- These times, 23 is indeed a young age to get married. Maturity is also key to a successful marriage.
Kakasimula lang ng career niyo. Wala pa kayo masyado experiences sa buhay. There's such a thing na dapat "magenjoy" ka muna before you "settle down". Parang kailangan mo muna malaman pano yung ma"ingay" bago ka lumagay sa "tahimik" hehe.
Sure na ba kayo na naenjoy niyo na kabataan niyo at ready na talaga mag-asawa at mag-sariling pamilya?
Marriage is such a milestone. Although there are people who get married at 23 and are able to work it out, there are others who fail and the no. 1 reason is - maturity comes with age. That's the other question. Masasabi mo ba na mature kayong pareho ng BF mo at 23 and 24 years old?
Yung mga napagdaanan niyo sa 6 years na mag-BF, enough ba yun para sa lifetime pa na mga problema? (Yes, madami pang problema na dadating bilang mag-asawa.)
- You need financial stability.
Pag natanggal kayo pareho sa trabaho niyo ngayon (knock on wood), ano ang fall-back niyo?
Yung sa Pag-Ibig, I'm assuming para yun sa family mo at hindi sa inyo ng BF mo? May plano ba kayo na kumuha ng sarili niyong titirhan? Kaya niyo ba pagsabayin?
Afford ba magpakasal ng hindi nangungutang? Sorry to ask but I have a friend who is around your age and they are still paying for the bank loan they took out for their wedding.
Kaya niyo ba na magka-anak? Sa panahon ngayon, mahal ang bilihin at ang dami daming kailangan bayaran pag may anak (basic needs, health, education, etc.)
- There's so much preparation needed.
Research mo sa net "things to ask before getting married" ang dami dami na dapat iconsider. I think yan din concern ng parents at family mo na baka meron kayo namiss out at ayaw nila pagsisihan niyo in the future.
madami pa daw kameng pangarap -- Ano pala yung mga ito? Hindi kaya dahil di pa ito tapos kaya ayaw pa nila?
Pangarap ng parents ko na makapag patayo ng bahay. -- Pangarap nila pero ikaw ang sasalo? Well, if they already made you responsible for this and you accepted, totoo yung concern nila kung matatapos mo pa ito. They need to have an assurance that you can do this together with your other future responsibilities.
Though kaya ko naman assure sakanila na hindi ko bibitawan yun, babayaran ko pa din. -- I think di enough yung sabihin lang. They need to see so since kakasimula pa lang, show them kaya niyo yung bahay at yung mga iba niyo pang kailangan bayaran.
If you really think you have covered EVERYTHING at napaghandaan niyo na talaga lahat ng aspeto sa buhay mag-asawa (at responsibilidad niyo sa kanya-kanyang pamilya) tapos masasabi niyo pa din na readyng ready na talaga kayo, then, by all means, go get married
