Author Topic: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?  (Read 10064 times)

EYESCREAM

  • Guest
Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« on: August 01, 2015, 04:27:49 pm »
Good day sisters,
I just want to clarify some things, and I also need advice po para magkaroon ng peace of mind. Thanks in advance.

Kinasal po kami ni hubby, Feb.2014 so we're live together for 17 months now. We don't have any child pa but we're trying na rin naman. So, came Feb.2015 masaya kaming nag celebrate ng 1st year wedding anniversary namin.

After a week, bigla ding gumuho ang mundo ko, kasi nalaman ko thru his FB na meron siyang 6 year old son. Nag message si BM kay DH, na anak niya, malaki na, na dadalhin niya sa qc para magkita naman sila. Pakiramdam ko that time, sobrang down, depress, lahat lahat na. To think na we're trying to conceive pa. Ilang araw din kameng hindi naging ok ni hubby nun. He explained it to me naman so unti unti ko namang natatanggap. Pero deep inside nalilito at nalulungkot pa din ako. Kasi ang buong akala ko, wala eh. Ako at ang magiging anak lang namin sa buhay niya. I know, napaka selfish pero ito talaga ang nararamdaman ko.

Natanggap ko explanation niya kasi, nangyari ito wala pa ko sa buhay niya. So, ano bang kinalaman ko dun right? Hindi ko lang agad agad natanggap kasi andun yung pinaglihiman ka for almost 5 years. 3 years bf/gf, and 17 months married. Lalo na nung nalaman ko na pati mga in-laws ko, alam ito at naalagaan pa nila yung bata once o twice, nung baby pa kasi dinadala ng BM sa house nila hubby. Nagtampo ako sakanila, why? Bakit hindi sinabe sa akin? Nakausap ko SIL ko, she apologized. Pero she taught na alam ko na daw. Sabi ko walang sinasabi ang kuya niya sa akin. Ayun, nag explain siya at kinuwento yung tungkol sa pasts ni hubby at ng bm. Hindi naman sila kinasal at hindi daw mahal ni hubby si girl. Hindi sinabi ni girl na preggy siya pero pumunta nalang siya bigla kela hubby. Nagpunta si hubby at girl sa province ( nueva ecija si girl ) habang buntis pa ito. Pero one day lang si DH, umuwi narin kasi ipipilit siya ipakasal sa girl.

Nanganak si girl, wala si DH. Pinapapunta siya pero never siya bumalik. At ayun na nga, lumuwas si girl, dala ang bata kela dh, inalagaan ng ilang araw kasi si girl, nag aapply. Wala pang 1 month si baby, iniuwi ulit ni bm sa province para ipaalaga sa parents niya kasi mag aabroad na daw siya.

So after nun, never na silang nakipag communicate sa isa't isa. Nawalan ng contact si DH sa bata, sa girl, sa family ng girl. Na akala ni dh, inilayo na sakanya yung bata.

Ayun, nagdaan na ang maraming taon wala na talaga. At dun na kame nagkakilala ni dh. That was year 2010. Naging kame 2011, at kinasal kame 2014 ( civil wedding ). Hanggang sa nagparamdam bigla si girl ng 2015, at nandito na daw siya sa pinas, at yung bata daw hinahanap na ang tatay niya. Kaming dalawa nag usap before, at maayos naman. Kaso hindi ko lang nagustuhan yung may kakasuhan pa si DH, kapag wala siyang ginawa sa bata. Na kaya daw siya umalis before eh  walang matinong trabaho si DH noon.

Ayun po, may contact na silang mag ama. Nagpapadala din siya monthly pero 3k lang kasi hindi ganun kalaki ang sahod niya. Nag aabot din siya sakin at may hinuhulugan pa siyang motor.

Ngayon mga sis, ano bang pwede ko pang gawin para maaccept na ito ng buong buo. Kasi alam ko naman walang kasalanan ang bata at gusto lang magkaroon ng tatay. Never pa sila nag meet ng bata kasi sa work ni dh. Tuwa naman ako kay dh kasi hindi niya tinatago mga messages nila ng lola ng bata kahit si bm.

I have nothing against with bm, kasi she already knows na married na si hubby at hindi siya nanggugulo.

Gusto ko lang malaman, na may karapatan parin ba ko sa asawa ko? Kasi sa birth certificate ng bata, walang pangalan ni hubby at pirma. Tapos kakabasa ko lang ng text ng lola ng bata kung ano daw balak ni hubby sa bata kung isusunod daw ba niya sa apelyido niya since hindi pa daw nabibinyagan yung bata. Mangyari man yun, may karapatan pa kaya ako? At ang magiging anak namin someday? Please enlighten me mga sis.

Sorry for my long story.

j.adore

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #1 on: August 01, 2015, 08:02:42 pm »
The legal wife has conjugal property rights. ALL children, kahit sino pa nanay, also have rights per family code.

EYESCREAM

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #2 on: August 01, 2015, 08:55:45 pm »
Thank you sis @j.adore. But it's up to hubby ba kung isusunod niya sa apelyido niya yung bata o si bm ang magpapasya? At kung hindi pumayag si hubby, may kaso ba sakanya?

Girltalker2

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #3 on: August 01, 2015, 10:21:09 pm »
^ walang habol ang babae Kung ayaw ni hubby pagamit apelido nya.

aquacharly

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #4 on: August 01, 2015, 10:46:17 pm »
You and your future children have priority rights to properties of course.  Hindi ka ever mawawalan ng rights, kahit iwanan ka pa, as long as your marriage is not annulled.  Read the Family Code.

But, what is the moral thing to do?
1st:  Accept that child is your husband's.  Maawa ka nga dapat kasi imagine, to-date walang kinalakihang ama ang bata -- and he will always carry a void in his heart.
Maswerte ka nga at claro sa mom ng kid and your husband that it is over between them, & there is no romantic future for them.
That woman did her best to raise her child alone, hanggang kinaya nya -- hindi sya lumapit sa husband mo previously.

Help your husband be a better man.  He must own up to the results of his past deeds -- continue the support. Never dapat pinag aawayan ang pera, or tayo pinaiikot ng pera.  But:  be sure you have proof of every peso he gives.  The best is to issue checks.  Ilagay sa likod: Child support for (name of kid). 

Are you referring to a possible court case for child support?  If ang mutual decision is to settle the issue out of court, I advise you to have the kid's mom & your hubby ask a lawyer to draw up an Agreement they will both sign, and have this notarized.  That way, walang doble-cara talk later on.  (Make sure the child support is dependent on your husband's earning capacity.  That way, may limit and kung wala work: sorry.  That's reality.).

Surname of the child? Hindi ba dapat lang your husband does not fight them for the use of his name?  If may doubts, pa-DNA; that's the only solution when in doubt.  There should be no need to go to court. 
But it is quite clear gusto nila use your husband's surname --  for sure, the birth is registered, that is all that matters. The excuse of the delayed Christening is just that: an excuse to ask to use your hubby's surname. 

Make it clear to your husband it is not good to be a man with no integrity -- he should always share the truth with you.  As for your in-laws -- do not be too harsh on them. They took their cue from your husband's behavior.  They may have only been too happy to have you in their family, and  so kept quiet. 

mylene628

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #5 on: August 02, 2015, 02:25:44 am »
yes mahirap accept yan pero if pipiliin mo na tanggapin magagawa mo. maswerte ka at hinde nangugulo ang nanay ng bata. bihira na ganyan ngayon. same sitwasyon natin kaya naunawaan kita. just learn to accept and siguro wag mo muna isipin ang karapatan mo. total na sayo naman lahat ng karapatan dahil ikaw ang legal wife.
surname? wag mo na siguro ipagkait yun sa bata total naman yun lang ang meron sha dahil hinde nya kasama ang tatay nya. oo may karapatan ka at anak mo dahil kayo legal family.

EYESCREAM

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #6 on: August 02, 2015, 12:03:24 pm »
Hi po mga sis. Maraming salamat po sa mga advices. Gumaan po ang pakiramdam ko. :-)

Ayun po, tinanong ko si hubby last night kung ano na napag usapan nila ng lola ng bata. Kasi sa lola po ng bata siya nakikipag communicate, hindi sa bm kasi magulo daw po kausap si bm. Ang sabi po ni hubby, ok lang naman din sakanya pagamit ang surname niya, tapos binalik lang sa lola ang question kung sakanila ok lang daw ba at dun sa bm. Ang sabi po, hindi pa daw sila nag uusap ng anak niya tungkol dun. Ayun po, kung ano man maging desisyon nila accept ko na lang po.

So, may right na po si dh sa bata diba kung gusto man niya ito kunin sakanila?

Sis aquacharly, ang sabi po ni hubby wala daw po siya napipirmahan sa birth certificate ng bata. Kung binyagan man po ang bata ngayon, paano po ang process? Tia.

Wala narin naman po akong tampo sa mga in-laws ko at naiintindihan ko na po sila. Nag alala pa nga po sila sa akin that time kasi baka daw hindi ko na matanggap si dh.

Girltalker2

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #7 on: August 04, 2015, 09:36:12 pm »

Ts, good na nakapag usap kayo ni hubby mo. But maganda rin na i-lay down mo cards mo to tell him no more surprises. Kung may tinatago pa sya, better tell you. These things kasi dapat sinasabi before you decide to get married at di tinatago hoping di naman malalaman ever.

And from now on, he has to make you know how he communicates with the child, support, etc Kasi wife ka and you have the right to know.

EYESCREAM

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #8 on: August 05, 2015, 04:26:20 pm »
Hi sis @Girltalker2, oo nga po eh! Nung nalaman ko po yun grabe yung sakit na naramdaman ko. Kasi alam ko,dala dala ko na ito for life. So mas pinili kong patawarin si hubby at mamuhay ulit ng masaya. Pinakita at pinaramdam din naman po niya yung pagsisisi sa ginawa niyang paglilihim sa akin. Natakot lang daw siya na hindi ko siya tanggapin at hindi ko mahalin. Selfish diba po? Pero, andiyan na eh, tulad niya wala na din akong magagawa kundi tanggapin.
And yes po, I'll make sure na wala na siyang nililihim, kasi sabi ko po sakanya baka hindi ko na kayanin. :-)
Ngayon po, ang alam ko lang tumatawag siya sa anak niya para more kwentuhan more fun hehe. Pero hindi po araw araw. Tapos po, alam ko po kung kelan niya pinapadalhan at kung magkano.

Mga sis, kung magkita ang mag ama, better po ba na sumama ako?

Girltalker2

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #9 on: August 05, 2015, 08:46:41 pm »
Sis, if I were you, oo sasama ako. wala naman masama sumama at makita yung bata.

Kasi feeling ako dapat i-respect din ang pagsasama ninyo. You're not there to replace the child's mom, the kid can call you tita, etc.

EYESCREAM

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #10 on: August 05, 2015, 08:54:43 pm »
Ok po sis @Girltalker2 :-) worried lang kasi baka ma out of place ako sa mag ama :-( . Pero, kaya ko ito. Salamat sis :-*

aquacharly

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #11 on: August 09, 2015, 03:53:51 am »
EYESCREAM:  hindi naman talaga yung binyag ang issue.  Nahihiya lang Lola mag habol sa tingin nya eh tama (she is of that generation culturally ashamed of illegitimacy).  Isipin mo na Lang na maswerte din kayo kasi sa cuento mo hindi on the attack ang kabilang side, hindi unreasonable ang demands. 

You have to go to a lawyer kung pababago birth certificate details ng bata.  Have it handled competently, to prevent future complications for the child.
In effect, the kid will lose his illegitimacy when your husband documents his paternity kasi ----   if that time pinanganak  the kid eh single pa BOTH parents -- pwes, tawag dyan eh Natural Child.  Hindi yan the same as Illegitimate. 


Should you go?  Kung ako ikaw, yes!  Mabuti ng everybody is clear:  you & your hubby = a package deal.  You both decide & stand united.  That will also cut our any crappy notion that it is only your husband that requires pandering too.  The earlier everybody accepts that you will also have to agree to make anything happen ---  the better for all. 



oyetken

  • Guest
Re: Legal akong asawa, pero ano ba ang karapatan ko?
« Reply #12 on: October 18, 2015, 11:33:27 pm »
hi sis .. nakaka relate din ako sa story mo ..kinasal kami ng hubby ko 2004 and sadly wala akong kaalam alam na may anak na pala siya girl at nalaman ko lang sa fb nagmessage .then kinausap ko si sd then sabi nya wala na silang communication pero alam ng mga in-laws ko, nilihim masakit at depress ako nun pero unti unti ko ding natatanggap, now we have 9yrs old son pero hinde pa nya alam na may half sis siya , so for me  wala naman kasalanan ang bata andyan na yan, sayo din sis mas maayos and naging open ang hubby mo and in-laws mo ..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close