Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 13819 times)

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1320
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #180 on: April 07, 2017, 07:36:56 am »
^si huby mas masipag din sa akin. Parang ako pa nga mas asikasuhin, pero relate ako sa charger, headset na pakalat kalat. Kaya pag hindi nya makita wala ako paki ang peg ko. Ang ginagawa ko pinapabayaan ko sya maghanap para maisip nya mahirap maghanap ng bagay na hindi basta makita. Hindi ko sya sinasabihan inaasar ko lang minsan na pakalat kalat kasi gamit mo. Kaya sya rin nakaka realize ng mga hindi ko type na habits nya.

lonely_dad

  • Guy po ako
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 436
  • hay tigang :(
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #181 on: April 07, 2017, 07:51:37 am »
2 years ago pa post ko, mag 7 years na kami this coming June. Same pa din, pagkain pa din. To be specific paghihimay ng ISDA.  ;D Eh yung anak ko, pinapakain ko din ng isda, so can you imagine? Anong oras pa ako makakakin? Hindi naman lahat ng isda boneless.  :P

pwede ka na bumili ng isda sa palengke tapos ipaboneless mo  ;D

irita din ako sa mga maliit na bagay pakalat kalat tapos di marunong magligpit

exquisitegem

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 714
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #182 on: April 08, 2017, 07:28:15 pm »
My husband's Language of Love  is service. I love serving him naman. I'm not even a bit bothered about it. He loves my coffee, gusto nya ako nagluluto for him, gusto nyo pinaghihimay ko sya ng shrimp or alimasag... those things. In terms of gawaing bahay, more on ako din pero tumutulong naman sya minsan. We're both career persons. In a way, he reciprocates naman by fetching me from work, giving massage, shopping/buying all the stuff that I want. :)

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1320
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #183 on: April 08, 2017, 09:48:02 pm »
Dito makikita both efforts ng mag asawa kahit small things lang. Hindi relationship na give ka lang ng give or take lang take. Mas na improve ko outlook ko sa buhay since nag asawa ako. Nagpapasalamat ako worth it ang asawa ko na ibigay ang full love and attention ko sa kanya.

swtgrl_bee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3366
  • I'm a SOPHIAholic ;)
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #184 on: April 09, 2017, 12:38:44 am »
lonely_dad ayun bumili ako kahapon ng boneless Bangus.  ;D Sabay sabay na kaming kakain this week.  ;)
xoxo B1B2

12 years ng GirlTalker! 💋

swtgrl_bee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3366
  • I'm a SOPHIAholic ;)
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #185 on: April 09, 2017, 12:40:05 am »
Sis Shadow Angel, totoo yan. Lalo na kapag sabay sabay lahat ano? Mga anak mo, trabaho mo. Pero kapag nairaos mo naman lahat. Worth it!
xoxo B1B2

12 years ng GirlTalker! 💋

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1320
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #186 on: April 09, 2017, 12:48:54 am »
^tama ka dyan lalo na un feeling na fears ko dati baka magbago or mag adjust ako ng sobrang dami for him. Good thing kapag both matured kayo.

MoonshineLady

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 156
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #187 on: April 17, 2017, 07:23:59 pm »
nakakainis ang mga asawa na parang don umasta at feeling nila eh dapat gagawin lahat para sa kanila. nakakaloka! buti na lang my hubby is not like that maaasahan sya sa bahay. i dont think i can live with someone like that na lahat na lang iaasa saiyo at tinatrato ka na parang katulong. naku wag kayo papayag mga sissies, coz pag hinayaan nyo yan mahihirati sila at ganyan na nila kayo tatratuhin. and of course stress sa ating mga wives yun at tatanda tayo ng maaga! you have to make boundaries and let him know na there is division of labor in the house.

lonely_dad

  • Guy po ako
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 436
  • hay tigang :(
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #188 on: April 18, 2017, 07:53:28 am »
lonely_dad ayun bumili ako kahapon ng boneless Bangus.  ;D Sabay sabay na kaming kakain this week.  ;)

ayos di ba? kahit pang sinigang pinapaboneless ko para walang tira
mga kids kasi tamad mag alis ng tinik kaya pag hindi boneless ayaw nila kumain

sweetpot

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 122
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #189 on: April 19, 2017, 06:59:37 am »
Naaasar ako sa asawa ko, para kasing masyadong asikasuhin pag nasa bahay. Alam ko naman na bilang asawa niya karapatan at tungkulin ko yun pero nakakapagod na laging ganon kulang na lang subuan mo ng Pagkain.

- Sa umaga napakahirap gisingin, laging babalik balikan sa higaan sa tagal bumangon. Ang gripo sa banyo hindi inaalis sa Shower mode kaya lagi nababasa yung susunod na gagamit ng banyo. May penalty na nga na 100pesos pero mukhang ok lang sa kanya eh.

- Tuwing gagamit ng CR, di malinis gumamit, wala naman na kami katulong para mag maintain ng kalinisan kaya ako yun lagi pagod.

- Sabi ko huli na siya magsuot ng medyas kasi nag iikot pa sa bahay naka medyas agad, ang hirap maglaba, parang bingi walang naririnig.

- Umuupa lang kami ng 2br condo, maliit lang. Ang dami niyang laruan. Ang di ko gusto wala na ko space paglagyan ng cabinet para sa damit. Kaya yung damit namin siksikan na, di ako makabili lalagyan ng damit. Pero yung laruan niya may lalagyan, may panahon at oras,meron budget. Pati sa Sala may damit kami dahil sa laruan niya na inukupahan yung pang 2 kwarto na pwede pa sana lagyan ng ibang importante.

- Yung gripo sa lababo ng banyo laging sira, di man lang magkusang ipagawa. Ako pa na babae yung inaasahan na hahanap ng gagawa. 3 taon ng dumadaan hanggang ngayon sira pa din. Pero pag sa laruan niya laging may oras yan.

- Pag wala siyang pasok, maghapon sa bahay di mabitawan ang cellphone kakalaro. Kundi laro, ka-group chat tungkol sa laruan. Kesa nga naman mambabae laruan na lang pero dapat nilalagay din sa lugar. Mas madami pa oras nabibigay sa laruan, games at facebook eh. Pagkagaling sa trabaho weekdays yan din ang pinapagpuyatan niya kaya di magising agad sa umaga.

- Pag kakain kami di man lang ako kusang tulungan maghain pag weekends, nakahiga lang nag games at fb ulit. Uutusan mo pa bago kumilos. Pag ligpitan naman di rin magkusa tumulong magpunas man lang sa mesa at magwalis. Problema din sa taong to pag inutusan di ginagawa ng maayos. May paraan siya ng paggawa pero mali. Lalo lang nagkakalat. Akala mo lumaking may yaya eh wala naman. Syempre gaya niya, ako din gusto ko magpahinga bilang all around sa bahay at sa 4 yr old daughter namin na mag aaral na sa July. Mas madali sana yung trabaho kung di na siya dumadagdag sa inaasikaso ko kasi malaki na siya. Madalas ako nagkakasakit simula nung nag all around ako mula ng umalis na helper namin, na emergency pa nga ako kasi sumakit appendix ko after maglinis ng banyo, madalas nahihilo ako pag napagod,sumasakit ang mata ko. Paano ka naman kukuha ng katulong, walang matulogan sa dami ng laruan niya sa 2nd bedroom di na mapakinabangan ng iba yung kwarto. Ako yun lagi nagtitiis.

- Minsan dadating sa gabi, pagkakain, 1 plato at kutsara di pa hugasan,itatambak pa eh kita ng nakaligpit na ako. Pati mesa di man lang punasan kahit kitchen towel gamitin na lang kung talagang tinatamad.

- Pati pag carwash ng sasakyan niya ipapaalala ko pa.

- pag nag grocery kami di man lang ako tulungan maglipat galing pushcart papuntang cashier ng grocery,nakatitig lang.

Ang dami pang nakakaasar na bagay pero nakakainis yung ganon parang minsan akala ko Anak ko yan di asawa kasi tignan mo naman parang batang lagi papagsabihan kasi pag di ka nagsalita mali mali o di yan kikilos. Tapos ayaw pa niya ng nasisita ko. Pwede ba naman di mo sisitahin? Sa araw-araw na ganyan sino ba di makunsume. May anak ka na nga iintindihin,mag aasikaso ka pa ng bahay,dadagdag pa ba siya? Eh buti sana kung may katulong ako magligpit,magkusa man lang siya kaso wala. Akala niya basta nagtrabaho siya ito sweldo bigay sa akin tapos na.. Minsan talaga iniisip ko para siyang Highschool umasta.


May tanong ako, not to sound very offensive pero yung mother ba ng asawa mo maasikaso? Kasi pwedeng nasanay ka na ng ganyang routine dahil doon

Pink_Sugar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2271
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #190 on: April 19, 2017, 10:11:20 am »
Hindi at masipag sya kay baby lalo ng magapalit ng diaper at magpaligo kay baby.

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 681
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #191 on: April 19, 2017, 02:07:31 pm »

May tanong ako, not to sound very offensive pero yung mother ba ng asawa mo maasikaso? Kasi pwedeng nasanay ka na ng ganyang routine dahil doon

Sis kung ako ang asawa niyan, hiniwalayan ko na yan! haha  ;D totoo. sa States nga ground na yan for divorce.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1320
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #192 on: April 19, 2017, 07:54:43 pm »
^ako rin kung ganyan asawa ko hiwalayan ang ending namin, Parang ang babaw ng dahilan pero not for me stressful for life. Kung work ang dahilan nya madami pa rin lalaki kaya magwork at tumulong sa house chores at the same time. Eto rin isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng pinoy as my husband. Marami kasi na need pa utusan bago kumilos.

yn061515

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 690
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #193 on: April 19, 2017, 09:48:14 pm »
Hindi, ako ang asikasuhin, haha. Pero di naman sing lala ng asawa ng nag-post.

I think more than 3 years na silang kasal and ang expectation by this time, naka adjust na sila sa isa't isa. Noong bago pa lang kami ni husband, ang dami ko ding hinanaing sa buhay kasi lalaki sya, babae ako. Maayos ako sa gamit lalo noong dalaga pa 'ko pero noong nag-start na kami magsama, nakita ko kung gaano ka unorganized si husband. It was really hard in the beginning kasi ultimo hilik nya nag-iinit ang ulo 'ko, eh ano pa yung mga kalat nya like mga tsinelas na hindi mapagpares at mailagay sa isang tabi, or yung hinigaan na hindi maayos, or yung paninigarilyo sa banyo miski alam ng bawal. Pero we worked things out. Sinabi ko sa kanya na if he can see a life with me he should learn to be organized and help me with the chores. Slowly, natuto sya. Ngayon, takot na sya pag nakalimutan nyang maglinis ng hinigaan at alam nyang madadatnan ko. Mega sorry at explain na yan, most of the time valid naman reasons like malelate na sya and it seldom happens na. Yung mga slippers and shoes lagi ng nasa lalagyan yan, or some place na hindi ko makikita o matatapakan. He does the laundry most of the time and folds them too. Although syempre nakaka limot pa din sya minsan. I constantly remind him and tries my very best to keep calm para hindi mukhang nag nanag. Pero at some poing napipikon din ako, nag-aaway din lalo pag pagod kami parehas sa work at maligalig ang bagets tapos makalat pa, pero we talk it out. We always try to understand each other at tanggapin at itama ang pagkakamali ng bawat isa. Hindi madali, hindi mabilis pero hindi din impossible. Nasa pag-uusap yan. If you respect each other, you will listen to each other and will learn to make things better. You will develop a system.

My husband is an unico ijo while I'm the eldest of 3 sisters so at some point feeling ko kapatid ko sya na nakakabata. Haha!

For you sis na nag-post, try to look back on why you fell in love with your husband in the first place. Are those enough for you to hold on a little more? Don't give up on him, itry mong kausapin ng maayos. Wag ka munang mapagod, try and try until feeling mo wala ng saysay ang lahat. I do believe that marriage kasi is not something that you give up so easily just because it became so hard to handle. You try and try to work things out. At times minsan gusto ko na ding hiwalayan asawa ko, pero inarte ko lang yun haha. I just tell him directly pag may ginagawa sya na mali or di ko nagugustuhan like "Oh yam, nakalimutan mo yung basura." Minsan he'll reason out pero he learned na din naman na when it comes to chores, no reasoning is acceptable. You do your share whatever happens! The traits you've enumerated are workable naman eh. Konting push pa. Your husband will eventually grow up.
« Last Edit: April 19, 2017, 09:56:16 pm by yn061515 »

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 681
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #194 on: April 20, 2017, 01:43:26 pm »
^ako rin kung ganyan asawa ko hiwalayan ang ending namin, Parang ang babaw ng dahilan pero not for me stressful for life. Kung work ang dahilan nya madami pa rin lalaki kaya magwork at tumulong sa house chores at the same time. Eto rin isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng pinoy as my husband. Marami kasi na need pa utusan bago kumilos.

Sis  Shadow Angel, sa pinoy culture kasi ang nanay masyadong binebeybi ang anak na lalaki. kaya with my eldest son i'm very strict  with him about doing household chores. di pede sakin ang "okay na yan attitude". sinasabi ko sakanya one day pasasalamatan mo ko at tinuruan kita sa gawaing bahay-- pati na asawa/partner mo magpapasalamat sakin!  ;)

ganyan kasi papa ko alagain kasi spoiled nina lola. ganyan din kuya ko kasi spoiled nina mama at lola.. kaya pagdating sa pamilya ko mismo, hininto ko na ang ganyan pag uugali. its not job of the wife/partner to raise their husband to be responsible. its our job as a parent. 
« Last Edit: April 20, 2017, 01:59:08 pm by lovemeagain30 »

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1320
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #195 on: April 20, 2017, 06:13:46 pm »
^tama ka dyan. Actually kahit ako guilty sa wala masyadong alam sa house chores kaya medyo nahihirapan ako mag adjust sa mga gawain bahay. Mas marami pang alam asawa ko mas madalas ako pa ang tinuturuan. Hindi naman sya makaanggal dahil alam nya from the start at sinabihan na sya ni mama na wala ako alam sa house chores. Kaya pag may ginagawa ako sa house na ako lang at walang help nya sobrang thankful na sya. Sa cooking na lang ako bumabawi at pagaasikaso sa kanya.

lonely_dad

  • Guy po ako
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 436
  • hay tigang :(
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #196 on: April 21, 2017, 08:21:55 am »
^tama ka dyan. Actually kahit ako guilty sa wala masyadong alam sa house chores kaya medyo nahihirapan ako mag adjust sa mga gawain bahay. Mas marami pang alam asawa ko mas madalas ako pa ang tinuturuan. Hindi naman sya makaanggal dahil alam nya from the start at sinabihan na sya ni mama na wala ako alam sa house chores. Kaya pag may ginagawa ako sa house na ako lang at walang help nya sobrang thankful na sya. Sa cooking na lang ako bumabawi at pagaasikaso sa kanya.

buti ka nga me effort sa cooking eh  ;D

kiz_me1109

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 891
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #197 on: April 21, 2017, 11:18:28 am »
If you are newly weds, you will really experience that. Iba iba lang ang experiences ng couples pero pareho lang yan na kailangan niyo pareho mag adjust. Yan ang mga bagay na kailangan niyo pag usapan kasi mag asawa na kayo. And both of yo should compromise on things. Dapat may rules sa loob ng bahay na pareho ninyong pagkakasunduan. Medyo mahirap masanay sa umpisa pero magiging ok din kayo.

Si husband naman hindi ganyan. Pero may mga slight adjustments naman din kami nung nag s start palang kami. Lahat naman niyan napag uusapan.

Good luck and sana maging ok na kayo.

yonamarie

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 84
  • Young|Frustrated RN|Mother to Sam
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #198 on: April 21, 2017, 02:46:17 pm »
We are not legally married pero with "live in" during the weekends lang
We have one kid and 7 years na kami magjowa at almost 5 years na din yung 'live in' status namin

At times, may ganyan siya ugali.
Yung kulang na lang maid na o yaya ang tawag niya sakin. Ultimo nga pagtanong sa tindera sa carinderia minsan iuutos pa niya sakin. Nakakaloka

Yung ang lapit na din nung gamit niya sa harap niya ipapaabot pa and etc.
Marami pang mas stressful pa dyan

and i must say, ginawa ko na yung mga tips and suggestions niyo dito hahaha
minsan naguilty ako kaso madalas mas iniisip ko na kahit nasa bahay ako madalas, iba yung pagiging nanay talaga! mabuti pa nga yung anak ko, nauutusan ko na.

ayun, medyo nagbago naman siya. kaso pag may topak. riot na naman kami
patience is a virtue lang din minsan halos di ko na pinapansin kasi nakakastress at nakakabawas ganda satin yun :)

chinkywinky

  • Prinsesa at adik na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1556
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #199 on: April 22, 2017, 01:07:17 am »
My husband buti hindi naman asikasuhin. Ako ang asikasuhin  ;D
Nung una, he's not used to peeling shrimps, then I taught him, ayun sya na mag-isa nag-aalis ng balat ng shrimp. Dati, nagpapahimay ng crabs, then nakita nya nasusugatan na kamay ko kakahimay. Now, sya na mag-isa naghihimay ng crabs nya. In the end, nabaligtad. Sya na naghihimay para sa akin  ;D Saka sanay sya mag-prepare ng damit nya mag-isa pag may lakad kami but I do that for him most of the time naman.
i would love to love you like you do to me....

 


Latest Stories

Load More Stories
Close