Matagal po ba talaga mag move on ang mga lalake?
Kasi I have this ex na 6 years ago na yung rel nami. Both of us are already married pero walang kids. Tapos, ganun sya, pasulpot sulpot. I have already cut our all our communication channels nung naghiwalay kame, fb, ym, changed my mobile no. Pero yun nga, palage sya gagawa ng bagong FB para makamusta ako. Then, 1 year ago, pinayuhan ko sya na mag start na sya ng family nya, na gumawa na sila ng kids ng misis nya para maiba na focus nya. So ngayon, nag start ulit 3 weeks ago. New FB na naman, may message na naman ako galing sa kanya. He is always like that, aya ng aya to see me, pero ako naman palage din tanggi ng tanggi hindi na sya nagsawa na alam naman nya ang isasagot ko na i rereject ko ang pang aaya nya. Tapos, alam pa nya na I'm into photography ngayon. Nagulat ako na alam nya na Im into photography. So alam nya yung mga pinosts ko na mga photos sa mga sinalihan ko. Then, merong photowalk yung brand ng SLR ko which sabe nya sama sya saken, sabi ko di pede kasi iba ang brand ng SLR nya. That was 3 weeks ago, ni block ko yung FB na ginamit nya. NGayon eto na naman, new FB, told me na binenta nya SLR nya, bumili sya ng SLR brand ko at nag litanya ng "nagpalit na ko ng brand makasama lang kita".
Naiisip ko tuloy baka di pa to naka move on, totoo po ba? Wala kame closure nun. I just found out na his parents made him date a girl with the same religion. Nung nalaman ko, I immediately cut all our communication channels. So ni Ha ni Ho, bigla akong nawala sa sistema nya. He tried to reach out pero yun nga iniwasan ko ng iniwasan until nakapangasawa na ko and yun nalaman ko na lang din na nakapangasawa na din pala sya yung girl na ni date nya.
So ngayon, di ko pa ulit ni block yung bagong FB na gamit nya. Naka lock naman FB ko, so yung message lang ang nagagawa nya.