Hi mga sis! Gusto ko lang malaman kung ako lang ba nakakaramdam ng ganitong ibang klaseng panggagalaiti sa pinsan ni hubby.
Okay so it goes like this.
May pinsan si hubby na sobrang clingy. I mean, I may sound crazy but it pisses me off, I know they're blood related pero diba dapat may boundaries lalo na pag married na ang pinsan mo? Sinasabi ni hubby nagseselos ako pero the truth is hindi ako nagseselos, uncomfortable ako sa ganun kasi never ako naging ganun sa mga pinsan ko na lalaki kahit pa super close kami. May mga araw kasi na nasa bahay ako ng parents ko kasi gusto nila makita si baby. So kaninang umaga lang nangyari to, galing ako sa may amin. Alam ko na andun yung mga pinsan ni hubby sa bahay pero hindi ko inexpect yung nakita ko paguwi. Medyo napaaga yung uwi ko dun so hindi alam ni hubby na nandun kami, to my surprise, pag bukas ko ng pinto sa kwarto namin, boom, andun yung babae nya na pinsan na kinaiinasan ko ang pagkaclingy, magkatabi sila natulog. I mean, okay nasa bahay kayo, dyan kayo natulog, yung isa nga nasa sala lang natulog, babae din yun, bakit ikaw nasa kama ko? Tas sobrang gulat na gulat yung asawa ko, kitang-kita ko sa mukha nya na nagpanic sya nung nakita nya ako. Nabanggit ko na kasi sa kanya na di ako komportable sa ginagawa ng pinsan nya. Sobrang gulat nya pinalabas nya ako ng kwarto NAMIN. At ang pinsan nya, sarap na sarap ang tulog na parang hindi ako dumating at inutusan pa yung asawa ko na itapat daw ang fan sa kanya. I'm all for visitors sa bahay pero bakit sa kwarto mo kailangan patulugin? Sa dinami-dami ng pwedeng tulugan bakit sa kwarto NATIN? Naguguluhan ako mga sis, hindi ko alam kung over acting ako. Hindi ako nagseselos, uncomfortable ako sa ganun.
Ako kasi, pag alam kong may asawa na ang pinsan ko, kailangan ko na ring respetuhin yung asawa ng pinsan ko, its a mandatory response kung matino kang tao. May boundary na dapat ang pagiging clingy at pagiging close mo. May asawa na yung tao, hindi para pa matulog ka sa tabi nya sa kama at sa kwarto naming dalawa.
Nakakainis mga sis.
Kayo, ano bang reaction nyo pag ganyan ang nangyari sa inyo?
Ako lang ba nag-rereact ng ganito?
Nabubuang na ba ako?

??
=====
Mga sis hindi ako makapagreply sa mga tanong and posts nyo so dito nalang. Huhuhu.
Yes nasa tamang edad na ang clingy na pinsan. Nasa tamang edad na sya para mahiya at matutong rumespeto and I agree with some of you na sinabi na kahit magkapatid sa tamang edad hindi dapat ganyan umarte. I guess I was just raised properly and they were not cos to tell you honestly, my side is more well off than my hubby's so I guess it has something to do with the up bringing but hell to that, kung matino kang tao marunong ka dapat rumespeto. Up to now mga sis nanggigigil ako and I cant take any actions kasi pag ginawa ko yun masisira ang image ko sa side ni hubby, pag kinausap ko ang pinsan clingy most probably kakalat na sa angkan nila yun. Haaaaay mga sis I'm losing my sanity, ugggh this feeling na I know I shouldn't feel and act this way but I know there's something wrong sa ginagawa nila. Sobrang sakit na ng bangs ko.