watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96242 times)

sensi

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #200 on: October 29, 2015, 01:32:38 pm »
true. kaya nga hindi talaga ako nagpopost sa fb ng problems kasi magiging entertaining lang yan lalo na sa mga naiinggit sayo.
 pano sis pag sinabi mo sa family mo, tapos sinabi nila sa friend nila.tapos friend nila not knowing the whole story or they would base it na sa dahil nangyari sa relative nila baka mangyari rin sakin...alam niyo yun, they would assume na same mangyayari sa situation ko...
tapos hey willjust say na concern lang sila, but actually nagiging nosy na sila.

and then pagdating sa time na i reacted, sila pang galit dahil older people sila so they think they're always right. theyr not my parents naman nor relatives...yun ang hindi ko magets sakanila eh..ang masaklap pa, i dont really post anything on fb right? so this time since i know 24/7 siya sa fb niya, nagparinig ako sa fb which is visible to friends na may kaibahan ang pagiging concern at nosy. what she did, she posted sa status niya in public na words to ponder daw, point niya doon is magingat daw sa mga friends na you're giving advices to dahil yung concern daw nila eh namimisunderstood..
oh my....pakialamera nanga, proud pa na thinking wala siyang maling nagawa at all....


92buttercup

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #201 on: November 06, 2015, 10:29:16 am »
Yung walang pakundangan mag videoke kahit gabing gabi. walang pakialam kung may pasok kinabukasan o wala.
yung iba matigas ang mukha kahit ipa barangay mo, uulit pa rin.
Hahahahaha! May ganito din kaming kapitbahay pag dumating na yung barangay sila pa galit haha!

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #202 on: November 06, 2015, 06:34:03 pm »
^tama kayo dyan may ganyan din kami kapitbahay maghapon magdamag buti san kung maganda ang boses o kahit papaano pwede na kaso hindi eh boses palaka nakakairita. Wala pakundangan sa mga natutulog kahit madaling araw na..

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #203 on: November 06, 2015, 09:58:40 pm »
^Alam ko nga pwede na kasuhan yang mga maiingay na kapitbahay eh!

Yung mga affected much sa mga kontrabida ng teleserye as if naman hindi nila kaugali mga kontrabida eh sila pa nga itong mga worst kesa yung mga nasa teleserye eh! Naku ha! kung makamura pa kulang na lang awayin yung artista as if naman they are doing the right thing at sila yung naaapi. Duuuhhh!!! Mga bully rin naman in real life.

juni

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #204 on: November 09, 2015, 10:34:23 pm »
Yung mga taong sinasandalan yung mga poste sa loob ng train sa MRT and LRT.  Kaya nga naglagay ng mga poste sa loob ng trains e para dun humawak yung mga tao, especially yung mga hindi abot yung mga hawakan na mas malapit sa ceiling.  Nakakainis na may mga taong sinasandalan yung mga poste kahit na ang daming taong nakasakay ng train and nangangailangan ng mahahawakan para hindi mabuwal pag umaandar and humihinto yung train.  Nakakaasar pa yung iba na kahit nararamdaman nila na may nadadaganan na silang mga kamay e tuloy pa rin sa pagsandal sa poste and walang pakialam.   >:(

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #205 on: November 10, 2015, 03:23:25 am »
^^kapag nagkaso parang gulo lang ang hanap buti sana kung hindi makikitid ang isip ng mga kapitbahay dati may nagpabaranggay na sa kanila as usual away.

hidinginseoul

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #206 on: November 12, 2015, 01:31:54 pm »
Mahilig makisali sa uso kahit di naman alam iyong totoong nangyayari. Case in point, iyong nangyari sa INC rally a few months ago. Turns out na karamihan pala ng nandun, nagrarally ng hindi alam iyong pinaglalaban.

Another thing I've noticed is when tayo iyong nagiging target ng jokes ng ibang countries, nagiging defensive and nagseself-pity iyong ibang Pinoy. The joke is something true naman, not for all Filipinos but siguro in general. It was about a Korean actress impersonating the accent of different nationalities when speaking in English sa isang restaurant. Then nung ginaya nung Korean actress na iyon iyong sa Filipinos, she did it in a way on how a typical Filipino server would say it. Maraming Filipinos agad iyong na-offend. Eh kung tutuusin naman, that's how we depict Filipino servers in our films and TV shows especially when we're doing comedy.

I mean sure, in reality she got the wrong impression cos di naman lahat ng Filipinos barok magsalita, pero iyong bang Pinoy na OA mag-react as in it came to the point na they started saying really harsh things to Koreans, parang nakakainis din. Kaya sana lang, others would think first before reacting.

And think about it ah, Filipinos also make fun of foreigners. Minsan nga, the jokes are even harsher.

Mrs.R0515

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #207 on: November 12, 2015, 01:43:28 pm »
yung mga tsismosa at mahilig pag usapan ang buhay ng may buhay. e kung tutuusin hindi naman nila lubos na kakilala at hindi naman nila nakakausap. bakit hindi na lang kasi manahimik at problemahin ang sarili mong problema. mas madami pa naman kapaki pakinabang na gawain na dapat pag tuunan ng pansin. at minsan kung makapuna kala mo perpekto. wala sigurong salamin sa bahay nila kaya di makita ang sarili bago punain ang ibang tao. tsk tsk tsk

Nuriko

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #208 on: November 12, 2015, 08:10:29 pm »
Ang ayaw ko sa ugaling Pinoy? Kapag ang parents ng pinoy hindi tinuturuan mag Tagalog ang mga anak! Lalo na kung nakatira sa Pinas ang pamilya tapos yung mga anak hindi maayos magsalita ng direchong Tagalog tapos ang alam lang DAW ay straight English, c'mon! hindi ako bumibilib sakanila kapag ganun. Para sakin dapat marunong ang anak natin ng sarili nating wika lalo na kung diyan ka sa Pinas nakatira, halerrr! Andito kami sa ibang bansa ngayon pero tinuturuan ko mga anak ko magsalita ng Tagalog (pati narin waray at bisaya). hindi lahat English kasi pinoy tayo eh kilala tayong multilingual at may advantage tayo sa ganyang aspect. kaya kapag may nakikita akong mga pinoy na bata hindi tinuruan mag Tagalog ng magulang, sorry ah pero tumataas talaga ang kilay ko!  ;D

Feeling ko kasi responsabilidad ng magulang yan to educate and introduce our culture no matter how young they are. Especially if both couples are Filipinos. Tapos pasasalihin mo anak mo sa American Idol or pakakantahin sa youtube balang araw para maging sikat. Proud pinoy pero "kumusta?" at "mahal ko kayo" ang alam lang na Tagalog. Duh??

Wow, napaso ata ako sa init ng post mo. hehe. Ganyang ganyan ang saloobin ko lalo na sa tuwing nakakarinig ako ng mga teenager at batang panay-panay ang Ingles eh puntong Pilipinong Pilipino naman. At pag nag-Tagalog, akala mo naman ay namumuwalan sa pag-slang ng mga salitang Tagalog. Natatawa ako na naiinis at naaawa sa kanila, feeling ko wala silang mastery sa kahit alinmang wika. Di ba tayo dapat maging proud na naka survive ang wika natin sa kabila ng mahigit 300 na taon natin sa ilalim ng Espanya at hindi tayo natulad sa Mexico na naglaho na lang ng ganon yung native language nila? eh di #pinoypride

marge070407

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #209 on: November 12, 2015, 08:26:08 pm »
palautang, mabait kapag may kailangan

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #210 on: November 12, 2015, 09:52:21 pm »
Another thing I've noticed is when tayo iyong nagiging target ng jokes ng ibang countries, nagiging defensive and nagseself-pity iyong ibang Pinoy.

Isama mo pa yung kay Lucy Liu minsan na sinabi lang niya hindi bagay sa kanya maging darker or being tan pa nga ata yun? na parang pinoy ang dami agad nagreact. Ano naman masama sa pagiging maitim or darker like Filipino? Kapag maputi ba maganda agad? Binansagan pa nga ata siyang racist. Susme kung maka over react eh mga Pilipino rin naman saksakan ng racist lalo na sa itim. Worst case pa nga kung laitin rin naman ang kapwa Pinoy ganun rin naman.

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #211 on: November 13, 2015, 07:48:04 am »
Hindi naman talaga racist 'yung kay Lucy Liu. Her statements are merely descriptive.

junetwentythree

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #212 on: November 13, 2015, 08:25:29 am »
Isama mo pa yung kay Lucy Liu minsan na sinabi lang niya hindi bagay sa kanya maging darker or being tan pa nga ata yun? na parang pinoy ang dami agad nagreact. Ano naman masama sa pagiging maitim or darker like Filipino? Kapag maputi ba maganda agad? Binansagan pa nga ata siyang racist. Susme kung maka over react eh mga Pilipino rin naman saksakan ng racist lalo na sa itim. Worst case pa nga kung laitin rin naman ang kapwa Pinoy ganun rin naman.

Well that's funny. The most popular threads here on GT are the ones about skin whitening methods.

hidinginseoul

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #213 on: November 13, 2015, 09:07:19 am »
Wow, napaso ata ako sa init ng post mo. hehe. Ganyang ganyan ang saloobin ko lalo na sa tuwing nakakarinig ako ng mga teenager at batang panay-panay ang Ingles eh puntong Pilipinong Pilipino naman. At pag nag-Tagalog, akala mo naman ay namumuwalan sa pag-slang ng mga salitang Tagalog. Natatawa ako na naiinis at naaawa sa kanila, feeling ko wala silang mastery sa kahit alinmang wika. Di ba tayo dapat maging proud na naka survive ang wika natin sa kabila ng mahigit 300 na taon natin sa ilalim ng Espanya at hindi tayo natulad sa Mexico na naglaho na lang ng ganon yung native language nila? eh di #pinoypride

Ay true ito! I was a pre-school tutor before and ganitong-ganito ang problem ng mga kids these days. In addition, may mga clients din kaming mga pure Filipino HS students nagpapatutor sa Filipino just to translate Noli Me Tangere, El Fili and other Filipino stories in English.

Isama mo pa yung kay Lucy Liu minsan na sinabi lang niya hindi bagay sa kanya maging darker or being tan pa nga ata yun? na parang pinoy ang dami agad nagreact. Ano naman masama sa pagiging maitim or darker like Filipino? Kapag maputi ba maganda agad? Binansagan pa nga ata siyang racist. Susme kung maka over react eh mga Pilipino rin naman saksakan ng racist lalo na sa itim. Worst case pa nga kung laitin rin naman ang kapwa Pinoy ganun rin naman.

Grabe naman iyon. Tsaka ang sabi lang naman niya is feel niya hindi bagay sa kanya maging darker. So san banda siya naging racist dun, diba? :p Nakakaloka ang mentality ng mga tao minsan. Haha!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #214 on: November 15, 2015, 10:24:18 am »
Ako madalas ko sabihin na di bagay sa kin maitim, feeling ko haggard kasi ako tingnan. Unlike paglighter shade ako na keri ko pumasok sa work ng walang makeup kasi mukha pa din fresh. Pero di naman ibig sabihin nun kinahihiya ko na Pinay ako. Kaya wag po naman sana ako ma-bash (lol artista lang).

Isa pang ugali na ayaw ko yung matira lang sa abroad ng 1-3yrs pagbalik ng Pinas may accent na magtagalog. May friend ako na 15-17yrs na sa US pero di naman nagka-twang pagnagtatagalog though he really sounds american pagnag-english. Bilib ako sa mga ganitong tao
« Last Edit: November 15, 2015, 10:40:12 am by mysterioza_me »

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #215 on: November 15, 2015, 11:37:25 am »
^ Agree. I don't see the point of flaunting a fake accent when speaking Tagalog. Kalokohan ang tawag doon.

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #216 on: November 15, 2015, 02:59:20 pm »
^iyong 'parang' nagiging 'pawraang'?

Ang nakakatawa pa some people na 2 years pa lang sa abroad di na marunong ng Filipino. I will understand kung bata pa pero teenager and adult, no way.

jazz17

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #217 on: December 06, 2015, 04:06:03 pm »
- Agree ako dun sa posts about Filipino kids na di marunong magsalita ng Filipino/Tagalog na dito naman ipinanganak and lumaki. Ginagawang status symbol ang pagsasalita ng English. Eh kung minsan wrong grammar naman ang English o kaya mali-mali ang spelling.
- Yung pag pumunta ka sa ibang bansa, pag-uwi kailangan may pasalubong. Di naman sa pagiging madamot, pero pano kung pumunta sa ibang bansa on a budget para mag-attend ng event or for work? Saka di naman close so bakit kailangang bigyan.
- Di marunong sumunod sa traffic rules. Pag nakakakita talaga ako ng mga sasakyan na nag-go kahit na red light, ang naiisip ko lagi is sana mabangga sila or tumaob sasakyan nila. Kahit na ba walang tumatawid, it doesn't mean puwede ng mag-go.
- Balat sibuyas lalo na pag may foreigner na may nasabing "negative" about Filipinos.
- Yung pag ikakasal, kailangang invited ang relatives na di mo naman kilala.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #218 on: December 06, 2015, 10:32:14 pm »
- Yung pag ikakasal, kailangang invited ang relatives na di mo naman kilala.

Recently an officemate posted a pic of his friends na ikakasal. I asked bakit yung bride ang haggard walang bridal glow to think na may coordinator naman siya. Sabi ni officemate na-haggard daw sa nanay niya si bride kasi yun 50/pax nila naging 120/pax. Sa malayong lugar na nga daw sila nagplan magpakasal para di sila masugod-bahay pero nangumbida pa rin ng marami nanay niya.

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #219 on: December 07, 2015, 05:33:20 am »
- Agree ako dun sa posts about Filipino kids na di marunong magsalita ng Filipino/Tagalog na dito naman ipinanganak and lumaki. Ginagawang status symbol ang pagsasalita ng English. Eh kung minsan wrong grammar naman ang English o kaya mali-mali ang spelling.
- Balat sibuyas lalo na pag may foreigner na may nasabing "negative" about Filipinos.

Speaking of the second statement, masyading SIPSIP sa mga puti ang mga Pinoy. Or basically, any foreigner who hails from Western civilization. And hindi kasi mahagilap ng mga Pinoy kung ano 'yung kultura ng mga Kanluraning nagpa-usbong sa kanila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close