iba kahit walang pera mangungutang pa para sa pang handa sa fiesta whereas pwede namang wala na lang or ikaw mismo maki fiesta sa ibang bahay. My point is meron rin kasi nahihiya kapag hindi naghanda ng bongga or hindi pinaganda yung kasal. 

tiffany24

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #70 on: September 26, 2015, 12:50:46 am »
I agree sis khalee learn the art of deadma

naisip ko na lang din our family and friends wants the best for us too kaya they give us a lot of advice kaso nga mali lang yung delivery minsan.

For those who has a lot to say about our budget kanya kanya lang yan eh. kung hindi man practical yun para sa kanila iba iba naman tayo ng priorities sa buhay. Ako din namamahalan sa gastos ng bestfriend ko sa kasal nila pero ngayon ko lang na realize tama lang yung gastos nila. Let's just focus on our dream wedding kasi kahit ano naman ang gawin natin palaging may masasabi ang ibang tao, no sense trying to please them.  :)

lippiequeen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #71 on: September 26, 2015, 01:48:49 am »
Couldnt agree more dyan sa pa-guilty sa budget issue. We have  friend na puro yabang at press release na ganitong amount lang ang nagastos nila sa wedding nya pero hindi daw halata at sobrang ganda daw. Pinapalabas pa nya sa mga kwento nya sabi ito ng "guests" nya and kahit hindi daw mahal yung wedding nya  napost pa sya sa bride and breakfast. Kailan pa naging pamurahan ang contest ng kasal? Nagpapasama sya ng loob through comments na mahal ang wedding ng ibang tao. Puro puna pa sa weddings ng ibang tao kesyo hindi masarap ang food at ang pangit ng videos. Ang nega nega! Hindi makapagsabi ng puri sa ibang tao pero makapagbuhat ng bangko sa sariling wedding e wow! E hello, wala lang makapagsabi sa kanya na worst program ever yung wedding nya dahil fail talaga ang emcee at yung food served e so so lang naman. Hindi naman masasabi yan ng mga tao sa kanya kasi unlike her, may mga taong hindi taklesa kagaya nya.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #72 on: September 26, 2015, 04:01:31 pm »
^Too bad she sounds like hanggang kasal lang pala umiikot ang buhay niya.  ;D Of course hindi niya aaminin yung discrepancies ng event niya which is I am sure alam niya yan. I am sure she became frustrated of her own event too which is hard for her to accept it.

I agree there is no sense of pleasing others, I strongly suggest pa nga sa iba na much better to be silent with your plans tapos kapag tinanong tamang sagot lang yung tipong hindi dapat maging detailed. Minsan sabihin niyo SURPRISE na lang! Para wala silang idea.

lippiequeen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #73 on: September 26, 2015, 09:21:16 pm »
^ i agree sis! Manahimik nalang diba? Lagi pa niya sasabihin na kahit tipid lang daw yung wedding niya e nafeature sya sa bride and breakfast. Haha ganon naba ang batayan ng kagandahan ng kasal ngayon? Kailangan nya kasi ng validation na maganda yung kasal nya. Insecure kasi masyado sa ibang tao.

britzm

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #74 on: September 27, 2015, 08:42:58 am »
sis anjfinally i feel you. ganyan din kasi problema ko pagdating s kamag anak na hindi ko close at may mga nagawang masama sa amin. bale, ang gagawin ko is invite ko sila mga 1month to 2weeks prior wedding. HAHA! ang bad ko. malaki kasi chance hindi sila makarating so hindi ko na problema un kapag hindi sila naka attend  ;)

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #75 on: September 27, 2015, 04:26:10 pm »
I lost 4 "friends" rin when I was planning our wedding... this was the worst. Kasi since kinder, magkakalaro kami and until college, we were friends. I moved to Australia, we were friends pa rin (as far as I know). I'm not sure what changed pero I didn't know na meron ng something (inggit, sabi ng Dad ko) etong 4 na to.

Anyway, I found out one of them (S) parang pinagcocompete kami ng isa pa naming friend na getting married din in the US (M). Nagusap kami ni M and I told her, hindi ako ever nagyabang... etong si S ang tanong ng tanong ng details kesyo she's planning na rin to get married. Little did I know na pag may nalalaman sya, chinichismis nya dito sa 3 pa naming "friends". When she found out sa SSA kami papakasal, she told them, sa Forbes pangmayaman ::) she didn't know na I visited that church when I was very young, found it beautiful and swore I'll get married there. Ano bang alam ko nun, na Forbes is a rich area? ::) She found out sa Blue Leaf, kasi daw dun nagpaparty mga artista... I mean, how shallow can you get?!?!?!

Worse, when I invited another friend (I), nag group chat sila (silang 4 na I cut off) na kesyo he just received the invite to the wedding of the year! How did I know? Kasi I hacked S's FB acccount AFTER she hacked mine. It got very, very ugly. I attacked them ALL online. All very personal, but very true naman. I was very hurt and very, very, very angry. Nagsiiyakan sila sa mga nanay nila sa mga sinabi at ginawa ko :P So S got someone to hack my email, then my FB. Dun ko nabasa na lahat ng messages nila.

She tried to apologise but for me, that's too much of a betrayal. Pati sa iba naming friends, ichichismis nya ako. And too bad those 3 were too weak and naniwala naman sa chismis nitong si S. Our other friends, hindi. Thank goodness!

shygirlme

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #76 on: September 27, 2015, 04:49:30 pm »
^omg. Ang worst naman nito sis. May naganap pa na ganyan! Nakakaloka! Di ko maisip pano mo na hack at pano nya na hack email mo.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #77 on: September 27, 2015, 05:22:38 pm »
^I know :( I was devastated when this happened.

She knew a hacker... and I work in IT so... medyo t**** nga daw sya sabi ng iba naming friends kasi ihahack nya is someone na most likely marunong din mang hack. She wanted me to remove the posts I made about them kasi. Nagalit ako ng sobra sobra sa panghahack nya kasi pati email address ko na-hack and nakalink dun bank accounts namin. I managed to retrieve my accounts back... pero she never regained access to her FB account na. Talagang lampas ulo ang galit and hurt ko nun... I can't even explain what I felt. Halo halo na.

Megantaur

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #78 on: September 27, 2015, 11:04:28 pm »
^I know :( I was devastated when this happened.

She knew a hacker... and I work in IT so... medyo t**** nga daw sya sabi ng iba naming friends kasi ihahack nya is someone na most likely marunong din mang hack. She wanted me to remove the posts I made about them kasi. Nagalit ako ng sobra sobra sa panghahack nya kasi pati email address ko na-hack and nakalink dun bank accounts namin. I managed to retrieve my accounts back... pero she never regained access to her FB account na. Talagang lampas ulo ang galit and hurt ko nun... I can't even explain what I felt. Halo halo na.

That's messed up, nakaabot sa paghahack? I'd delete her in my life forever. Fudge, I can't believe na may ganyang klaseng tao, that's so low. Nakakahiya.

lippiequeen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #79 on: September 28, 2015, 01:07:52 am »
Ang insecure naman ng mga yan. Friends ba talaga ang tawag dyan? Why cant u be happy for someone else? Grabe naman. :( nakakalungkot yan sis. Pero madami talagang mga inggitera, mga bubuhatin pa yun sariling bangko just to convince themselves na mas maganda ang palpak nyang wedding kesa sa ibang tao. Pero ibang level naman yung hacking!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close