^ Sorry, sis ka ba or bro? haha.
OnT: Yes, 21 palang siya. Dito siya work sa Manila at malayo siya sa family nya. Minimum wage lang ang natatanggap niya and IDK if she was able to help her family. Akala ko nga mag-aaral siya sa Tesda but then nagbago nanaman ang isip. After 2 years daw, after matapos ang contract nya sa work, babalik na siya dun sa kanila. Dun nalang daw siya magtatambay. Sabi ko, baket magtatambay? Baket hindi mo nalang tapusin ang HS mo? Ayun, Umo-o nalang siya. Para naman sa kinabukasan niya yun. Bahala na siya kung gagawin nya yun o hindi.
Hindi ko nga alam kung ano nasa isip nitong friend ko. Pero tutal, 7 years din ang age gap namin dalawa, I tried to gave some advices to her lalo na malayo siya sa family nya. Hindi ko totally siya close friend, nakwekwentuhan lang nya ako kapag may prob siya esp with her bf. Nabanggit nya na gusto na nya magka baby kasi natatakot siya iwan nung guy. Ang dating nga sakin, "Pikutin" nya. Pero I'm not sure kung pikot ba yun or not. Kasi siya pa noon na nagyaya dun sa guy na magsama sila, pero hindi pumayag si guy. Tapos nung pumayag na yung guy, siya naman ang hindi.
Napagalitan ko pa nga kasi nga sabi nya kaya gusto nya magka baby kasi kung sakaling iwan siya nung guy at magka baby na sila, uuwi na siya sa province para daw may ala-ala siya dun sa guy. Possibly, gagamitin rin nya yung baby para hindi siya iwan. Parang siguro pa-AWA effect nya lang yon. WTH diba? Wala na siyang self-respect sa sarili nya. Sabi ko, mag-isip-isip siya hindi lang isa kung di maraming beses.
Ngayon ang status nila, cool-off parin ATA. Wala rin akong balita kung okay na sila or totally gumive-up na yung guy. Dati rati kasi sa FB, kapag monthsary nila, todo post ng status yan sa FB thanking her bf ... ngayon, wala na.
Etong guy naman, based on my observation sa online lang huh. Hindi siya yung taong marunong maka appreciate. I mean, like kunwari tinag na siya nung friend ko dun sa status nya (yung sweet and thank you messages), hindi niya magawang mag comment kahit "Thanks" or i-like man lang. I mean, common isang CLICK lang naman, baket hindi magawa? Show some appreciation naman. Kasi dun sa mga pinsan at kapatid naman niya, nagagawa nyang i-like yung stats and even photos, pero sa gf nya... mabibilang mo lang talaga. Ewan ko pero naaawa talaga ako sa friend ko na ito.
Hindi na ako magugulat na one day hahabulin or magmamakaawa siya dun sa guy na yun. Maybe because FIRST BF na sineryoso nya daw at malamang yung guy ang nakadevirginized. >_<