^yes, sis. Kaya din siguro binigay nga yung loan amount na gusto namin. ang next ko naman yung house construction. parang dun naman ako mahihirapan kase kelangan nga din daw ng equity, or 20%. Bahala na nga din pag nagpagawa kami ng bahay. haha.
Di ko sure kung tama ba tong pagkakaintindi ko.
Pag kumuha kami ng contractor ng bahay, kunwari ang total contral price ng bahay na papagawa namin ay 3M. Sabi ng metrobank, 80% ng total contract lang pwede ko mautang, tapos yung 20% ako na magfork out. Pero di kase nadetalyado yung explaination nya. Naguluhan ako.
Hello sis, let me share with you kung anong alam ko based on experience din, point by point.
kahit anong i-loan mo from bank or pag-ibig, either acquisition of new H&L or House construction, up to 80% lang talaga ng APPRAISED value ang ipapa-loan sa iyo. Appraised meaning kung magkano nila na-assessed ang value ng property mo, 80% lang nun ang ipapa-loan sa iyo, pwede pa i-push yan siguro gang 90% (siguro kung may kilala ka sa loob), pero normally 80% na ang highest possible loanable amount.
Example: may binebenta kunwari na property na gusto mo bilhin, Selling price is 3M kunwari. Appraised value ng Bank/Pagibig 2.5M lang, ang ipapa-loan lang sa iyo is P2M, meaning ang equity mo is P1M, you have to cash out this amount to the seller. Internal arrangement nyo na yan ng seller kung ilang gives or in full cash.
Pero what if magpa-arawan na lang ako na paggawa ng bahay. Bale yung billing of materials pwede ko mautang, pero pano kaya yung labor? ako na sagot? Haha. Di ko din pa alam.
Sis, pag nag housing construction loan ka sa bank, kailangan talaga may cash kang extra. Before i-release ng Bank/Pagibig ang 1st release, may certain % of completion na dapat ang construction, 20%-30%. Kung ico-collateral mo ang lot, same thing din, up to 80% of appraised value lang din ang ipapa-loan ng bank sa iyo, at itong money na ito pwede mong ipang-complete ng 20%-30%, but normally kailangan mo dagdagan para talagang umabot, otherwise hindi ire-release ang pera.
kung mag-a-arawan ka sis, may timetable ang bank, bibigyan ka lang nila ng around 6months to complete the construction. Pag-isipan mong maigi sis, lugi ka pag arawan, baka maubos na ang money mo sa labor palang tapos mabibitin ang pagpapagawa ng bahay mo. Note that hindi mag-rerelease ang bank ng money kapag hindi mo natatarget ang % of completion for every stage of the construction.
So what if naman meron ako lupa na pwede macollateral. For example, 3 yung lupa namin, networth, 1.8M. Kung icollateral ko sya lahat, 80% nun ay 1.4M tapos ang pagawa ng bahay, ay worth 3M, ibibigay kaya ng bangko yung uutangin ko kung 3M? Ang gulo. haha.
Not sure kung pwede ito, pero sa pagkaka-alam ko, ang pwede mo lang i-collateral para sa house construction eh yung property kung san mo itatayo ang bahay mo. I-inquire mo rin kung pwede mo pa ipang-collateral din yung 2 mo pang lote, pandagdag mo rin ito nung para sa 1st stage of completion mo.