watch now

Author Topic: Sissies, if you were in my situation, what would you do?  (Read 9379 times)

reezlemazzle

  • Guest
Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« on: May 26, 2015, 06:34:57 pm »
Hi mga sis! Gusto ko lang malaman kung ako lang ba nakakaramdam ng ganitong ibang klaseng panggagalaiti sa pinsan ni hubby.

Okay so it goes like this.

May pinsan si hubby na sobrang clingy. I mean, I may sound crazy but it pisses me off, I know they're blood related pero diba dapat may boundaries lalo na pag married na ang pinsan mo? Sinasabi ni hubby nagseselos ako pero the truth is hindi ako nagseselos, uncomfortable ako sa ganun kasi never ako naging ganun sa mga pinsan ko na lalaki kahit pa super close kami. May mga araw kasi na nasa bahay ako ng parents ko kasi gusto nila makita si baby. So kaninang umaga lang nangyari to, galing ako sa may amin. Alam ko na andun yung mga pinsan ni hubby sa bahay pero hindi ko inexpect yung nakita ko paguwi. Medyo napaaga yung uwi ko dun so hindi alam ni hubby na nandun kami, to my surprise, pag bukas ko ng pinto sa kwarto namin, boom, andun yung babae nya na pinsan na kinaiinasan ko ang pagkaclingy, magkatabi sila natulog. I mean, okay nasa bahay kayo, dyan kayo natulog, yung isa nga nasa sala lang natulog, babae din yun, bakit ikaw nasa kama ko? Tas sobrang gulat na gulat yung asawa ko, kitang-kita ko sa mukha nya na nagpanic sya nung nakita nya ako. Nabanggit ko na kasi sa kanya na di ako komportable sa ginagawa ng pinsan nya. Sobrang gulat nya pinalabas nya ako ng kwarto NAMIN. At ang pinsan nya, sarap na sarap ang tulog na parang hindi ako dumating at inutusan pa yung asawa ko na itapat daw ang fan sa kanya. I'm all for visitors sa bahay pero bakit sa kwarto mo kailangan patulugin? Sa dinami-dami ng pwedeng tulugan bakit sa kwarto NATIN? Naguguluhan ako mga sis, hindi ko alam kung over acting ako. Hindi ako nagseselos, uncomfortable ako sa ganun.

Ako kasi, pag alam kong may asawa na ang pinsan ko, kailangan ko na ring respetuhin yung asawa ng pinsan ko, its a mandatory response kung matino kang tao. May boundary na dapat ang pagiging clingy at pagiging close mo. May asawa na yung tao, hindi para pa matulog ka sa tabi nya sa kama at sa kwarto naming dalawa.

Nakakainis mga sis.
Kayo, ano bang reaction nyo pag ganyan ang nangyari sa inyo?
Ako lang ba nag-rereact ng ganito?
Nabubuang na ba ako??????

=====

Mga sis hindi ako makapagreply sa mga tanong and posts nyo so dito nalang. Huhuhu.

Yes nasa tamang edad na ang clingy na pinsan. Nasa tamang edad na sya para mahiya at matutong rumespeto and I agree with some of you na sinabi na kahit magkapatid sa tamang edad hindi dapat ganyan umarte. I guess I was just raised properly and they were not cos to tell you honestly, my side is more well off than my hubby's so I guess it has something to do with the up bringing but hell to that, kung matino kang tao marunong ka dapat rumespeto. Up to now mga sis nanggigigil ako and I cant take any actions kasi pag ginawa ko yun masisira ang image ko sa side ni hubby, pag kinausap ko ang pinsan clingy most probably kakalat na sa angkan nila yun. Haaaaay mga sis I'm losing my sanity, ugggh this feeling na I know I shouldn't feel and act  this way but I know there's something wrong sa ginagawa nila. Sobrang sakit na ng bangs ko.
« Last Edit: May 27, 2015, 10:20:42 pm by reezlemazzle »

lesliehallur

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #1 on: May 26, 2015, 06:44:02 pm »
You're not crazy. If that happened to me, I will calm myself down and reiterate my thoughts about it to my husband. Kailangan siguro both lang kalmado before "the talk".

HapNiAce

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #2 on: May 26, 2015, 08:21:49 pm »
Hi Sis. If I were in your shoe I would feel the same way.
Syempre hindi nakakatuwa yun. Knowing na sa panahon ngayon you don't know who to trust. Sorry pero sakin kasi big deal ang trust, so affected ako sa mga gantong issue. Kung ako ikaw, kung parang hindi naman gumagawa ng way si hubby ko I will confront the girl na but in a nice way.

hisana

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #3 on: May 26, 2015, 09:52:39 pm »
Ugh. Your bed is a very personal space, so you have every right to feel very annoyed over what happened. Lalo nang wala naman nagpaalam muna at meron naman pala ibang mapagtutulugan. (In fact, I think bedrooms should generally be off limits to non-immediate family members. IMO lang naman.) I'm sure after this incident, pwede mo na sya uli kausapin about setting boundaries when it comes to this cousin.

Tatrix

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #4 on: May 26, 2015, 10:09:50 pm »
Sis, anong age ba ng cousin ng hubby mo? Wala ba siyang bahay? Bakit siya nakikitulog sa inyo?

ri-anne

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #5 on: May 26, 2015, 10:25:47 pm »
Achaka hindi ba dapat, since you already told your husband that you are not comfortable about her being clingy, dapat umiwas na rin asawa mo? Or at least set na ng boundaries, like, hindi nya dapat pinatulog sa kwarto... Or at least nung dumating ka, pinaalis nya na yung pinsan nya kasi andyan ka na at hihiga ka or magpapahinga sa bed nyo (kahit hindi basta sana pinaalis nya)

You can't control the cousin, but you can control (lol) and talk to your husband.
Kausapin mo ulit asawa mo. The fact na ayaw mo ng ganun, kahit na magpinsan sila, asawa ka, dapat irespect nya yung nararamdaman mo, at para sa ikabubuti ng relationship nyo, dapat umayos sya.

andreil_19

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #6 on: May 26, 2015, 10:32:50 pm »
Same question with tatrix.

Kahit ako sis I will have same reactions di man lang mahiya yung pinsan ng hubby mo sa'yo sleeping in your bedroom,it should be off limits. Just like what HapniAce said better talk to the cousin about sa ayaw mo in the first place bahay nyo yun para alam nya rin saan sya lulugar.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #7 on: May 26, 2015, 11:12:50 pm »
Why are they in bed together? Onga sis anong edad na ba nun pinsan? Tsaka may na fe-feel ka bang kakaiba sis like parang somethings off sa closeness nila or may parang malisya ba na magkatabi sila sa kama?

chinkywinky

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #8 on: May 27, 2015, 01:38:40 am »
Mag pinsan sila but be mindful, and remind your husband again on how you feel.

may12

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #9 on: May 27, 2015, 07:25:50 am »
I would feel the same way!
I won't even sleep in a same bed with my brothers na dalawa lang kami. If we really need to sleep in the same room, isa sa amin dapat sa sahig matulog. Lol.
Dapat dumidistansya na rin hubby mo since alam naman niya nararamdaman mo. Ano sabi niya sayo after mo sila nakita?

heartfortress

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #10 on: May 27, 2015, 09:14:30 am »
Natural lang na maramdaman mo yan sis lalo na sinabihan mo na pala si hubby na uncomfortable ka sa pagiging clingy ng pinsan nya. Respect na lang sana sa nararamdaman mo dapat dumistansya na hubby mo even if you're not around. Porke wala ka balik clingy-han na ulit? At sa kwarto nyo pa talaga at nakasarado pintuan? bakit naka-aircon ba? Kahit close kasi sila sis parang di naman tama yun. Better talk again to your hubby about his cousin and explain your side on how uncomfortable you feel when you see them like that. pero wag mo awayin kasi baka di kayo magkaintindihan.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #11 on: May 27, 2015, 03:18:50 pm »
I smell something fishy, sana lang hindi tama yung hinala ko (incest lol) at ayaw ko din naman na mapraning ka sis so sana hindi talaga totoo, close din naman ako sa mga pinsan at kuya ko pero never akong clingy. I respect their privacy, siguro naman nasa tamang edad na yang babaeng yan para maintindihan na hindi tama ang pagiging clingy sa husbang mo, at makitulog sa kwarto nyo pag wala ka, que horror! Talakan mo sila pareho para madala, uulit ulitin lang yan pag di ka kumibo iisipin nya na okay lang.

three8one

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #12 on: May 27, 2015, 05:22:17 pm »
I smell something fishy, sana lang hindi tama yung hinala ko (incest lol) at ayaw ko din naman na mapraning ka sis so sana hindi talaga totoo,

kung nasa tamang edad na si pinsan, eto din naiisip ko (incest) base sa nabasa kong kwento mo TS... sa sala natutulog ang isang pinsan? ano look out? kaso lang nakatulog din... hehe!

kahit magkapatid na babae at lalake walang ganyan ka close pag dumating sila sa edad or should i say nagka malisya na ang isip nila.. mahihiya yan sa ganyang galawan. sa case nila magpinsan lang sila, so hindi malayong may tinatagong lihim...

 ;)

Girltalker2

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #13 on: May 27, 2015, 07:16:11 pm »
Cousin or Kasintahan?

TS, if I'm in your situation, I will try to remain as calm as possible and talk to hubby. Pero sasabihan ko ang trusted in law (sis in law) to understand more about their background.

Then do my own investigations. Totoong cousins ba talaga sila?
« Last Edit: June 05, 2015, 10:22:21 pm by Girltalker2 »

thebratinella

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #14 on: June 04, 2015, 11:53:10 pm »
Weird. Even if close sila, uncomfortable and awkward pa rin yun. Close din ako sa cousin ko kasi only child siya and he stayed in our house in Pasay when he studied college. Grade school naman ako that time. Taga-sundo ko siya sa school, siya nag-alaga sa akin and even after college niya and umuuwi ako sa province, we would hang out. Siya na naging parang kuya ko kasi my brothers were toddlers then and wala akong kasama tumambay. There was a time na I slept over their house and natakot ako kasi ang daming rooms sa 2nd floor tapos empty. He offered to sleep in the same room kasi may 2 beds naman but I declined. Hindi kami clingy in that way. Talagang pag nakita kami ng mga tao, iisipin kapatid niya ako and parang anino na nga niya ako pero di yung mapapaisip sila na may something. Yung girlfriend niya now his wife naging super close kami. Naging confidante pa nga ako kasi sinama nila ako sa "dates" nila. She saw me as his "little sister".

Yung husband ko close din sa female cousins niya. They were raised kasi na parang magkakapatid. Pag umuuwi kami sa ancestral house nila and would have movie marathons, yung girls separate talaga sa boys. Walang ganyan, sis.  Kahit same room ang boys and girls, separate beds. Yung iba sa kanila married with kids na rin. It's just a matter of respect and knowing your place. Kahit naman siblings pag lumaki na may konting distansiya sa ganyan.

j.adore

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #15 on: June 05, 2015, 01:54:16 am »
If it was me, I will talk calmly to my husband and tell him to stop because it makes me uncomfortable. I'll also ask why he's panicky when I got home to find them in our bed.
I'll explain bakit hindi tama na maging ganyan close sa ibang babae and that's because he's married plus he needs to do it out of respect and love for me.

Actually I did that pala haha though sa ex niya yun and he followed naman.

argento

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #16 on: June 05, 2015, 02:42:44 am »
mukhang napagod ang magpinsan ah kaya napasarap ang tulog  ;D

hyder0926

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #17 on: June 05, 2015, 08:42:34 am »
too close for comfort eto..

i would put them in their proper place. because bahay nyo yan at private space mo yan.
sacred ang marital bed at masters bedroom so sana walang ganyan.

kung di makaintindi eh ipaintindi mo. calling their attention might do the trick to make them
uneasy too. i feel that given na sinabi mo na un feelings mo about the girl cousin at nangyari
pa un eh parang bastos ka na din hubby mo. give hubby the talk again and lay out your
cards kase hinde naman maganda sa paningin ng tao un gawa nila.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #18 on: June 05, 2015, 09:00:02 am »
nakikibasa na nga lang ako, nanggigil din ako sis. i dont even have words for this. hehe nasabi na ng ibang sisters natin dito. medyo madumi din ang pumasok sa isip ko pero sana wag naman :(

simpleemie

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #19 on: June 05, 2015, 09:10:17 am »
kaloka yang 'cousin' na yan at napaka insensitive naman ng asawa mo sa feelings mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close