We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
2 years ago pa post ko, mag 7 years na kami this coming June. Same pa din, pagkain pa din. To be specific paghihimay ng ISDA. Eh yung anak ko, pinapakain ko din ng isda, so can you imagine? Anong oras pa ako makakakin? Hindi naman lahat ng isda boneless.
lonely_dad ayun bumili ako kahapon ng boneless Bangus. Sabay sabay na kaming kakain this week.
Naaasar ako sa asawa ko, para kasing masyadong asikasuhin pag nasa bahay. Alam ko naman na bilang asawa niya karapatan at tungkulin ko yun pero nakakapagod na laging ganon kulang na lang subuan mo ng Pagkain.- Sa umaga napakahirap gisingin, laging babalik balikan sa higaan sa tagal bumangon. Ang gripo sa banyo hindi inaalis sa Shower mode kaya lagi nababasa yung susunod na gagamit ng banyo. May penalty na nga na 100pesos pero mukhang ok lang sa kanya eh.- Tuwing gagamit ng CR, di malinis gumamit, wala naman na kami katulong para mag maintain ng kalinisan kaya ako yun lagi pagod.- Sabi ko huli na siya magsuot ng medyas kasi nag iikot pa sa bahay naka medyas agad, ang hirap maglaba, parang bingi walang naririnig.- Umuupa lang kami ng 2br condo, maliit lang. Ang dami niyang laruan. Ang di ko gusto wala na ko space paglagyan ng cabinet para sa damit. Kaya yung damit namin siksikan na, di ako makabili lalagyan ng damit. Pero yung laruan niya may lalagyan, may panahon at oras,meron budget. Pati sa Sala may damit kami dahil sa laruan niya na inukupahan yung pang 2 kwarto na pwede pa sana lagyan ng ibang importante.- Yung gripo sa lababo ng banyo laging sira, di man lang magkusang ipagawa. Ako pa na babae yung inaasahan na hahanap ng gagawa. 3 taon ng dumadaan hanggang ngayon sira pa din. Pero pag sa laruan niya laging may oras yan.- Pag wala siyang pasok, maghapon sa bahay di mabitawan ang cellphone kakalaro. Kundi laro, ka-group chat tungkol sa laruan. Kesa nga naman mambabae laruan na lang pero dapat nilalagay din sa lugar. Mas madami pa oras nabibigay sa laruan, games at facebook eh. Pagkagaling sa trabaho weekdays yan din ang pinapagpuyatan niya kaya di magising agad sa umaga.- Pag kakain kami di man lang ako kusang tulungan maghain pag weekends, nakahiga lang nag games at fb ulit. Uutusan mo pa bago kumilos. Pag ligpitan naman di rin magkusa tumulong magpunas man lang sa mesa at magwalis. Problema din sa taong to pag inutusan di ginagawa ng maayos. May paraan siya ng paggawa pero mali. Lalo lang nagkakalat. Akala mo lumaking may yaya eh wala naman. Syempre gaya niya, ako din gusto ko magpahinga bilang all around sa bahay at sa 4 yr old daughter namin na mag aaral na sa July. Mas madali sana yung trabaho kung di na siya dumadagdag sa inaasikaso ko kasi malaki na siya. Madalas ako nagkakasakit simula nung nag all around ako mula ng umalis na helper namin, na emergency pa nga ako kasi sumakit appendix ko after maglinis ng banyo, madalas nahihilo ako pag napagod,sumasakit ang mata ko. Paano ka naman kukuha ng katulong, walang matulogan sa dami ng laruan niya sa 2nd bedroom di na mapakinabangan ng iba yung kwarto. Ako yun lagi nagtitiis.- Minsan dadating sa gabi, pagkakain, 1 plato at kutsara di pa hugasan,itatambak pa eh kita ng nakaligpit na ako. Pati mesa di man lang punasan kahit kitchen towel gamitin na lang kung talagang tinatamad. - Pati pag carwash ng sasakyan niya ipapaalala ko pa. - pag nag grocery kami di man lang ako tulungan maglipat galing pushcart papuntang cashier ng grocery,nakatitig lang.Ang dami pang nakakaasar na bagay pero nakakainis yung ganon parang minsan akala ko Anak ko yan di asawa kasi tignan mo naman parang batang lagi papagsabihan kasi pag di ka nagsalita mali mali o di yan kikilos. Tapos ayaw pa niya ng nasisita ko. Pwede ba naman di mo sisitahin? Sa araw-araw na ganyan sino ba di makunsume. May anak ka na nga iintindihin,mag aasikaso ka pa ng bahay,dadagdag pa ba siya? Eh buti sana kung may katulong ako magligpit,magkusa man lang siya kaso wala. Akala niya basta nagtrabaho siya ito sweldo bigay sa akin tapos na.. Minsan talaga iniisip ko para siyang Highschool umasta.
May tanong ako, not to sound very offensive pero yung mother ba ng asawa mo maasikaso? Kasi pwedeng nasanay ka na ng ganyang routine dahil doon
^ako rin kung ganyan asawa ko hiwalayan ang ending namin, Parang ang babaw ng dahilan pero not for me stressful for life. Kung work ang dahilan nya madami pa rin lalaki kaya magwork at tumulong sa house chores at the same time. Eto rin isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng pinoy as my husband. Marami kasi na need pa utusan bago kumilos.
^tama ka dyan. Actually kahit ako guilty sa wala masyadong alam sa house chores kaya medyo nahihirapan ako mag adjust sa mga gawain bahay. Mas marami pang alam asawa ko mas madalas ako pa ang tinuturuan. Hindi naman sya makaanggal dahil alam nya from the start at sinabihan na sya ni mama na wala ako alam sa house chores. Kaya pag may ginagawa ako sa house na ako lang at walang help nya sobrang thankful na sya. Sa cooking na lang ako bumabawi at pagaasikaso sa kanya.