^ alam mo sis, inis na talaga ako eh. nagtimpi lang ako. kachat ko kasi yang sis-inlaw ni ex. paano sinabihan kasi ako na "
seryoso mo naman. joke nga lang yon" naku, kung pwede ko lang talaga diretsahin sa kanya na "
Ate! hindi ako t@nga! nagegets ko naman yung sinasabi mo."
Inamin naman nya na nagkakalabuan talaga yung magjowa, at hindi nya alam yung reason. (Which I doubt kasi alam ko chismosa yan talaga) Tapos babanggitin nya "
dahil sau" nung umpisa. Grabe, sino ba namang di maiinis at masasaktan don diba?
Nasabi ko nalang sa kanya "
Hindi po kasi magandang JOKE yun."
Sabi nya lang "
maaaus din nila yan. ok fine. sensya na tao lang" tapos ang sinabi ko nalang... "
Oo, ayusin nila dapat yan. Ok lang. Seryoso mo naman po hahaha" binanatan ko nalang ng ganyan.

para kasing dinidiin nya na ako yung cause nung "labuan" stage ni ex at ng gf niya. Siya kasi yung adviser nung girl. Close naman din kami nyan noon ng sis-in-law ni ex. Actually, siya rin yung adviser ko nung kame pa hahaha. Aminin ko, wala namang 3rd party involved nung nagbreak kami ni ex. Kasalanan ko naman na iniwan ko siya eh and it's been 4 years na! My goodness!
Eh sa una pa lang naman etong girl na ang me issue eh. I am not sure sis if nabasa mo yung previous posts ko pero etong si gf ni ex, siya pa mismo ang nag PM sakin last month if "
mahal ko pa ba si ____" (using my ex's FB account) then i told her na kung pwede ba i-PM nya ako using her real account, hindi kasi maganda tignan na dun pa mismo sa FB account ni ex siya mag memessage ng ganon. So, mabait naman si girl, she added me sa FB (kinonfirm ko naman din yung fb request nya) tapos nag PM siya... sinabi nya na na "
kasi mahal ka pa niya" "ikaw parin ang mahal nya" "happy ako para sayo kasi ikaw ang mahal nya"
Ewan ko ha, pero kasi syempre gf siya ng ex ko. Baket nya kelangan sabihin yan sa akin?!
Hindi ba dapat siya ang sisihin? Kasi siya ang gumagawa ng issue. Badturrrp hahaha! Ewan ko sis ha, pero napansin ko talaga na insecure si girl sa akin. Deadma ko lang. Kame naman ni ex, wala na yun, friends kame. Pero si girl lang talaga ang may problem. Well, maybe because of the things she said to me last time. Baka hurt lang siguro talaga siya, maybe she can't accept the fact na parang
REBOUND siya. Ayoko namang maging assumera, pero baka nga
AKO PARIN TALAGA MAHAL Ni EX. Ano magagawa ko dun kung ako parin talaga?

For me, out na ako dyan. Ewan ko ba kung ano ba dapat kong gawin, iUNFRIEND ko na ba tong girl na ito?
Sorry kung napahaba ang rants lols