Author Topic: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)  (Read 58292 times)

maloushky

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #400 on: December 02, 2015, 04:19:28 am »
Gusto ko ng umiyak. Kwento lang. Nagparinig kasi mom ko na may bagong open na resort daw sa amin tapos sabi niya dun na lang daw ako pakasal. To which i replied "ayoko dun. Sa baguio kami ikakasal. Magreception na lang tayo uli dyan sa atin" then she replied 3 times saying magtatampo daw ang dad ko pag baguio ako. Sigurado daw siyang ayaw ng dad ko na sa baguio ako ikakasal. Then i replied "basta. Saka na lang natin pag-usapan yan. " Then she finally sent me a message saying "ayoko din sa baguio ka"

I just need to vent this out. Sa Baguio ko gusto magpakasal, i already started scouting suppliers pero havent booked anything yet. Ano yun. Back to zero ako. I want to get married in Baguio but at the same ayokong may tampuhan before the wedding especially because technically nasa puder pa ako ng parents ko, not until i get married. That's how i see it kasi. Kaya gusto ko kunin opinion nila for my wedding.  Ive always considered what they want for my life and also to this wedding.  kasi for my whole life, theyve been supportive for what i want to do. Ngayon lang talaga. Nanibago ako. Gusto ko umiyak sa dad and mom ko. Kaya lang baka even if they give in, i would still have this feeling na baka hindi sila masaya on my wedding day. Ang hirap.

I know the feeling sis. I wanted to have my wedding in Cebu pero madaming kontra. :( pero after that wala ng nakielam sakin kasi wala na kong sinabihan ng plans ko. besides they wont pay naman for my wedding kami ng fiance ko ang magbabayad. so I just listen to my parents sa suggestions nila but it doesn't mean i'll do it. less stress for me.

stylus

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #401 on: December 02, 2015, 06:10:37 am »
hi sis mikky21, ikaw yung super looking forward sa pamamanhikan right? pano yan, wala pa pamamanhikan iba na kagad opinion ng parents mo. hehe. taga san ba kayo sis? one and only option nyo ba talaga ang baguio? talk to your parents muna. maybe they have their reasons. mukang ayaw talaga nila sa baguio the fact na nabanggit na nay bagong resort nas baka sakaling maconsider mo. plus the magtatampo effect ang dad.

i know dapat tayo ang masunod sa gusto natin sa wedding natin. pero as i read your other posts from other threads, mukang gusto mo rin na agree ang lahat, both your families sa mapapagkasunduan na wedding details nyo. kung di valid ang reason why ayaw sa baguio then convince them bakit dun mo gusto. basta di lang din nila maaccept ang "basta".

tiffany24

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #402 on: December 02, 2015, 07:02:05 am »
Hugs sis mikky21 for me lang, it's still best to talk to them kasi minsan akala natin ok na yung explanation natin sa kanila. Sometimes all it takes is to open up with them, yung in depth reason behind your decisions para maka let go sila. Wala naman akong big issue aside sa gusto ng mother ko na sa bahay ako mangaling to the point na nagbibiro na siya na hindi siya aattend ng kasal namin pero i talked to her ng masinsinan at eventually naging ok naman. They are still your parents anyway. Hoping for the best sis..  :)

Maple19

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #403 on: December 02, 2015, 12:01:19 pm »
Sis mikky21 maybe you just need to talk to your parents in person. Alam mo sabi ng mga matatanda iba na ang panahon ngayon, dati kasi panahon ng parents natin, parents nila ang nasusunod sa mga plans (e.g. location, ninongs/ninangs, caterer, etc.). Ngayon kasi, the couple pays for everything kaya couple na din ang nasusunod sa lahat ng wedding decisions. Siguro nga kaya plan ng parents mo sa hometown nyo, para madami sila mainvite. Iexplain mo na lang sa kanila bakit limited lang ang no. of guests. Ganun din ang ginawa namin sis, especially 150 pax lang nainvite namin for our wedding, even if we have a big and close-knit family, natutunan yun tanggapin ng parents ko.

Siguro make sure na lang your parents will have an easy and comfortable stay in Baguio. For example, kayo na lang din magbayad ng stay nila sa Baguio before and after the wedding. Magpakain na lang kayo sa province para di na kelangan ng 2 separate weddings.

Purple_Power

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #404 on: December 02, 2015, 04:09:19 pm »
^Ganun pala yun, at mabuti na lang I wasn't born nung mga panahon na yan dahil I can't imagine myself being sunud sunuran kahit sa kasal. Sampal pa man din sa akin na hindi ako yung masusunod.  They took literally yung obey your parents kaya yung ibang parents naman they will take advantage much kahit marami nang nasasakripisyo sa anak. Isama mo na rin ang fix marriage dyan na pati parents sila masusunod.

Ang nakakainis na kasi dyan sa panahon ngayon at ito ang hindi ko maintindihan sa ibang mga parents. Ayaw naman nilang maglabas ng pera para sa kasal ng mga anak nila pero gusto nila sila pa rin masusunod, partida ang gusto pa yung anak maglalabas ng pera para sa ibang mga gusto nila sa kasal ng anak nila. Dyan ako naiirita ngayon eh! Kung naandyan pa rin ako sa panahon na parents masusunod then I would rather not to shell out kahit singkong duling in which I am sure yung gown sila pa rin masusunod.

May naalala bigla ako eh! Kasi yung pamangkin ko asked me kung sino ang pumipili ng mga Godparents, una kasi baptism yung topic kasi nga siempre baby pa sila and can't choose so sabi ko siempre mga parents. Pero kapag wedding it is up to them kung sino ang gusto ng mga anak. My mom butt in na pwede raw mga parents rin ang pumili. Sabi ko bigla but when you are in the right age and mature enough you have the right to choose who you want to be Godparents. My mom has different facial expression on me in which I think she didn't bothered to argue lang  ;D

mikky21 Have you explain to your parents kung bakit Baguio ang preferred niyo and may sentimental value yun sa inyo as couples? Nakapagpareserve ka na ba sa Church and venues? Kasi kung naireserve mo na ever since then you have an excuse already na non refundable na siya. Basta ito ang masasabi ko. Push niyo talaga yang Baguio wedding kasi kahit ako ang nasa lagay niyo at dyan rin ang love story I will do the same thing.

corpse_bride

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #405 on: December 02, 2015, 07:25:54 pm »
Sis mikky24 ang ganda naman pala ng reason niyo bakit niyo gusto sa Baguio. Tsaka kung from Pangasinan ka diba hindi na yun malayo? Pero nasabi niyo na ba sa families niyo bakit duon niyo gusto? & alam na ba nila na konti lang din naman invited niyo (as per baka walang makapunta ng kasal niyo)? If daddy's girl ka naman & you seem equally close to your mom, siguro parang mom ko din yan na kahit madaming sasabihin sa simula, aayon pa din sila sa gusto mo.

As per 2 "kasal" pwede namang handaan, "after party" or simple reception nalang yung dyan sa inyo. Di naman kelangan may ceremony ulit. Pang showbiz lang yun haha :) smile ka na ah?
« Last Edit: December 03, 2015, 10:19:01 am by corpse_bride »

mikky21

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #406 on: December 03, 2015, 09:58:35 am »
Sis maple19 sana nga madaan namin sa magandang usapan. Kaya nga gusto ko ng makapunta na rin si h2b sa amin para makausad na kami sa wedding preparation. Ayoko kasing magmukhang pasaway sa parents ko kasi nung nagpakasal ate ko (panganay namin) last year kinonsider niya lahat ng opinion ng parents ko kahit na shoulder lahat ng hubby nya yung expenses that time. Civil nga sana sila ate muna nun kaya lang ang opinion ng parents ko magchurch na lang sila so yung wedding date nila sana namove ng 6 months para mapush yung church wedding. Also nagrequest dad ko na may reception sa bahay namin kahit na may reception na sa hotel so sinunod yun lahat ni ate. Ang pagkakaiba kasi namin si hubby niya taga dun din samin e si bf ko ang layo mula samin 5-6 hour drive. Isa rin sa Dahilan kung bakit gusto ko magbaguio: Ayoko dumugin ng kamag anak na hindi ko naman kaclose at pwede namang wala sa wedding ko.  100 pax at max ang target ko. Initially ang plan ko is sa baguio ang ceremony at reception. Pero may reception uli sa amin kinabukasan. The day after kila h2b naman. Kaya lang mukhang ang request talaga ng parents ko e dun talaga yung kasal namin. For our baguio wedding accomodation, I am planning to rent a small whole building for 3 days, that can accomodate at most 60pax para wala ng problema yung mga guests namin.

Sis purple_power kaya nga sis e bakit kasi may ganyan pang tradition. Hahaha. Hindi ko pa sinabi sa mom ko kasi ayoko ng mahabang usapan na over the phone. Saka na lang siguro pag nag usap na kami ng personal. Pero im assuming na alam niya naman yun since matagal na kami ni h2b and alam niya naman na classmates kami nung college sa baguio. Wala pa kami napareserve na kahit ano. Pero nagtatanong tanong na ako ng suppliers and their rates. Nawalan ako ng gana nung nalaman kong hindi gusto ng mom ko sa Baguio.

Sis corpse_bride hindi ko pa nasabi kasi parang alam naman na nila yun. Sa tingin ko. 3 hours away kami sa baguio si h2b 6 hours away. Hindi ko pa din nasabi na 100 pax at max lang gusto namin. Para kasi samin yung talagang nagpapahalaga samin, makakapunta sa wedding namin kahit malayo. I think kaya naman yung 100 pax since pareho naman kami ng friends ni h2b nung nag-aaral pa kami. Initial plan ko 1 wedding lang talaga. Baguio lang pero 3 receptions kasi naforesee ko na na hindi papayag dad ko na walang reception samin lalo malayo ang baguio pero mukhang sa conversation namin ng mom ko gusto niya talagang sa amin ang kasal kaya naisip ko lang na mag-2 weddings na lang kami pero sobrang hindi na siya praktikal. Thanks sis. :)
« Last Edit: December 03, 2015, 11:17:51 pm by mikky21 »

Purple_Power

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #407 on: December 03, 2015, 03:53:55 pm »
mikky21 Seems that your parents are sanay na sanay na kayong lahat ng mga anak eh sumusunod sa kanila? Seems that kapag may hindi kayo nasunod you still the feeling of guilt? Honestly dumaan rin ako sa ganyan. Siguro kung ako yung early bride baka naging masunurin pa ako but at the same time namroblema ako. Because of other situations na rin na I experience about my parents it came to the point na nasasakal na ako sa pagsunod sa kanila because the result is always negative. Kaya nung may family na ako isama mo pa na nasa right age na rin ako dun na ako nag assert ng pride ko kung ano yung decision yun ang akin. Meaning hindi na ako nakakaramdam ng sense of guilt. My Dad is a member of Church pero nung nalaman na ikakasal kami at hindi sa Church wapakels na. Akala ko nga dahil politician na hindi naman kami close ang magiging Godparents magrereact Nanay ko pero hindi pa rin. Wala naman nagsalita or namuna na Politician ang naging Godparents namin.

I strongly suggest huwag niyong push ang 2 weddings if you really find it impractical. Siguro now it is your challenge na you are in the right age and matured enough to assert your right decision kayo ni h2b. Ganun talaga ang buhay gustuhin man natin na sumunod sa parents natin, in reality hindi lahat kaya natin sundin lalo na kung hindi naman makakabuti sa atin o marami nang masasakripisyo. I mean example susunod ba tayo sa parents natin kapag Fixed Marriage ang usapan? Bakit ka magpapakasal sa taong hindi mo naman feel.

And regarding sa wedding na baka umattend ang hindi close na relatives, ayoko rin nun to be honest. Ako nga eh! mas okay pa ako sa second degree relatives ko sa US compare to my first cousins na hindi ko kasundo. Kung magpapakasal ako sa US I would brutally not invite them at all, kung puro intriga lang naman ang ibabato kasi mas concern pa sa wedding preparation.

peachlipstick

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #408 on: December 03, 2015, 08:28:09 pm »
Hi sis mikky21, virtual hug sis :) Kausapin mo mabuti parents mo. Minsan talaga may unreasonable requests sila, you just need to be firm and consistent. I don't want to sound pasaway and I still consider my parents' opinion though my h2b and I are the ones paying for the wedding pero at the end of the day, event namin ni h2b ang kasal.
 
Sis Purple_Power, I agree with you regarding standing firm on your decisions. After all, this is our event. Si Mama wants me to have one of my uncles (her brother-in-law) as Ninong eh this person is so disrespectful  (sabi ni Uncle sa kapatid ko before if maghiwalay daw parents ko sa kanila na lang kapatid ko). So, diretsa ko sinabi kay Mama na ang kukunin kong Ninong ay ang taong alam kong may mabuting maitutulong sa amin ni h2b. Tumahimik na lang si Mama.

mikky21

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #409 on: December 04, 2015, 08:51:31 am »
^sis purple_power hindi sis. Hindi ganun ang parents ko especially my dad. Hindi nila kami pinapakialaman sa decisions namin. Siguro naiba lang talaga pag wedding ang usapan since major occasion kasi ito. Ang dad ko man of few words siya. Nakakafeel ako ng guilt kasi bilang hindi na nga sila nakikialam samin at minsan na nga lang sila magrequest tapos hindi ko pa mapapabigyan. Naisip ko nga din na baka assuming lang si mom na ayaw ng dad ko kasi baka kung siya lang ang magsabing ayaw niya baka hindi ko gawing big deal. Haha. Isa pang issue e hindi kami pareho ng religion ni h2b but sa wedding ako masusunod napag-usapan na namin ni h2b. for sure kontra ang family niya pero bahala na sa pamamanhikan. Para minsanan na lang. As much as possible im trying to consider my parents' opinions kasi that's how i want my wedding to be. Kung pwede namang magmeet halfway at kung pwede naman gawan ng paraan ganun na lang. Nasstress ako kasi baka kahit anong alternative maisip ko baka in the end ayaw pa rin nila and that means i would have to follow what i want and that would break their hearts. Haaay. Parents.

^sis peachlipstick seems like ganyan ang mangyayari. Ill be firm sa decision ko. But im still hoping for the best na mag-agree ang parents ko.

Purple_Power

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #410 on: December 04, 2015, 10:33:53 am »
Ano ba religion ni fiance mo? Still try to tell the alternative then of course still expect na kokontra sila. But then kung kumontra nga that is the time that you need to assert yung mismong gusto mo and defend it. Saka Oo nga baka dahil wedding yan ibang iba na ang usapan. I realized it now na mas okay pa pala ang magpabonggang debut kahit most of the time hindi pa sagot ng celebrant rather than wedding.

When I am seeing weddings most of the time iniisip ko ganun ganun lang ang planning. Kasi siempre makikita mo sa occasion itself na ang saya saya pati yung usapan tapos yung bibitawang message like yung wish ng both families. Dito ko lang talaga narealize sa GT noon pa na ang bigat bigat pala pagdating sa planning or preps. Suppliers maiintindihan ko pa pero sabihin mo sa family yun ang mabigat. Parang tuloy feeling ko kailangan mo pang dumaan sa court hearing bago mo matupad ang dream wedding mo.  ;D And again parang mas madali pa pala ang dream debut if budget is not an issue.

mikky21

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #411 on: December 04, 2015, 10:41:30 am »
^sis purple_power catholic siya. Christian ako. Hehe. Tama ka sis. Parang sa mga weddings na inattendan ko parang ang dali magplano pero kung ikaw na pala ang dami mo kailangan iconsider. Haha. Sa tingin ko naman yung mga wishful messages and good vibes sa wedding day mismo e nangyayari dahil nagkasundo na lahat ng sides at natanggap na ng mga kontra na hindi talaga masusunod yung gusto nila and during the wedding preparation e nakamove on na sila kaya okay na sila uli on the wedding day itself. hehe

Purple_Power

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #412 on: December 04, 2015, 10:52:52 am »
Ako nga hindi pa ako nagpaplano ng kasal pero nababasa ko na ang thread na ito, kaya naman sobrang naging handang handa ako dahil kilala ko ang parents ko lalo na Mom ko na she has big possibility na push niya yung gusto niya. Since yun nga sa bro ko nagawa niya yun so sa akin alam ko na rin. More so I don't really see myself na mag Church wedding tapos susunod yung sa mga trend meaning yung may gown, entou, bridal march and so on. Kilala ko family ko pagdating sa ganyan lahat mga maiinit ang ulo isama ko pa yung Tatay ko saksakan ng reklamador, well that is what he did during my bro's wedding. Nanay ko I can anticipate na walang consideration baka before wedding bulyawan ako bigla. So naiplano na namin noon na make it simple or kahit Church wedding parang Civil style. Mas gagastos na lang kami sa honeymoon.  ;D ;D

mikky21

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #413 on: December 04, 2015, 12:56:01 pm »
^sis ako naman ang walang keme keme sa ganyan.  Si h2b ang medyo maarte. Kung ako lang kahit civil kami pero ayaw niya. Lol. Pati parents ko niyan panigurado aayaw. Gusto ko na magprepare para sa magiging reaction ng families namin pag nagsabi na kami ng plans Namin. Haha

ems_thorne

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #414 on: December 04, 2015, 02:04:21 pm »
I just want to share my frustration and worry. Less than a month to go before my wedding pero hindi pa rin ready ang gown ko. Yung supposedly final fitting ko parang naging first fitting ulit siya. I'm so worried na baka hindi siya matapos on time. Nakakadagdag pa sa problema eh yung hindi pagiging responsive ni designer huhuhu... Ndi ko na alam pano siya kausapin nang hindi galit kasi sobra ko ng inextend yung patience ko. Pero parang hindi nakakatulong sa cause ko yung pagiging mabait at kalmado kasi parang hindi ko pa rin nararamdaman sa kanya yung sense of urgency.

meixin

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #415 on: December 04, 2015, 03:27:21 pm »
Sis pwede bang malaman sinong designer yan?

mikky21

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #416 on: December 04, 2015, 08:16:48 pm »
^sis ems_thorne diba sa baguio wedding mo? sinong designer niyan? pwede pang i-PM mo sakin. im planning to have a baguio wedding kasi. anyway if i were you, umpisahan mo ng magsungit tapos magbigay ng exact date kung kelan mo dapat makukuha yung gown mo. nakakastress naman yan. lalo na't malapit na yung kasal mo

InquisitorLavellan

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #417 on: December 05, 2015, 10:15:50 am »
Akala ko sa relatives lang ako magkakaproblem sa guest list,  pati pala sa office!  Hindi ko naman balak invite ang buong office namin pero  parang nagpaparinig yung iba na "Magiging mabait ako kay *name* para invited ako sa wedding".  Tapos magtatanong ng details and magsasabi ng input kuno pero unsolicited advice.   JUSKOPO, gusto kong  magtago na lang at lumitaw after the wedding. Ni hindi ko mashare yung date kasi feeling ko lilitaw lang sila bigla.

Buti na lang may friends akong kinasal na secretly lang nagbigay ng invitations sa mg invited lang.  Pero still,  sobrang ayoko tuloy  pagusapan yung wedding sa office kasi nastestress ako sa mga comments nila :(
« Last Edit: December 05, 2015, 01:37:47 pm by InquisitorLavellan »

sparklingjewel

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #418 on: December 05, 2015, 01:27:57 pm »
^Hmm somehow i dont experience the same problem at work. People seem to know i wont be inviting the entire floor and instead just my team.

My problem now, i get annoyed when i ask for a meeting with suppliers and they tell me their December is tight. Yesterday i semi-snapped at my coordinator when she told me she's still looking for a sched to meet because her Dec sched is so full. I said, yeah nga that's why I've been asking for a sched for like 3 weeks. Laging will get back to you ang sagot ng secretary who never did. Plus she herself said before na it's still too early to meet again. Is that my problem? It's supposed to be her problem, Im a paying client too, so she needs to make time diba?? If they're so full why do they accept so much weddings.

Anyhoo, we eventually found a sched to meet albeit at 8:30pm. Downside to ng popular suppliers that i would just like to point out.


Purple_Power

  • Guest
Re: Problems you encounter while preparing for your wedding (Part 7)
« Reply #419 on: December 05, 2015, 01:37:37 pm »
InquisitorLavellan Ask ko lang, bakit mo nga pala na-open up na ikakasal ka na? may kinalaman ba ito sa leave or requirements? Ano na rin ba ang mga specific na kwento mo about sa pagpapakasal mo? Kasi pwede mo naman sabihin na ang plano niyo is private saka nag uusap pa kayo ni h2b mo. Huwag talaga mag open up ng wedding preps sa officemate kasi malaki ang chance na mag expect. Ang masaklap pa niyan sila pa ang kasama mo araw araw compare sa mga ininvite mo. And yes don't say the date unless need mo for requirements. Gawa ka na lang ng alibis and be silent about your plans.

Naalala ko pa nga nun wala pa naman sa stage na we are planning, resign na nga ako may mangangatsaw na invite ko raw sila sa wedding ko. Tapos nung reunion naman ng HS ganun rin bigla akong sinabihan nung isang classmate ko, hindi naman ako invited sa kasal niya.

sparklingjewel nakaka offend yung ganyang suppliers na parang bang you are just nothing. Tapos hindi mo pa sila makausap ng maayos about your plans. Kung ganyan that their december is tight eh di hanap na lang ng iba. Malas nga lang kapag nakapagdown na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close