Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 28101 times)

angelholics

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #40 on: June 13, 2015, 11:20:08 am »
Relate ako sa sitwasyon mo sis! Kami kasi ng husband ko sobrang magkaiba OC kasi ako pagdating sa bahay. Umiinit ang ulo ko na tuwing pagdating ko ng bahay e madumi at makalat.

Ako sis tinanggap ko na na ganon sitwasyon namin. Mukhang wala na kong magagawa. Kesa uminit ulo ko, ako nalang gumagalaw at nag-aayos ng kalat niya.

Pero minsan di rin makatiis di ba? Pagtapos kumain, aba tatayo nalang sana man lang nilagay niya plato sa lababo. Sinasabihan ko siya, "Ano to restaurant? Pagkakain mo alis agad walang ligpit ligpit?" Yung damit na hinubad di man lang mashoot sa laundry hamper. Naku sis madami pang iba. Sinasabi ko sa kanya, tutal di ka naman marunong maglinis ng bahay please lang wag ka ng magkalat!

Yan lang reklamo sa asawa ko. Masipag siya sa opisina. Medyo nabawasan na rin paglalaro niya ng COC at PS3 di tulad ng dati pinag-aawayan namin. Marunong naman makinig ng konti. Tanggap ko na tamad siya sa gawaing-bahay. Kaya ako nalang kumikilos at saka yung kasambahay namin sobrang OC din kaya kaming dalawa taga-sunod sa kalat ng 2 anak ko at sa asawa ko.

Minsan aasarin pa ako niyan. Bat daw ako linis ng linis at walis ng walis, bakit di nalang ako mag-apron lagi daw kasi ako aligaga sa bahay. Ang sagot ko sa kanya, bat di ka nalang mag-saklay tutal para ka naman baldado. Hahaha

---wagas ang tawa ko sa punchline mo sis :)

twenty5

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #41 on: June 13, 2015, 02:01:33 pm »
^ hay naku same here.
Yung live in partner ko ganyan.

Dati kasi wala [textspeak!] work at naiiwan sa bahay at sa bata, pag uwi ko kung ano yung ichura ng house pag alis ako, ganun din pag uwi ko. Haaaays!

Ayan na, sasabihin ko hindi ka manlang nag ganito, ganyan, etc etc..
Tapos damog dito damog doon ang ginagawa ko as in.

Ilang beses din yun hanggang sa natauhan din pero may mga sablay din minsan ahahahaa..

aquacharly

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #42 on: June 13, 2015, 03:04:21 pm »
Well, what can you do if hindi house-broken ng MIL mo ang husband mo.
Our brothers are like that - mga Senyorito pinalaking spoiled ng mom namin. Lalaki daw kasi. Susko.
We sisters say: mga inutil sa house.  Mga spoiled kasi they prioritize their vices/sports when not working:
Poker, golf, racing.

What do I say to my sisters-in-law? Suck it up. Do not nag, you will age faster.   If you can't take it, save yourself -- leave.
Well, natitiis naman nila mga spoiled ways ng husbands nila -- until our brothers become serial philanderers. So ayon ang score:  all brothers either annulled or separated or abandoned.   
So, next -- the mistresses complain. I say the same thing --  suck it up or leave.  Wala ng magagawa, they will not reform.  Really -- they stay on! Maybe the money is good, so go suck it up.

What would I tell a BFF not married to my brother though?

1st, SIMPLIFY your life together.  Less to clean, maintain, preserve, replace equals less arguments.
       Do not get a house bigger than your barest minimum area requirement. 
       Possess only what you need. Live as simply as the typical Japanese do.

2nd, FUNCTION over aesthetics. 
For example, if you have no helper & you both work & he won't even wash the dishes -- paper plates & cups na lang.

3rd, ACCEPT him for what he is.  Kung kina usap mo na, nag-usap na kayo, na remind mo na, may deal na kayo -- and he backslides to his being unhelpful, a slob, indifferent or neglectful -- what can you do? Nagging/ threatening/getting mad or sarcastic will not get you the results you want.  You will just age earlier.  Ask yourself instead if you can stand his ways for the next 20 years. If ayaw mo -- do something.

Now, if you decide to grow old with him inspite of what you perceive as deficiencies -- personal na yan kasi what you can tolerate or not --  FIND WAYS to get what you want.
Obviously, a helper to clear/clean up will satisfy your husband who won't lift a finger & you who wants things orderly.
If you can't afford or want a stay-in, outsource the heavy chores.
IMO, mas ok in the long run na make more money to get domestic help kesa maghatakan ang mag asawa.
And when you have kids -- train all your kids to be like orderly, masipag you.  Be strict in training them to be organized people.  Otherwise, haynaku triple dusa mo lalo na pagtanda mo with all your aches and pains.

babykat

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #43 on: June 15, 2015, 10:53:27 am »
Ay naku, we had a fight last Friday lang.  He has so many errands kasi that he wants me to do since my workplace is very very near a mall.  Kaso, these days sobrang busy sa work, puro working lunch na nga ako sa desk ko.  So di ko nalalakad mga errands.  Ayun, sya pa galit.

One more na nakakainis is that he's free to make bugnot and magdabog and magalit  Pero pag ako, di pwede.  Mas galit pa sya pag nagbugnot ako. 

MIL ko naman,  parang accepted na kasi na ganyan sa family kaya hinayaan lang.  Kaya [textspeak!] ko, ganyang ganyan din kay hubby. Siguro, ganun ang nakalakakihan kaya ganun ang tingin nilang tamang system.

argento

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #44 on: June 16, 2015, 03:08:40 am »
Q: bakit kaya kayo nagrereklamo? di ba you chose your partner. i mean ganyan na siguro sila before. wala ba kayong idea na magiging ganyan ang buhay ninyo if sila ang nakatuluyan nyo.

momentum

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #45 on: June 16, 2015, 06:05:31 am »
^ well obviously not. Because you will only FULLY know/get to see a person's habits/up bringing/hygiene/cleanliness/etc once nakasama mo na sa iisang bubong, whether be it living-in or married na

hindi mo makikita yan sa dating stage, bf/gf stage, maybe slight lang..pero not fully.

yannuh

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #46 on: June 16, 2015, 07:28:08 am »
OMG kinabahan ako bigla ikasal a? baka umuwi na lang ako sa parents ko ulit HAHAHA. Sis try mo sya ireverse psychology, wag mo gawin lahat ng usual na ginagawa mo, tignan mo kung ano reaction nya:)

Annie M.

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #47 on: June 16, 2015, 01:29:10 pm »
Yung asawa ko makalat. Haaay jusko, nakakalbo ako kapupulot ng mga kalat nya -- medyas, t-shirt, etc. ang hilig magsampay ng t-shirt sa likod ng mga upuan kasi gagamitin daw nya ulit---eh minsan 3 araw na nandun!! KADIRI.  :-\

Ngayon hilig nya yung lego minifigures. He has a tall bookshelf for his toys, pero nilalabas nya and iniiwan kung san san--minsan nahihigaaan ko pa!

I read somewhere na what may seem messy to us women may not seem messy to men. Hindi nila nape-perceive as "kalat" yung mga bagay na for us ay kalat. Baka nga? Ewan ko ba kung hanggang saan ang pasensya ko.

j.adore

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #48 on: June 16, 2015, 01:42:00 pm »
Yes, that's why live in is uso in other countries so they can check each other out in the home front.

It goes both ways ah. Nobody is perfect and there's no perfect marriage.

Mlabable

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #49 on: June 17, 2015, 02:19:40 am »
Mlabable, really? Tatanggapin na lang? :-[

Sa akin kasi sis parang ginawa ko na lahat ng paalala na gumawa naman siya ng gawaing-bahay di talaga matuto. Kesa uminit ang ulo ko at dakdakan ko siya at mag-away lang kami, ako nalang kikilos. Para tapos na ang usapan. Ok na sa akin yung di siya nagkakalat kahit wag na siyang gumawa ng gawaing-bahay. Kasi sa sobrang OC ko, kapag di pasado yung pagayos/pagligpit niya maiinis lang din ako. Ayos na sa akin na bigyan niya ako ng oras para makapagluto at makapaglinis habang binabantayan niya yung dalawang anak namin.

Girltalker2

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #50 on: June 17, 2015, 08:05:49 am »
^ ok lang tanggapin so long as he can afford to hire household help. If not, kapal ng mukha nya, dapat naman siguro matuto sya or magkusa matuto ng gawaing bahay.

skela96c

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #51 on: June 17, 2015, 11:16:17 am »
ah, bf/gf pa lang kami, sinubukan ko na yung asawa ko.  kasi 2 lang kami ng mom ko sa house noon at no helper.  pinalaki kaming walang household help.  what i do pag sa bahay kami naghahang out, inoobserve ko pano sya.   pag ako naghahain, i tell him sya naman magligpit at maghugas ng pinggan, alangan naman nanay ko. pinag usapan din namin that if the time comes that we cant afford help eh would have to share chores. dahil kung pagod sya sa trabaho, pagod din ako.

so far, so good. ang hindi nya lang talaga maalis yung magiwan ng pinagbihisan kahit minsan sa floor. Ok lang.nilalagay ko na lang sa labahan. pero yung tiklupin sya pinagaayos ko because that's my hatest chore ever. :P

blackgreen

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #52 on: June 17, 2015, 01:17:17 pm »
Reading your posts mga sis, mas okay naman na pala asawa ko. Marami pa rin siya nakakalimutan sa mga sinasabi ko pero paunti unti naman naadapt na niya. Kapag meron siya nakakalimutan linya ko palagi "nakita ko yun", "ops hooonnneeeyyy" gets na niya yan.  Hindi ako ganun ka-OC pero meron mga certain things na gusto ko ganito ang pagkakaayos, especially sa pagsasampay at pagtutupi ng damit. Yun tabo sa CR palagi niya nakakalimutan ibalik sa sabitan.

Sa pagluluto naman, hati kami. Siya nagaasikaso ng food pag morning. Hindi kasi talaga ako morning person. Pag gumising ako sa umaga derecho pasok na yun.  Kahit sino pa nagluto ako ang naghuhugas ng pinagkainan siya na lang pinagpupunas ko ng table. Hindi ko kasi gusto yun way ng paglilinis niya sa kitchen. Kaya para wala na lang gulo ako na lang dun. Iba na lang gawin niya.

Since ayaw na ayaw ko nagpplantsa, siya ang nagpplantsa ng mga damit niya pamasok, dinadamay na rin niya damit ko.

@Annie M. si hubby din panay sampay ng damit sa upuan sa dining, sa sofa, sa sampayan pati sa palantsahan. Gusto pa nga niya bumili ng masasampayan ng damit sa loob ng bahay sabi ko wag na at baka lahat na ng parte ng bahay puro sampay na niya.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #53 on: June 17, 2015, 02:56:53 pm »
^I am lucky enough to have a husband who knows all when it comes to household chores. Actually ako pa iyong asikasuhin nya LOL. Hindi lang talaga kami sinanay to do it pero I am trying my best to help in any possible way. Siguro ang common denominator ng mga boys ay magsampay ng damit sa chair at kung saan saan.

sarsingkit

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #54 on: June 17, 2015, 11:46:29 pm »
Ayos na sa akin na bigyan niya ako ng oras para makapagluto at makapaglinis

Pag naggegeneral cleaning ako, ganito din ako. Sasabihin ko sa kanya baka pwede sa nood na lang muna sya sa kwarto or punta sya sa garahe. Garahe is not my turf so hindi ko pinapakialaman yun. Basta gusto ko maglinis in peace. Hehe. Kaya pag may overtime sya ng Saturday, ginagawa ko ng lahat ng chores para pag Sunday, church, bonding and rest na lang kami pareho.

hypergalactix13

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #55 on: June 18, 2015, 11:03:09 pm »
i can truly relate to this. we just had this big fight kanina dahil ang dumi ng bahay nung umuwi ako. i left it almost spick and span, tapos dadatnan ko ang dumi ng sahig, ang dumi ng banyo, ang baho ng kwarto amoy pawis. tapos sobrang hirap pa nya gisingin, pag na-late sya ng bangon ako pa ang sisisihin bakit hindi ko ginising.

nakakainis na kapag nag oopen ako sa mga kaibigan ko about his annoying katamaran e ang sinasabi lang sakin e pagbigyan mo na, or intindihin mo na, kasi nasanay sya sa kanila na buhay prinsipe. eh grabe lang, pareho kami nagtatrabaho, pagkagising ko ng umaga hanggang bago ako pumasok at pagkauwi ko ng bahay puro siya at bahay naman ang inaasikaso ko. eh siya? uuwi at kakain, manonood ng TV, maghuhugas ng kinainan nya at matutulog. yun lang. kanina nagagalit pa sya sakin dahil di raw nya ko maintindihan, ginagawa na raw niya lahat pero bakit hindi ko raw ma-appreciate. natanong ko tuloy, ano ba yung ginagawa mo na dapat ko iappreciate? hayst.

nasabi ko nga sa kanya umuwi na lang sa kanila, tutal doon sure na meron talagang gagawa ng mga bagay para sa kanya.


donyadine

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #56 on: June 19, 2015, 11:47:09 am »
Hi Sisses, I suggest you read "The Happiness Project' by Gretchen Rubin. She has tips there on how to get your husband to do the chores and not to be very calculative.

Evolet027

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #57 on: June 19, 2015, 12:16:25 pm »
reading this, I realized na ako ang asawang masyadong asikasuhin ni hubby. :/

and yes. I should start na magbago na.

xsugar

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #58 on: June 24, 2015, 10:38:07 am »
i can relate to this topic!

lovemeagain30

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #59 on: June 24, 2015, 05:30:03 pm »
Ganyan ang Tatay ko.. Tamad sa bahay! hahaha. Grabe yan ang reklamo ng nanay ko nung nag asawa sila when they were 24 yrs old then -- ngayon 67 years old na sila, ganun pa din! sakit sa ulo.

Hindi nga makakain yung tatay ko ng matinong ulam kung wala ang nanay ko. PInaghahainan pa ng pagkain yun. Tumatayo lang pagkatapos. Madumi din gumamit ng toilet.  gusto malinis ang bahay pero siya madumi. Ganun ang father dear ko. Tiniis ng mama ko all this years. Ngayon senior na sila, may times gusto ng hiwalayan ng nanay ko yan sa ganyan pag uugali!

Ang sabi ko nga minsan, " Ma sinabi sayo ni Nanay dati (my lola) wag mong asawahin yan kasi madaming bisyo at spoiled brat nakinig ka ba?" You and Me against the world pa kayo nuon! Oh ano ngayon? ;D

Kasi naman kasalanan din eto ng mama ko kung bakit all through out their married life ay "hinayaan" niya si Papa maging ganun sa bahay. Laging inaasikaso niya. My father actually is her 5th child!  ::) Kung nuon umpisa palang married life nila nginulngulan na niya tatay ko , hindi na siguro aabot na ngayon senior citizen na sila ay ganun parin!  Tiis tiis si mama nuon dahil nga sa pag ibig and during their younger years may katulong kami.. Eh ngayon wala na.. so ang katulong na ay si Mama!

So mga married couples who just started their lives, talk with your partner about this and SEES to it you will have both agreement that their will be Change and improvement with your situation. Dapat meron pagbabago. Hindi enough ang sorry at magbabago nako. Hindi din pedeng tiisin lang at pag pa sensyahan coz in my parent's experience it didn't get any better. Kaya nung nag asawa ko I make it to a point that I told him (while dating palang) na I don't like men who are not domesticated at home. Yung tipong LAZY talaga. Eventually kasi pagsisihan mo somehow kung bakit napangasawa mo ang ganitong tao lalo na kapag pagod ka sa work at wala kayong househelper.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close