watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96325 times)

foxyhauteur

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #240 on: December 25, 2015, 11:00:03 pm »
"proud to be pinoy" comments

yung pagdadahilan na "pagpapakatotoo" ang pagiging tactless, crass or kagaspangan ng ugali towards other people. pag tahimik, fake agad? di ba pwedeng tahimik lang talaga o mabait lang talaga?

juni

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #241 on: December 27, 2015, 03:48:31 am »
^ Agree, hindi mo naman kailangan maging rude para maging frank.  And hindi naman por que taklesa ka e nagpapaka-totoo ka lang, a lot of times rudeness is just plain rudeness, huwag nang ipalusot ang rudeness as honesty or truth.  Yung iba ginagawa nang excuse yun to behave badly.

Yung iba naman ang ginagawang dahilan e kesyo lumaki silang mahirap kaya ganyan sila umasta.  I don't agree with this, kasi hindi naman kailangan ng pera para matuto ng tamang asal, wala naman sa yaman yan e.  And sa pagpapalusot nila e para na rin nilang sinabi na kapag mahirap e barumbado, na pag mahirap e walang kabutihang asal, which is not true.

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #242 on: December 27, 2015, 08:46:28 am »
Quote
hindi mo naman kailangan maging rude para maging frank.  And hindi naman por que taklesa ka e nagpapaka-totoo ka lang, a lot of times rudeness is just plain rudeness, huwag nang ipalusot ang rudeness as honesty or truth.  Yung iba ginagawa nang excuse yun to behave badly.

Karamihan sa kanila are mostly self-righteous, cocky know-it-all people.

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #243 on: December 28, 2015, 01:47:58 pm »
^ Agree, hindi mo naman kailangan maging rude para maging frank.  And hindi naman por que taklesa ka e nagpapaka-totoo ka lang, a lot of times rudeness is just plain rudeness, huwag nang ipalusot ang rudeness as honesty or truth.  Yung iba ginagawa nang excuse yun to behave badly.

This is exactly the point. They are not thinking kasi na may proper way to tell the truth or being frank tapos sa kanila gawin yan mga asar talo naman ayaw pa tumanggap ng totoo. Minsan pa nga papaliwanagan mo pa in humble manner sila itong OA mag react na parang ang laki ng kasalanan mo sa sinasabi mo sa kanila. Yang mga bastos na yan kadalasan sila yung ayaw umintindi.

One more thing na ayaw ko sa ugaling pinoy rin. Yung mga matatanda na nasa mentality nila na por que matanda na eh gagalangin dapat sila all the time. Yes it is true, pero sila itong sobrang abusado sa pagiging matanda nila. Parating magsasabi ng respeto lang respeto lang pero sila itong saksakan na ang babastos tapos ineexcuse nila yung masasamang salita na lumalabas sa bibig nila lalo na yung mga mahahalay at pagmumura na totoo lang sila. Wala silang pakialam most of the time kung nakakaoffend na sila ng ibang tao whereas kung tutuusin sa kanila lang rin naman bumabalik yung mga ginagawa nila kaya nga sila nagiging matampuhin eh! yung kaunting may masabi ka lang na hindi mo intend na ma offend parati silang masasaktan na gusto pa suyuin sila. Hindi nila iniisip na sila ang unang mag earn ng respect kasi sila ang gagayahin ng mas nakababata eh!

young_maiden

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #244 on: January 21, 2016, 05:34:56 pm »
Ningas kugon (o cogon?)- Sa simula lang determinado o masipag pero tatamarin na sa huli pag sawa na

Filipino time- Sobrang annoying ito. Nakapunctual ko na tao sa simula. Kaya para sa akin, dapat punctual ka din. Pag ma-late ka kahit saglit, wag ka na umasa na sa susunod nating pagkikita punctual pa rin ako. At wala ka karapatan magdemand na maging on time ako dahil ikaw itong unang na-late.

Feeling entitled- Grr!! Nakakainis ganitong ugali sa totoo lang

stormy

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #245 on: January 22, 2016, 01:37:37 am »
@juni, Ay gustong-gusto ko yun sinabi mo na hindi naman kailangan na rude para masabi na prangka or totoong tao ka. Yun pag magmura or pala-away ang depensa kasi hindi plastik.


Parang type na type ng pinoy ang dating sanggano, kaya marami ng sanggano kausap sa ngayon.


Mag-add ako sa nauna ko na listahan dati.

Ayaw ko rin ng ugali na kinukuha ka na ninang/ninong dahil sa posisyon or akala na may kaya ka na tao.


Isa pa ay yung iimbitahan ka sa bday or ano man okasyon kahit pag ordinaryong araw ni hindi ka pinapansin at hindi mo kilala - ang akala may kaya or mapera kaya nag e-expect ng maganda or mamahalin ang regalo na ibibigay mo.


blairbunny

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #246 on: January 22, 2016, 08:08:48 am »
1. I agree sa mga batang hindi marunong magtagalog and the parents are proud of it, feeling nila cute/sosyal, when sila mismong parents tagalog naman pinalaki.
2.  Yung payabangan palagi ng kids - inflating accomplishments yet never admitting setbacks. Tsaka sobrang pride wala sa lugar na tipong pinipilit maging model ang anak nila kahit objectively ordinary naman ang itsura. If di umubra, IG na lang, pipicturean every day at maghihintay ng likes.
3. Yung mentality na prevalent sa old generation na bilib na bilib sa  America. Para bang getting there is their ultimate measure of success. Same dun sa mga nakarating lang feeling na nila better sila than everyone else.
4. Yung pag naghihintay ng boarding ng plane hindi masaway sa pagsingit sa harap kahit sinabihan nang tatawagin by section.

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #247 on: January 22, 2016, 08:59:56 am »
Quote
Yung mentality na prevalent sa old generation na bilib na bilib sa  America. Para bang getting there is their ultimate measure of success. Same dun sa mga nakarating lang feeling na nila better sila than everyone else.

Frankly speaking, I find the United States ordinary and "parang Pilipinas" lang ang vibes. Mas maganda parin sa Pilipinas, kung tutuusin. Airport conditions pa nga sa States, worse than sa Pinas, eh. At least sa Pinas and other parts of Asia, their airport staff are more efficient and more responsive.

Also, #RealTalk: I don't like to sound as if I am generalizing, but the older generation who becomes US citizens actually become more narrow-minded and bigoted, as compared naman sa mga talagang ipinanganak at/o lumaki sa Estados Unidos. I expect naman sana them to be open-minded, turns out, being a naturalized US citizen didn't make them open-minded.

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #248 on: January 22, 2016, 03:58:53 pm »
^Ganyan rin sa mga Lolo at Lola ko pati mentality ng Papa ko and his siblings. Pinaparamdam nila sayo na kawawa ka kasi nasa Pilipinas ka pa. Pero sa totoo lang marami na rin akong naririnigan na nalulungkot sila sa America. Ito hindi ko naman sa ginagawang big deal pero minsan pagdating sa ibang products mas competitive pa rin ang Pilipinas. Example mga gowns ni kahit nga cakes run eh! Yung tita ko mas nasasarapan pa siya sa mga cakes dito sa Pinas compare dyan sa US which is nakakagulat lang for me.

young_maiden

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #249 on: January 22, 2016, 04:23:31 pm »
May idadagdag pa ako. Hate ko din ang mentality na kahit iyong anak na ang nasa tama, anak LANG siya. Kahit drug addict, rapist o mamamatay tao na magulang mo, wala ka karapatan labanan siya kasi magulang mo siya. Puro na lang justification na magulang mo iyan kaya kahit ano pa kasalanan niyan sa iyo patawarin mo na. WTF!

chocola

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #250 on: January 22, 2016, 07:35:24 pm »
ang ayoko sa ibang pinoy, masyadong mataas tingin nila sa mga foreigner (lalo na mga puti), sobrang babait. tipong may discrimination ng mga pinoy sa mismong bansa natin.

sobrang corrupt, lahat nakukuha sa pera at power..haayyy nakakalungkot tuloy..

young_maiden

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #251 on: January 22, 2016, 09:50:40 pm »
Naiinis din ako sa mga Pinoy na nagdidiscriminate sa kapwa Pinoy. Saka iyong may mindset na pag maitim ka, pangit ka kaagad. Eh most Pinoys ay di talaga maputi di ba. Pag maputi, maganda agad. Kailan lang ba naging synonymous ang maputi sa maganda? Sana maging aware na mga Pinoy na magkaiba sila!

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #252 on: January 22, 2016, 10:42:39 pm »
young_maiden I agree, kaya nga maraming rebelde na anak because of that mentality. Sige pagpapatawad gawin dapat pero hindi dapat binibigyan ng pressure or magbibitaw ng salita basta basta as if naman yung nag aadvise mapagpatawad rin. Napakadali magsalita wala naman sila sa sitwasyon.

chocola I totally agree, nakwento ko na rin sa previous post ko about our Lola na parating iba treatment sa asawa ng Tita ko na Amerikano which is nakita ko pa sa picture na sinasabitan pa ng sampaguita, na parang artista. Actually they have a daughter na of course mas malakas yung lahing Amerikana, she is too arrogant and over confident na feeling niya we will bow for her. She has an attitude too. Although ang natawa ako iniyakan niya pinsan ko kasi nilalait na hindi naman mayaman ang nakatuluyan niya.

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #253 on: February 09, 2016, 05:29:48 pm »
Kinaiinisan ko yung ugaling Pinoy na kapag may Birthday or may lamay eh nagsasara ng kalsada para dun nila idaos ang kung ano man ang idinaraos nila. Kinaiinisan ko rin na kapag may patay kailangan pang mag cause ng traffic etc.

Hindi naman sa walang respeto. Pero kailangan din isipin na may ibang tao na naaabala.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #254 on: February 09, 2016, 08:46:16 pm »
^uso din yan sa min, ang mangyayari tuloy iikot ka sa mas malayong lugar

Mommychinita18

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #255 on: February 10, 2016, 10:47:54 am »
Ang pinaka ayoko ay yung ugaling di marunong magpahalaga sa oras. :)

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #256 on: February 10, 2016, 11:27:03 am »
^uso din yan sa min, ang mangyayari tuloy iikot ka sa mas malayong lugar

Hindi ko maintindihan kung bakit napapayagan ito? Tapos ang mga tents na silong pa na ginagamit ay yung mga galing sa politician na naka print pa ang mga mukha nila! Sabihin man nating may permit man sila or wala from brgy, pero dapat hindi ginagawa yan basta basta. Kung walang space mag celebrate, eh di gawin sa events place... eh kung walang pera, eh di matutong umasta ng kung ano lang ang meron. grrr

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #257 on: February 10, 2016, 08:27:51 pm »
Ang alam ko yung mga ganyan sa barangay kumukuha ng permit pati tents and monoblock chairs. Libreng advertisement na yun para sa politiko.

Rukia_Is_A_Punk_Rocker

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #258 on: February 13, 2016, 02:15:24 pm »
passive aggression..

twinxz

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #259 on: February 13, 2016, 02:43:34 pm »
Eto simple lang pero nakakainis din. Yung simpleng KEEP RIGHT sa mga stairs, escalators. Yung iba nakahambalang pa talaga sa makipot na escalator ng MRT. Ayaw mo ma-late pero eto, di ka maka-overtake! Haaaaaaay!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close