watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96554 times)

red_yesha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #220 on: December 07, 2015, 09:55:18 am »
Ang pagtumbas ng "Utang  ng loob"

Purple_Power

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #221 on: December 07, 2015, 04:01:09 pm »
Speaking of the second statement, masyading SIPSIP sa mga puti ang mga Pinoy. Or basically, any foreigner who hails from Western civilization. And hindi kasi mahagilap ng mga Pinoy kung ano 'yung kultura ng mga Kanluraning nagpa-usbong sa kanila.

It reminds me tuloy of my Grandmother, well sa kwento lang ng Mama ko there was a time na parang inobligahan sila na kapag dadating yung husband ng Tita ko galing airport dapat sabay sabay nilang sasalubungin tapos bibigyan ng sampaguita. Yung parang ginagawa sa mga Santo or kung hindi Santo kahit sa mga artista. Sige naandun na ako wala namang masama pero kasi nangingibabaw pa rin yung fact na mas binibigyan pa rin ng importance yung Grandmother ang mga puti. Then of course she has some issues on how she treated other people.

Another thing here is nung maliit ako I am too stubborn talaga on not learning English. Paano kasi ang dating sa akin ng sinasabi ng Tatay ko eh para makausap ko raw pinsan ko. Ang akin naman 4 years old pa lang mentality ko na sila ang pumunta rito bakit hindi sila ang magtagalog  ;D Hindi naman pinaintindi sa akin ng Tatay ko na it is international language eh!

Although in fairness rin naman nung nasa US ako, yung American Uncle ko, yung namention ko na sinasabitan ng sampaguita. Siya naman yung nag adjust na minsan pinasyal niya  kami then pinakain sa Mc. Do he asked me in Tagalog "Anong Gusto Mo"

TysLolakins

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #222 on: December 08, 2015, 03:48:10 am »
being too literal, not understanding social cues  ::)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #223 on: December 08, 2015, 08:13:50 am »
Ang pagtumbas ng "Utang  ng loob"

Yan ang utang na hindi mabayad-bayaran, hanggang sa kaapu-apuhan naipapasa

red_yesha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #224 on: December 08, 2015, 08:18:40 am »
^lupet noh, pati yun nama-mana na haha

amethyst028

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #225 on: December 08, 2015, 09:04:53 am »
yung ugali na you have to support your entire family and relatives pag ikaw ang nakaka luwag ng konti. too many dependents lalo na yung mga ofw's. pati ata 2nd and 3rd degree minsan umaasa pa dun sa nag abroad. ending tuloy walang naiipon para sa sarili for retirement.

and also yung ugali na para bang hindi nahihiya humingi ng pera sa kamag anak. parang pera ng isa pera ng buong angkan. and also yung ugali na masyadong sensitive.

jtansanco

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #226 on: December 17, 2015, 05:13:41 am »
I hate Filipino time because I'm a punctual guy and I don't like it when Filipinos are not direct to the point.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #227 on: December 20, 2015, 09:49:08 pm »
dahil pasko ngayon gusto ko lang banggitin na ugali ng ibang pinoy masyado kung maghingi sa mga ninong at ninang kahit malalaki na ang mga bata. Yung bang naalala lang ang mga ninong at ninang kapag pasko. kapag hindi pasko mabuti kung makaalala karin kumustahin man lang.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #228 on: December 21, 2015, 01:52:53 am »
^True to sis, yung inaanak ko na 11yrs old na iniiwasan ako pagmagkakasalubong kami pag-ordinary days. Yung tipong tatawid sa kabilang kalsada pagmakita na magkakasalubong kami or iiwas ng tingin, kunwari di ako nakita. Pero pagPasko pupunta pa sa bahay namin at magmamano sa kin, hindi aalis hanggat hindi naabutan ng Pamasko. Kaasar lang mga ganitong bata. Nakakawalang-gana bigyan

FayeP

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #229 on: December 24, 2015, 02:55:41 am »
-truth un utang na loob at un pagiging pala-asa sa mga nasa abroad o sa kun sino man ang nakakaluwag...ayoko din nun kunyari may kamag-anak from the province tapos titira sa min ng ilang linggo hanggang sa maging ilang taon...


Miss Taken

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #230 on: December 24, 2015, 04:25:50 am »
*repost since my previous message here got deleted

Too sensitive/emotional. Kahit na pagsabihan mo in a nice way, daming Pinoy na hindi matanggap yung pagkakamali nila at most of the time, insensitive at walang puso agad yung tingin sayo.

Yung mga umaasa sa kamag anak na may work lalo na pag nasa abroad. Nakakainis na dati hindi ka naman pinapansin pero ayun mga biglang magsusulputan at feeling ata eh obligasyon mo rin na buhayin sila. Tsk tsk.

Pagdating ng Christmas, yung mga parents ng inaanak mo sure na nakaabang na kung anong ibibigay na gifts ;D Yung tipong wala kang kawala kasi pupunta pa talaga sa bahay niyo.

red_yesha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #231 on: December 24, 2015, 03:41:58 pm »
Tipong dito sa Pinas parang required magbigay every Christmas sa mga inaanak. Kapag di ka nagbigay sabihan ka pa ng madamot, kapag maliit na halaga naman sabihan ka ng kuripot. Hay buhay

crzysxycl

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #232 on: December 24, 2015, 04:40:30 pm »
Yung matinding INGGIT. Dito ako pikon na pikon. Pag nalaman nilang may achievement ka or may magandang nangyari sayo, imbes na matuwa sila for you, kung ano ano pa maririnig mo. In short, feeling nila mas mataas ka sa kanila at ayaw nila ng ganon. Hindi ka naman nakikipag kumpitensya pero sadyang ganon lang sila. Pag ang tao inggit sayo, asahan mo walang magandang sasabihin tungkol sayo. Ang nakakalungkot, eh minsan kamag anak mo pa yung mga taong ganito.

Relate ako sa mga inaanak na ang lalaki na namamasko pa rin. Tapos pag pasko ka lang nila kilala. Hubby ko may mga inaanak na 3rd yr or 4th yr highschool na pero never umabsent yun pag pasko. ;D

xtine

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #233 on: December 24, 2015, 04:53:18 pm »
There's this one thing that I hate about the Filipinos, I am not sure how you call it pero I want to share what happened to me:

After paying for my clothes (buy one take one for PHP500) using EPS debit card, I asked the sales lady if they validate parking ticket kasi sayang if free yung parking (it was my first time in SM bicutan and sayang if parking is free).  Then I saw this lady looking at me with a smirk, then started speaking in English, asking her friend on the dressing room if she wanted to try more clothes.  I was dressed simply (shorts and a blouse with my old ratty rubi shoes), then when I passed by next to her, inangat nya yung dress just to pretend to hit me.  I am not sure what happened but I think she was mad over something.  I did not do anything to her, I just paid for my clothes and asked for parking validation without any distinctive tone.

This is one scenario that most of the time happens.  In Singapore and some upscale malls here in PH, it rarely happens to me.  That's how I describe what I normally see in other Filipinas, I just don't know what it's called.  Seems like some people doesn't want to be outdone even if you're not doing or bragging anything. 

It seriously irks me when somebody's being palaban without any reason.  Other nationalities that I came across with aren't trying to compete with other people for vague reasons.
« Last Edit: December 24, 2015, 04:55:28 pm by xtine »

Vans

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #234 on: December 24, 2015, 06:25:14 pm »
^daming bully sa paligid. Nangyari ito sa amin ng friend ko sa restroom ng Glorietta, nag kwekwentuhan tas tawanan, initially kami lang dalawa nun, tas may pumasok na dalawang babae, habang nagpapatuyo na kami ng kamay (syempre kwentuhan pa rin). Then unang lumabas friend ko, tas nun pasara na yung pinto, narinig ko yun dalawa ginagaya kami, nainis siguro dun sa tawanan namin nun pumasok sila.

Bumalik ako ang hinanap ko yun cubicle tas hinampas ko ng malakas, tas hinintay ko kung lalabas, di naman lumabas.

Minsan may mga tao kasi akala nila na pwede nilang i-bully ang sinong tinging nilang easy targets

sarsingkit

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #235 on: December 25, 2015, 12:15:48 am »
Irresponsible Internet Users. I know may mga ibang nationalities din na gullible pagdating sa internet pero parang mas madami sa pinoy. My gulay. Filipinos can really break the Internet.


red_yesha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #236 on: December 25, 2015, 04:13:52 am »
^kainis noh? Lalo na yung mga comment.. super ang pagkasensitive. Patola pa.Malalakas loob kasi over the internet lang. Pag sa personal tikom.

rhumbafrapp

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #237 on: December 25, 2015, 08:38:42 am »
Palautang/palahingi- personally, ako ayaw ko umuutang and nagpapautang unless emergency and life threatening situation no. .madami kasi galit pag sinigil mo, di marunong kusa ibalik. Sasabihin sayo sa 15, sa 30 or susunod pang 15 isosoli. Kung makahingi as if naman obliged ka mag about.

Balat sibuyas

Mahilig makipagtalo-lalo with social media, sus. Akala ng iba ok lang mag rant and comment ng masakit, nakakasakit na sila di pa tumitigil :( yun iba classless na, walang ka breeding breeding. Sorry but true, based on my observations LAng po

Makapal mukha-case in point, neighbors namin. Walang consideration sa kapwa. Ginawa ng extension ng bahay nila ang street. To do park pa sa tapat ng gate namin.

Walang kusa- gusto pagbabago sa Pinas, Pero sarili di muna baguhin.


megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #238 on: December 25, 2015, 05:04:22 pm »
Yup, speaking about pakikipagtalunan, ang pinakamasahol na offendera ay iyung karamihan sa mga miyembro (active members btw) ng Filipino Freethinkers na FB group. Nakakahiya.

pandalicious

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #239 on: December 25, 2015, 10:30:28 pm »
Palaging feeling victim pero numero unong racist namin. Pag may nasabing hindi maganda ibang lahi re pinoys/pinas, wagas maka-react kala mo aping-api pero kung maka-namecall sa ibang lahi feeling superior sa buong mundo ::)

Kuyog mentality- dami sa twitter lalo na these past few days against ms. universe contestants na di masyado feel si pia. Ang daming hindi gracious winners ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close