Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 28239 times)

quennna

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #20 on: June 11, 2015, 11:19:36 am »
naku feeling ko walang effect yan usap masinsinan na yan..
time to take action... magkalat ka.. eto consequence mo..

oh kaya sis, eto ipachallenge mo..
gawa ka rule, kada kalat mom, bawas toy sa display area..
either you sell o tapon... magigising dugo nun... hehe

lonelymiss28

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #21 on: June 11, 2015, 12:46:55 pm »
^good idea!

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #22 on: June 11, 2015, 04:05:36 pm »
Thanks sa mga reply ninyo Sisses! Di ko na kayo maiisa-isa. :)

- nangyayari na nga na dinededma ko siya, tumatalab kaso gaya nga ng sinabi ng ibang sis, maya-maya balik sa dati.

- Pag may sakit naman ako andoon naman na inaalagaan niya ako at na-appreciate ko naman yun. no choice din siya wala iba mag aalaga sakin at di siya makakapasok sa office pag di ako gumaling.

- Si hubby po 30 at ako naman 29 yrs old na. Ilang taon na yan ganyan, Sasabhin wag na daw magligpit,  Pwede ba naman yun sa liit ng kikilosan doon at doon ka kikilos nandyan yun dumi, may bata pa naman. Saka Di naman po ako sanay madumi ang bahay kagaya niya.

- Sa pagluluto naman wala problema kasi mahilig ako magluto, pati nga baon niya sa office lagi masarap para din makatipid kaya pinapag baon ko lunch, may juice pa, biscuits at cup noodles minsan. Di ba po parang sa School talaga siya papasok haha!

-  Sa paghugas ng plato o anuman gawin niya ang hirap kasi na yung paraan niya kasi inuulit ko din gawin. Ayun nga po baka di pasado sa standard ko. Twing mautusan kasi maghugas ng olato naglalawa naman don sa kusina, kala mo may natunaw na yelo sa counter kasi basang-basa, iiwanan lang niya yon pati tulo ng sabon. Sa c.r naman pagkagaling yun nga diba madumi mag c.r, basa ang paa diretso sa kama kaya yun alikabok na naapakan ng basang paa napapahid sa bedsheet. Kahit ba may washing machine, mahal kuryente at sabon para maglaba maya-maya.

-  May time na pag sinusumpong ako ng katamaran di talaga ako kikilos kaso pag yung anak ko naman makikita ko madumi yung sahig maglalaro dun di ko naman mapabayaan. Daig pa nga siya ng anak namin kasi yung bata 4 na taon marunong, nauutusan at nagkukusa magligpit eh siya kelangan pag inutusan laging gusto sa mahinahon na paraan pa at di sanay sa mataas na boses. Palibhasa kasi bunso, sa kanila nauutusan, may kusa, dito kabaliktaran, susuyuin pa lagi. Mahal na mahal kasi yan sa kanila, bunso kasi. niregaluhan pa nga yan ng Ate niya ng bagong sasakyan kasi luma na yun kotse niya. Diba ganon siya ka-spoiled, kaya hirap din kasi di nila alam ganyan yan sa bahay.

-  gusto ko nga yung idea niyo, di ko nga aayusin gamit niyan.  Tama makagawa nga ng Weekend Task niya total gusto niyang pumayat sabi niya. Maihiwalay yung damit ko sa damit niya para magkalukot lukot damit niya

- Mabuti naman kahit paano di siya galit pag makalat kaso okay na siya kahit magulo at makalat kaso hirap kilosan ng maduming bahay.

- Nanghihinayang po kasi ako sa kaltas ng sweldo niya kaya ayoko siya ma-late lalo na mahigpit sa Office nila. Ayaw ko din tanghaliin siya dahil gagabhin ng uwi, mahirap naman laging kami lang ng anak ko sa bahay tapos dadating siya 10pm dahil late na pumasok.

- Pag weekend nga sasadyain ko yung shower ang bubukas paggamit niya para mabasa siya, magandang idea yun hehe

-ilan beses na kami naghahanap kasambahay, di kami makakita ng stay-out. Di kasi pwede stay-in lagi may nakahiga sa sala, saka maliit talaga place namin .madalas tuloy nagkukulong lang kami sa kwarto nung may helper pa kami. Kahit naman walang katulong makakaya ko basta tutulongan niya ako.

Sana mabawasan yung pagiging ganyan niya para kasing 2 ang anak ko sa bahay. Isang highschool at isang preschooler. Pwede naman kasi niya ako tulungan, feeling niya yung pagka-bunso niya sa kanila kelangan dalin hanggang buhay may asawa. Pero mabait naman ang asawa ko sana lang matutong maging masipag sa bahay kahit konti.
« Last Edit: June 11, 2015, 04:08:53 pm by lalawhoopsy »

babykat

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #23 on: June 11, 2015, 06:33:10 pm »
Some guys, ganyan ata talaga.  Husband ko din,  paguwi ng bahay, after dinner, nandun na sa room at nakahiga na. nood ng tv at naglalaro. Ayaw ng kalat pero sya yung nagkakalat naman.  Ang damit kung saan saan hinahagis.  pero magagalit kasi makalat daw.  pag gumamit ng banyo, kala mo may delubyo.  Gusto nya pag weekend na walang work, maglinis at ligpit at ayusin ko ang house.  pero sya nakahiga lang.  Parang di kami parehas na pagod. In fact, mas pressured pa nga ako sa kanyan.  Pero dedma nya yun.
May helper kami pero pati pagutos sa helper, inaasa pa sa akin.  Yung tipong sasabihin sa akin para sabihin kay helper.  pag may hinahanap, magagalit sa akin pag di nakita, kahit pa gamit naman nya yun.
Pag walang yosi, kailangan pa talaga na ako bibili sa labas habang sya eh nakahiga lang.
Pag naman nasa work kami, utos pa din ng utos sa text na kala mo wala akong ginagawa sa office.  Pati mga favors nya sa officemates, kailangan pa iutos sa akin.  Porket malapit ako sa mall, ako tagatanong, tagasurvey, tagabili.  kahit na for his officemates naman.  Bango nya sa kanila, ako naman pagod.

snowberry

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #24 on: June 11, 2015, 08:48:15 pm »
Magpaalam ka sis na magpakasyon ng 6 mos. sa nanay mo heheh. Kahit maid susuko sa asawa mo.

rootsrockreggae

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #25 on: June 11, 2015, 09:53:31 pm »
Di pala ako nag iisa.

Ang pinakaayaw ko pa is yung tatanungin ka pa bakit mukha kang pagod or kung ano ba ginawa mo buong araw. Kamusta naman yun di ba.

Mlabable

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #26 on: June 11, 2015, 10:18:49 pm »
Relate ako sa sitwasyon mo sis! Kami kasi ng husband ko sobrang magkaiba OC kasi ako pagdating sa bahay. Umiinit ang ulo ko na tuwing pagdating ko ng bahay e madumi at makalat.

Ako sis tinanggap ko na na ganon sitwasyon namin. Mukhang wala na kong magagawa. Kesa uminit ulo ko, ako nalang gumagalaw at nag-aayos ng kalat niya.

Pero minsan di rin makatiis di ba? Pagtapos kumain, aba tatayo nalang sana man lang nilagay niya plato sa lababo. Sinasabihan ko siya, "Ano to restaurant? Pagkakain mo alis agad walang ligpit ligpit?" Yung damit na hinubad di man lang mashoot sa laundry hamper. Naku sis madami pang iba. Sinasabi ko sa kanya, tutal di ka naman marunong maglinis ng bahay please lang wag ka ng magkalat!

Yan lang reklamo sa asawa ko. Masipag siya sa opisina. Medyo nabawasan na rin paglalaro niya ng COC at PS3 di tulad ng dati pinag-aawayan namin. Marunong naman makinig ng konti. Tanggap ko na tamad siya sa gawaing-bahay. Kaya ako nalang kumikilos at saka yung kasambahay namin sobrang OC din kaya kaming dalawa taga-sunod sa kalat ng 2 anak ko at sa asawa ko.

Minsan aasarin pa ako niyan. Bat daw ako linis ng linis at walis ng walis, bakit di nalang ako mag-apron lagi daw kasi ako aligaga sa bahay. Ang sagot ko sa kanya, bat di ka nalang mag-saklay tutal para ka naman baldado. Hahaha
« Last Edit: June 11, 2015, 10:34:27 pm by Mlabable »

ri-anne

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #27 on: June 11, 2015, 10:32:04 pm »
naku i feel you TS...ako din sahm, nakatira din kami sa 2br flat, andami dami dami ding collections ng asawa ko (gundams, action and toy figures like ironman, etc, RCs,...), no yaya, with 2 kids...nakakapagod talaga kapag ikaw lahat gagawa...

maganda mga suggestions ng mga sis dito.... i want to add a few..it may be different from the others, though...

-- halimbawa paghugas nya ng pinggan, before he does it  show him how he should do it..nang hindi pagalit ha. then, afterwards hayaan mo kung malawa.
  praise him na lang everytime he does it (lol! parang bata - thank you sa paghugas ng pinggan ha! sabay kiss) try mo kahit di mo feel  ;D

-- make sure the floor is ALWAYS clean at hindi maalikabok. i'm sure it can be done in 10-20mins with damp cloth with solution/zonrox everyday (morning & evening if needed), maliit lang ang condo. it's easier if you don't use outside slippers or shoes inside the house.
  para kahit basa paa nya galing cr, ok lang. at kahit maglakad syang nakamedyas, ok lang din. (again, parang sa bata..we don't want our kids to get hurt so we child-proof our house ;) )

-- mahirap gisingin, kasi late natutulog kakalaro. either you try to divert his attention. lol! (again, parang sa bata...) or you can just let him be hanggang magsawa (sana),

-- you don't need to remind him na magpa-carwash, BUT about the pushcart sa grocery it is a MUST..i-obliga mo sya na sya magtulak ng cart (in a nice way), hanggang masanay.  (choose your battle ;D )

-- most importantly, declutter your house. madaming magiging kalat kung maraming gamit. i do this 2x a month (if needed), especially sa mga toys at clothes ng kids ko.


anyway, in general, my hubby helps around naman. there are times i let him do whatever he wants, play games till the wee hours, etc..
i've learned to accept the fact na there are things talaga that i cannot change...what i can change is my attitude, and my actions about the situation.

i know it can be difficult but don't stress yourself too much sis! and don't be too hard on your husband :)  good luck! (ang haba na pala lol!)

sarsingkit

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #28 on: June 11, 2015, 11:31:00 pm »
i know it can be difficult but don't stress yourself too much sis! and don't be too hard on your husband

This is true. Kung may mga araw na hindi malinis ang bahay, forgive yourself na lang. Wag mag worry. Kung Friday night naman at tipong tamad kayo pareho, relax na lang kayo or let him be with his toys. Bonding din kasi namin usually Friday night, tipong takeout food kami, walang hugasan ng plato, etc. Nood lang sa sala. Tomorrow is another day. 

At sa panahon ngayon marami ng lifehacks. hehe. Mas madali na ang buhay.
« Last Edit: June 11, 2015, 11:32:55 pm by sarsingkit »

jeune

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #29 on: June 11, 2015, 11:44:43 pm »
Same sentiments here, I do the chores always. From mowing the grass, ironing his uniforms, waking up early to make him breakfast, doing groceries, cleaning the house, doing laundry, folding clothes, making dinner, budgeting etc. all these I do because I'm not working right now. He helps from time to time whenever I'm tired or when I tell him to in a loving way then I praise him after, he actually do better this way. He works almost 12 hours on weekdays and I can't blame him when he gets home tired and brain is fried. In return with all my hard work at home, I get to shop and travel which is what I love aside from cooking and taking care of him. :)

TS, how about asking your hubby in a loving way and giving praises after? Parang reverse psychology Lang ;D It may or may not work but at least you tried, wala naman mawawala. :)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #30 on: June 12, 2015, 01:29:01 pm »
Mga sis nung una kayong nagsama ng mga asawa nyo, ganyan na ba sila?

quennna

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #31 on: June 12, 2015, 03:04:20 pm »
siguro nung kumidlat sa lugar namin..
bumaligtad mundo namin..
ako namna makalat sa bahay, sya namna linis ng linis.... lol
infairness, photo finish maglinis husband ko.. as in ang linis..
tipong matutulog ka.. not so nice ang house, paggising mo.. wow.. ang linis.. walang kalat, walang pinag kainan.. ang galing.. ako naman..parang bunmigat katawan ko sa chores.. hehe

babykat

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #32 on: June 12, 2015, 04:21:37 pm »
Yup.  I guess ganun kasi kinalakihan nya.  Mother nya kasi parang super woman, lahat ng work inaako, ayaw magpatulong.  Kaya lahat sila lumaking ganyan.  Even now, napapansin ko ganun MIL ko, kaya pati mga hipag ko, di rin masipag sa bahay.
Isa pa, pag nasumpungan nyang maglinis ng house,  over naman.  Kasi lahat ng Makita gustong itapon, pati yung mga maayos na gamit. 

lilstar

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #33 on: June 12, 2015, 04:28:25 pm »
Samin nagsimula lang yung ayaw nya ako pakilusin nung pinag hahagis ko ang mga batya sa pagod. sabay iyak. haha simula nun, sya na daw maglalaba, wag na wag ko daw hahawakan ang mga labahan.. tee hee!.. :))

Lambingin mo lang sis, minsan kasi ang mga lalaki gusto nila [textspeak!] dependent ka sa kanila, yung tipong sila ang super hero natin. The more na alam nilang kaya natin, mas tamad sila. Mas gusto nila yung #Pabebe kesa sa superwoman.. hehe

snowberry

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #34 on: June 12, 2015, 08:09:43 pm »
Natatawa ako sa mga experience nyo sa hubby nyo. Kung ako siguro sabihin ko na hindi ako nag aral at nag asawa para maging muchacha mo .

vainmom

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #35 on: June 12, 2015, 10:12:18 pm »
To TS, try to search and read "secrets of a fashinating wife". Sabi  dun,kpag tamad daw ang hubby natin sa bahay,baka pagod siya sa work niya.kapag laro sila, way of relaxation nila yun. Wife, toka talaga tayo sa bahay especialy stay at home ka sis. Even how to tell your hubby to do some chores in a nice way. The more we nag them,mas hindi nila gagawin.


melonsnaps

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #36 on: June 13, 2015, 04:47:19 am »
Sis kaya may nagpapaasikaso kasi may nag aasikaso. Wag ka magpakabayani sis, reverse psychology ika nga. Nagging will not work - pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

Instead, pakitaan mo kaya sya kahit 1 day lang ng consequence of his (non) actions.

- If he starts flirting with you "not now ang sakit ng likod ko, tambak ang labada kanina"

- if he starts looking for his socks "ay binabad ko muna sila ang dumi kasi masyado" let him end up wearing butas na socks or none at all

- ihiwalay mo your cabinet from his. para in case gulo gulo mga damit nya hindi mo nakikita kasi nakakastress kaya tingnan yun saka para hindi damay damit nyo ni baby. and you said he has toys so problema nya yun kung papano nya pagkakasyahin clothes and toys nya. dont stress yourself

- i know this is bad pero you can make up a story and tell him na ay daddy nadulas si baby kanina jan buti hindi nauntog ng malakas. basa kc sa labas ng cr. alam mo dapat laging tuyo yan delikado yan sa bata...

- ex ko dati parang ahas, kung saan nagbihis andun din ang pinagbihisan. ni hindi makuhang ishoot sa laundry basket. until naubusan na ng damit bakit daw paunti ng paunti. sabi ko ang nilalabhan ko lang kung anong laman ng basket, kung papalabhan mo yan ilagay mo dun. kasi pag hindi nakashoot dun i assume hindi pa lalabhan yung damit

- tama yung isa nating sis dito - ang hindi nakaligpit na gamit ay basura kaya kung importante sayo yang gamit mo itabi mo na dahil sa basurahan mo makikita yan pag nahawakan ko yan

sabi nga ng bestfriend ko saken "never do it right the first time. para wala ng second time" yan ang ginawa nya nung naglaba sya mag isa sya at nahawaan... este hinawaan ng de-color yung white shirt ng asawa nya. never na syang naglaba ulit without the husband helping her

j.adore

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #37 on: June 13, 2015, 06:23:01 am »
I can relate to this. I'm OC and my husband is not.
When we were still dating, my MIL would say that my husband needs a maid for a wife. Eh masyado inlove so didn't bother with it hehe.

Before getting married, napagusapan namin ito ng husband ko and I said that, since we're spending so much on our new home, I want it to always look good. Ibig ko din sabihin dun ay malinis at maayos.
Oo naman siya.
Sabi ko din na OC ako at kung hindi ito mangyayari, sure mag-aaway kami. Di daw magiging issue.

We're both working so we agreed on some terms regarding shared chores para fair. Samples:
- Pag yung isa nagluto, yung isa maghuhugas.
- Pag yung isa naglinis/ayos ng laundry this week, yung isa naman next week.
- Pag yung isa nagtapon ng basura, yung isa naman next time.

Fast forward to now, nagagawa naman yung terms kaso may issues din. We are still compromising on each other's differences pero dagdag stress for me yung mga asikasuhin sa bahay. While I understand that we're both tired on weekdays and would rather do anything but fix/clean stuff, di ko masyado matanggap pag weekends/holidays na. Para bang dahil ok lang at hinahayaan, feeling ok na forever. Walang forever!

- Ang kalat kalat! My worst nightmare pero iniintindi ko pag weekdays. Weekends saka na ako nagcocomment.
- Toilet smell is cringe-worthy because of stains in the floor or around the base. Nagwawala ako pag pati toilet seat because that can get me sick. Is this normal for guys? He says maybe he's tired or sleepy or in a hurry but tries not to do this daw.
- When he cleans the bathroom, mirrors and containers aren't included kasi it looks clean naman daw. So technically, it's only me who's cleaning those no matter how many times I remind him nicely.
- Foodstuff in different places and the trash aren't thrown immediately tapos nagagalit siya pag may bugs, lamok, langaw, etc. kahit siya naman mostly nagkalat nun.
- Nalilipasan ako ng gutom when it's his turn to cook because he's playing to relax daw. Sakit ng tiyan ending ko!
- Pagtapos kumain, iwan lang sa table yung mga pinagkainan parang may server lang gaya ng restaurant.
- Mortgage, dues, bills, etc. ako lahat never naginitiate na siya naman kahit may access siya sa online bills payment. One time I requested na siya naman nung may free time siya, nagalit kasi di daw niya magets at di ko ineexplain. I was actually explaining pero di naman siya nakikinig kasi inuna yung galit.
- He wants me to tell him what needs to be done but when I do naman, nagger daw ako. San naman ako ppwesto nun?
- Natry ko na din yung walang gagawin para mafeel niya at siya gumawa. Kaso kahit na gawin niya, siya naman galit.

Some samples lang yan and some might say it's not that bad but since I'm OC, I have that surge of emotion/stress when something is out of place. When it gets bad lalo na kung pagod ako sa work, naiiyak ako. Kailangan ko ng mga ilang minuto para icompose ang sarili ko at sabihing "ok lang yan".

This is my compromise. I'm really trying to be a good wife by struggling against my OCness.

We also compliment on each other for a job well done. Kunwari naglinis siya tapos ang bango, sabihin ko ang galing galing niya and all haha! He does that to me too when I finish my chores and he sees how clean our place is.

melonsnaps, talagang naghiwalay kami ng cabinets for that reason na hindi ko makita kalat niya.
I can't do the laundry basket style kasi nagpapalaundry lang kami sa labas. I really don't understand why he can throw his clothes AROUND the basket and not in it.
Funny bestfriend mo haha!

vainmom, that's what my husband reasoned out but what about weekends, long weekends, and holidays?

snowberry, haha feeling ko artista ako when I tell my husband "I am not your maid. I will never be one for you."

lilstar, I'm independent I don't know how to make lambing na gawin super hero si husband hmm.. Like kunwari ang hirap ganon?

Pink_Sugar, oo pero we're newly married so adjustment stage pa.

jeune, also ask for a "Wife Bonus" I read that on the net haha amazing idea ;)

rootsrockreggae, grabe.. Ivideo mo o time-lapse para makita niya!

Mlabable, really? Tatanggapin na lang? :-[

babykat, sorry natawa ako sa banyo delubyo! Baka kaya nagkakalat kasi may helper kayo?

lalawhoopsy, di kaya dahil siya ang breadwinner kaya ganun feeling niya yun na ang contribution niya sa bahay?

momentum

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #38 on: June 13, 2015, 09:36:13 am »
Getting a maid, whether stay in or stay out, ang only solution dito if you all had enough with bargaining, pakiusap ng maayos, nagging, punishments etc.

If na exhaust na lahat ng efforts, pour it nalang on finding a masipag maid. Yeah its a hit and miss, but eventually you will find one. Sooner or later kasi maapektuhan na yung relationship with the husband..Tapos diyan na magsisimula ang kalokohan na "nagger kasi si wife eh" or "mukang unattractive na kasi si wife eh" or "di na kasi ako pinagbibigyan ni wife sa sexy time kasi laging pagod, wala sa mood, magkaaway kme dhil di ako naghuhugas ng plato" or "mag iinom muna ako bago umuwi pra tulog na si wife at di na ako dakdakin" etc etc.

And if ganyan na siya nuon pa when he was still living with his parents, jusko, miracle nalang talaga kung magbago pa siya now that he is with you. You can try, but don't expect it will be that easy. Old habits are hard to die.

There should come a point na we should stop and think na I can't be in control of everything.. I am not a superwoman, naapektuhan na relationship namin coz of these fights. Surrender na to be being in control of everything and just hire a maid and yun ang kontrolin mo how you want things done. Mahirap kasi na umuwi rin sa bahay na puro tension nalang parati at away. At puro pagkukulang nalang ng isa yung mas nakikita mo na.
« Last Edit: June 13, 2015, 09:40:54 am by momentum »

chinkywinky

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #39 on: June 13, 2015, 10:53:11 am »
Ganyan din husband ko, pero kasi sa kinalakihan din talaga. Nung single sya spoiled sa parents. Ayaw sya papagawain ng mom nya sa bahay, tatawagin lang sya pag kakain na, mga ganung tipo.

Naglalaba naman sya, namamalancha, nagvavacuum. Kaya lang disoriented lagi. Pag nagtupi ng damit halo-halo lahat, yung pambahay nasa panlakad and vice versa. Sabi ko hindi na sya nasanay isang dekada na kaming kasal. OC ako kaya ang bilis ko mainis pag disorganized yun mga gamit namin dito sa bahay, pero hinahayaan ko na lang din, small things lang naman kung tutuusin. Kahit sa pagkain, lahat ako nagseserve, hindi talaga sya tatayo pag kumakain. Pag ubos na kanin o ulam sa table, pinapakiramdaman ko kung magkukusa syang kumuha, pero hindi talaga so ako pa rin ang tatayo. Sa inis ko nung isang araw sabi ko "Senyor, busog ka na ba? May kailangan ka pa? Pwede na ho ba akong kumain?"  ;D
« Last Edit: June 13, 2015, 10:55:22 am by chinkywinky »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close