Author Topic: Balikbayan Box Issue!  (Read 7502 times)

little.black.dress.lover

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 109
Balikbayan Box Issue!
« on: August 24, 2015, 02:04:21 pm »
Hi Sissies! Been seeing a lot of photos and videos of people from Customs opening balikbayan boxes opening and ruining (somewhat) the items inside these boxes. Seriously, kawawa naman yung mga photos. Pati ako naki share na din ng mga photos and memes about that.

What's your take? Ako super mad ako kasi I have relatives abroad na madalas magpadala ng balikbayan boxes. And yes, nawalan na din kami ng items pagdating sa amin ng mga kahon, (pero di naman namin sinisisi yung customs agad, pero parang ganon na din inisip namin, or baka yung courier. Basta hinayaan na lang namin. As if kasi mababalik kung mag reklamo kami sa nawala. :-(

Mods, kung meron nang existing please paki merge na lang.

Thank you!

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6038
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #1 on: August 24, 2015, 02:40:08 pm »
Nakakagalit kasi bakit io-open ng BOC personnels ng wala yung owner/recipient ng balikbayan box to think na may name, address and phone number naman ng recipient yun. Mas mainam kasi na magkakaharap sila bago buksan para lang mas transparent ang process.

Nagpapackage sis ko dati and naharang ng BOC ang 1 box out of 3. Nagtaka kami na yung 2 boxes naideliver ng EMS pero yung 1 nawawala. Sabi kunin daw sa office ng BOC. Akala ata gadgets/appliances ang laman ng smallest box. Nung pinuntahan dun lang binuksan ng personnels ang box sa harap din ng parents ko, winarningan na sila ng dad ko na kimchi na lang ang laman ng smallest box pero pinabuksan pa so yun nangamoy kimchi office nila. Nagbayad pa din sila dad ng tax since may kasama na 1 box ng coffee and mga korean cosmetics ang box na yun, 15% ng total amount gusto ng Boc na itax pero nakipagtawaran sila dad hanggang 10%. Sabi nga ng sis ko laki na ng binayaran nila bago mailabas ang box sa bansa nila pagdating ng Pinas panibagong singil pa.

Yung mga nakita ko naman na boxes na sira na yung laman like nagspill ang laman ng bottles (liquid detergent, fabric softener etc) I don't blame it all to BOC, possible kasi na sa packaging kaya nagkaganun or dun sa paghandle ng courier sa box. Nagpadala din kasi bro ko before and ganun ang nangyari, nagspill ang laman ng malalaking bottles ng zonrox kaya ang mga damit kasama dun nabutas at nasira. Naipit ata ang bottles kaya nagspill ang laman, sayang ang mga nasira. Buti yung mga edible items at ibang damit inihiwalay ng box.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3085
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #2 on: August 24, 2015, 03:14:34 pm »
Nakakainis ito kasi pinaghirapan punuin at ayusin ng OFWs yung boxes tapos kailangan ganyan.

Sabi ko sa mga magpapadala, wag na lang muna kasi may ganyan. Postponed na nga due to the customs warehouse issue dati tapos eto naman ngayon.

Haaay no wonder they keep asking us to migrate abroad!

summersong

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1025
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #3 on: August 24, 2015, 03:40:58 pm »
Why don't these people chase after those big-time smugglers. Palibhasa either di nila makaya or nasa payroll din sila kaya small potatoes ang pinupuntirya nila. Nakakainit ng ulo.

Kawawa mga OFW, lehitimong pinaghirapan nila ang laman ng mga kahong iyon.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6038
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #4 on: August 24, 2015, 03:45:06 pm »
Sinabihan din namin sis and bro ko na wag na magpadala kasi kapag mataon na costly ang laman ng box na maharang nila tiyak tatagain kami sa tax. Sayang naman if di matubos kasi for sure paghahatian ng taga-Boc yung pinaghirapan ng mga kapatid ko. Wala ka na ring habol since yung paper na ipadadala nila sa recipient's address meron lang silang 1 or 2mos para iclaim yung package then property na daw ng government yun (yan  nakalagay dun sa nareceive namin a year ago). Kung sana man lang ibabalik nila dun sa nagpadala. Sabi ng dad ko ang dami daw mga boxes na luma na sa warehouse ng BOC di na siguro natubos ng recipient.

Yung dati kong officemate pinadalhan ng bf niya ng iphone 5s naharang din ng BOC almost 7k ang pinabayaran sa kanya at 15days lang binigay sa kanya pag di daw matubos sa government na daw yun.

Parang kinikidnap nila ang mga package at need ng ransom.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #5 on: August 24, 2015, 04:17:19 pm »
Mga sis napaisip lang ako.
What if sirain yung items na hindi mo tutubusin like basagin ang cellphone or wasakin yung bag then saka ibalik sa BOC personnel para patas na wala makinabang?
Payag kaya ang BOC sa ganito?
May nabasa kase ako na nag share.noon sa isang page (sa airport naman nangyari) na pauwi siya at may dala yatang grapes kase masarap yata grapes sa pinanggalingan ni pinay at gusto nya matikman ng pamilya nya tas na question at ayaw yata payagan ipasok .forgot ko na ekasaktong nangyari..
Basta ang naalala ko ang ginawa daw ng pinay tinapak tapakan daw nya yung grapes para hindi mapakinabangan ng mga buwaya sa airport lol

« Last Edit: August 24, 2015, 04:22:45 pm by pinklilac »

little.black.dress.lover

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 109
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #6 on: August 24, 2015, 09:41:51 pm »
Nakaka init pa ng ulo si Mr. Lina. Talang confident siya sa pinag gagawa niya. Ayan, dami na tuloy niyang haters. May nag comment pa sa isang photo na, baka makita na lang siyang nasa river. Kakatakot ang wrath ng netizens at OFWs.

Ahim de Famille

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
  • Smile! Smile!
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #7 on: August 24, 2015, 11:13:53 pm »
nagpadala dati yung father ko na isang balikbayan box. Nung na receive na namin dito sa bahay may butas na yung kahon na kasya ang isang kamay. Tapos pagkabukas namin parang basura yung loob. Yung kaserola na padala nayupi nalang. Yung dish washing liquid na tapon lang tsaka yung damit nabasa din. May nabalitaan din ako sa TV na yung ibang mga balikbayan box eh binebenta pa sa labas. Kaya kawawa yung mga OFW na nagpapadala.

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3085
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #8 on: August 24, 2015, 11:19:44 pm »
Stop na daw ito sabi ni PNoy? Inspection only if K9 and Xray indicate malicious content and always with an OFW representative.

iska-hazel

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 454
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #9 on: August 24, 2015, 11:27:48 pm »
nakakagigil yung balitang to  :o

Stop na daw ito sabi ni PNoy? Inspection only if K9 and Xray indicate malicious content and always with an OFW representative.

sana sis totoo yan at kundi talagang patay na liberal party ni noynoying  >:(

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1356
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #10 on: August 24, 2015, 11:32:24 pm »
I am fine with the fees and the limit pero clear cut dapat yung rules. Ang hirap kasi pati sa taxes, pwede makipagtawaran? Pwede pala yun?

And, yes dapat invest muna on xray and sniff dogs bago implement.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6038
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #11 on: August 24, 2015, 11:49:21 pm »
I am fine with the fees and the limit pero clear cut dapat yung rules. Ang hirap kasi pati sa taxes, pwede makipagtawaran? Pwede pala yun?

And, yes dapat invest muna on xray and sniff dogs bago implement.


True sis, originally 15% ang hinihingi ng BOC sabi ng mom ko 12% lang ang tax kasama na evat. Kaya ibinaba tapos sabi nila mom ko kulang money nila para dun sa hinihingi ng Boc kaya mas bumaba pa. Yung sa isang officemate ko 1 chocolate bar+"minimal fee" lang ang hiningi sa kanya kasi wala daw talaga siya dalang pera nung nagpunta siya, sabi daw kasi for inspection lang di naman daw niya alam na may babayaran pala.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1356
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #12 on: August 25, 2015, 02:24:14 am »
aside sa pagnanakaw, yung mga inconsistencies na ganyan ang pumapatay sa credibility ng  BOC eh. Kasi kung pwede naman pala tawaran, eh di ibig sabihin hindi clear ang provision sa mga tax bracket. Kung pwede 15%, pwedeng 10% or pwede din wala diba.

Tapos yung sa grapes, so kung nagbayad yung nag-uwi eh di papasukin nila yung grapes sa Pilipinas? Ganon ba yun? Eh bawal nga yun.

But then again, napakahirap I-implement ng laws sa Pinas. People bend the laws to meet their needs. Nakakalungkot.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6038
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #13 on: August 25, 2015, 05:38:14 am »
Naku ang Laws sa Pinas hindi naman talaga "Laws" kundi "Suggestions" lang. Nasa iyo na if susundin mo or di mo susundin. Wala naman kasing nasasampolan ng matindi dahil halos lahat nadadaan sa "mabuting usapan".
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1631
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #14 on: August 25, 2015, 06:22:49 am »
this balikbayan box fiasco is kinda fishy, specially with Lina having private interests in Air 21 and other cargo companies.

kung modern times lang ang pag uusapan. there should be a limit to what one can send, limits in price and quantity.

so example niyan is sa Australia, where a person can bring anything legal as long as its less than 1,000 aud. so kahit 800 dollar pants pa yan, considered luxury, it is legal. it is also subject to regulation, hindi ka pwede panay pasok ng gamit na lagi mo sinasagad ang limit.

the problem lang with pinas, is inaabuso ang balikbayan box. maraming highly expensive na gamit pinapadala, and ginagawang means na magpadala ng items for commercial purposes.

another issue is the stealing of items. self explanatory.

kung gagawan pa nila ng taxation system ang boxes, opportunity na din yun para maka kurakot. we all know this.

now the old view ng balikbayan box is, our former president Macoy, instituted the balikbayan box via an executive order and deemed it tax/duty free. kaboom.

Si PNoy lang makaka approve or disapprove niyan kung tutuusin...and not the head of BOC. so they say...


****

for the majority of the OFWs, sans the rotten tomatoes, the things we send via balikbayan boxes are our hard earned money.

BOC should fix their backyard first. get rid of their employees with porches etc...

Lina even turned down an opportunity to make the BOC corruptless. (someone offered to install a system and make things transparent).

kwarta o kahon?
« Last Edit: August 25, 2015, 07:04:14 am by akthung »
I'm a baby Arhat. An Arhat has a well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2646
  • GuyTalker
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #15 on: August 30, 2015, 04:39:40 pm »
mga sis, totoo din ba na may random inspections na din sa mga ofw na umuuwi sa pinas? i mean yung bagahe na dala dala nila? may nabasa kasi ako sa news (although hindi na din ako bilib sa news kasi selective na din yung mga binabalita nila) says na there is one balikbayan daw na naselct for random checking ng bagahe. then nun nakuha na daw yung gamit pag open nya ng bagahe nya wala na daw yung mga mamahaling items. marunong pumili yung mga MAGNANAKAW kung alin yung mamahalin. dissapointed lang daw yung balikbayan after so many years na hindi nya paguwi at akala nya magiging masaya yung vacation nya yun agad ang nabungaran nya.

for the laws naman sa bansa natin, masyadong weak at madaming butas. paano mismong mga mambabatas natin talagang binubutasan dahil sila mismo may sarili interest na kung maeencounter nila yung batas na naipasa nila alam nila pano nila lulusutan.. one good exmaple ng paging weak ng batas natin, medjo off topic pero share ko lang. yung kay enrile, ang kaso nya bilyon bilyon ang kinurakot.. take note bilyon... magkano ang piyensya? milyon.. eh bilyon ang pagkaka alam natin na hawak nyang pera eh, ano ba naman bigay nya yung ilang milyon, malaya na sya still may milyon pa din sya natira para sa kanya..

i doubt kung maiimplement din yang sinasabi ni Pnoy na tigil inspection na sa BOC, ngayon pa na nai eenjoy na nila ang pagnanakaw wala naman enough manpower ang goverment natin to monitor kung na stop na nga. ayaw siguro magbigay ng regalo ni lina sa mga tauhan nya na galing sa bulsa nya kaya ang ginawa nya binigyan nya ng authority mga tauhan nya na dun kumuha ng regalo nila sa mga boxes ng mga kababayan nating ofw.......
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

Msfi

  • I'm selfish, I'm not an angel, I am not a martyr either, I'm a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 660
  • Team Ybg
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #16 on: September 01, 2015, 08:28:42 pm »
Yung sa Officemate ko ang daming nawala sa balikbayan box na padala ng siser nya from Japan. 7 bags, tools at ibang items pa. Nag out of town kasi sya nitong long weekend, pag uwi nya yesterday na open na ng mother nya kaya di na picturan yung box. Pag verify sa sister nya, ayun maraming kulang.

Ang mahirap sa random checking, pwedeng gawing alibi ng forwarders na custom ang nag-open at hindi sa kanila.  Or custom din, pag nakita sa x-ray na ok ang laman ng box, pwede pa din i-open.
Positive thinking won't let you do anything, but it will let you do everything better than negative thinking will.

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1631
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #17 on: September 02, 2015, 05:17:53 am »
yung concern na yan is a given sis. classic.
I'm a baby Arhat. An Arhat has a well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

little.black.dress.lover

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 109
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #18 on: September 02, 2015, 10:29:38 pm »
Kahit sinabi ni Pnoy na di na pwede inspect inspect ginagawa pa din ng BOC yan. Ano bang malayni Pnoy kung nag iinspect sila o hindi. Yup bitter ako kay Pnoy kasi I dont find him effective.

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1356
Re: Balikbayan Box Issue!
« Reply #19 on: September 02, 2015, 11:23:48 pm »
ok lang naman I-open, kahit saan namang customs, procedure yan kung may suspicious sa loob. Yung pagnanakaw ng items ang malaking issue.

I was listening to Good Times with Mo and their topic of discussion was: what was the most ridiculous bribe that you have been asked. There are a lot of calls all concerning the government but there are 2 calls that concerned BOC. One is that this Lady from BOC asked for 2 of the dildos that this girl bought for her friends. She bought 5 and this BOC Lady said they looked like weapons (really?) and she can only bring 2 inside the country (wokay). The girl pleaded and so the Lady BOC asked for 2 dildos na lang and 1 can of spam. Haha.

Another guy who called works for a cargo company, needs some docs to be signed by BOC. So one of the BOC officials asked him to go to some girly bar at Timog and bring the docs. When he arrived, he was asked by the BOC men to pick up the tab and asked the guy to give the girls a ride home.

So si Mr.Lina, ayusin nya mga tao nya. Kahit ano pang procedure gawin nya, balewala kung mga tao nya mismo gumagawa ng masama. Nakakatawa yung mga kwento plus with all of Mo's gatong sa mga kwento. Natatawa na nandidiri ako sa kajologsan ng mga taga BOC. Mahiya naman sila.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close