Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 28178 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #140 on: September 17, 2015, 11:39:42 pm »
^ sis if I were in your shoes, hindi ko na sya paglulutuan sa umaga pati sa lunch bago umalis from work. at hindi ko narin ihahandwash ang pang-alis niya na clothes, yung sakin lang. Pati plate niya huhugasan mo pa? nako kung ako yun, hindi ko narin gagawin. nasanay kasi  yan sis na ikaw nagaasikaso sa kanya..and the nerve of him to even tell you dapat hindi ka na nag-asawa..like, wth is that suppose to mean? after everything that you do? puwes, babawasan ko ang pagsilbi sa kanya. tignan mo sis ano magiging reaction niya. try mo lang. tapos balitaan mo kame  ;D

I agree. Stop doing things for him especially if you're tired. Pag uwi mo like Sabi mo kumain ka nalang ng takeout food. Before ka uwi, call him to tell him to cook para may dinner kayo. Then you buy food for 1 person. Pag nagluto sya, you can eat your take out as YOUR breakfast haha. Sya wala. If di sya nagluto, at least may dinner ka. :))

Don't wash the plates. Period. Hayaan mo dun. Kung nabwisit ka na at di ka makatiis, call your in laws to visit para maglinis sya.

crzysxycl

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #141 on: September 19, 2015, 09:57:17 am »
thanks sis momentum. hanap din ako ng tyempo para masabi sa kanya at mapag usapan ng maayos.

^thanks! sis problema pa nga, hindi sya marunong magluto. ;D

googoo

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #142 on: September 21, 2015, 07:59:38 pm »
Do you work from home?  ???  It looks like your husband is a baby.  My brother is like that and I can't even fathom how his future wife will tolerate that kind of behaviour even if he pays for the bills.

I suggest that you get a maid to do the things you don't like to do.  Otherwise it might strain your relationship to have to do all those mundane things you seem to hate. 

Will it affect your relationship if he doesn't change?

patriciaheart

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #143 on: September 22, 2015, 03:51:40 pm »
Kung hinde sila na train ng magulang nila na magkaron ng manners well I think challenge saatin yan. Nakikita nang stressed asawa galing trabaho tapos games inaatupag, tapos sabihan kapa ng ganun? aba pag kabastos naman nun diba.

Lunch scenario..pinag luto ko si hubby ng ulam, nag paluto pa ng extra korean noodle soup kasi gusto nya daw, ah ok, instant lang naman yun, pero sabi ko, wait lang afritada ito mag cchoop paako baka gutom kana ( kasi late na ) if you want pakulo kana tubig ( nice way ko yan sinabi ),,aba aba sagot sakin, "ikaw babae ikaw mag luto"-- tapos diretso kwarto nuod TV. wtf.
Gusto ko sana sagutin na, "kapal muks mo sabihin mo yan sakin pag saiyo ako humihinge ng pambile ng ingredients!" pero hinde na dahil pang maramihan ang lulutun ko at bawal bad vibes pag nag pprepare ng food.

Kasi naman mga sis, wala na nga na pproduce asal hari pa? hah? kahit konting sensitivty manlang. Nag tuto nakasi ako sakanya noon, mag papaluto ng kung ano, tapos aalis may aasikasuhin sa office, malapit lang kasi,, so imbes na mainit pa yung ulam eh wala na. Kaya next time na nag paluto eh No No na unless para sa maramihan. Minsan nga tingen ko its not about the food, its about the control. How these men can control us.

kathprince

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #144 on: September 22, 2015, 04:46:45 pm »
Sis lalawhoopsy

Ask ko lang sis, matagal ba kayo naging mag boyfriend o nung nasa ganung stage kayo, anong klase sya. I mean nag iiba daw ang lalaki pag asawa na. Talaga bang noon pa lang ganyan na sya o nagkakitaan lang kayo ng ugali noong mag asawa na kayo. Thank you.

mamaGie

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #145 on: September 22, 2015, 05:26:57 pm »
In fairness sa asawa ko, hindi siya nag-demand na asikasuhin ko siya. Madalang na ipagplantsa ko sya, basta maayos lagi pagkatupi sa cabinet ng mga damit niya, at hindi tambak yung mga laundry saka naasikaso yung bata, e okay na sa kanya yun. Minsan, siya pa cook sa bahay. Ibang-iba sa kinalakihan ko sa daddy ko na sobrang expected na kung ano yung asikaso ng mommy ko sa kanya, nung nagsimula na magtinda ang mommy ko, e dapat ganun pa rin gagawin namin ng mga kapatid ko na pag-aasikaso sa kanya.

Yung daddy ko yung tipo ng lalaki na paglabas nya ng banyo after maligo, dapat nakalatag na yung mga damit nya, from his briefs to his socks. Tapos kailangan, pag-baba nya ng dining e, nakahain na agad breakfast nya. E wala naman kami maid kaya obligado talaga kaming mga kapatid ko. Swerte ko na lang sa asawa ko na hindi sya ganun!  ;D ;)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #146 on: September 23, 2015, 01:26:18 pm »
Pagdating lang sa pagkain, oo. Sa iba hindi na.  :P

Maldita_Princess_Bebe

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #147 on: September 23, 2015, 05:02:08 pm »
I would like to share my related story/sentiments to this. Honestly, pareho naman kami lazy ni hubby. Walang itulak kabigin. Hindi sa hindi ako sanay sa house chores, tamad lang talaga. But I don't really make it as an excuse not to do it because we don't have any choice(right now.) Ayaw nya ng helper o ibang tao sa bahay. I am full time mom, home based employee, & full time wife. That hard(:D) Well, alam ko naman yung obligations ko & that's why I have schedule when to do all the house cleaning, cooking and all. Yung hubby has his own schedule too na kinakainisan ko. :( Mas marami syang rest kesa saken, mas marami akong tasks kesa sa kanya, and yet sa expenses hating hati naman kami. Di naman pwedeng sabihin na provider sya kaya pwede syang hindi gumawa or konte lang dapat tasks. Kase provider din ako. Ewan ko pareho lang siguro talaga kaming tamad. Pero infairness mas mahusay sya magtrabaho sa bahay pulido kumpara saken. Gagawin nga lang nya kung kelan nya gusto. After every meal gusto ko linis kagad ang dining table and hugas agad ng pinggan, sya naman kung kelan nya trip hugasan! or bago magmeal na ulet. Ako ang nag aalaga sa 1 y.o baby namin, nagluluto. Sya naglalaba, ako nag aayos sa closet. Sya nagpplantsa ng lahat pero ako ang nagrready ng lahat na paplantsahin. Ako ang naglilinis ng lawn. Yung basura ako madalas, pero pag maaga sya gumising at nasa mood naman sya, nagtatapon naman sya. Ako yung may sakit na sampay ng damit. :D (Sorry) Yung naiiwan ko lage yung damit na hinubad sa bathroom. (Parinig sya ilipat na daw dun lagayan ng dirty clothes) hahaha. Wish ko lang maging organize type of person din ako. Yan ang -10 yata ako. Feeling ko 10x na ako nagclean, pero hindi pa rin malinis.  Pero pagdating naman sa pag aasikaso sa hubby, kahit gaano ako kareklamador/nagger sinubukan ko pa rin kahit di naman nya ginagawa saken. ever! :D I prepare his brief,socks, etc. Pag uwi nya prepare ko rin damit pampalit, merienda, & dinner, before I sleep(Nauuna ako kase gawa ng baby)  I cleanse his face ganyan, arte-arte, at konting masahe. (10-20 mins to talk about how our day was) genern. Tapos nuod lang sya & play COC. :D

asikaso sa house chores = 25%  of my time lang
asikaso sa hubby = 25% lang.
sa baby = 30%
sa work = 20%

Kaya hindi na rin siguro ako paghahanapan. :D :D :D
« Last Edit: September 23, 2015, 05:10:09 pm by Maldita_Princess_Bebe »

patriciaheart

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #148 on: September 23, 2015, 06:17:56 pm »
^Ok pa yung saiyo sis, sakin wala talaga. Kukuha nalang ng birth certificate ng anak namin sa ospital na malapit lang sa bahay eh - Hinde daw nya alam gawin - *face palm* - bagong panganak ako nun, hinde naman kami sa foreign country nakatira, stressed talaga ako, sagot ko - Diba nakapag college ka? diba gumraduate ka nga? KAYA MO YAN. Palibhasa hinde talaga sya dinisiplina ng magulang nya, tapos ngayon nag tataka pa sila bakit parang nalumpo mga anak nila, kailangan pang mag padrino para maka pasok sa trabaho, tulungan pa ni kung sino para bukas ng bank account etc, wala opposite of "go-getter" ba. Feeling ko nga hinde naman sila t****, TAMAD lang talaga at entitled pa. Kaya ngayon hinde ko na kinukunsinte ganyan, nung mag BF GF kami sige, sweet, tulungan. Sometimes I think talaga tatanda ako ng maaga pero change mindset imbes na iwan eh  I can do this, I will win this over. PAG nag cheat sya sakin - AY GOODBYE! BOW thank you.

TinyBubbles89

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #149 on: September 28, 2015, 10:17:46 am »
Ganyan talaga sis siguro nasanay na may nag aasikaso sa kanya. Paano na lang kung magkasakit ka kamusta naman ang magiging bahay niyo. Anyway, kausapin mo na lang siya explain mo kung ano yung mga dapat niyong pagtulungan sa bahay. Tao lang naman tayo sis marunong mapagod. Kami ng  asawa ko may kusa kami at alam namin yun mga gawain namen sa bahay so kahit di ko na siya utusan nagagawa niya kaya hindi ko na lang din pinupuna yon Clash of clans niya.

Girltalker2

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #150 on: September 28, 2015, 10:23:18 pm »

Lunch scenario..pinag luto ko si hubby ng ulam, nag paluto pa ng extra korean noodle soup kasi gusto nya daw, ah ok, instant lang naman yun, pero sabi ko, wait lang afritada ito mag cchoop paako baka gutom kana ( kasi late na ) if you want pakulo kana tubig ( nice way ko yan sinabi ),,aba aba sagot sakin, "ikaw babae ikaw mag luto"-- tapos diretso kwarto nuod TV. wtf.
Gusto ko sana sagutin na, "kapal muks mo sabihin mo yan sakin pag saiyo ako humihinge ng pambile ng ingredients!" pero hinde na dahil pang maramihan ang lulutun ko at bawal bad vibes pag nag pprepare ng food.


Next time, sagutin mo din. Ah ganun?! Buti sana kung di kakarampot kinikita nya, puede ka magluto at sya lang magtrabaho.

Next time pag ganyan umasta, huwag mo na ipagluto. If ok lang sayo, just drop everything and go out nalang for a meal for yourself and the rest of the family. Hayaan mo sya magutom after manood ng TV. Bukod sa tamad, tama ka, gusto pang mag hari harian.


eihsy11

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #151 on: September 29, 2015, 10:18:47 am »
pagdating sa kahit ano hindi. lalo na sa pagkain hindi. madalas kami kumain sa canteen kasi late na kami parehas nakakauwi. then pag nasa mood ako mgaluto ng breakfast tsaka lang ako magluluto. pero amdalas sya magluto ng gusto kong pagkain. :)

patriciaheart

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #152 on: September 29, 2015, 02:24:41 pm »
^^

Thanks mga sis, oo tao rin ako. Nasanay kasi sila noon, din rin sila super rich ha, tipong, hinde lang talalga sila pinag gagawa ng chores kasi nag give up na agad yung mag tuturo dapat so better sila nalang gumawa. That is very dangerous for a child or teen, kasi nakakakuha ng sense of accomplishment ang bata pag may nagagawang tama kahit chores eh susukuan pa nila. Ngayon hinde ko na sya kinukunsinte kasi baka gayahin ng anak ko.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #153 on: September 29, 2015, 07:36:38 pm »
Ang hirap kasi yung taong pinalaki na di naman mayaman pero medyo na-baby at hanggang ngayon eh spoiled pa sa ate. Yung tao na porki nagtatarabaho pakiramdam niya ikaw na nasa bahay at di kumikita eh dapat gawin lahat dahil nasa bahay ka. Yun ang nakakainis na nararamdaman ko. Ang isa pang nakakapikon yung may hinahanap tapos naiba daw ng lalagyan,pero yung bagong pinaglagyan eh nasa tapat na ng mukha niya, clear box pa.. Ayaw igala ang mga mata,gusto lahat nakahain o maayos at madali niya makita. Sabihin na nating mahirap mabuhay kung ang asawa mo malinis sa bahay, aba mas mahirap mabuhay kung ang asawa mo burara, walang kusa tumulong, pati pagligo kinakatamaran, sanay na madumi bahay kahit walang ligpitan ng higaan maghapon, inaasikaso na parang bata na lahat ultimo lalagyan ng kutsara di alam at ayaw ng napapagsabhan sa katamaran nila. Sarap nila ibalik sa nanay nila.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #154 on: October 06, 2015, 07:02:32 am »
Yung tao na porki nagtatarabaho pakiramdam niya ikaw na nasa bahay at di kumikita eh dapat gawin lahat dahil nasa bahay ka.

This is actually the major reason why I don't want to be a SAHM. Feeling ko aalilain ako at hahawakan lang sa leeg kasi I don't bring money to the family. Saka isa pa wala din ako masyado alam na trabahong bahay lalo na laba and luto.

imeego

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #155 on: October 06, 2015, 07:57:33 am »
Buti na lang husband ko di ganyan, feeling ko kasi di ko kaya magtyaga sa ganyang ugali.. Hubby grew up with maids so walang alam sa chores, and talagang di din inobliga ni mil na matuto sila.. Pero swerte ko kasi di sya burara, pagdating from work he helps me pa sa pag-alaga sa 2 kids, kahit anong utos ko walang reklamo.. SAHM ako pero ayaw nya akong gumagawa ng chores, kaya nga daw nag hire ng helpers and yaya..So ang iniintindi ko lang talaga ay yung 2 kids namin.. Never din nya pinaramdam sa akin na superior sya since sya yung may income at ako wala..Buti na lang kasi kasi iiwan ko talaga sya once gawin nya yan😁 

pinkpassion

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #156 on: October 07, 2015, 12:12:39 pm »
Hindi oobra sa akin ang mga asawang asikasuhin! Kung malakas naman sya sa kalabaw aba magbanat buto naman at wag mag feeling hari, ano sya sinuswerte, baka ibalik ko na lang sa nanay nya, dun sya mag inarte wag sa akin.

jenbaguio

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #157 on: October 08, 2015, 11:26:50 am »
amused naman ako sa mga reply dito... I am newly married, spoiled din si hubby since he is bunso pero hindi naman siya ganun. parang guilty tuloy ako na parang ako yata yung asikasuhin sa aming dalawa.. :) he cooks, he cleans and he wash clothes kahit pagos siya from work. sabihin ko lang na pagod ako siya na bahala :) before we got married we are together for 8 years though we dont really live together we are "your place or mine" mode. During those times ganun siya malinis and all... pag nagvisit lang kami sa in-laws ako na ang bahala sa lahat. luto, linis, laundry and all.... I feel very very lucky...

rics

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #158 on: October 11, 2015, 04:26:36 am »
In a way he is.

We both work full time, only difference is that he works from home.
Time and again I have to explain to him that working form home has really  big perks as compared to working in an actual office. Hindi nya ma gets, for him its the same. Since he works from home, meron syang specific tasks pero ito lang:
-bring/pick up kid at school
-give kid breakfast
-do garbage1x a week
-clean bathroom 1x a week, minsan hindi pa nagagawa.
- mow the lawn, 1 or 2x a month
- during winter, plow the snow. of late tinulungan ko na lang kasi ang hirap daw.

Everything else I do.
He picks me up at work, pero pag dating na pagdating ko naman ng bahay, I have to cook dinner, prepare my and our kid's baon for next day, prepare and ligpit ng pinagkainan, hugas ng pots/pans, prepare clothes to be worn the next day.

He doesnt know how to cook. Ayaw kumain ng tira.

On the weekends, I do the laundry-tupi and ilagay sa closet pagkatapos, vaccum/mop, plantcha, luto. I would ask him to drive me sa grocery, pagdating sa bahay, ako lahat magliligpit ng grocery at pinamili.

While I am busy with housework he is either, watching tv, working, playing ps4 with the kiddo, basketball, biking, playing badminton. And he expects na after doing the above, I prepare his food.

He doesnt know where things are since hindi nga siya nagliligpit. So if he needs this color shirt, he asks me. He would be looking for a stapler, I have to give it to him. He is constantly looking for things. Even when we travel, ako lahat. I ask him kung ano gusto nya dalhin/suotin, bahala na daw ako. But a lot of times sasabihin sa akin, why did you not bring this and that?

I do all of the above and more then he expects bed service pa.

He would say, kung pagod ka na, eh di huwag mo gawin. Pero sino gagawa kug hindi ko gagawin kasi I do not expect him to do so. He would say, mag exercise ako, go to the gym, sabi ko, free up my time and I will do it.

Girltalker2

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #159 on: October 11, 2015, 08:26:02 am »
^ I can't believe people can stay in the U.S. nang ganyan na asikasuhin. And they get away with it because meron syang fall back - you.

Pano kung magkasakit ka?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close