Good day sisters,
I just want to clarify some things, and I also need advice po para magkaroon ng peace of mind. Thanks in advance.
Kinasal po kami ni hubby, Feb.2014 so we're live together for 17 months now. We don't have any child pa but we're trying na rin naman. So, came Feb.2015 masaya kaming nag celebrate ng 1st year wedding anniversary namin.
After a week, bigla ding gumuho ang mundo ko, kasi nalaman ko thru his FB na meron siyang 6 year old son. Nag message si BM kay DH, na anak niya, malaki na, na dadalhin niya sa qc para magkita naman sila. Pakiramdam ko that time, sobrang down, depress, lahat lahat na. To think na we're trying to conceive pa. Ilang araw din kameng hindi naging ok ni hubby nun. He explained it to me naman so unti unti ko namang natatanggap. Pero deep inside nalilito at nalulungkot pa din ako. Kasi ang buong akala ko, wala eh. Ako at ang magiging anak lang namin sa buhay niya. I know, napaka selfish pero ito talaga ang nararamdaman ko.
Natanggap ko explanation niya kasi, nangyari ito wala pa ko sa buhay niya. So, ano bang kinalaman ko dun right? Hindi ko lang agad agad natanggap kasi andun yung pinaglihiman ka for almost 5 years. 3 years bf/gf, and 17 months married. Lalo na nung nalaman ko na pati mga in-laws ko, alam ito at naalagaan pa nila yung bata once o twice, nung baby pa kasi dinadala ng BM sa house nila hubby. Nagtampo ako sakanila, why? Bakit hindi sinabe sa akin? Nakausap ko SIL ko, she apologized. Pero she taught na alam ko na daw. Sabi ko walang sinasabi ang kuya niya sa akin. Ayun, nag explain siya at kinuwento yung tungkol sa pasts ni hubby at ng bm. Hindi naman sila kinasal at hindi daw mahal ni hubby si girl. Hindi sinabi ni girl na preggy siya pero pumunta nalang siya bigla kela hubby. Nagpunta si hubby at girl sa province ( nueva ecija si girl ) habang buntis pa ito. Pero one day lang si DH, umuwi narin kasi ipipilit siya ipakasal sa girl.
Nanganak si girl, wala si DH. Pinapapunta siya pero never siya bumalik. At ayun na nga, lumuwas si girl, dala ang bata kela dh, inalagaan ng ilang araw kasi si girl, nag aapply. Wala pang 1 month si baby, iniuwi ulit ni bm sa province para ipaalaga sa parents niya kasi mag aabroad na daw siya.
So after nun, never na silang nakipag communicate sa isa't isa. Nawalan ng contact si DH sa bata, sa girl, sa family ng girl. Na akala ni dh, inilayo na sakanya yung bata.
Ayun, nagdaan na ang maraming taon wala na talaga. At dun na kame nagkakilala ni dh. That was year 2010. Naging kame 2011, at kinasal kame 2014 ( civil wedding ). Hanggang sa nagparamdam bigla si girl ng 2015, at nandito na daw siya sa pinas, at yung bata daw hinahanap na ang tatay niya. Kaming dalawa nag usap before, at maayos naman. Kaso hindi ko lang nagustuhan yung may kakasuhan pa si DH, kapag wala siyang ginawa sa bata. Na kaya daw siya umalis before eh walang matinong trabaho si DH noon.
Ayun po, may contact na silang mag ama. Nagpapadala din siya monthly pero 3k lang kasi hindi ganun kalaki ang sahod niya. Nag aabot din siya sakin at may hinuhulugan pa siyang motor.
Ngayon mga sis, ano bang pwede ko pang gawin para maaccept na ito ng buong buo. Kasi alam ko naman walang kasalanan ang bata at gusto lang magkaroon ng tatay. Never pa sila nag meet ng bata kasi sa work ni dh. Tuwa naman ako kay dh kasi hindi niya tinatago mga messages nila ng lola ng bata kahit si bm.
I have nothing against with bm, kasi she already knows na married na si hubby at hindi siya nanggugulo.
Gusto ko lang malaman, na may karapatan parin ba ko sa asawa ko? Kasi sa birth certificate ng bata, walang pangalan ni hubby at pirma. Tapos kakabasa ko lang ng text ng lola ng bata kung ano daw balak ni hubby sa bata kung isusunod daw ba niya sa apelyido niya since hindi pa daw nabibinyagan yung bata. Mangyari man yun, may karapatan pa kaya ako? At ang magiging anak namin someday? Please enlighten me mga sis.
Sorry for my long story.